Episode 5: Confess

1128 Words
Mali ba siya ng narinig? Paano nalaman? “What do you mean?” Napakunot noo siya. Ngayon ay hiyang hiya na namumula ang mukha ni Allyssa. Parang umamin na rin ang dalaga sa inaakto nito. Caught on her own words. “Wala, kain ka lang” sagot nito saka sumubo nang sumubo. Hindi iyon nakikipag eye contact sa kaniya. “You confessed na. Mag confess rin ba ako?” tusong tanong niya rito. Bakit hindi? Feelings naman niya iyon nung high school. Nanlaki ang mga mata ni Allyssa sa tanong niyang iyon. “Huwag mo nga akong pinagtri- tripan Patrick.” Wika nitong hindi parin nawawala ang pamumula ng mukha. “Hindi nga, crush din kita nung high school. Ang cute mo kasi kaso mukhang wala naman akong pag asa sa'yo. Noon pa naman ‘yun, move on na tayo” pagpapagaan niya ng tensyon sa paligid saka kaswal na pinagpatuloy ang pagkain. Nanatiling nakatunganga sa kaniya si Allyssa at hindi nagsasalita. Hindi yata niya napagaan ang loob nito. Allyssa’s POV Hindi ko na kinakaya ‘to! Bakit parang wala lang sa kaniya ang mga ganitong usapan. Seriously? Crush ako ng crush ko? Pero ipinagdiinan naman nitong dati pa iyon at magmove on na lamang kami. Jusko Marah ang kapatid mo, dapat pala hindi ko na tinanggap ito! Tila ang bagal ng bawat segundo at minuto, gusto na niyang tumayo at magkulong sa kwarto. Binasag ni Patrick ang katahimikan, “Saan ka pala nagwowork?” “Sa Binan, Onesource Solutions” kaswal na sagot niya na hindi tumitingin sa binata. Ramdam niyang nakatitig iyon sa kaniya. Tusukin ko kaya iyon ng tinidor? “Ah dun rin ako nakapasok e” nakangiting bahagi ni Patrick. Nanlaki ang mga mata niya, totoo ba? Grabeng coincidence naman ‘yan. “Seryoso ka ba?” tanong niyang hindi makapaniwala. Sa daming kumpanya, bakit dun rin? “Oo, IT ako dun. Nagpost ng hiring sa Jobway e, sila ang unang tumawag sa akin” “So, kelan ang start mo?” “Sa isang araw na” “Goodluck sa’yo. Sige na papasok na muna ako” pagpapaalam niya matapos hugasan ang kaniyang pinagkainan, lalakad na siya ng biglang hinawakan ni Patrick ang kaniyang braso dahilan para siya’y matigilan. Tiningnan niya ang mga mata niyon, malamlam at puno ng sinseredad ang tono. “Allyssa, huwag ka sanang mailang sa akin. Tratuhin mo lang ako dito bilang kaibigan o kapatid… yung crush crush na yun, nung mga bata lang naman tayo e no? wala na yun.” Ang nagawa na lamang niya ay tumango saka tumalilis papasok ng kuwarto. Isinara niya iyon at inilock, ang bilis ng t***k ng kaniyang puso ******** Naiwan si Patrick na kumakain mag isa. Tila nadisappoint si Allyssa na makakasama ko pa siya sa isang kumpanya. Ayaw ba niya akong makasama kahit bilang katrabaho lamang? Ganun na lang ang lungkot na kaniyang naramdaman. Paano ba siya makakabawi sa dalaga. Paano niya maaamin dito ang tunay na dahilan kung bakit siya nandito? Iniligpit niya ang mga gamit at nagtungo sa kwarto. Nang siya’y naga ayos ng gamit ay nakita nanaman niya ang dalawang army tag. Kaniya at sa kaparehang sundalo. Muling bumalik sa kaniyang isip ang alaala ng araw na iyon, masukal, malamig sa isang bahagi ng Mindanao sa gitna ng gubat. Naatasan silang mag espiya sa kampo ng mga rebelde. Nakatanggap sila ng intel na umalis ang karamihan sa mga rebelde kaya iyon ang tamang pagkakataon upang magmanman. Nang marating ang