Episode 15. Side-by-side

1664 Words
Nag-distribute ng headset si trainer Nikki saka sila ginuide papunta sa production floor. Ito ang unang beses na makakapasok sila roon. Pagpasok palang ay kita niya ang pagtayo at pagtingala ng mga ahente doon. May mga lalaking naga- apiran at malalawak ang ngiti. Partikular na nakatingin ang mga iyon sa kaniya. Napapansin niyang pinandidilatan ito ng trainer. “Behave boys!” Isa isa ang magkakagrupong inihatid sa kani-kaniyang team. Sa dulo na may nagchichikahang mga babae at bakla ay ihinatid sila ng trainer. Mga busy ang ibang may ka-call na customer. Nakilala niya ang mga iyon, may ilang tumayo habang may kausap at ngumiti sa kanila. Dalawang linya ito na mga swivel chair na magkakatapatan. May harang naman sa gitna kung kaya’t hindi rin nagkakarinigan ang mga ahente. “Where’s your sup?” tanong ng kanilang trainer dahil walang nakaupo sa high seat na supposedly upuan ng mga supervisor. Tanging jacket lang ang nakapatong doon. “There oh with Buninay” turo ng isang bakla na maputi. Natigil sa pagkukuwentuhan ang mga ito at tila nagbubulungan. Nakatingin ang mga iyon sa kanila, hine-head to toe siya. Minabuti na lang niyang tumingin sa ibang direksyon. “ Insecure kay bebe Allyssa ‘yang mga iyan oh” bulong ni Charlene. “Kaya nga, pano’y mga walang kipay kaya gay’an.” “Hayaan niyo na, baka naman mababait sila. Hindi lang talaga natin kilala pa” sagot nalang niya. Alam ni Allyssa’ng may kabutihan sa isang tao—masama man ang pakikitungo nito sa umpisa. Lahat ng tao ay may kuwento. Gumiya sila sa isang gilid kasunod ng trainer, sa pinakadulo ay may dalawang nakatungo. “TL Jaime!” tawag ng trainor. Nagtaas ng tingin si Jaime at napalinga iyon sa gawi niya. Napanganga ito at tumayo. Nagtaas rin ng tingin ang katabing babae na naka-hood. Lumabas ang blonde at purple na buhok niyon, nakadress ng maiksing itim at may dragon na tattoo sa hita, maputi iyon at maganda ang katawan, curvy. Pulang pula ang labi niyon at may false eyelashes. Too bold. Nakakainggit ang freedom and confidence niya. “Oh boss Nikki, nagco-coaching lang ako.” “Coaching ha, Tl Jaime coaching under the table.” Nakairap na wika ng trainer. “Ikaw naman, nilalaglag mo ako dito sa mga bago kong ahente. Allyssa it’s nice to see you again.” Wika nitong nakangiti sa kaniya. Hindi ba nito girlfriend yung babaeng ‘yun? Gumanti lang siya ng pilit na ngiti. “Hi Allyssa” bati ni Ronald. “Hello po!” ito ang tinutukoy ni tl Jaime kahapon na pwede nilang pagtanungan pagdating nila sa production kaya mabuti ring dito dumikit. Isa isang bumati ang mga iyon sa kanila, para namang mga kulang sa pansin ang grupo na hindi nila nakasama sa dinner at pumunta mismo ang mga iyon sa kanila. “Ay boss Nikki you didn’t tell us we will have new agents?” maarteng wika ng malaking bakla. “Beh hindi kayo nagpapapasok, ngayon ko lang kayo nakita” wika ng kanilang trainer sa mga baklang halatang interesadong mabuti sa kanila. “Introduce us naman mukhang kami nalang ang hindi nakakakilala sa team.” Wika ng babae na nakahood, kapansin pansin ang piercing nito sa ilong. “Si Mitch, Allyssa, at Charlene” pagpapakilala ng trainer. “Naku mukhang mga angels baka palitan niyo na ang posisyon namin ah!” Lumapit pang lalo si TL Jaime, “Sila kasi totoong mukhang anghel, kayo fallen Angels na” pambibiro nito. “Bad ka TL nakakilala ka lang ng bago ha!” “Ipakilala mo naman ako” wika ng nasa likod saka umakbay kay TL Jaime. Hindi man siya nakatitig duon ay kita niya parin sa kaniyang peripheral vision. “’nga pala guys, isa sa mga angels ko, si Patricia.” Awkward na pagpapakilala ni TL Jaime saka nakatitig na ngumiti sa kaniya. Tila may gustong sabihin. Napatitig din sa kaniya si Patricia. Sa groggy pero maarte at may accent na boses ay nagwika ito. “Mukhang alam ko na ang next target nito ni TL Jaime ah” nagsitinginan sa kaniya ang ibang angels. “Maipagpapalit ka na buninay, maluwag ka na kasi” biro ng isang bakla. Nakita niyang lalong lumapit ang babae sa TL, halos nakadikit na ang katawan nito doon. “Totoo ba ‘yun TL? Ipagpapalit mo ako sa hindi maalam mag-perform?” napahagikgik ang mga angels. “Perform saan bunini?” tanong ng malaking bakla. “Sa metrics, alam mo ‘pag baguhan hindi pa ‘yan magpe-perform.” “Hay nako Patricia, puro ka kalokohan. Iyang tatlo nga pala, si Eduard ‘yang gigantic kong angel. ” turo sa malaking bakla. “Si Bernard naman iyang balat kalabaw na iyan” turo sa payat na baklang nakamaiksing dress. Napakaputi rin niyon at tila walang dugo sa katawan. Kumaway ang mga ito at nag-pose pa. “Iyang microscopic na batang iyan ay si Jenna, pinakamatalino sa kanila, yung iba bopols na” pagpapakilala ni TL. Nag-bow naman si Jenna, ang cute niyon. Bilugan ang mga mata, maliit ang ilong at ang hindi pagkakapantay- pantay na ngipin ay nagpacute pa lalo dito. Binati nilang tatlo ang mga ito. Mukha namang mababait. Sana makasundo niya. Seryoso parin ang mukha ni Patricia na nakakapit parin kay TL Jaime. “TL, they will do side-by-side first so assign them to your performing agents and then guide them to accept call kahit 30 mins lang. I’ll let you handle them now huh, don’t ever ever think of YOU-KNOW-WHAT” wika ni boss Nikki. May pagbabanta sa boses nito. “Boss Nikki you don’t trust me?” nakatawang tanong ni TL Nikki. “You know my answer to that” sagot nito saka umalis. “TL I’m tired, I’ll just take my break early.” Paalam ni Patricia tsaka umalis, tumango lang si TL Jaime. “Tamo ‘yun anak ng d**os” nakangusong wika ng ibang angels. “’yaan mo na sacrificial lamb natin ‘yan. ” Bulong ni Jenna na kaniya namang narinig dahil malapit ang mga ito sa kaniya. “Ok well guys, nice to see you again and I wanna thank you for joining us yesterday on our lunch out. Now, I will assign you to my trusted agents.” Seryoso na ang mood nito ngayon. Napakaganda ng boses at accent niyon at hindi niya maiwasang pansinin ang namumurok na muscles nito sa dibdib at braso. Napalunok siya nang makita ang malalaking ugat dito at ang mga tattoo na nagbigay roon ng bad boy effect. “Charlene, go with Ron. Mitch go with Veronica, marami kang matututunan diyan and Allyssa” tumingin ito sa kaniya at tila nagi isip. “Go with Jenna, para naman magtrabaho ‘yang mga angels na iyan” tumango lang siya at saka humarap kay Jenna na nakangiti. Bibo itong naglakad patungo sa station nito kasunod ng mga bakla. Sumunod rin naman siya. “Maingay lang itong mga katabi natin pero hayaan mo sila, mga mababait naman iyan” tatawa tawang wika nito dahil nagchichismisan parin ang dalawa sa gaylingo na hindi naman niya maintindihan. Kinuha nito ang headset niya saka sinet-up ang computer. “Hilahin mo iyong isang upuan dun, tabi ka sakin” agad naman niyang ginawa. Isinuot niya ang headset. “Ready ka na ba?” tanong nito. Wala siyang ibang nagawa kung hindi tumango. Sana lahat nang natutunan niya sa training ay maalala niya. “Lahat ng maririnig ko, maririnig mo rin. Naka mute ka naman kaya hindi ka nila maririnig. Panoorin mo nalang din ang pag-navigate ko ng tools” tumango na lang siya, kinakabahan. Luminga siya sa paligid. Nasa high chair na si TL Jaime, seryoso iyon na nagtatype sa computer. Naka eyeglasses iyon. Hindi niya alam pero parang ang lakas ng dating nito ngayon. “Ready ka na ah, any moment magkaka-tawag na tayo. Avail naman ngayon kaya matagal din ang pagitan ng mga calls” “Opo” sagot na lang niya. “Huwag kang mahihiyang magtanong after. Sasagutin ko lahat” tumango tango siya. Iniready niya ang maliit na notepad na ginagamit sulatan paraa sa kaniyang matututunan. Nakafocus nalang siya sa screen. Nanginginig na ang mga kamay niya sa sobrang lamig. Napakaginaw sa gawi nila. Kinikiskis niya ng palad ang mga braso sa sobrang lamig. May kumuhit sa kaniyang likod, pagkatingala niya ay ang guwapong mukha iyon ni Tl Jaime. “Use this muna, I see you’re freezing.” Seryosong wika niyon saka inabot ang jacket nitong hawak na tila hindi naman nagamit. Hindi na ni Tl Jaime siya hinintay na magsalita dahil bumalik na ito agad sa kaniyang station. Isinuot niya niya ang jacket, hindi niya naman maitatanggi. Napakabango nito. Biglang nag-ring. Sinagot agad iyon ni Jenna. Isang Amerikana na may reklamo tungkol sa ID card nito na hindi pa dumadating... Mabilis na naresolve iyon ni Jenna. Ilang customer pa ang dumaan at time na para sila mismo ang mag-take ng call. kinakabahan siya. Si Jenna ngayon ang naka-mute, siya ang magsa-salita. Ang unang ring ay pangatal pa ang kamay niya bago sumagot, "Hello, thank you for calling HG insurance, how can I help you today?" Natapos ang kaniyang pagco-call bahagyang naibsan ang kaniyang kaba at takot dahil mabilis naman palang kausap ang mga kano basta papakinggan silang mabuti. "Tl Jaime, salamat po sa pagpapahiram ng jacket, ito na po." wika niya sabay abot ng jacket dito. "Hindi ko naman ginagamit iyan, malamig sa training room. Sa iyo na muna" wika nito na nakangiti sa kaniya. Naalala niya ang sinabi ng trainer niya at si Patrick na liligawan na rin siya. "Na-appreciate ko po ang concern tl pero okay na po, hindi naman po kasing lamig dito kesa sa training room" sagot niya at isinampay ang jacket sa high chair nito saka tumalikod na at sumama kila Charlene. "Sorry tl, hindi siya mafo-fall sa pa-keme mo!" rinig niyang wika ng isang ahente. Nagu-usap usap pa ang mga ito pero hindi na niya ninais pang makinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD