Episode 4. Scents

929 Words
Rinig parin ni Allyssa ang kaliwa’t kanang kalabugan sa kabilang kwarto, ang makailang uling pagbukas sara ng pinto ng front door. Marahil ay dumating na ang mga gamit ni Patrick. Mas nilakasan pa niya ang volume ng speaker dahil mahirap mag focus sa kalabugan sa kabila. Natapos na niya ang ginuguhit na si Stitch, pagkaligpit ng mga gamit ay nagpasya siyang umidlip na lamang. Nagising si Allyssa sa amoy ng mabangong menudo at tunog ng pag sipol at ang paghahalo sa kaserola. Tiningnan niya ang oras. Past 6 PM na pala. Nanatili muna siyang nakaupo ngunit rinig at dama na niya ang pagkulo ng kaniyang tiyan. Pagkabukas niya ng pinto ng kwarto ay sumalubong sa kaniyang ilong ang magkahalong amoy ng menudo at bango ng paligid. Kumikislap ang tiles at may mga panibagong design sa sala. May isang babasaging vase na kumikislap sa kulay blue at white na mayroong fake na mga orchids. Mayroon ding nakasabit na mga paintings and qoutes sa dingding. Napakarami yatang pera ni Patrick, ang dami na nitong nagastos sa araw na iyon panigurado. Naramdaman yata nito ang kaniyang presensya at nilingon siya. Ang mga mata nito ay nakangiti. Halatang bagong ligo ang lalaki. “Gising na pala ang prinsesa”, napasinghap siya sa tinuran nito. Prinsesa? Ako? “Ewan sayo, maliligo lamang ako” paalam niya rito. Tumawa lang ng mahina si Patrick saka bumalik ang pansin sa pagluluto “Sige, pagkatapos mo paniguradong luto na ito” Dumadaloy ang malamig na tubig sa kaniyang katawan ngayon pa lamang nagsi sink in sa kaniyang mayroon siyang kasama sa apartment. Pagkatapos maligo at magtapis ng tuwalya ay huminga muna siya ng malalim. Ok, act normal. Dadaan siya ng kusina, pinlano niyang magdahan dahan na lang ng paglalakad para hindi siya mapansin ni Patrick. Pagkabukas nga niya ng pinto ay hindi lamang siya napansin ni Patrick kundi ay nakaharap ito sa gawi niya habang nakaupo, sa hapag ay nakahain na ang kanin at menudo. Nakaayos na rin ang mga pinggan at iba pang gamit. Ilang segundo silang natahimik hanggang sa tumikhim na lamang si Patrick at naglayo ng tingin. Dali dali siyang tumungo ng kuwarto at nagbihis. Pinili niya ang pink na ternong pajama, nagsuklay ng buhok saka lumabas. Strawberry scent. Napakabango ng body soap na iyon ni Allyssa kung kaya siya natigilan. Sobrang palagay ba ang loob nito sa kaniya kaya lumabas na lang ng nakatapis. Buong akala niya ay duon na ito magbibihis. Diba? Ganon naman dapat. How can she be so careless? Kung ibang lalaki ang kasama nito baka kung ano na ang nangyari. Hindi na pang dalagita ang katawan ni Allyssa, ang mga lugar na dapat malaman ay mayroon nang laman at hindi maitatangging nakakaakit ang mukha nito. Ipinikit niya ng mariin ang mga mata upang linisin ang isipan. Naririnig niya sa kaniyang diwa ang tinig ni Dr. Jimenez and kaniyang therapist. Breathe and Close your eyes Patrick, count to ten with me. 1 2 3 4 5 6… Can we do a hundred Patrick? “Patrick” tinig iyon ni Allyssa na nagpamulat sa kaniya. “Nagdadasal ka na yata agad , hindi mo pa ko hinintay” nakangiti ito na tinugon rin naman niya ng ngiti. Lumutang ang kaputian ng dalaga sa pink na pajama. Nakatutok naman ang mga mata nito sa pagkain. Gutom na gutom na siguro “Nagdasal na ‘kong matapos ka magbihis.Tara nang kumain, maupo ka” yaya niya rito. “Wow bago ang mga plato ah” puna nito. Napangiti siya. Isa iyon sa mga binili niya, babasagin, maganda sa matang tingnan at kinakailangan talaga ng ibayon pagi ingat. Naalala niya sa therapy center. Lahat ng gamit ay babasagin, nuong una hindi niya alam ang reason behind it pero nung tumagal ay napagtanto rin niya na may mahalaga itong gampanin sa therapy. Lagi siyang nakakabasag ng mga gamit noon at dahil dito ay dagdag rin nang dagdag iyon sa kanilang bill, minsan ay may isang parent ng patient na kumompronta sa opisina kung bakit glass ang ginagamit at hindi na lamang bumili ng plastic paraphernalias. Lumobo na kasi ang bayarin nito sa dami nang nababasag na gamit ng anak. Doon ay nagpaliwanag ang Head Therapist, hindi lang makakatulong sa focus ng mga pasyente ang pag handle sa mga babasaging materyal, nakakatulong rin ito upang maging maingat sa lahat ng gagawin at hakbangin. Hindi importante kung mabilis or mabagal gagalaw kung hindi ay maingat at maayos iyon. Mas nagiging conscious rin ang mga pasyente sa pagpapahalaga sa sarili dahil kung makakabasag ka ay maaari kang masugatan at dagdag pa na kailangang palitan iyon. Sa mga ganoong paraan, patients are encouraged to value what is essential and it starts with a glass. Patience and virtue will follow. "I adore beautiful things" sagot niya sa dalaga saka ngumiti, busy ito pagsubo. Halatang matagal nang hindi nakakakain ng real food. "Hindi ka ba nagluluto?" tanong niya rito. "Nagluluto, pancit canton, eggs, ibang gulay etc" sagot niyon sa gitna ng pag nguya. " Hindi naman tunay na luto yun e, hayaan mo bubusugin kita" saka niya ito kinindatan. Sa ginawa niya ay nasamid ang dalaga. Inabutan naman niya ito agad ng isang basong tubig. "Dahan dahan kasi, patience lang. May time pa tayo o " natatawang biro niya. " Papaano ay kalikot ng mata mo, hindi ka naman cute!" naka pout na sagot nito. Hindi pala cute ha! "Nasaktan naman ako dun Allyssa, alam ko naman na crush mo ako dati eh" saka siya humawak sa dibdib at umaktong nasasaktan. Natigilan naman si Allyssa. "Huh? pano mo nalaman?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD