Chapter 6.1

1369 Words
Chapter Six: Two Meters Away (Part 1)             NABULABOG ang lahat ng mga staffs na in-charge para sa photoshoot ni Harlet nang dumating si Noelle. Ang venue kasi ng photoshoot ay sa Tan Building. Nang malaman ni Noelle na tuloy na nga ang debut ni Harlet para sa pagiging ballerina at gustong gamitin ni Harlet ang image ng Tan Brothers upang mabilisan ang pagsikat ay hindi n’ya ito ginusto. As far as Noelle is concerned, she is the image of Tan Brothers and she has the control equivalent to her father. Sa madaling salita, hindi ito mangyayari kung walang pahintulot ni Noelle.               “Noelle!” Ngumiti naman si Harlet nang sinalubong n’ya ito ngunit humarang si Saber dahil mayro’n yatang balak na yumakap ito. Noelle knows it was just for a show. Na kunwari ay si Harlet ang inaapi n’ya. Magaling na actress si Harlet, madali n’yang nakuha ang sympathy ng mga tao sa kumpanya nila. She was able to turn Noelle as the local enemy number one.               “Who told you that you can have your photoshoot here? Alisin mo lahat ng mga gamit n’yo at paalisin n’yo lahat ng staffs ninyo ngayon din!” Napasigaw si Noelle at lahat ng mga tao sa venue ay napatingin sa kanya. Narinig n’ya ang mga bulongan tungkol sa kanya. Hindi rin nakaligtas ang mga pag-irap ng mga tao sa kanya. But Harlet just smiled and faked her politeness.               “Noelle naman…” Kunwari ay nagpaawa pa ito. Pumaharapa si Noelle kay Saber. Nandilim lalo ang tingin ni Noelle kay Harlet nang kunwari ay naluluha pa ito.               “Huwag kang umiyak sa harapan ko dahil alam nating dalawa na pinepeke mo lang ‘yan. Umalis ka rito at isama mo ang mga magulang mong magnanakaw at mamatay tao!”               A thin line formed from Harlet’s lips. Napakunot ang noo ni Noelle dahil dito.               “Bakit ba Noelle? Hindi mo pa ba tanggap na wala naman kayong lugar ng mga magulang mo rito?”               Hindi na nakapag-pigil si Noelle at nasampal n’ya si Harlet. May mga staffs naman si Harlet na lumapit kaagad sa kanya. Lahat ng tao sa loob ay napakasama na ng tingin sa kanya.               “Okay lang ako. Hindi ito sinasadya ni Noelle.”               Tumalikod na lang si Noelle dahil lalo lamang s’yang naiinis kapag nakikita n’ya ang kapekehan ni Harlet.               “What’s happening here?” Nagtama naman ang paningin ni Noelle at ni River nang makapasok si River dito. Hindi naman n’ya aasahang makikita n’ya ito. Si River lang naman ang walang interest sa negosyo noong nabubuhay pa ang kanyang Daddy. But after that, River gained a position in here.               “Tito! I missed you!” Tumakbo naman si Harlet at nilagpasan si Noelle upang yumakap kay River. Tuwang-tuwa naman si River na makita ang kanyang pamangkin.               They are such a happy family. Lahat naman sila magkakasunod, It’s just Noelle who distanced herself dahil wala s’yang tiwala sa mga tao’ng ito. She still believes her hunch that these guys may have something to do with the death of her parents.               “You can proceed to your photoshoot, sige na.”               Napakuyom ang palad ni Noelle dahil sumunod silang lahat kay River. Para s’yang pader at dinedma ng lahat.               Si Robin ang CEO ng Board of Directors sa kasalukuyan at dikit si River sa kanya. Ang Daddy ni Noelle ang CEO noon ngunit si Robin na ang pumalit dahil wala pa sa kakayahan si Noelle maging CEO.               Napapansin naman ni Noelle na mukhang wala nang balak si Robin ibigay ang posisyon n’ya sa kanya.               Kung wala ang kanyang Lolo baka matagal na s’yang inabandona ng pamilyang ‘yang ito.   ***             NATAPOS na kahapon ang ginagawa nila na pagbubungkal ng lupa. Dalawang tractor ang kinailangan upang tapusin ang trabahong iyon. Ngayon naman ay abala ang mga trabahador sa pagbubungkal ng lupa para sa mga poste and there are holes everywhere.               “Binalewala n’ya ako dahil sa ‘yo…” Napangiti na lang si Ian habang tumutulong na mag-pala ng mga lupa at ilagay sa kartilya.               Iyan si Diggie, ang kanilang foreman a.k.a ang singer ng grupo. Marami silang singer pero si Digger siguro ang pinakamagaling. May dala-dala itong radio at sasabay s’ya sa mga kanta na naipapatugtog doon. Ito naman ang nagsisilbing libangan nilang mga construction workers habang nagtratrabaho sa ilalim ng matirik na araw.               “Gusto ko na mag-yosi. Ang hirap magtrabaho ‘pag walang yosi.” Nakapamaywang na saad naman ni Amang, isang trabahador.               “Kapag nag-yosi ka, wala na tayong trabaho…” sita naman sa kanya ng kasamahan n’yang si Erwin na dala ang isa pang kartilya na lalagyan ng mga nabungkal na lupa para sa butas na pagtatayuan nila ng poste.               “Sagot ko na ang tig-iisang kaha ng yosi ninyo, pero huwag dito,” sumali naman sa usapan si Ian nang mapuno n’ya ang  kartilya ng lupa.               “Salamat Sir Ian. Napakabait n’yo talaga” masayang sabi naman ni Erwin.               “Hindi na rin naman tayo talo dahil mataas ang daily na binibigay ni Miss Tan. Doble pa nga.” Napatango-tango naman si Amang.               “At saka napaka-ganda ni Miss Noelle. Parang reyna talaga. Masungit nga lang” dag-dag pa ni Amang.               “Ang iksi ng pasensya. Ang sarap ubusin,” napahalak-hak naman si Ian. Hindi naman lingid sa kaalaman ng kasamahan ni Ian na nagiging ugali na ni Ian ang pang-aasar kay Noelle tuwing bibisita ito rito. Nakikitawa na rin sila tuwing naiinis si Noelle kay Ian. Iyon na lang ang pambawi sa pagsusungit ni Noelle sa kanila.               “Kumusta ka na d’yan Mitabi? Okay na ba ‘yan?” Sumigaw naman sa baba si Ian upang kamustahin ang kasamahan n’yang nagbubungkal ng lupa sa mga malalaking butas.               “ Malapit na  rito, Sir” sagot naman sa kanya ni Mitabi.               Tumalon naman si Ian upang makababa. Maigi n’yang sinuri ang butas para sa concrete foundation ng mansion.               “Magpahinga ka muna pagkatapos mo rito, pagod ka na” ani naman ni Ian sa kanya.               “Oh—oh Naku! Miss Noelle!” Napa-angat ng tingin si Ian nang bigla s’yang makarinig ng sigawan sa itaas. Sakto namang mahuhulog na si Noelle nang tumingin s’ya sa itaas. Hindi naman puwedeng hayaan lamang n’ya na mahulog ito lalo na’t may oras pa s’yang salauhin ito.               Noelle had no choice but to wrap her hands around Ian’s neck. Nabuhat naman s’ya ni Ian sa kanyang baywang kaya hindi s’ya na hulog sa lupa.               “Nakakagulat ka naman, Kamahalan. Bigla-bigla ka na lang bumabagsak sa akin.” Napansin naman ni Ian ang panginginig ng mga paa at kamay ni Noelle. Mukhang hindi n’ya napansin ang butas habang nagiinspeksyon.               “I hate you… I hate you.” Mariing napapikit si Noelle ang bumulong kay Ian.               “Eh ba’t ka nakayakap sa akin? Ayaw mo na akong pakawalan?” Napangisi ng todo si Ian. Noelle’s irritated voice is becoming music to his ears.               “Ayaw kong tumapak sa lupa. What if my uuod? Itaas mo na ako!” Hinampas ni Noelle ang likod ni Ian. Napatigil naman ito nang mapansin n’yang batak ang katawan ni Ian. Hindi naman na siguro iyon  nakakapagtaka dahil tumutulong ito sa mga trabahador niya, isa pa naka suot lamang si Ian ng manipis na itim na t-shirt at pantalon.               Itinaas nga siya ni Ian ngunit hindi naman n’ya kayang itaas ito sa ibaba mismo. Napasandal na ang dalawang kamay ni Noelle sa balikat ni Ian at napayuko s’ya sa kanya dahil mas mataas na si Noelle kaysa kay Ian ngayon.               “Hindi kita kaya itaas. Ang bigat mo…” bakas namang nahihirapan ang boses ni Ian.               Dahil parang nangiinsultosi Ian at hinampas n’ya ang balikat nito. Nanginginig naman ang mga binti ni Ian dahil gumalaw si Noelle. Kamuntikan na silang na-out balance kaya napayakap si Noelle sa kanyang ulo.               Natahimik si Ian nang dumikit sa kanyang mukha ang dibdib ni Noelle. Nag-init ang buong mukha ni Noelle nang maramdaman n’ya ang mukha ni Ian sa kanyang dibdib.               “Ahhhhhhhh!” Napakalakas nang pagsigaw ni Noelle at nabulabog n’ya halos ang buong compound.               Napatalikod na lamang si Saber dahil ayaw n’yang masaksihan ang nangyari sa kanyang amo.  Maghahanda na lang siguro s’ya sa mahabang sermon nito mamaya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD