Episode 17. Jaime is a big M.....

1326 Words
Natameme siya sa narinig. May urge na sampalin niya ang kaharap ngunit nagtimpi siya. Ramdam niya ang pangangatal ng kalamnan, tumigil siya at tiningnan ng diretso si TL Jaime. Seryoso ang mukha nito, hindi niya mabasa ang ekspresyon niyon. Nasa madilim silang bahagi ngunit malapit na rin sa sasakyan. Tawanan nang tawanan ang mga kasamahan sa unahan. “Ano po ‘yung tanong mo TL?” tanong niya, naninigurado lang na hindi siya nagkamali ng dinig. “I said, would you like to go out with me?” preskong tanong niyon. May makalokohang ngiting sumisilay sa gilid ng labi nito. Pakiramdam niya’y umakyat ang lahat ng dugo niya papunta sa ulo. Akmang sasampalin ni Allyssa ang kaharap ngunit napigilan ito agad ni Tl Jaime. Mahigpit ang pagkakakapit niyon sa kaniyang kamay, pinisil saka ibinaba. Napangiwi siya sa sakit, lalo pa siyang nabigla sa ginawa nitong pagkabig sa kaniyang baywang habang naglalakad. Ngayon ay tila mag-boyfriend na sila sa sobrang lapit. “T-Tl, please let go of me” wika niya. Pinangunahan na rin siya ng takot sa lalaki. Mabagsik na ang tingin nito ngayon ngunit hindi man lamang ito nasindak. Pasimple nitong hinagod hagod ang kaniyang likod. “I don’t take no for an answer. Remember that” Bulong niyon. Bagaman nanginginig ay inipon niya ang nalalabing lakas at inalis ang kamay nito at saka lumayo sa tabi ng manyakis na TL na iyon. Pumagitna siya kila Charlene at Mitch. Kumapit siya sa braso ni Charlene. “Oh Ally bakit ang lamig mo ata? Nanginginig ka din.” Tanong nito. Nakatungo lang siya. Gusto niyang umiyak. Sasagot na sana siya nang- “Sabi ko kasi kay Ally kuhanin na itong jacket na ipinapahiram ko e, ayan nilamig tuloy” masayang wika ni TL Jaime, nang lingunin niya ito ay tila walang nangyari at nginitian siya nito pabalik. Evil smile. Napakagat na lang siya ng labi, pinipigil ang labis na bugso ng emosyon. Natapos ang buong training na tulala lang siya. May pagkakataong nagpapaalam siya para gumamit ng banyo ngunit nagpapakalma lang talaga siya ng sarili. Ang gusto na lamang niya ngayon ay umuwi, matulog. ** Matiyagang naghihintay si Patrick sa lobby hawak hawak ang pumpon ng pulang rosas. Marami nang nagdaan palabas, nang mapansin nga niya ang karibal na si Jaime ay tumalikod muna siya upang hindi mapansin. Marami ring nakaupo sa tabi niya kaya hindi naman siya makakapukaw ng atensyon. Pinanood niya ang mga ito gamit ang repleksyon sa phone. Kasama ni Jaime ang mga angels nitong hindi naman maaamo ang mukha. The angels and the demon. Mahigpit ang kapit nito sa baywang ng tinawag nilang Buninay, ang ex ni Dorin. Nasaan na kaya si Allyssa? Hindi nagtagal ay nakita niya sa repleksyon sa cellphone na nagsisilbing salamin ang tatlong babaeng papababa sa hagdan. Mababagal ang lakad ng mga iyon. Si Mitch at si Allyssa at siguro ay isa pang kaibigan. Nilingon niya ang mga ito, malayo palang ay nababasa niyang may mali. Kapag uwian ay hindi ba masayang nagu-usap ang mga empleyado? Ni isa sa tatlo ay hindi nakangiti. Something’s wrong then. Nang makalapit na ang mga ito ay tumayo na siya. Itinago muna sa likod ang bouquet saka lumakad pasalubong sa mga ito. Walang reksyon na nakatingin lang sa kaniya si Allyssa. Halata ang pagkabalisa niyon. Ang mga katabi naman ay tila nabuhayan ng loob at mga nagsingitian at tila kinilig pa pagkasilay palang sa kaniya. Iniabot na niya ang bouquet. Pilit ang ngiti na tinanggap naman ito ni Allyssa kahit pa ilang segundo rin itong nakatitig lamang doon. “Hi girls, how’s your day?” tanong niya habang sinasabayan ang mga ito palabas. “Masaya naman kaya lang, may allergy si Allyssa” wika ni Mitch. May allergy pala. “Ehem, Ally baka naman” tikhim ni Charlene. Noon lang tila bumalik ang wisyo nito. “Ah… ate Charlene, si Patrick po. Patrick si Ate Charlene” matamlay na pagpapakilala nito. “Hello Charlene, kumusta?” bati niya rito. “Ayos naman, first time namin nag-call sa team namin kaya medyo kinabahan today. Pero ayos naman, alaga naman kami ni TL Jaime lalo na si Allyssa” napakunot ang noo niya. Alaga. How? “Nakakatuwa namang malaman na mabait ang supervisor ni Allyssa” sinulyapan niya ang dalagang lumayo ng tingin. “Hindi na ‘ko maga alala dahil nasa mabuti siyang kalagayan at siyempre mababait ang mga kaibigan. Salamat sa inyo, Mitch” lalo pang naging weird ang kinikilos ni Allyssa. Tila gusto nang matapos ang pagu usap na iyon. “Salamat din sa iyo sa pagsundo sa kaibigan namin Patrick, magi-ingat kayo” paalam na ni Mitch. Nagsipaalaman na ang mga babae at tinahak na nila ang daan papunta sa parking lot. Hindi parin nagsasalita si Allyssa. Nauuna itong maglakad sa kaniya. “Allyssa what happened?” tanong niya. “What do you mean?” “You know what I mean, tell me” “I don’t know what you’re saying ” sagot nito. Ang tigas naman nang babaeng ‘to. Allergy? Phew! Who would buy that? Tsaka namumula ang gilid ng mata nito, halatang nagpigil ng iyak. Wala ring sigla sa mga mata niyon. Siguradong may kinalaman si Tl Jaime. Tahimik lang sila sa biyahe. Nakatingin sa labas ng bintana si Allyssa habang ang kaliwang kamay ay hinahaplos ang petals ng pulang rosas. “Ang swerte niyong mga lalaki ano” wika nito, malapit na sila sa apartment complex. “Bakit naman?” tanong niya. “Mas malakas kasi kayo kesa sa aming mga babae” sagot nito. “Physically yes. Mas malakas kami para protektahan kayong mga babae.” Sinulyapan niya ito. Tumawa ito ng pagak at tumingin sa mga bulaklak. “How I wish” bulong nito. Napatiim ang bagang niya. So that’s what happened. Sabi na nga ba, hindi gagawa ng matino ang lalaking iyon. Nakarating na sila sa apartment, “Allyssa, you want to eat?” tanong niya dito. Umiling ito nang hindi tumitingin sa kaniya. Akmang papasok na ito ng kuwarto ngunit pinigilan niya sa pamamagitan ng paghawak sa pulsuhan nito. “Aray!” reklamo niyon saka kinabig ang kamay at iniyakap sa sarili. Napakunot noo siya, hindi naman madiin ang hawak niya dito ah. “Let me see.” Wika niya saka kinuha ang kamay niyon. Bakas sa maputing balat niyon ang mga pasa. Nakatungo lang si Allyssa, nakakagat sa labi. Ramdam niya ang panginginig niyon. “M-mmagpa-pahinga na ako” bulong nito at akma nang tatalikod ngunit hinarangan niya ito at niyakap. Ilang sandali ring nanatili itong tahimik at walang kibo, hindi rin naman siya itinutulak palayo. Hinahagod hagod lang niya ang likod at buhok ni Allyssa, maya maya pa ay rinig na niya ang hikbi nito, agad naman nitong tinakpan iyon ng bibig. “It’s okay, you can cry” paga-alo niya. Ilang minuto rin silang nakatayo sa labas ng kwarto ni Allyssa. Nang kumalma ito ay kumuha siya ng panyo at iniabot dito. “I’m sorry you had to experience that. Sorry I wasn’t there to protect you” wika niya. “What do you mean? Allergy lang ‘to tsaka hormones lang ‘tong pagiging dramatic ko ngayon” pagsisinungaling pa n Allyssa. Hindi ito magaling magsinungaling sa totoo lang. “Don’t deny it and you don’t even need to tell. Your intuition is correct Allyssa, he’s a maniac. Let’s report him to the police?” umiling iling si Allyssa “No, no nahigpitan lang niya ang kapit sa akin. Nothing else. I’m fine” sagot nito. “It is not a simple thing Allyssa. I know how a traumatized person looks like. Tell me what did he told you?” “He…he uhm told me if I can have 1nighTstand with him” mahinang sagot nito. Nagimbal siya sa narinig. Sino’ng matinong lalaki ang magtatanong niyon sa babae? Ngayon palang ay gusto na niya itong suntukin. “Anong gusto mong gawin ko sa kaniya? Just tell me”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD