Chapter Ten: Your Empty Heart “ASTIG no’ng sports car mo, Sir! Bagong-bago, ah” Napasulyad si Ian kina Eugene na habang pinagmamasdan ang mga ibang trabahador na nagbubuhos ng semento. “Bigay ni Misis, mahal na mahal n’ya ako ngayon, eh,” tila abot tenga naman ang ngit ni Eugene habang siya ay pinupuri. “Bakit minsan po ba hindi n’ya kayo mahal?” tanong naman ng isang trabahador niya. “Oo, ‘pag naalala ko ang mag gabing pinapalayas n’ya ako naiiyak ako…” “Paano kasi, kasal na babaero pa rin!” singit naman ni Ian sa usapan nilang dalawa. Napatingin naman si Eugene sa kanya. “Hoy, hindi ako babaero. Ikaw nga ‘tong nanlalandi sa boss natin!” depensa naman ni Eugene, bakas sa boses nito ang