Chapter 2

1488 Words
Chapter 2: Prospects   “OH, Ikaw pala.” Masayang sinalubong ni Laida ang kanyang anak na si Ian. Nang tangkahin ng kanyang Mommy na bitbitin ang kanyang mga ecobag na hawak ay inilag niya ito. “Ako na. Bakit ko naman pabubuhatin ng mabigat ang pinakagamandang babae sa buhay ko.” Inakbayan naman ni Ian si Laida at hinalikan sa kanyang buhok.   “Ikaw talaga taga-gilberts. Bolera ka talaga” Inalalayan naman ni Ian si Laida na umupo sa bench. “Kumusta naman ang buong linggo ng dyosa ko?” Kinilig naman si Laida at napatakip sa kanyang bibig. “Okay na Okay. Kaso wala na iyong drama na sinusubaybayan ko. Iyong ‘Crash Landing on You’. Mamimiss ko si Captain Ri” Hindi naman napigilan ni Ian ang mapatawa nang dahil sa pinahayag ng kanyang Ina. “Good Morning Sir, dadalhin ko na po ba ito sa room ni Mommy Laida?” lumapit naman sa kanya ang isang lalakeng nurse na in-charge sa kanyang Mommy. Tinanguan lang naman ni Ian ito . “Manood ka na ulit ng iba. Ako naman nag-babayad sa month ng Netflix mo” saad naman ni Ian. “Oo nanonood ako ulit ng bago” Nang makita ni Ian ang maliit na basket ng orange na nalapag lamang sa lamesa ng bench ay nagbalat ito ng isang piraso at ibinigay niya ito kay Laida. Habang ngumunguya si Laida at nakamsid lamang si Ian sa kanya. Ian was just 16 years old when his Mother was diagnosed with Alzheimer’s. At ito ang pinakamasakit na nangyari sa kanya—ang hindi na siya maalala ng kanyang sariling Ina. Matagal na ring namalagi ang kanyang Mommy dito mismo sa home for the agents. Naisipan niyang ilipat noon dito ang kanyang Mommy dahil mas masaya siya rito. Hindi na rin siya naasikaso ng kanyang Daddy at maging ang kanyang kapatid. Sa ngayon ay parang siya na lamang ang nakakaalalang bisitahin ito. “BInili kita ng poster ni Ri Jeong Hyeok. Alam kong crush na crush mo siya” Kinuha naman ni Ian ang isang paper bag na naglalaman ng mga posters na ipinagawa niya. Nang inalis niya ang goma na nakatali sa poster na nai-roll ay unti-unting gumuhit ang ngiti ni Laida nang makita niya ang larawan ng kanyang iniidolong koreano doon. “Captain Ri!” galak na saad nito at inagaw pa kay Ian ang poster. “Sana ako rin, naalala niyo pa” Napabulong naman si Ian sa kanyang sarili. But seeing her mother smile is already enough to him. *** “ITO na po ang design para sa expansion ng palasyo ninyo” Napakunot noo naman si Noelle na napatingin sa Projector. Bago pa man maubos ang pasensya ni Noelle ay nagtapang ang Architect na naatasang mag-plano sa disenyo ng expansion sa bahay ni Noelle. Kanina ay nababalot sila ng katahimik dito sa Conferrence Hall ng mansion ni Noelle. “I like it. It’s refreshing” Parang nabunutan naman ng tinik sa dibdib si ang Architect na nagprepresent ng design sa mansion ni Noelle. Parang katulad na rin ng isang palasyo ang bahay ni Noelle dahil sa hilig nito na mag-expand at i-renovate ang ibang parte nito. Malawak ang lupa na kinatatayuan ng mansion ni Noelle. Dahil mayaman naman sila at spoiled siya sa kanyang Lolo ay lahat ng hinihingi nito ay binibigay niya. “What about my own museum?” Nataranta naman ang Architect na ilipat ang slide ng presentation upang ibigay kaagad ang hinihingi ni Noelle. He is aware of Noelle’s temper. “Your Museum will look like this. Inspired noong Renaissance period.” A thin line formed from Noelle’s lips. Medyo nagugustohan niya ang mga idea na ipinapakita sa kanya. “Then we will start the bidding right away” Tumayo naman si Noelle. “We have list of Construction Companies na naka-line up para sa Bidding.” Sumunod naman si Saber sa kanya na palabas na ng silid at may hawak na folder at ipapakita sana niya ito kay Noelle ngunit tinabig ni Noelle ang kamay nito. “Just prepare everything. I’ll attend the bidding. “ “Okay Ma’am. I’ll just remind you, invited po kayo sa part ni Miss Ciarra. Kapatid po ni Mr. Buenavista” Napatigil naman si Noelle sa ipinakita ni Saber sa kanya. “Hmm. I like this one” Napangiti naman si Noelle. Because the theme is Royalty and she thinks of herself as one, ay napupusuan niya ang mga ganitong bagay. “I’d like a sexy royalty dress for that event. Make sure to prepare my most expensive gloves. “ “Okay Ma’am” “Oo nga pala, sinesante mo ba ‘yong bagong kasambahay na iba ang biniling brand na dried mangoes? Isabay mo na rin iyong guwardiya sa gate, nakita kong humatsing siya kanina. “ “Nag-resign na po silang dalawa sa akin” Parang nag-dalawang isip naman si Saber na sabihin ito kay Noelle. “Good. Dapat lang na umalis ang mga hindi marunogng sumunod sa mga gusto ko” Tass-noo’ng saad naman ni Noelle at nagmartsang tuluyan upang makaalis sa harapan ni Saber. Napailing-iling na lamang si Saber habang pinagmamasdan ang kanyang amo na papalakad palayo. “Parang Job Fair lagi ang mansion na ito. Laging may recruit” Napatingin pa nga si Saber sa mga folders na hawak niya na naglalaman ng mga bagong resumes mula sa mga applicants. *** “Miss Noelle, nasa labas po sila Mr. Robin at ang pinsan niyo pong si Harlet” Habang ineenjoy ni Noelle ang kanyang tsaa ay pumasok ng silid si Dorothy. “Huwag mong papasukin” “Pero nagpupumilit pong pumasok—“ Nakarinig naman si Noelle ng pagbukas muli ng kanyang pintoan. Nakita naman niya ang kanyag tiyo na si Robin. Inilapag naman ni Noelle ang kanyang hawak na tsaa. Panigurado ay magbabangayan na naman silang dalawa. “Ikaw ba ang nagkumbinsi kay Dad na huwag isali si Harlet sa Ballet competition ngayong taon?” Napansin ni Noelle ang galit sa boses nito. Nang lumingon siya kay robin ay inilabas niya ang kanyang metro o ang lagi niyang dala-dalang retractable measuring tape. Hinatak nito ang tape ng hanggang sa isang metro at itinutok niya ito sa harapan ni Robin kaya napatigil ito sa paglalakad. “Stay one meter away from me” Nagdilim kaagad ang aura ni Noelle kaya maski si Dorothy ay natahimik. “Grabe. Napakamaldita mo talaga” Napailing-iling na lamang si Robin. Bakas pa rin ang frustration sa kanyang mukha. Robin and River are Noelle’s mortal enemy. Bata pa lamang siya ay napakalaki na ng galit niay sa kanila. Maski sa ibang kamag-anak nila o sa mga pinsan nila. Syempre damay na rin ang mga asawa nila Robin at River. Noelle thinks it’s vice versa. Dahil paborito siya ng kaniyang Lolo at madalas mas pinapakinggan siya nito. “Nandaya ang anak mo, Robin at hindi ko na kasalanan kung hindi iyon pinalampas ng Administrator. Get out of my house” galit na saad naman ni Noelle. Hindi na nag-abala pang sumagot si Robin at tuluyang umalis ng study room ni Noelle. “Itapon mo na itong tea. Hindi ko na iinomin ‘yan!” nataranta naman si Dorothy nang mapasigaw si Noelle. Kaagad niyang kinuha ang tsaa nito at dali-daling lumabas ng silid. The best way to do when Noelle is mad is to leave her. Mula noong namatay ang mag magulang ni Noelle ay hindi na niya pinagkatiwalan ang mga kapatid ng kanyang Daddy. She didn’t want to trust somebody again, maliban na lamang sa kanyang Lolo. “Noelle” It was Saber’s voice. Kaya hindi na niya ito nilingon. “Sa tingin ko ay tama na ang ginagawa mong pagpapahirap sa kanila. “ Napakuyom naman ang palad ni Noelle at bumaling kay Saber. “Bakit? Kapag ititigil ko ba, maibabalik ang buhay ng mga magulang ko? No! I need to see them suffer for lifetime. Hinding-hindi ko babawasan ang galit na nararamdaman ko sa kanila!” “We are not sure of anything. Ilang taon ka na naghahanap ng rason o ebidensya na may kinalaman sila sa pagkamatay ng Daddy mo, pero wala na tayong nahanap. Maybe it’s about time you let go that hatred” Noelle shook her head as she disagreed to what Saber said. “What is so wrong with this hatred? This anger is what makes me strong” turo naman niya sa kanyang dibdib. “That hatred is making you lonely.” Napabunting-hininga naman si Saber.   “My heart has been lonely for a long time and I always long for the feeling of being alone. I forgot the feeling of trusting someone” Napaigting ang panga ni Noelle. “You don’t have to trust me. I do my job because that is what I am supposed to do” Sabe finally gave up on talking with her. In the end, iniwan niya rin ito sa silid. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD