Episode 19: Patrick did what?

1472 Words
Patrick Jay's POV Earlier that day Hindi na siya nakatulog pa simula noong sinundo si Allyssa mula sa company, parang gusto niyang i-test ang kaniyang kamao kung nagana pa. Kumukulo ang dugo niya sa nalaman kung kaya’t tinawagan niya ang kaibigang intel ng police. Dalawang ring lang at sumagot ito sa inaantok na ngunit alertong boses. “Raven, may pabor ako. Kung pwede lang sana, Sparrow ‘to” direkta niyang bungad dito. “Anytime naman pre, sabihin lang” sagot nito kaagad. Nakasama niya ito sa training sa Army, kung tama ang kaniyang natatandaan, computer engineer ito. Naka 9 months lang sa Army at tinransfer ito sa PNP dahil nakitaan ng kanilang sarhento ng potential nang malamang magaling ito sa technology. Nai-endorse ito agad sa PNP at hindi naman nabago ang kanilang pagkakaibigan kahit pa magkalayo ng lugar at matagal na ang lumipas nang huling magkita. “Jaime, supervisor na nagtratrabaho sa Onesource solutions. Hindi ko alam apelyido bro. Binastos ang mahalaga sa akin eh. Pasend nalang ng info . Everything about this man” “Copy sparrow. TC ” “TC Raven” Makalipas lamang ang ilang minuto ay nakatanggap siya ng email, kataka takang walang nakadisplay na email address kung ng sender nito. This email will be automatically removed after 60 seconds. Dali dali niyang ini-screenshot iyon at pinag-aralan. Mayroon ring realtime tracker kung nasaan si Jaime kaya pati ang coordinates nito ay kita niya. Napangisi siya. Hindi talaga bibigo si Marco. Raven ang codename nito. Jaime Olivero, nagre-renta sa Southville Homes at may dalawang anak. Sophia and Kate, naroon rin ang pictures ng mga ito na sa tingin niya ay nasa tatlo at anim na taong gulang. May kinakasama, Abigael Pilmero. Sa itsura nito ay mukhang problemada at humpak ang pisngi sa kapayatan. Nakalagay ang f*******: profile nito sa mga detalye roon na iba ang pangalan, pati ang kay Jaime na iba rin ang pangalan. Hindi lang isa kundi apat ang profile nito sa f*******:. Ang sipag naman pala niyang gumawa. Isa nga lang ang aking si Sakuragi hindi ko pa nagagamit. May mga pictures ding sinend si Raven, kuha iyon sa CCTV kasama ang babaeng may purple at blonde na buhok. Agad niyang isinave ang mga pictures, magagamit niya iyon laban sa supervisor na iyon. Ano kaya kung isend niya kay Abigael? Chineck niya kung nasaan ngayon si Jaime, kinuha ang coordinates at tiningnan iyon sa mapa. Nasa isang hotel ito sa Sta. Rosa. Mirabella Hotel and resort. Tiningnan niya ang layo mula sa kaniya. 3.5 kilometers lang naman at approximately 7 minutes drive. Napaisip siya. Nagtatasa kaya ito ngayon? What if… he ruin his life? Nagalak siya sa naisip. I feel the excitement in my chest~ Kinakanta kanta pa niya iyon sa kaniyang isip habang nangangalkal ng itim na damit mula sa mga inorder na gamit. Nakahanap naman siya ng itim na jacket pati ng cap at mask, isinilid niya iyon sa plastic. Isinuot niya ang night vision glasses saka marahang isinara ang pinto. Bumaba siya ng apartment building na umaaktong normal. Mahirap na baka mapagdudahan siya. Nag-park siya ilang kanto mula sa hotel. Wala nang mga taong nagdadaan. Pinagmasdan niya ang paggalaw ni Jamie sa tracker. Habang tumatagal ay lalong tumataas ang gigil niyang makapanakit. Habang nananatili itong hindi gumagalaw sa isang lugar ay inistalk niya ang mga f*******: profile nito. Walang masyadong ganap. Inusisa pa niya iyon isa isa. Napunta siya sa isang account nito na kakaunti lang ang friends pero visible iyon. Naandun ang profile ng babaeng weird ang buhok. Patricia. Hindi ito maingat. Naka-public ang halos lahat ng nasa timeline nito. Napataas ang kaniyang kilay nang may makitang post na may anak na pala ito. Babae din. Ano kaya ang klase ng pagpapalaking ginagawa nito sa anak? He wondered. Nag-browse pa siya nang nag-browse. Nakita niya ang profile ni Dorin. My dear Dorin, poor creature. Nagla-like parin talaga ito sa mga posts ng babaeng p*ta? So desperate. Binalikan niya ang tracker. Saktong gumagalaw iyon, klaseng palabas na ng hotel. Niliksihan niya ang kilos sa pagpunta doon, kunwang may kausap sa cellphone ang acting niya. Muntik siyang makita ng babaeng weird ang buhok. Nakita pa niyang pumara ito ng tricycle. Hindi man lang inihatid ni Jaime matapos magtasa? Umiling iling siya. Mahina mahina mahina. Mabilis siyang nakarating sa parking. Nakatalikod sa kaniyang gawi si Jaime. Perpekto. Kunwari ay tumutok siya sa baywang nito na ikinaigtad naman niyon. “Pera lang pre tsaka cellphone aalis na ako. ” bulong niya, pinilit rin niyang ibahin ang boses, nakatutok ang dalawang daliri sa taghiliran. Dahan dahan naman itong nagtaas ng kamay at akmang bubunot sa bulsa ngunit agad itong humarap sa kaniya at nagbira ng suntok. Agad naman siyang nakailag at dahil sa pwersa ng suntok ni Jaime ay nawalan ito ng balanse napangudngod pauna. Sa hangin bumagsak ang suntok nito. Sayang kalakihan ng katawan hindi naman nagagamit. Gusto niyang pilipitin ang leeg nito ngunit nagtimpi siya. Mabilis niyang nilapad ang mata nito mula sa likaran. Mahirap na baka maaninagan siya. “Huwag kang sisigaw, babarilin kita” Napasapo si Jaime sa mga mata nito dahil sa sakit dahilan para maging open ang buong katawan nito. Pinagsusuntok niya ang sikmura niyon at mukha. Hindi na niya mapigil ang sarili. Walang puwang ang mga demonyong manyakis sa mundo. Tinigilan niya ito nang namimilipit na sa sahig. Nasipat niya ang wallet nito at agad niyang kinuha. Kailangan ring palabasin na hold-up ito. Baka mapag-initan pa si Allyssa. Sa ibang bagay lang ito dapat mag-init. Aalis na sana siya nang maalala ang mga pasa ni Allyssa sa may pulso. Kinapitan niya ang pala pulsuhan ni Jaime at mariing pinisil, nang masiyahan ay inapakan pa niya ang mga daliri sa kamay nito. Mukhang mawawalan na ng ulirat ang supervisor na manyakis. Huwag naman sanang mamatay. Gusto ko pa siyang pahirapan sa susunod. Ganiyan kapag kulang sa aruga ng magulang. Lumaking spoiled lang at lumaki sa tiyahin. Siguradong hindi ito nakaramdam nang totoong pagmamahal kayo ganon na lang paglaruan ang mga babae. Ni ang ka-live in nito ay hindi pinapahalagahan. Ayon sa info sheet ni Raven, nasa abroad ang tatay nito at ang ina ay may iba nang pamilya. Kulang sa pagmamahal. Imbes na bumawi, ninais pa nitong maranasan ng mga anak ang naranasan niya. Palpak. Mabilis niyang iniwan ang lugar. Nang makabalik sa sasakyan ay agad siyang naglagay ng sanitizer. Inalis niya ang jacket at ipinunas doon ang mga dugo sa kaniyang kamao. Ayaw niyang mabahiran ng dugo ni Jaime. Nakakapandiri. Dinial niyang muli ang number ni Raven. “Raven, pa-delete ng CCTV footages sa sa Mirabella Homes and along Romullo boulevard and Rosal Street. Everywhere near the vicinity” wika niya sa hindi nagsasalitang kaibigan sa kabilang linya. “Deleted sparrow. Live kitang pinanood. Wala ka paring kupas” tatawa tawang wika nito. “Salamat pre, utang ko to sa'yo. Mababayaran din kita sa susunod. ” “Hindi kailangan pre” May naalala siya. “Pa-delete muna ng fingerprints ko and all my details sa database for 90 days as well and if you couldn’t, just alter my prints and blood type” “Easy ‘yun. I got you. TC sparrow” paalam nito. Ganun lang kabilis ang conversation nila pero hindi mababago ang kanilang pagkakaibigan. Kakaunti lang ang mga kaibigan niya ngunit maaasahan ang mga ito sa oras ng pangangailangan. A las cinco mahigit na. Nagdrive siya pauwi. Itinago parin sa supot ang mga ginamit at inilagay iyon sa kasulok sulukan, lalabhan niya iyon sa weekends. Mabilisan siyang naligo. Humahapdi na ang mga sugat niya. Hindi iyon puwedeng makita ni Allyssa. Maghihinala ito. Umalis rin siya agad at kumain na lamang sa nadaanang gotohan bago tuluyang pumasok ng company. Nagsuot siya ng hoody jacket. Isinuksok sa bulsa niyon ang mga kamay. Kunwang nilalamig. Mabilis na natapos ang araw, noong lunch niya ay hindi niya kinalimutang i-schedule ng delivery si Allyssa upang makakain ito bago umalis. Halatang nanibago ang guwardya nang saktong a las quatro ay lumabas siya ng building. Hindi lang ito nagtanong. Nag-drive siya papunta sa tagaytay. Nang makarating sa isang sosyal na kainan ay nag-park muna siya. Noon lang niya naalala ang wallet ni Jamie. Puno ito ng cards pero kaunti lamang ang lamang pera. Huh, ang konti naman ng cash niya. Bakit ba hindi siya nagwi-withdraw? Kulang pa ito pangbili ng kape e. Sayang pala dapat tiniktikan niya kapag saktong paalis ng ATM. Maraming ID ang naroon. Napangisi siya. Maigi nga, mahihirapan siyang kumuhang muli. Isang litrato ang nandoon. Whole family ni Jamie kasama ang dalawang batang babaeng mga anak nito. Itinago niya iyon. Bumaba siya sa sasakyan at umorder saka niya napiling umupo malapit sa may terasa. Mataas na lugar ito. Kung kaya’t nakaisip siya ng ideya. Wala namang nakatingin. Pasimple niyang inihulog ang wallet niyon nang kunwa ay nahulog ang kaniyang cap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD