Chapter 1: First Encounter
NOELLE would never think that one accident can take away her parent’s lives. Hindi niya lubos inakala na sa isang iglap ay mawawala ang buhay na masaya kasama ang kanyang mga magulang. She was about to celebrate her graduation in Elementary but then, a car accident happened and she was the sole survivor.
Lalong lumakas ang pag-iyak ni Noelle nang makita niyang ibinababa na nila ang kabaong ng kanyang mga magulang. Nasa tabi niya ang kanyang Lolo na umiiyak din kanina pa.
She wanted to blame herself. Sana hindi na lang siya nabuhay, sana namatay na lang din siya kasama ng mga magulang niya. Now she is all alone. Hindi na niya makikita ang ngiti ng kanyang Mommy and hindi na niya mariirnig ang pagtawa ng kanyang Daddy.
“Noelle” pumaharap naman sa kanya si Robin, ang kapatid ng kanyang Daddy sa ama.
“From now on, we will take care of you” Napansin ni Noelle ang malungkot nitong mukha.
“Yes. We are your family too” linapitan din siya ng asawa nitong si Lina. Isang mestisang babae na puno ng burloloy sa katawan.
Napatitig lamang si Noelle sa mukha ng mag-asawa’ng ito. Napansin ni Noelle ang bibig ni Robin na para bang nagiging-straight ito. Nakita niya rin ang labi ni Lina na parang may pinipigilan ito.
When she tried to lock her eyes on them, she couldn’t. Dahil malikot ang kanilang mga mata at mistulang wala na ring luhang lumalabas dito.
‘Liar.’
Umatras ng umatras si Noelle mula sa kanila. Sa likod ng dalawang mag-asawa ay nakita niya rin si River, ang bunsong kapatid nila. Medyo may kabataan pa ito ngunit nakapag-asawa na rin siya.
Noelle was sure that it wasn’t her illusions that she is seeing. She is seeing a hidden smile beneath these faces. Ang mga mukhang ito ang pinagkatiwalaan ng kanyang mga magulang ng mahabang panahon. Paanong hindi niya makita ang tunay na pag-luluksa nila?
“Stay away from me!” Napasigaw si Noelle at tinakpan ang kanyang mga tenga. Dahil parang nawawala na siya sa sarili ay hindi na niya namalayaan ang kanyang ginagawa. Dahil masyado siyang napaatras, ay napaupo ito sa kaputikan.
Tumingala ito sa langit. It was raining very hard. She didn’t even notice it. Napakabigat ng mga ulap at parang galit ito. Somehow, her heart and the clouds feels the same way.
Lalo pa siyang napaiyak nang makita niya ang mga dumi sa kanyang katawan. She should be screaming for his Mom to come. Pero wala nang lalapit sa kanya. His Dad was supposed to be here to help her stand up. Ngunit wala na ang dalawang taong inaasahan niyang magliligtas sa kanya sa kahit anumang oras.
***
“DOROTHY! Cristy! Pearly!” Umalingaw-ngaw ang boses ni Noelle sa buong mansion. Tumakbo kaagad ang tatlong kasambahay ni Noelle na lagi niyang kasama papunta sa kanyang silid.
“Miss Noelle!” hinihingal na saad ni Dorothy nang makapasok ito sa kanyang silid.
“Bakit iba ang brand ng dried mangoes na binili ninyo? I don’t like this one!” iritang sabi naman ni Noelle.
“Miss Noelle, brand lang naman po ang iba. Pare-parehas lang po ang lasa niyan” Napayukong saad naman ni Pearly.
“Nasaan ang kasambahay na bumili nito?” Tanong naman ni Noelle.
“Ma’am” Napalingon ang tatlo sa isang babaeng pumasok ng silid.
“Wala na po kasi akong mahanap na katulad ng brand na pinapahanap ninyo.” Bakas naman ang takot sa boses ng babaeng kakapasok pa lang ng silid.
Parang nakakatakot ang lagapak ng heels ni Noelle habang papalapit ito sa kanya
“Kapag may mahanap akong kaparehas sa brand na pinapabili ko, sesesantihin kita agad-agad” pagbabanta naman ni Noelle dito.
Nang makaalis si Noelle ng silid niya at napasapo sa kanyang dibdib ang isang kasambahay na mukhang bagohan pa rito.
“Nako. Diyos ko, Gina. Lagot ka na kay Miss Noelle” parang naiiyak naman si Cristy.
“Okay lang. Mag-eempake na lang ako” Bagsak ang balikat nitong umalis ng silid.
Dali-dali namang inayos ni Cristy at Pearly ang mga nakakalat na dried mangoes sa sahig.
Si Dorothy, Cristy at Pearly ang personal maid ni Noelle. Sila lamang ang nakapag-tagal na kasambahay dito sa mansion niya. Dorothy wears read uniform for maid, Si Cristy naman ay Yellow, at si Pearly naman ay Blue. Noelle thinks it’s easy to distinguish them when they use these colors. Binansagan ni Noelle ang tatlong personal maid niyang ito na ‘Dorothy and friends’.
“Miss Noelle will leave in 5 minutes. Dorothy, Ikaw na ang sumama” Napatingin naman silang tatlo kay Saber na kakapasok lamang ng silid.
Saber is Noelle’s Assistant in legal matters and in business. Kasa-kasama niya rin ito sa lahat ng lakad niya.
***
NANG makarating sa Mall si Noelle ay napansin niyang napapatingin ang mga taong nakakasalubong niya sa kanya. Dahil sa Floral Dress nitong hitsura pa lamang ay may kamahalan na, at kahit nakabalabal ito at naka-shades ay hindi maitatago ang kagandahang taglay nito. Well she looks like a celebrity kaya naman siguro nakaka-agaw siya ng atensyon.
“Miss Noelle, puwede naman po na ako na lang ang mag-hahanap.” Nag-alanganin pa si Dorothy na lumapit sa kanya.
“Ipapamukha ko sa maid na iyon na mayroong pa ring tinda rito at magkaiba ang lasa!” Nagmatigas naman si Noelle at tuloy-tuloy itong pumasok sa supermarket.
Habang tumitingin si Noelle sa mag shelves ay nag-spary ito ng kanyang pabango. Hindi pa rin niya maiwasan na maamoy ang mga nakaksalubong niya.
‘That smells like a fastfood..’ Napapikit si Noelle Nang maamoy niya ang isang babaeng may tulak-tulak na cart.
Kaagad siyang lumipat sa kabila dahil hindi na niya matiis ang amoy.
Napatakip naman si Noelle nang may dumating na lalakeng may hawak na basket at biglang tumighay.
‘Mang Inasal? Seriously!’ Lalo namang nainis ito at mabilis na lumipat sa ibang shelves at medyo nakalayo na siya doon.
Nang makarating siya sa shelves ng mga delata ay kaagad itong nag-spray ng kanyang pabango.
“Miss, baka naman puwedeng tama na ‘yan?” sita naman ng isang babaeng kagaya rin niya ay nag-shoshopping.
“Eh kung maligo ka nang maayos hindi na ako mag-sspray ng pabango ko” masungit naman si Noelle na sumagot sa babae. Napailing-iling na lang ang babae at umalis na rin ito kaagad.
“Miss Noelle!” Napalingon si Noelle nang marinig niya ang boses ni Dorothy.
“What took you so long!? Hindi mob a alam na ang dami ng pawis at baho ng ibang tao ang naamoy ko?” Bungad naman ni Noelle kay Dorothy.
Bigla namang nakarinig si Noelle ng isang mahinang pag-tawa. Nang lumingon ito sa kanyang likod ay napansin niyang may lalakeng nakatayo doon at may hawak na basket. Parang hindi niya namalayaan na may tao pala sa likoran niya.
“Why are you laughing!?” mataray na tanong ni Noelle sa kanya. Pero parang nagkunwari lamang ang lalake at tumingin na lamang sa mga rack ng canned milk.
“Hey you lowly man!” dahil palaban si Noelle at parang naiinsulto siya tuwing pinagtatawanan siya ay lumapit ito sa lalake. But she maintained a distance, since he is just a stranger.
“You should your place! Kung ako ang pinagtatawanan mo, prepare for consequences because—“
“Sorry. I don’t know you. I’m just doing what I am supposed to do here.. Shopping” itinaas naman ng lalake ang kanyang basket at nagkibit balikat pa ito.
“Miss Noelle, tara na po. Dala na po naming ang dried mangoes niyo” ang sabi naman ni Dorothy sa kanya.
***