kampo, maingat silang nagmasid sa paligid. Ilang oras ang dumaan at wala parin silang nakikita na lumalakad o kahit anong aksyon doon. Nagkasundo silang wala talagang taong natira kung kaya’t dahan dahan nilang pinasok ang bawat tent na nandoon. Naghagilap ng kung anong impormasyon na maaari nilang gamitin. Kampante sila ng mga oras na iyon hanggang sa may marinig silang mga paparating. Dali dali silang nagtago hanggang sa makarating sa may kanal at walang pagdadalawang isip na tinalon iyon, nauna siya. Ganun nalang ang kaniyang pagkabigla nang makarinig ng putok ng baril, ang kaparehang umakmang tatalon ay natamaan sa tagiliran. Sinalo niya iyon. “Part, mauna ka na” humihingal na wika nito “Hindi kita iiwan part, Bubuhatin kita” desperadong sabi niya saka ito sinusubukang hilahin. “Pareho lang tayong mamamatay part. Sige na hayaan mo na ako dito. Babawasan ko ang mga hayop na iyon.” Matapang nitong wika saka ikinasa ang baril. Bago siya nito itinulak palayo ay iniabot sa kaniya ang military tag na hawak hawak niya ngayon. Mabilis siyang tumakas habang dumadaloy ang luha sa mga mata. Rinig parin niya hanggang ngayon ang malakas na pagsigaw ng kaniyang partner at ang mga putukan pati na rin ang mga halakhakan ng mga rebelde. Napapikit siya sa alaala. Mabilis dumaan ang sabado at linggo na ngayon ng hapon, hindi halos lumalabas ng kuwarto si Allyssa, kung maaabutan man niya ito sa sala at kusina ay maiikling batian lamang ang kanilang ginagawa. Total stranger kung baga. Siguro nga iniiwas narin nito ang sarili sa akin lalo pa at lalaki ako pero siguro mabuti na nga ang ganitong set up. Hindi naman niya ako kinuhang ka- share ng bahay para magkaroon siya ng kaibigan at kakuwentuhan. Nagtext na ang HR para sa reminder. Bukas 8AM sharp nasa company na dapat siya. Iginayak niya ang mga damit na gagamitin kinabukasan pati ang envelope na naglalaman ng mga requirements. Allyssa’s POV Kahit pa sinabi ni Patrick Jay na wala lang iyong ginawa nitong pag amin at ang pagdulas ng kaniyang matabil na dila ay hindi niya iyon maipagsawalang bahala. Lalo pa at magkasama sila sa iisang bubong. Bawat kilos niya ay ingat na ingat, ni ayaw niyang tumingin sa mukha nito. Ngayon pa at magkasama na sila sa isang kumpanya, lalo siyang hindi mapakali. Ayaw na niya halos lumabas ng kuwarto kahit na kumukulo ang tiyan sa gutom sa bango ng mga niluluto ni Patrick. Kapag nakakapasok na ito sa sariling kuwarto ay saka siya lalabas. Minsan naiisip rin niyang wala na sa lugar ang kaniyang inaasta. Monday na bukas, panggabi naman ako. Pinananalangin niyang hindi sila sabay ng shift ni Patrick. Nanatili nga siyang gising ng gabing iyon ng linggo. Wala siyang ginawa kundi makinig ng tugtog sa earphones habang nagdo- drawing. Bukas na lamang siya matutulog ng araw. A las cinco nang nagpasya siyang mahiga. Naririnig niyang nagkape at naligo na si Patrick Jay. Mabuti naman at pang umaga siya, ngising wika niya sa sarili. Bandang a las otso nang makaramdam siya ng pag-ihi. Pagkadaan niya sa kusina ay may natatakpan roong bowl at may note na nakapatong. Sa kuryusidad ay binasa niya iyon, Good morning Allyssa! Be sure to eat ~Patrick Hindi niya napigilan ang kilig na naramdaman, nawala yata ang antok sa kaniyang katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD