Episode 3. What Are You Now?

1686 Words
She tried to compose herself. Tumikhim siya para hindi gumaralgal ang boses o pumiyok kapag babatiin ito. Inayos ang buhok at sandaling sinipat ang sarili sa salamin na malapit sa pinto. Baka kasi may morning glory pa siyang nakadikit o kung ano sa mukha. A las dos ng hapon at kakagising niya lamang, pang night shift kasi siya. Pagkabukas ng pinto ay tumambad ang malaking bulto ng lalaki. Nag mature ang itsura ni Patrick Jay. Malapad ang balikat nito. Nakasuot ito ng tight jeans at shirt na pink na pinatungan ng long sleeves. Pansin niyang lumaki rin ang katawan ng kaharap at tila tumangkad pa dahil ngayon ay nakatingala na siya rito. Ilang segundo rin silang nagkatitigan hanggang sa ito na ang bumasag nang katahimikan. "Kumusta Allyssa? Long time no see" nakangiting bati nito sa kanya. May bitbit itong malaking backpack at sa isang kamay ay paper bag. "Mabuti naman, kumusta? pasok ka" nilawakan niya ng bukas ang pinto. "Ayos naman, eto magtra- trabaho na rin ako." sagot nito saka tumuloy sa apartment. "San nga pala ang kuwarto ko?" Nauna siyang lumakad at pumasok sa isang kuwarto na may isang maliit na cabinet na saktong patungan lamang ng libro at lagayan ng mga mahahalaga, bare type. Wala itong higaan. "Pano nga pala ang ibang gamit mo? Walang foam diyan e" wika niya rito. "Oorder na lang siguro ako, puro naman online ngayon kaya okay na rin, sige na pahinga muna ako. Kuwentuhan nalang tayo later" saka ito pumasok at isinara ang pinto. Nakaramdam siya ng paggaan ng loob. Atleast casual lang ang lalaki. Sabado ng linggo. Wala siyang trabaho kaya ginugugol na lang niya ang oras sa panonood ng American series. Natapos na siyang maglaba ng araw ng biyernes pagkauwi at naglinis na rin ng kaunti pagkagising. Nakatapos pa siya ng isang episode nang makaramdam ng gutom. Tumungo siya sa kusina at naglaga ng itlog at nagluto ng Pancit canton. Abala siya sa pag kain ng lumabas ng kuwarto si Patrick. "Kaya payat ka parin e hindi masustansya ang kinakain mo" wika nitong ikina pitlag niya dahil nakatalikod siya sa pinanggalingan ng lalaki. "Mura 'to e tsaka hindi talaga ako tabain no" sagot niya. "Hay nako, 'pag sa pagkain huwag mong tipirin ang sarili mo" dagdag pa nito. Naka casual shorts at t-shirt na lamang ito. Bakat sa damit ang namimintog na muscles niyon. "Hindi naman ako magaling magluto" sagot niya habang pinagmamasdan itong kumuha ng baso na ginagamit niya. "Do you mind?" umiling siya. Saka ito kumuha ng tubig sa container ng mineral. "Ako na lang ang bibili sa susunod para hindi ka rin mahirapan magbuhat" wika niyon. Tumango nalang siya bilang sagot. "Nagugutom ako" umupo ang lalaki sa isa pang upuan sa kaniyang harap. 4 seater ang dining set na iyon. Nilabas nito ang cellphone at pansin niyang panay ang scroll. "May gusto ka bang kainin sa KFC?" tanong nito. "Hmmm busog na 'ko" sagot niya. Wala pa rin naman siyang pera kung kaya't hindi niya nais gumastos. "Libre ko naman e" nakangiting sabi ni Patrick. Napatitig siya sa mukha nito, hindi maitatanggi na mas gumwapo at lumakas ang appeal niyon. "Sige, mushroom soup" sagot nalang niya. "Okay done. Dalawa pala ang mushroom soup na io- order ko. Paborito ko na yan simula nung.." hindi nito itinuloy ang sasabihin. Napaisip siya. Dati ay pinakain niya ito ng mushroom soup nung nag overnight si Patrick sa kanila. "Ako den, yan lang ang gusto kong soup" nakangiting reply niya. Ubos na rin niya ang pancit canton at hinugasan ang kinainan. "Baka magalit ang boyfriend mo ha, may kasama ka ditong lalaki" wika niyon. Napatawa siya ng mahina. "Wala ngang nagkakamali sa akin" sagot nalang niya. Alam niyang hindi lang nito madiretsong itanong kung may boyfriend siya. "You mean never ka pang nagka- boyfriend?" takang tanong nito. "Hindi ko naman priority yun" pagtatapat niya rito. May nagkakainteres sa kaniya pero hanggang ligaw lang at sumusuko rin naman. Hindi siya mahintay. Rinig niya ang mahinang tawa nito. "Takot ka yata sa lalaki e" saka tumingin sa kaniya ng nakakaloko. "Excuse me. Mataas lang standards ko no. Ikaw kasi babaero ka ata." panghuhuli niya rito. "Tatlo pa lang naman ang nakakarelasyon ko, lahat hindi tumatagal" seryoso na ang mukhang wika ng lalaki. "Bakit naman?" Curious na tanong niya. "Long distance relationship." Natigil ang kanilang pagu-usap ng may nag- doorbell. Dali daling lumabas si Patrick. Pagbalik nito ay may dala nang dalawang bag ng pagkain at malawak ang ngiti. Parang batang kumakanta kanta pa habang binubuklat isa isa ang mga pagkain. Iniabot nito sa kaniya ang mushroom soup saka isang fries. "Ayan, para mas solve ang kain mo ng junk foods" tatawa tawang wika nito. Naupo na rin siya ulit sa tapat ni Patrick. "Salamat haha. Masarap nga ang fries ng KFC pero mahal" "Ganun talaga worth it naman. Ang tagal ko na hindi nakakain nito" sagot niyon sa gitna ng pag kain. Tila piging ang mga pagkain sa lamesa. May nuggets, spaghetti, 2pc chicken, soup at fries na nakalatag duon. Hindi na sila nag usap, gutom na gutom yata si Patrick. Natitigan niya ito ng mabuti. Ang matipunong bisig ay may mga peklat na malalaki at galos na tila naghihilom na. Ano kayang nangyari dito? "Nakikipag away ka ba?" tanong niya. Nag- angat naman ito ng tingin. "Huh?" "'yan kasing mga galos mo at peklat" sagot niya. "Ah, hindi. Nag join ako sa army. Kaya kita mo sunog ako. Napa assign ako sa mindanao" wika nito saka nagpatuloy sa pag kain. Tumango tango na lang siya. Kaya pala. “At ngayon? Naghihintay ka nalang bang ma employ ulit or?” dagdag tanong pa niya dito. Nasambit ni Marah na magi start na din ang work nito. Ang kampo lang namang alam niyang malapit dito ay sa camp crame sa Canlubang. Natigilan ito. Tumingin sa kaniya ng diretso “No, I’m done with the army. Let’s talk about it next time.” Saka ito sunod-sunod na sumubo pahiwatig na ayaw nitong magsalita. “Well then, thanks for the meal. Pasok na ko sa kuwarto. Kumatok ka nalang ‘pag mayroon kang kailangan.” Wika niya saka tumayo. Nais pa man niyang mang-intriga, kung wala namang gana ang kausap niya ay huwag na lang. Saglit niyang kinuha ang kaniyang notes na ginagamit sa training. Pinasadahan niya ang mga product knowledge at processes ng campaign para hindi siya nganga pag na deploy na sila sa production. Inulit ulit niya sa isip ang mga key notes hanggang sa mapagpasyahang ibaba na iyon. Huh! Makapag- drawing na lamang. Umupo siya sa kamang naka cross-leg, hawak ang sketch book at pastel colors pati ang lapis. Ginoogle niya si stitch, paborito niyang character saka inumpisahang gumuhit. Habang gumuguhit nga ay nagpatugtog siya ng mga kanta ng republican at Curse-one. Nakaka- throwback kasi. Nakakarinig parin siya ng pagkalabog sa kabilang kuwarto at manaka nakang pag- bukas ng main door though ang ibang tunog ay natatabunan ng mga rap ang upbeat songs. Siguro busy si Patrick sa kaniyang mga gamit. Kinukulayan niya ang tenga ni Stitch ng may kumatok sa pinto. Nakita niya si Patrick sa pinto na pawisan at tila nahihirapan. “Ano yun?” tanong niya. “Patulong naman akong ayusin ‘to.” Saka lakad nito patungo sa kabilang kuwarto. Napanganga nalang siya sa mga nakakalat na gammit doon. May makapal na foam na naka-plastic pa. Mga unan at kumot, may groceries din at kung ano-anong gamit sa bahay. Nakakalat sa sahig ang tila inaassemble na lagayan ng damit. May mga ikino- connect duon at may procedure naman kaso lang ay sobrang dami. Wala sigurong pasensya ang lalaki. “Sige, no problem.” Sagot na lang niya saka nag squat sa sahig at binasa ng maayos ang procedure. Siya ang taga turo at si Patrick naman ang taga kabit. Nang matapos ay natuwa siya sa resulta nito. Malaki iyon at meron pang hangeran. Inilabas ni Patrick ang kaniyang mga gamit na tila tatlong pares lamang saka isang sapatos. Yun na yun? Bumaling ito sa kaniya. “Sa tingin mo ano pa’ng kulang?” tanong nito. Ginala niya ang kaniyang tingin. “Damit pa siguro tsaka floor mat o yung puzzle na nilalagay sa sahig para hindi madumihan yang foam. Ehm, bed sheet at mga punda.” Sagot niya. “Oo nga no, hindi ko naisip ‘yan” sagot nitong nakangiti na nanliit na rin ang mga mata. Iniwas naman niya ang kaniyang tingin. Kunwa’y nagi- isip pa ng kulang. “Baso den at plato” dagdag pa niya. “Noted, ipapadeliver ko nalang” wika nito saka bumaling sa mga grocery at dinala iyon sa kusina. “Nga pala” rinig niyang sambit pa nito. “Anong gusto mong dinner. Ipagluluto kita, tinulungan mo naman ako.” Natuwa naman siya. Kung ganon, iisipin na niya ang pinakagusto niyang kainin. “Hmm menudo” sagot niya. “No problem. Magpapa-deliver pa ako ng sangkap at mga kulang ko. Tawagin kita mamaya” masayang sagot nito. Siya naman ay nag- lock na ulit sa kuwarto. Ang suwerte ko naman! May instant chef ako ah! Patrick Jay’s POV Menudo lang pala! Simpleng simple. Sunod-sunod niyang in-add to cart ang mga ingredients. Menudo pork cut, bell pepper, carrots, patatas, green peas, reno, tomato sauce. Okay na ‘to. Paghihintay na lang ang gagawin. Umorder din siya ng mga sinabi ni Alyssa na kulang sa kaniyang gamit. Maige na lamang talaga at puro online na ang transactions ngayon at puwedeng ipadala real time. Nangingiti siya sa mga kantang naririnig sa kuwarto ni Allyssa. Mga kanta na noon ay lagi nilang pinapatugtog habang nakatambay ng barkada. Ngayon, ilan na lang ba talaga ang kaibigan niya? Parang wala nang natira. ‘Yung ka- buddy niya sa army na tinuring niyang matalik na kaibigan nawala pa. Agad niyang binura sa isip ang ideyang iyon. Aminado siyang hirap mag focus. Kanina nga ay pinipilit niyang intindihin ang procedure ng pag assemble sa lagayan ng damit ay kung ano- ano ang pumapasok sa kaniyang utak na halos sabunutan niya ang sarili. Kung mayroon lamang gamot para maalis ang mga alaala ay magpapa-deliver siya agad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD