Chapter Eight: My Tsundere Boss (Part 2) NOELLE realizes her situation so she held Ian’s hands too so she could stand up. “Doon ka nga! Hindi mo ba alam ang sukat ng isang metro? My rule is for you stay one meter away!” She totally lost it. Nakapamaywang ito at napakasama na ng tingin kay Ian. “Okay, ito isang metro ito,” umatras naman si Ian ng isang metro mula sa kanya. “Alam mo naman pala ang sukat ng isang metro, bakit ka lapit nang lapit!?” Napaigting naman ang panga ni Noelle dahil sa inis. “Eh bakit ka layo nang layo?” bulalas naman ni Ian. Noelle bit her lips as he was lost of words to say. Padabog itong umupo ulit sa kanyang swing. She tried hard to surpass her anger as she heard Ian’s soft laugh. Lagi talaga s’yang nagtatagumpay sa pangiinis sa kanya.