Chapter 7.1

1508 Words
Chapter Seven: My Angkas Boss (Part 1)   NANG matanaw ng mga construction workers ang malaking payong na kulay pula ay kaagad nilang hinalungkat ang mga pabango sa kanilang bag at nag-spray sila sa kanilang katawan.   "Nand’yan na si Kamahalan!" Napasigaw ang foreman nila kaya naman naalarma lahat sila. Even the foreman fished out his body spray.   Dorothy, her personal maid went first at the site to check if the smell is okay. Pansamantalang itiginil muna nila ang paggawa ng semento. Maging ang tractor ang tumigil muna sa paghahakot ng mga bato.   Lahat sila ay napatingin sa babaeng naka suot ng longback red gown at agaw pansin ang red boots nito na may two inches na takong. Her hair is curled down to her waist. Perfect combination din ang kanyang makeup sa kanyang damit. There is a see-through mask on her face na may nakaburda pa ang rosas na pula. She's like a real princess.   Nakaka-good vibes nga naman makakita ng kagaya ni Noelle na bumisita sa site ngunit wala nang nakakapalag sa kasungitan nito… bukod kay Ian.   "I don't see any progress" mataray nitong saad kaya naman nanginig sa kaba ang foreman na humarap sa kanya.   "Hindi po kase kami makapag hakot ng diretso dahil panay bisita po kayo. Kaya natitigil po trabaho namin" Napayukong saad naman nito.   "At kasalanan ko pa talaga?" Nag-taas ng kilay naman si Noelle sa kanya.   "Hindi po. Kasalanan po namin. Dapat mas mabilis pa po kami."   "Kamahalan! Nand’yan ka pala," kaagad na tumaas ang dugo ni Noelle nang marinig niya ang pilyong boses na iyon.   Namataan naman niya si Ian na papalapit sa kanilang kinaroroonan habang nagpapagpag pa ito ng kanyang pantalon na maalikabok. Lalo pang nainis si Noelle dahil wala itong pang-itaas.   "Don't come here!" Napasigaw naman si Noelle at nag-panic. "Stay one meter away from me, You are full of germs!"   "Paano ako makikipag-usap sa 'yo?" nag-kibit balikat naman si Ian sa kanya.   Iniabot naman ni Dorothy ang cellphone sa kanya.   "Really?" Nagulat naman silang lahat nang mag-salita si Ian dito at nabulabog sila dahil sa lakas ng speaker na bitbit ni Pearly.   "Ayaw ko nito, maririnig nila ang usapan nating dalawa," lalo pang kumulo ang dugo ni Noelle nang ngumisi pa ito sa kanya.   "You should—“ naudlot ang sasabihin sana ni Noelle nang bigla nalang ibinalik ni Ian ang phone kay Dorothy at walang pasabing lumapit ito kay Noelle   "It’s not like you're gonna die of germs, Kamahalan?" Ihinarang ni Noelle ang kanyang kamay sa harapan ni Ian. For god's sake she can smell his sweat and he could almost touch him! Parang nanadya pa ito dahil alam niya kung gaano ito takot sa germs ng ibang tao.   Pero nangingibabaw pa rin ang pepper mint scent ni Ian. This smell really soothes her nose. It’s refreshing always.   "I need to protect myself from your germs because I am a Royalty and you Builder 1 should know your place!" taas noo'ng saad naman ni Noelle.   "Hey, Builder 2 take this germs away from me!" utos naman nito sa foreman na kausap niya kanina.   "Germs,? Really? So You call that 'thing' germs too?" Nanlaki ang mga mata ni Noelle nang maalala niya ang pinupunto ni Ian.   Lalo namang lumawak ang ngisi ni Ian nang makita niyang naging miserable ang mukha ni Noelle nang maalala niya ang gabing iyon.   Ian always use their kiss to tease her. Ito talaga ang number one enemy ni Noelle. Walang araw na nilubayan s’ya nito.   "Oo nga pala, Kailangan mong makita 'yong lupa kung saan mo gustong i-tayo 'yong sarili mong Museum. Let's Go."   "Ahh!" Napasigaw naman si Noelle nang bigla bigla siyang buhatin ni Ian ng sapilitan sa kanyang balikat. Nataranta naman si Saber ngunit wala naman s’yang kayang gawin kapag si Ian na ang umaatake kay Noelle. "Miss Noelle!" Napasigaw sila sa pag-aalala dahil halos mangiyak-iyak na si Noelle nang magkadikit ang katawan niya at ang katawan ni Ian na pawisan.   Sapilitan namang isinakay ni Ian si Noelle sa kanyang pick-up kahit na nagsisigaw pa ito.   "You dumb ass! Hindi mo ba alam! I can't be with you! Yuck! Your pawis!" Napahagulgol sa iyak si Noelle nang maamoy niya ang pawis ni Ian dahil nasa loob na sila ng sasakyan.   "Bakit? Mabango naman ako ah. You'll start to like it too, Kamahalan," tawang-tawang saad naman ni Ian at pinaandar naman ang sasakyan kahit nag-wawala na ito.   "We might be in the same car right now but we are different. I'm a Royalty and you are one world apart from me…”   “Saan banda? Paano? Bakit may isang mundong namamagitan sa atin?” Pinagtaasan naman ng kilay ni Ian si Noelle na ngayon ay nakahalukipkip sa harapan n’ya.   “Prinsesa ako, ano ka? ‘Di hamak na karpintero ka lang naman, Albayalde.” Ian was amazed as to how Noelle persistently defended her argument. Medyo mas masungit na ito nang mga nakaraang araw at talagang hindi na s’ya nagpapatalo. “Prinsesa ba kamo? Halika sa kuwarto ko, gagawin kitang dyosa…”   “What the f—“ Noelle might be out of her mind because of her frustration. Hinampas lang naman n’ya ang braso ni Ian. Dahil nakahawak si Ian sa manibela ay naka-flex ang muscles nito. May katigasan naman ito pero hindi naman kagaya ng mga body builders. Ang shape ng katawan ni Ian ay nahasa sa trabaho, hindi napilit kaya maganda ang kinalabasan. Mukhang natural lang.   “Puwede ka ring humawak sa baba kung gusto mo.” Ian winked at her. That was enough to make her blush. She looked away to avoid him.   ***   MALAWAK ang lupain na pagmamay-ari ni Noelle. Halos isang kilometro ang layo ng museum sa expansion ng mansion ni Noelle.   Nang maihinto ni Ian ang sasakyan ay kaagad na lumabas si Noelle. Padabog itog nag-martsa palayo kay Ian na kakababa lang sa sasakyan. Maraming matatayog na puno ang nakapalibot sa lupain ni Noelle, presko ang hangin at malakas kaya naman biglang natanggal ang suot na mask ni Noelle. Nang lumingon ito para pulitin ay napulot na ito ni Ian.   “Maalikabok doon, dito ka muna magmasid,” ani naman ni Ian at iniabot ang mask kay Noelle. Padabog namang tinanggap ni Noelle ang kanyang mask.   “Oh?” Naagad ng pansin ni Noelle ang isang swing na nakakabit sa puno ng acacia na malapit sa kinaroroonan niya.   Ngayon lang yata n’ya ito nakita. Ang upuan na nakakabit sa swing ay kulay puti at may arm rest, hindi kaya ng isang tipikal na duyan o swing. May sandalan din ito ng likod kaya puwede kang mag relax habang nag-swiswing.   Umupo si Noelle doon at sinubukan ang durability ng swing. Matibay nga at safe na safe.   “I made that for you…” Naudlot naman ang pagmumuni-muni ni Noelle nang lumapit na naman si Ian sa kanya. Hindi na naman ito sumunod sa isang metrong rule nito.   “Lagi kang nadidisgrasya sa site. Dumito ka na lang at manood,” dagdag pa nito.   Noelle admits she was glad that he came up with this. Pero hindi naman s’ya ang tipo ng tao na mag-thathank you at tatanaw ng utang na loob sa iba.   “Ano pa bang ginagawa mo? Magtrabaho ka na,” mataray na saad naman ni Noelle. Napahalakhak na lang nang mahina si Ian at dumiretso sa site.   Mula sa kinaroroonan ni Noelle ay napapanood naman n’ya ang paggalaw ng mga trabahador at the same time safe s’ya sa mga alikabok.   Mas mabilis ang usad ng Museum dahil hindi naman ito masyadong malawak. Ang mansion ni Noelle ay mas Malaki at engrande. Aminado naman si Noelle na mabilis magtrabaho ang Royal Builders. Strikto si Eugene at Ian, lalong-lalo na si Mina. Minsan ay nakikita n’yang brinibriefing n’ya ang mga tauhan n’ya. Ayaw na ayaw nila ang nagsasayang ng oras.   She smiled upon having the thought to see her museum in real. Ito ay matagal na niyang pangarap. Gusto n’yang magkaroon ng isnag museum na naglalaman ng memorabilia ng kanyang mga magulang.   “Ian… Ian… Ian… Ian…Ian..—Ahh!” Napasigaw at napailing-iling si Noelle nang makabalik s’ya sa ulirat.   She couldn’t belive of the words the keep coming out from her mouth. She is just staring for so long at Ian who is now busy working. Hindi pa rin kasi ito nagdadamit at patuloy na tumutulong sa pagbubuhat ng mga bricks.   “At bakit naman? Nararapat lang na kabisado ko ang pangalan ng kaaway ko. He is my enemy and I will have my revenge Huh!” She crossed her hands in front of her chest as she started talking to herself again.   Napapikit naman bigla ito. “Karpintero lang naman ‘yan. Hindi n’ya kaya ang powers ng katulad ko’ng maharlika.”   “Alin? Sino?”   Napamulat naman ito kaagad nang marinig n’ya ang boses ni Ian. Nakalapit nap ala ito sa kanya at may suot na s’yang damit. Mukhang break time na nila dahil nagsipagpuntahan na ang mga workers sa pantry.   “Bakit ka na naman nandito!?” reklamo naman ni Noelle.   ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD