Episode 18. Where's Patrick?

1400 Words
Allyssa’s point of view “Wala, please huwag ka nang makisali doon, I can take care of myself naman. I promise, nothing will happen to me” nakikiusap na sagot niya rito. Nakakatakot ang ekspresyon sa mukha ni Patrick ngayon. Kita rin niya ang paggalaw ng mga panga nito. Ayaw niyang masali pa sa gulo si Patrick… teka bakit nga ba? Concern na ba siya dito? Magkasama lang naman sila sa bahay. Nothing more, nothing less. “Allyssa, just tell me kapag ginulo ka pa niya. I don’t want you to be harm” kalmado nang wika nito saka bahagya siyang inilayo sa pagkakayakap. Hindi niya alam pero may parte sa kaniya na tumutol sa ginawa nito. His warmth, it’s comforting. I want more... Malamlam ang mga matang nakatitig ito sa kaniya. Ang ilaw lang sa sala ang nakabukas kaya hindi ganoon kaliwanag sa parteng kanilang kinatatayuan. Madaling araw pa, madilim parin sa labas. Waring may nagtutulak sa kaniyang halikan ang makikipot na labi nito. “Kung gusto mo akong halikan, hindi naman ako tatanggi” bulong ni Patrick na ikinagulat niya. Napansin yata ng binata na nakatitig siya rito. Kinurot niya ito sa tagiliran at saka inirapan, “Nanliligaw ka palang halik na agad, tse!” wika niya saka tinalikuran ito. “Handa naman ako maghintay pero hindi ko kasalanan kung gusto mo na kaagad” nanunudyo pang wika nito. “Ewan ko sa’yo Patrick. Matulog ka pa” Sagot na lang niya saka iyon nginitian at dumiretso siya sa banyo. Tinitigan niya ang sarili sa salamin. Wala iyong sigla, mukha siyang namatayan. Nanghihinang naglinis siya ng sarili. Bakit ba sa akin nangyayari ito? Ang dami namang iba. Hindi na siya kumain at tuluyan nalang na natulog. Pagkagising ay kumukulo na ang kaniyang tiyan. Nang naliligo na ay nakita niyang sobrang halata na ang pasa sa kaniyang palapulsuhan. Kagaya ng kahapon ay may dumating nanaman na delivery, ito nanaman ang parehong delivery guy na nagdeliver sa kaniya. “Ma’am, huwag niyo nalang daw pong alalahanin ‘yung nangyari kagabi” napatakip pa ito sa bibig na animo’y kinikilig. Ano ba talaga? Kahapon pa ito ah! Wala namang nangyari. “Si kuya ang isip, wala naman iyon… ano kasi..” “Naku ma’am alam ko na po iyang mga ganyan, gabi gabi po pala ha! sige po bukas ulit. Ako na po ata ang naka-assign na magdeliver sa inyo. Thank you po!” wika nito saka wala nang sabi sabing umalis. Hindi man lang pinakinggan ang paliwanag niya. As usual may kasama iyon na mushroom soup at ngayon ay may fries din… Mabilis niyang nilantakan iyon, nang mapansin niya ang sariling ginagawa ay napatingin siya sa paligid. Mukha kasing hindi gagawin iyon ng mahinhing babae pero wala siyang pakialam. Nagsuot siya ng simpleng T-shirt at pants, saka nagpatong ng jacket. Hindi niya alam kung bakit tila nilalamig siya ngayon, kasabay pa ng takot na muling makita si TL Jaime. Ninais din niyang takpan ang mga pasa. Siguro naman hindi na siya pagdidiskitahan nito ngayong hindi siya naka-dress. Nakatungo siyang pumasok sa entrance ng company. Alam niyang andun nanaman si Patrick. Nakalagpas na siya ng lobby ay walang Patrick na sumalubong sa kaniya. Nilingon niya ang mga upuang bilog. Nagbabaka-sakaling abala lang ito sa pagce-cellphone at hindi napansin ang kaniyang pagdating ngunit wala parin siyang makitang kahit na anino nito. Ipinagwalang bahala na lamang niya iyon at dumiretso sa second floor. Inilagay niya ang mga gamit sa locker at dinala lamang ang cellphone, notebook at ballpen. Maaga nanaman siya ng forty-five minutes. May mga nakaupo nang mga kasama niya sa training malapit sa kaniya ngunit mga abala naman ang mga iyon sa paglalaro. Naalala niya ang account ni Patrick na kaniyang binlock. Inunblock niya iyon at inistalk, ang boring. Since 2010, iyon na ang profile picture nito. Wala ring kahit anong post kundi mga tag post lamang na wala namang kainte-interesante. Tiningnan niya ang friends list. Nasa 200 plus lang iyon at karamihan ay kilala niya, mga school mate nila nuong high school. Nakita niya ang account ni Alex na ngayon ay mataba na at iba na din ang style ng buhok. Minessage niya si Sakuragi, Sakuragi, salamat sa pagkain ha. Hindi ka na dapat nag-abala pa. Mananaba ako sa’yo eh. Magi ingat ka pauwi, kumain ka rin. Pasensya na hindi kita nalulutuan. Bawi ako sa weekends. Abala siya sa pagi-scroll nang dumating si Charlene. “Hi ate, how are you?” tanong niya. “I’m fine, ikaw ang kumusta?” tanong nito saka umupo sa tabi niya. Nanunukso ang tingin nito. “Huh? Ayos lang din ako ate” sagot niya rito. “Hindi mo sinabi sa akin, ang guwapo pala ni Patrick huh. Sagutin mo na kaagad at alam mo naman baka may makauna pa. Call center to, andito lahat!” wika nito. Akala niya sabi sabi lang ito noon, ang business process outsourcing industry ay may sakit na—ayun na nga. Kabit dito, kabit doon. Hindi pa naman niya napapatunayan pero maraming kuwento sa production na ang asawa ni ganito ay ginaganre ni ganito. Talamak ang kabitan, ‘ika nga nila. Baka naman, choice lang talaga nila iyon at kahit saang workplace naman ay mayroong mga insidenteng ganito. Well maybe or maybe not, basta hindi ako tutulad sa kanila. Wala namang makati para maghanap ng kakamot. “Kung gusto niya po--pumatol siya sa iba, hindi ko naman siya pipigilan at hindi ko kawalan huh!” matapang niyang wika. Aba, marami pa ang magkakagusto sa akin, hindi lamang siya ‘no! Sisiguraduhin ko na hindi na ako magiging choosy. Magre-reply na ako at hindi mangbo-block. “Ay ang lakas mo girl, gusto ko iyan!” tuwang sabi ni ate Charlene na inapiran pa siya. “Rereply ka talaga Allyssa kapag chinat ka?” tanong ni Josef na alam niyang busy sa paglalaro. “Oo kapag mawawala na sa kalendaryo ang edad ko” pagra-rason niya. Bigla tuloy siyang napa-kabig. “Ang tagal pa pala ng hihintayin mo Marvin” biglang sabi nito kay Marvin na abala din sa paglalaro. Napatingin siya sa dako nito at tumingin rin ito sa kaniya. Noon lang nito siguro narealize ang sinabi ni Jozef. “Hoy Josef, wala akong sinasabi sa’yo ah” defensive na turan nito. “Ewan ko nga sayo Marvs ikaw na nga ang tinutulungan, ang dami mo nang karibal diyan.” “Wala akong pake sa kanilang lahat” sagot naman ni Marvin. Mapagbiro talaga si Josef. Hindi na lang niya iyon pinansin at nagchikahan na sila ni Charlene. Maya maya pa ay dumating na si Mitch. Nakatanggap siya ng message mula kay Sakuragi. Anything for you Princess. You take care, I can handle myself. See you later Allyssa *(with wink emoji pa) *3* Sineen na lamang niya iyon ngunit palihim na nakangiti dahil sa kilig. Lumipas ang mga oras at nag-announce nanaman si Boss Nikki na papasok sa production. Ngayon ay magsa-side by side ulit sila ng 30 minutes at one hour na magco-call. Mas matagal na ngayon, para daw masanay na sila. Hindi na sila ihinatid sa kani-kaniyang team. Hinanap na lamang nilang tatlo ang pwesto nila TL Jaime. Nilakasan na lamang niya ang loob, kahit na ayaw niyang tumuloy ay kailangan dahil sa trabaho. Hindi na lang niya ito kakausapin. Pagkarating doon ay nagtaka siya kung bakit kakaunti lamang ang ahenteng nandoon. Wala rin sa high chair si TL Jaime. Nakita niya agad si Jenna. Nanatili lang siya sa likod nito hanggang matapos sa call saka niya kinausap. “Hi miss Jenna, pa-SBS po ulit kami” Ngumiti lang ito at kinuha ang headset na dala niya saka nag-set-up. “’wag mo akong tawaging Miss please.” Wika nitong tumatawa. Ang cute talaga. Parang manikang bata. “Misis ka na po ba?” inosenteng tanong niya. Natawa naman ito saka siniko ang katabi, “Baks kung misis na daw ba ako. Sabi ko kasi ’wag akong tatawaging Miss” rinig niya ang pagtawa ng bakla na mukhang mahinhin. “Miss ang gusto nan, pusong lalaki ” singit nito. Ah kaya pala, hindi niya naradaran iyon. “Si TL Jaime po pala?” tanong niya. “Nasa Ospital, nahold-up daw kanina ginulpi pa. Sabi ko nga sana binigay na lang niya lahat.” Sagot nito. Bakas rin naman sa mukha ang paga-alala. Patrick Jay's POV Huh, ang konti naman ng cash niya. Bakit ba hindi siya nagwi-withdraw?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD