Episode 16.

1493 Words
“Ano mga bakla? Kumusta ang calls niyo?” tanong ni Charlene. “Hala ay nakalimutan ko ang process buti nalang mabait si Veronica. Talagang sinasagot lahat ng tanong ko” pagbabahagi ni Mitch. “Ang cool ni Jenna, ang bilis niya mag-resolve ng issue ni customer.” Wika niya. Hanga talaga siya doon. “Mabango ba ang jacket ni Tl Jaime kamahalan?” tanong ni Mitch sa nanunuksong tingin. Napatawa naman siya at naalala ang amoy ng jacket. “Mabango” tapat niyang sagot. “Mas mabango kay Patrick?” tanong pa nito. “Hmm mas mabango si Patrick” “Uy Biased!” nakamaang lang sa kanila si Charlene. “May hindi pa kayo sinasabi sa akin” seryoso ang mukha nito. Nagtinginan sila ni Mitch. “Liligawan na siya ni Patrick” inunahan siya ni Mitch sa pagsasabi niyon. “Talaga ba? Seryoso siya sa’yo ha baka naman may gusto lang iyang makuha. Alam naman siguro niya na NBSB ka” pagpapaalala nito. “Ayun nga din ate ‘yung iniisip ko e. Kasi magkasama kami sa bahay...” “Kelangan kong makilala ‘yang si Patrick ha. Kikilatisin ko iyan” wika ni Charlene. “Iba talaga si Mama Charlene” singit ni Mitch na ikinatawa nila. Iyon talaga ang pinaka-mature sa lahat. Bumalik na sila sa training room. Nandoon na ang halos lahat ng magkaka-grupo, may nagchi-chicmisan. May mga nakatungo at natutulog. Ang trainer ay wala pa. Sinitsitan siya ni Jamaica. Isa sa mga batang kasama nila sa training, nabibilang ito sa mga samahan ng marites na ang puros usapan ay yayaan ng inuman at buhay ng ibang tao. Mabait naman ito pero hindi niya feel na makisama sa mga iyon dahil siguradong ipagdadaldalan siya ng mga ito kapag siya na ang nakatalikod. “Ate Ally” tawag nito saka sumenyas na lumapit siya. Nakatingin rin sa kaniya ang ibang mga kasama nito. Lumapit naman siya kahit may paga alangan. “Ano ‘yun?” tanong niya. “Bet ka daw ni TL Jaime” pangi intriga nito, mukhang excited ang mukha sa chika na makukuha sa kaniya. “Naku, hindi ko naman siya bet. Alam mo naman ‘yung babala ni Boss Nikki” wika niya. Nagsitanguan ang mga ito. “Kung hindi mo bet ‘te, akin nalang” wika ng isang bakla na tinatawag nilang Cj, limot na niya ang whole name nito. Natawa naman siya “ Ito talaga si abanger.” Irap ni Jamaica dito. “Ay be willing ako magpasakal sa kaniya sa totoo lang.” malakas na wika nito. “May bebeboy ka na oy!” kantyaw ng isang babaeng maikli ang buhok at naka-eyeglasses, si ate Ara. “Ay oo nga pala, may magseselos. Ayan si Jamaica. Laway na laway ‘pag nakikita si TL” “Naku ikaw naman pala ang may gusto eh, hayaan mo hindi ako magagalit.” Paga assure niya saka ngumiti. “Ito si ate, nagu-guwapuhan lang pero hindi ko siya bet as a boyfriend. Parang hindi kasi boyfriend material, mukhang badboy” depensa nito. “Kaya nga e, mukhang mamimisikal eh no?” wika ni ate Ara. “Sama ka pala sa amin ate Ally, inuman tayo kila ‘akla sa 28.” Paga aya ni Jamaica “Kaya nga hindi kayo nasama sa amin e, matatapos na lamang ang training” pag sang-ayon ni CJ. “Sige sabihan ko din sila” pamamaalam niya. “Sige ha, asahan namin yan ‘te. Birthday ko iyon. Mag videoke tayo” dagdag pa nito. “Sige” ngumiti siya saka nagpaalam. Bumalik siya kila Charlene at bumulong na agad si Mitch pagkaupo niya. “Ano daw iyon?” “Nagtanong lang tungkol kay TL Jaime. Type nila ” natatawang pagshe-share niya. “Haha, maitsura kasi” wika ni Mitch. “’Nga pala, naga aya sila sa birthday ni Cj. Matatapos na ang training. Punta tayo?” tanong niya. “Hmm may sahod na ba noon?” tanong ni Mitch. “Mayroon na” pag confirm ni Charlene. “Okay pala e, sama tayo huwag na lang tayong mag inom.” Paga-aya niya. Minsan laang naman. Hindi pa sila lumalabas simula nuong training. “Sige, malalaman ‘pag malapit na.” Mabilis na lumipas ang oras. Lunch Break na. 9PM. Isa isa na silang lumabas ng training room. Napansin niyang tila natigilan ang iba niyang kasama sa training at nakatanghod sa kaniya habang papalabas ng pinto. Hindi niya pinansin iyon dahil baka naman hindi siya ang tinitingnan. Pagkalabas ay nakatayo doon si TL Jaime at diretsang nakatitig sa kaniya. “Hi Allyssa, pasabay mag-lunch sa inyo.” Napaawang ang bibig niya sa sinabi nito. “Hala TL, diyan lang po kami sa pantry kakain.” Nahihiyang sagot niya. “Oo nga tl, nagtitipid po tsaka bakit po hindi niyo kasabay ang mga ahente niyo?” usisa naman ni Mitch na tila alam na na ayaw niya. "Nauna na sila e, may mga inasikaso pa kasi ako sa mga absenero kong ahente" buntong hiningang wika niyon, "gutom na nga ako" “Naku Allyssa pumayag ka na” singit naman ni CJ, mukhang tuwang tuwa ang mga ito pati sila Jamaica ay naandun. “Eh, nakakahiya naman. Nailibre na kami ni TL kahapon.” Sagot niya. “No worries, sagot ko naman. Isama mo na din sila” saka ito ngumiti kila Charlene at CJ. Halata namang natuwa ang mga iyon. “Sige na Allyssa, magiging TL natin iyan oh.” Ay talaga ba ate Charlene, bakit hindi man lang siya tinulungan tumanggi nito. “Okay po” mahinang sagot niya. Wala na siyang choice kung hindi pumayag. Kita naman ang malawak na ngiti ni TL Jaime at ang masayang reaksyon ng grupo ni Jamaica. “O siya, ano bang gusto mong kainin?” tanong nito sa kaniya. Hindi siya makatingin dito nang diretso. Nakatungo ito sa kaniya at bahagya pang lumapit. Ni paghinga nito ay rinig na niya. “Kayo po ang bahala” “Army Navy nalang” suhestiyon ni Cj. “Mamahalin ah ito si acla!” paniniko naman dito ni ate Ara. “Miss ko na kasi do’n” naka-pout na wika nito. “Ay ikaw ba si Allyssa?” tanong naman ni Jamaica na natatawa. “Nako ‘wag na kayo magtalo. Kahit saan naman game ako.” Wika ni TL sa mga ito. Wow yayamanin. Nagtinginan sila ni Mitch, umikot ang mata nito, tila hindi nagustuhan ang nangyayari. “Pano tayo nga pala pupunta dun TL, mag dalawang trike ba tayo?” tanong ni Jamaica. “No, kasya naman tayo sa sasakyan ko.” “Sa’yo pala kami sasakay TL” malanding wika ni Cj, binatukan naman ito ni Ate Ara na ikinatawa ni Tl Jaime. Huh! Miski pa magara ang sasakyan niya, hindi ko ipagpapalit si… *** ~bzzz It was an itsy, bitsy, teenie, weenie, yellow, polka dot bikini That she wore for the first time today An itsy, bitsy, teenie, weenie, yellow, polka dot bikini So, in the locker, she wanted to stay Two, three, four Stick around we'll°°°°°°° Nagising na si Patrick at pinatay ang alarm.. a las dos na, mapuntahan na ang bebegirl ko. kinusot kusot pa niya ang mga mata, nagsuot ng black na jagger pants at grey na damit., naghilamos siya at nag-spray ng perfume. Tinitigan niya ang sarili sa salamin, "Huh! Halatang lamang naman ako sa kaguwapuhan sa Jaime na 'yun!" "Siyempre Patrick, ikaw ang dabest" sagot niya rin ng pagsang-ayon sa kaniyang sarili. Kinuha niya ang bouquet ng pulang roses saka masiglang nilisan ang apartment. "Allyssa, I'm coming for you" kinakanta kanta pa niya iyon. *** Natapos ang lunch na hindi siya gaanong umiimik, katabi niya si Tl Jaime. He insisted. Kahit ayaw niya ay hinayaan niya na lang. Ramdam niya ang pasimpleng pagdikit nito. Kunwari ay umisod dahil may kinuha or something pero dadanggiin siya. She notices small things. Ang grupo lang nila Veronica ang nag-enjoy. Ang kinain ni Tl Jaime ay burrito, siya ay chicken at pasta pati quesadilla. Bahala siyang mamulubi. "Next time, jam tayo", yaya ni Tl Jaime. Nabuhayan naman ang kaniyang mga kasama. "Ay gusto ko iyan TL! teka sama ka naman po sa birthday ko kasama kaming lahat" tuwang wika ni Cj. Halatang Excited si bakla! Tumingin sa kaniya bigla si Tl Jaime, napasulyap rin naman siya rito. Abala siya sa pag kain ng chicken. "Sasama ka rin ba?" mahinang tanong nito na napakalapit sa kaniya. Tumango nalang siya ng pag-sang ayon. "Okay, I'll go" nakangiting sabi ng supervisor na iyon. Sana naman ay hindi nito isipin na sumama lang siya dahil sa supervisor. No! Natapos ang lunch-out na iyon. Nabusog siya pero feeling niya ay hindi siya nasiyahan. Naglalakad sila pabalik sa sasakyan, nauuna ang kaniyang mga kasama at silang dalawa ang nahuhuli ni Tl Jaime. "Allyssa, I have a question" "Huh?" "Open ka ba sa 1night s+and?" diretsong tanong nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD