Chapter Nine: Lipstick stains “BUT if you really don’t feel like going to this date, you can tell me. Ako ang bahala kay Dad.” Umalingaw-ngaw sa isipan ni Ian ang sinabi ng kanyang Ate ni na si Christina o mas madalas n’yang tawaging ‘Ate Tina’. Ito ay ukol sa nakatakdang date na inarrange ng kanyang ama. Mayro’n negosyo ang Daddy nina Ian, ito ay sa shipping industry ngunit hindi nagkaro’n ng interest si Ian dito. Matagal din bago tuluyang natanggap ng kanyang ama ang desisyon n’yang maging engineer. Si Tina ang naiwan upang tumulong sa kanilang negosyo dahi na rin siguro ay negosyante rin ang napangasawa nito. Sandaling panahon pa ang nakaraan mula nang kinausap siya ng kanyang ama tungkol sa pagpapakasal. Batid n’yang nasa tamang edad na si I