Episode 14. Court

1563 Words
Patrick Jay’s POV Nauulinigan niya ang mga taong naglalakad na nagko-komento ng kung ano ano. Bakas na sa mga mata ni Allyssa ang kaba. Kung kanina ay nagmistula na itong witch sa talim tumitig ay yuyupi rin pala sa kaniya. He softly chuckled saka inilayo ang sarili kay Allyssa na kung hindi siya nakapagtimpi ay kakabigin niya palapit at makakatikim talaga ito ng halik ng anghel, biro lang. Halik ni Patrick! Allyssa tried to compose herself narin pero inalerto niya ang sarili dahil mukha itong matutumba. Goodness, ganun ba niya ito natakot. “Allyssa I told you I’m not that kind of a person. I respect you and I genuinely care for you.” “Then I’m good na?” tanong nito na akmang lalakad na palayo. “Hold on, not yet” Ganun na ba nito ka-disgusto ang kausapin siya. “What do you need?” bumalik nanaman ang pagka-dragona ng babae. Mood shifter. “Hmmmm huwag kang sasama kay Jaime” wika niya. Napakunot pa ang noo nito at tumaas ang isang kilay, “And why shouldn’t I?” “He’ll not do you any good and as you said…” lumapit siya at bumulong. “Manyak yung tao” “Patrick chismoso ka talaga! radar ko den pero, napatunayan mo na ba?” dudang tanong nito. “Allyssa! Bakit hindi ka pa pumapasok?” malakas na boses iyon ng isang babaeng maliit na chubby. Naka-pokus lang ang tingin niyon kay Allyssa. Sigurado naman na pansin na siya nito base sa galaw ng mga mata. Masyadong fixated kay Allyssa, Ah! She heard of me already. She has a prior knowledge on my role in Allyssa’s life. He didn’t know that Allyssa’s talking about him to her colleagues. Nice to know that. “Ah Mitch, oo nga papasok na rin ako.” Tila nahihiyang wika ni Allyssa, iba narin ang galawan ng mga mata ng dalawang babae. Dapat kasali ito sa History of Communication e. Eye contacts and you can pass on messages. Hindi parin siya ipinapakilala kaya siya na ang nauna. “Hi Mitch! I’m Patrick. I see you heard a lot about me from Allyssa, right?” Nag-lighten ang face ng kausap niya at lumawak ang ngiti. She seemed impressed, Si Allyssa ay nanlalaki ang mata na tila binabalaan ang kaibigan na huwag magsalita. Sorry Allyssa, I know what I want to know already. “Oo nga, nakakakilig nga eh, since highschool pala pareho na kayong may crush sa isa’t isa.” Kinikilig na wika nito. Nakitawa na rin siya. Si Allyssa ay nasa gilid lang at tinatakluban ang mukha. Hindi ko akalain na pati iyon sinabi niya ah! “Yeah right, ngayon nga mas lalo yatang lumalim ang nararamdaman ko sa kaniya” wika niya rito sa ma-dramang tono. Si Allyssa ngayon ay napanganga na sa gulat. Her reactions are the best. “So, may plano kang ligawan ang Allyssa-bebe namin?” diretsang tanong ni Mitch. Hindi niya inaasahan iyon ah. He’s all caught up. Nakatitig na sa kaniya ngayon si Allyssa na umi-iling iling. Tila sinasabi nitong mag ‘No’ siya… kaya naman, “Yes” Diretsa niyang sagot. Tumatalon sa tuwa ang kaibigan ni Allyssa habang hinahampas nito ang dalaga. Now that he thinks of it, pwede naman niya itong ligawan. Doon mas mapro-protektahan pa niya ang dalaga lalo na sa mga lalaking kagaya ni Jaime. “Oy Patrick tumigil ka nga diyan.” Namumula ang mukhang wika nito. “Bakit Allyssa? Wala ba akong pag-asa?” tanong niya na lalo pang ikinahiya niyon, hinihila na nito ang kaibigan palayo. “Ewan ko sa’yo” wika lang nito na nakanguso, pinagkakaisahan kasi. Masasabitan na ng kaldero ang nguso nito sa haba. “Ewan means..” boses iyon ni Mitch na tuwang tuwa. Sabay pa silang nagsabi, “YES!” tawanan na naman sila. Masaya palang magkaroon ng kaibigan na babae. Siguro hindi boring ang buhay. Ang suwerte ni TL Jaime, ang daming nakakatuwa sa paligid niya. Nilapitan niya si Allyssa na isusuksok na ang sarili sa likod ng plant box. “Tomorrow, I’ll officially court you kaya susunduin kita, wait for me.” He said. Hindi lang ito nagsalita pero halata niyang nakatawa ang mga mata nito, marahil ay nahihiya. “Since you were apologizing earlier, ayun na ang tinatanggap kong kapatawaran—that I’ll court you.” Hindi ito kumikibo. Sapo sapo lang ang ulo na parang masakit iyon. “Ayii!PatSa, PatSa lang SaPat na!” boses parin iyon ni Mitch na mauubos na yata ang enerhiya magsisimula palang ang araw nila. “Well girls I won’t keep you anymore. Enjoy your training! And bebegirl” napatingin sa kaniya si Allyssa na kunwa’y iirap. “I’ll see you later” saka niya ito kinindatan. “Naku Patrick, humulong ka na nga!” parang iiyak na ang boses nito. Siguro’y halong inis, hiya… sana may kilig din diba. “Kinikilig ang aming frenny, sige Patrick basta seryoso ka dito ha, baka lokohin mo. Heads up ko lang may alam sa kulam ang lola ko!” pagbabanta ni Mitch. “Kahit ipahula mo pa kay Madam Auring ang intensyon ko at kung manloloko ako sige lang, pwede rin ipa-lie detector test. Name it” “Aba matapang Allyssa. Sige ah, hindi ito iiyak kasi ayos lang naman sa kamay kong mabahiran ng dugo.” Nananakot pa ang babae. “Ano ba Mitch hindi naman siya ganun, sige na Patrick. Male-late na kami e. Ingat” seryoso nang wika ni Allyssa saka ngumiti sa kaniya. ‘Wag mo akong nginingiti-ngitian nang ganiyan Allyssa. “Ay pinagtatanggol marupok ka girl! Ingat Patrick!” pamamaalam din ng dalawa sa kaniya. “Bye girls!” paalam niya rin sa mga ito. How nice to communicate with people, Ito ang bagay na hirap siyang gawin noon. Siguro sa kagaya niyang lalaki, hindi naman sila nagu-usap ng puso sa puso dati sa barkada nila. Walang ganu’n. Hindi kagaya kapag babae ang kausap, words came out easily. Sa mga lalaki kasi, hambugan, kalokohan—walang maayos na komunikasyon. Ilan na ba sa mga kakilala niya ang nagpakamatay? Iyong kaka-kausap lang niya kahapon na maayos pa at tumatawa, may kinikimkim na pala. Marahil tama nga ang kaniyang therapist, talk to a woman or children. Sorround yourself with someone you can talk and vent to. Ayaw niyang bumalik sa suicidal person he was before. Since I will court Allyssa, she deserves a bouquet of flowers! ** Nananakit na ang sikmura niya, feeling ni Allyssa ay nasusuka siya na ewan. Bakit naman kasi ganoon ang pinagsasasabi ni Patrick. Court? Me? This will be the first time. How am I supposed to react? “Ah beh! Ang papabol naman ni koya mong Patrick, hindi mo sinabing parang model pala ‘yun!” “Beh mukha naman siyang normal…” kunwa’y hindi siya nagu-guwapuhan. “ Normal ba ‘yun? Beh sobrang tangkad. At ‘yung eyes niya. I’m so lost!” kinikilig na wika nito. Siniko naman niya, mahirap na baka maging karibal pa niya ang kaibigan. “Oo na kaya nga crush ko siya dati e...” wika niya. “E ano nang tingin mo sa kaniya ngayon” natigilan siya. Ano nga ba? "I think he's just doing it kasi..." hindi niya naituloy ang sasabihin. Hindi nga kaya dahil nakita siya nitong nakasalampak sa Cr at pinisil pa nito ang kaniyang gaga-pigsang hinaharap... baka katawan lang ang habol niya sa akin! "Kasi?" naiinip na follow up ni Mitch. "Kasi bored siya?" sagot niya. "Beh hindi naman magdedesisyon 'yun ng ganun dahil lang bored siya at kita ko sa mga mata niya huh! Lagi siyang nakatitig sa'yo" Hindi siya naniniwala. "Huh, hindi naman!" sagot niya. "Oo kaya saka susunduin ka ng a las dos?" oo nga no, marami na ring nagagawang effort sa kaniya si Patrick. "Sinundo nga rin niya ako nung out natin kanina" pagshe-share niya. "Ay shala ka girl! hindi ka na maiinggit sa amin na me mga tagasundo, si tatay nga lang sa akin" malapit na sila sa labas ng training room. Nandoon na si Charlene. "Ngayon lang kayo hindi maaga ah" bati nito. Siniko niya si Mitch para huwag mag-kuwento. "Oy oy ano yan, kita ko 'yang pasiko siko na iyan. Ikuwento niyo yan mamaya ha!" paninita nito. Hindi talaga siya makapag-tago duon , magaling manghuli! Pumasok na sila sa training room. Napakalamig doon. "Alright, everyone next week pupunta na kayo sa production as in 7hours and 30mins magco-call na kayo. So today, magpho-phone time kayo ng tig 30 minutes sa team na mapupuntahan niyo. Siyempre ipapakilala ko muna kayo no. Baka akalain niyo aabandunahin na kayo ni mama!" Nakakakaba naman, unti unti na silang sasanayin sa customer service. "Listen up, ito ang listing ng magkakasama sa isang team. Note it down para hindi kayo maligaw-ligaw doon" Nagsimula na itong mag- isa isa at natawag na nga siya, "Allyssa, Charlene kay Tl Jaime" wika nito, masaya naman silang nagtinginan ni Charlene pero malungkot si Mitch. "Ah requested din pala si Mitch kay Tl Jaime, ang swerte niyo girls ah ang guwapo ng supervisor na ito" narinig niya ang bulungan sa paligid. "Naku, binabakuran na nga po si Allyssa" malakas na wika ni Mitch na nakaani ng pangangatyaw ng mga ka-team nila. "Naku Allyssa huwag, gwapo lang siyang tingnan pero huwag. Baby natin si Allyssa kaya we should protect her at all cost" makahulugang wika nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD