Chapter Seven: My Angkas Boss (Part 2)
“BAKIT ka na naman nandito!?” reklamo naman ni Noelle.
“Magpapahangin lang, ang init doon eh,” Binuksan naman ni ian ang mineral water na hawak n’ya at ininom ito sa harapan ni Noelle.
Ang adams apple ni Ian na lantad ang kaagad na napansin ni Noelle. Napapalunok din siya habang umiinom si Ian. Hindi n’ya sigurado kung dahil ito sa nauuhaw din s’ya o nakakauhaw tignan si Ian. Pero parang parehas lang naman iyon.
“Gutom ako, kuhanan mo ako ng makakain,” Nang maubos ni Ian ang kanyang iniinom ay kaagad na tumingin si Noelle sa ibang direksyon at nagsalita—that is actually to evade Ian’s glare.
“Ano bang gusto mo? Cake yata ang nakahanda at pasta. Cake ba? Or pasta? Or both? Or Ako?”
“Resignation Letter mo,” Napatikom naman ang bibig ni Ian nang tinapunan s’ya ni Noelle ng kanyang mga tingin na sing-lamig ng yelo.
“Juice na lang na malamig.”
Kagaya nga ng utos ni Noelle ay nagtungo si Ian sa pantry. Ilang minute lamang ang tinagal nito at nakabalik agad s’ya kay Noelle.
May dalang Lemon Juice nan aka bote si Ian. Ikinagulat naman ni Noelle nang ito ang iniabot n’ya.
“H-How did you—“
“Natimpla kasi ang juice na nakahanda, I’m not so sure if you are going to like it. May trust issues ka pa naman. Good thing nando’n ang maids mo, sinabi nilang may sarili kang juice at kinuhanan nila ako. They also told me you really don’t like eating snacks at pihikin ka.”
She stared at her juice for few seconds as Ian was talking. It was all true. Food is something that she doesn’t enjoy the most. Bihira lang s’ya kumain ng tama madalas ay hindi talaga s’ya kumakain ng proper meal.
“Hays! Ang sarap sana mahiga…” Napatingin naman si Noelle kay Ian na umupo lamang sa damuhan. Nakastretch ang mga paa nito at nakasanda din ang mga kamay sa damuhan.
“Subukan mo lang lumapit sa akin ‘pag tumayo, lilintikan ka talaga sa akin… Dumi ng inuupuan mo,” Pagbabanta naman ni Noelle
“Mas madumi utak ko d’yan,” parang balewala lang naman kay Ian ang pagbabanta ni Noelle sa kanya.
“Tell me, why are so cold?” biglang tanong naman nito. Sinkap ni Ian na hindi lingonin si Noelle.
“I was born like this,” she replied.
“Nakakapaso… ang lamig ng damdamin mo.”
Napatitig si Noelle kay Ian na malayo ang tingin. Hindi na n’ya nagawang tumingin sa ibang direksyon nang lumingon ito sa kanya.
“Pero ‘di ‘yon uubra sa katulad kong naglalagablab” Tumayo naman ito bigla at bumungisngis sa kanya. Halos hindi na makita ni Noelle ang mga mata ni Ian dahil sa ngiti nito.
“Tse,” sinimangutan naman ni Noelle si Ian at inilayo ang kanyang upuan. Bumwelo ito ng medyo malayo para mag-swing. Napakapit ito sa lubit na nakatali sa kanyang upuan at sa puno habang nag-swiswing.
“Nag-swiswing ka lang, nakasimangot pa?” hindi makapaniwalang sabi ni Ian habang nakatingin kay Noelle na nakasimangot at napakadilim ng aura.
She was startled when her swing was stopped by Ian. Nakahawak ngayon si Ian sa lubid. Napatingala si Noelle sa kanya. Their faces are just few inches away from each other.
But Ian is doing nothing aside from staring at her thoroughly, minsan nas amga mata ni Noelle ang tingin ni Ian, minsan sa ilong, o sa labi.
“Oh bakit?” iritang tanong ni Noelle.
“Sinusukat ko lang kung gaano kaganda ang mukha mo.”
Ian’s response totally silenced her.
***
“Saber!”
“Walang kasalanan si Saber dito. You are obliged to do this, Noelle. Please can you cooperate?”
Parang nabibingi si Noelle tuwing nagsasalita si River sa kanya. Halos pasuko na rin si Robin upang kausapin s’ya.
Ngayon kasi ay biglang dumating ang mga kinamumuhiang kamag-anak ni Noelle. Nandito si River at ang kanyang asawa, nandito rin si Robin at ang pamilya nito.
May kasama silang Interviewer at ilang cameraman para sa kanilang interview bilang pamilya.
This is for the upcoming elections. Si Robin ay tatakbong Governor ng Serina at isa part ng election campaign ay ang ipakita sa publiko na masaya ang pamilya Tan. Obviously, Noelle isn’t agreeing to any of this.
“Wala ka nang magagawa. You have to take the interview with us,” turo naman sa kanya ni Robin na ngayon ay inis na inis na at pinipigilan lang ito ni Harlet.
Hanada na ang lahat at nakaset-up na rin ang cameras. Dito sa mansion n Noelle gaganapin ang interview. She crumpled the paper that was given by Robyn, ito ang transcript ng interview.
Hinding-hindi s’ya magpapanggap na masaya kasama ang mga suspected murderers ng kanyang mga magula. She will never do that.
“Who says I’m going to do this?” bulalas ni Noelle at napatayo. Habang hindi pa nakatingin sina River sa kanya ay tumakbo s’ya palabas sa pintuan.
“Noelle!” sigaw ni Robin sa kanya.
Binilisan ni Noelle ang pagtakbo dahil may mga bata si Robin na sumunod sa kanya. Nang makalabas siya ng mansion ay nakita n’yang pati sina Saber ay humabol sa kanya.
“Miss Noelle! Baka mapano po kayo!”
“Bakit pati si Saber at mga maids ko hinahabol ako!” Nagpanic na lalo si Noelle dahil malapit na sila sa kanya. Sagabal pa man din nag heels na suot niya.
Wala s’yang choice kundi alisin ito. Kahit labag sa kalooban n’yang tumapak sa lupa ay ginawa pa rin n’ya.
Tinapon n’ya sa kanila ang heels n’ya at mas nakatakbo na siya nang mas mabilis ngayon.
“Open the gates!”
“Pero—“ nagalinlangan naman ang dalawnag guards nang makalapit si Noelle sa kanila.
“Sige, walng bonus at delayed ang 13th month pay niyo.”
Mabuti na lang at nasindak ni Noelle ang mga guwardiya at nakalabas nga siya ng gate. This is crazy, tumatakas siya sa sarili niyang bahay at hinahabol siya ng mga nagtratrabaho sa kanya.
“Kamahalan! May parade ba?” Habang tumatakbo siya ay may isang lalaking naka-motor ang huminto sa tapat niya.
It was Ian, kahit naka-helmet ito ay nalaman kaagad ni Noelle na siya ito dahil sa mga ngisi niya. Mukhang kakalabas lang ito ng mansion at pauwi na.
“Let’s Go!” Nataranta na nang tuluyan si Noelle nang papalapit na sina Saber sa kanya. Umangkas agad siya sa motor ni Ian na ikinagulat naman ng binta.
“Dali na!” hiyaw naman nito. Pinaharurot naman ni Ian ang kanyang motor at tuluyan silang nakalayo.
After a few seconds, Noelle realized that she was unintentionally hugging Ian.
“Higpitan mo. Mahuhulog ka.” Babala naman ni Ian sa kanya.
Hindi naman n’ya inaasahang si Ian ang magkakatulong sa kanya ngayong makalayo sa kanila. Atleast she was saved from being used for today. But Robin will attempt to do it again.
***
DAHIL iniligaw ni Ian ang mga humahabol kay Noelle ay nakarating sila sa ilalim ng pinakamahabang tulay sa Serina. Sa Ilalim nito ay ang Selena River.
Kanina pa tulala si Noelle sa river habang pinagmamasdan ni Ian.
“You’re not cold… You’re sad” he said.
Hindi rin nakatiis si Ian at nilapitan niya si Noelle. “Ano’ng oras ka uuwi? Madilim na.”
“Iwan mo na lang ako,” tugon naman ni Noelle nang hindi n’ya tinitignan si Ian.
Ian felt bad as he saw Noelle’s feet. Medyo madumi na ito. Ngayon lang n’ya napagtanto na wala palang sandals ito. Saglit na nagtungo s’ya sa kanyang motor at binuksan ang upuan nito. Kinuha n’ya ang tsinelas doon.
“What—“ Nagulat naman si Noelle nang biglang hinawakan ni Ian ang binti n’ya. Nakita naman n’ya itong naglapag ng tsinelas sa baba at pinapasuot n’ya sa kanya ang tsinelas. Malaki iyong tsinelas pero okay na rin.
“Bakit may tsinelas kang dala?” Noelle asked.
“Baka umulan.” Sagot naman ni Ian.
“Noelle…” Nanlaki ang mga mata ni Noelle nang marinig n’ya ang boses na iyon. It was Robin.
“Halika na, I was able to—“
Akmang lilingon n asana si Ian upang tignan kung sino ang papalapit sa kanila ay biglang hinawakan ni Noelle ang kanyang pisngi at pinaharap ito sa kanya.
Napakabilis ng sumunod na pangyayari. Ian held his breath as Noelle claimed his lips immediately! Napahinto naman si Robin sa paglapit sa kanila.
This time Noelle initiated the kiss. This was never expected by him.
Siguro nga ay parang wine ang bibig ni Noelle, kapag natikman mo ito ay saglit kang aalisin sa realidad. Hinawakan ni Ian ang magkabilang pisngi ni Noelle upang diinan ang pagkakalapat ng kanilang mga bibig. Tumutugon si Noelle sa bawat paggalaw ni Ian ngunit halata hindi ito masyado marunong. Ian took the lead as he move down his hands to her waist.
Saglit na naghiwalay ang kanilang mga labi at bumawi ng hininga. But then, Ian hastily kissed her again.
***
Mukhang may mambubully na naman