Chapter Eleven: The Cliché at 2 am (Part 2) “I CAN’T see Saber anywhere, I think umuwi na s’ya!” Napatingin naman si Ian habang papalapit si Noelle sa kanya sa counter. Kasalukuyan kasing pinapa-punch na ni Ian ang mga binili ni Noelle na umabot pa nga sa tatlong cart. Parang batang naiiyak ito dahil na kay Saber ang kanyang wallet. “Hmmm. Magkano na ba ‘iyong bill?” sumilip naman si Ian sa screen kung saan makikita ang presyo ng babayaran. Napatawa na lang ito nang mahina nang makita n’ya ang bill ni Noelle. “Inay ‘ko po, Ilang linggo ‘ko ‘yang sweldo,” hindi makapaniwala si Ian nang makita n’yang umabot sa 50 thousand ang bill ni Noelle, halos mga imported naman kasi ang mga kinuha nito. But he was touched when Noelle