Chapter Eleven: The Cliché at 2 am (Part 1) NAPAHIKAB na lang si Saber nang pinagbuksan n’ya ng pintuan sa kotse si Noelle. Bagsak ang balikat ni Saber na sumunod kay Noelle papasok sa Mart. It’s 2 am in the morning at biglang yinaya ni Noelle si Saber na mag-shopping sa isang 24-hour Mart sa Serina. May kalakihan ang mart na ito. Ang sabi nila, ito raw ang ‘Duty Free’ ng Serina—ang Kagome Mart. “Do you think it’s too early to go on a shopping, Miss Noelle?” Nag-aalanganing sabi pa ni Saber habang papasok sila sa entrance. “Wala masyadong tao kapag ganitong oras. It’s perfect timing,” there is no way Saber could have a rebut on that. Actually 12 am ang usapan nila ni Noelle, pero nagbihis pa si Noelle ng h