Episode 13: Tampo

1345 Words
Hindi nga siya maaaring magkamali. Ang kupal na supervisor. “Ay daddy Jaime ikaw pala” naglapitan sa lalaki ang grupo. Pinalibutan nila iyon nang parang santo. “Daddy alam mo naman nagkasakit ang mga bakla”, sabay sabay ang mga iyon na kunwa’y umuubo at sumasakit ang dibdib. Natatawa na siya sa kaniyang puwesto. “Oo nga daddy pero hindi ka namin nakalimutan sa iyong kaarawan, mamaya may ch*pacabra ka kay buninay” hirit ng isang bakla na ikinatawa ng lahat. Nakita niyang binatukan ng supervisor ang dalawang bakla ng sabay. "Aruyyy" lukot ang mga mukhang reklamo ng mga iyon. “Hindi kayo magaling mag-tago, nakita ko oh myday nito ni Kulasa nasa club kayo. At ikaw kulaspog, nagtutwerk ka pa sa video. Anong may sakit!” Seryosong wika ng TL. Ayan tingnan nga natin kung papaano niya iha-handle ang team niya. “Ay bobits, gaga ka ba’t hindi mo inihide kay TL?” bulalas nung pinakamalaking bakla na agad namang kinutusan ni Jaime. “Aba malay ko bang iha-hide pala” guilty na wika ng isa pang bakla na napaka-ikli ng dress. Sa lamig ng air conditioner sa loob ay hindi niya alam kung papaano nito nakakaya ang lamig. "Kasi naman Tl eh yan si buninay ay borkenhearted kaya sinamahan namin mag move on no!" “Ayan ayan, lumalabas ang mga gawain ninyo ha! Papaano kung bigyan ko kayo ng love letter, teka nga” pagalit na wika ng tl saka akmang hahakbang na papasok. Agad namang pinigilan iyon ng apat at nangunyabit pa ang babaeng may purple at blonde na buhok na tinatawag nilang Buninay. “Daddy ‘wag mo naman kaming bibigyan ng Notice To Explain. Puwede naman nating pag-usapan hindi ba?” Lumapit pa itong mabuti sa supervisor na kumapit naman sa likod nito. Napataas ang kaniyang kilay nang makita niyang ang kamay ng supervisor ay pumisil sa puwet ng babaeng iyon. Hindi niya mapigil ang sarili, tumalikod siya sa pagkakaupo at saka mahinang tumawa na kunwari ay nakatingin lamang sa cellphone at nagbro-browse ng kung ano ano. “Mabilis naman kausap iyan si TL. Ililibre ka den namin TL ng lunch Tl, hindi pa ba sapat iyon?. Makakapag-tasa ka na ng lapis mo may pa-fuds ka pa. Double Fuday!” “Swerte ka na nan TL kanina ch*pacabra lang ang alok namin ngayon level-up ka na” Hiniling niya na hindi niya na laang iyon narinig. Ngayon ay nakasubsob na siya sa kaniyang pantalon at tawa nang tawa. Lumagpas ang mga ito sa kaniyang kinauupuan at hindi na siya napansin dahil nakapaligid sa supervisor. Mukhang nawi-weirduhan na ang kaniyang mga katabi sa circle na upuan na iyon kaya’t nagsilipat na ang iba. Mahirap talaga kapag malakas ang pandinig. Ilang minuto pa ang lumipas at naka get-over na rin siya. Masusing tinitingnan niya isa isa ang bawat dumadaan. Wala parin si Allyssa. Akmang tatayo na siya nang makita niya ito. Bagay dito ang lipstick na sa tingin niya ay pula na medyo orange. Ngayon lang niya iyon nakita dahil laging light pink lang ang nilalagay nito. Naka-bun din ang buhok nito na bumagay sa maliit at cute na mukha. Teka, bakit siya naka off-shoulder? Lamig na lamig! Ganiyan ba ang mga babae at bakla, walang pakiramdam? Sinalubong niya iyon, “Hello kumusta na ang pakiramdam mo?” kaswal niyang wika, kunwari ay hindi naa-amaze sa ganda ng kausap. Nakangiti ang guwardya sa kanila. Tinanguan niya lamang iyon. Inggit naman si kuyang guard. “O-okay na.” sagot nito na nagbaba ng tingin at tinakluban ng bag ang parteng dibdib. “Allyssa wala naman akong makukuha diyan.” Taas kilay na wika niya rito. “Mas malaki pa nga yata ‘yung akin.” Mabilis na nagbago ang anyo nito mula sa cute girl, nag-transition bigla sa pagiging bruha. “Ayan, dito nanaman tayo sa daanan nagu-usap. Kakahiya, babaan mo ang boses mo!" gigil na hila nito sa kaniya. “At bakit, wala naman akong gagawing masama sa’yo ah, bakit kagabi mo pa pakiramdam na gagawan kita ng masama?” may halong pagtatampo niyang tanong. Nakita naman niyang umamo ang mukha nito at parang na-guilty. Hindi nito malaman kung paano siya aaluin na sa loob loob niya ay ikinakatuwa niya. Naaamoy nanaman niya ang pabango nito. May nagtutulak sa kaniya para singhutin iyon. “Hindi naman sa ganoon Patrick” wika ni Allysza saka awkward na tinapik ng dalawang beses ang kaniyang balikat. Hindi rin ito makatingin sa kaniya ng diretso. Tila nangangapa ng idadahilan. Ay talaga? Hanggang tapik lang ang comfort mo? Si Tl Jaime nga matatasahan na ang lapis mamaya eh. “Eh ano?”, maang niyang tanong. Masarap gisahin si Allyssa. Ang cute ng kainosentehan nito. “Kasi nagi-ingat lang ako sa sarili ko diba? Tama naman iyon.” Paliwanag nito sa humahabang nguso at hindi parin makatingin sa kaniya ng diretso. “Naku, naga alibi ka pa. Sige na alam ko na, wala kang tiwala sa akin.” Malungkot niyang sabi. Lalo pa niyang inigihan ang pagtatampo effect. Tumalikod siya at naglakad na pa-exit. “Patrick sandali!” sigaw iyon ni Allyssa na nananakbo papunta sa kaniya. Bahagyang binagalan naman niya ang lakad ngunit hindi parin lumilingon. Hayy, ang sarap pala sa pakiramdam ang habulin ng magandang babae. ** Allyssa’s POV Ayun nanaman si Patrick. Kitang kita niya ang malaking bulto nito malayo palang. Bumalik nanaman sa alaala niya ang nangyari kagabi. Ang pagkakabukaka niya. Ang pagmulagat nito na parang nakakita ng kahindik-hindik na bagay. Ahh! Kill me now, kung hindi nga lang vital ang training ay hindi ako papasok. Bakit kasi walang ibang entrance. Sinasadya yata nitong salubungin siya dahil tumayo agad pagkapasok niya. Gosh ang lakas ng dating ni Patrick, nanliliit ako! Nakatungo ito sa kaniya at masuyong tinanong kung kumusta na siya. Shemay! I’m melting. Ayan nanaman ang musky nitong pabango, medyo humahaba na rin ang balbas niyon which is very manly. Naka-black shirt lang ito na may gray na jacket at khaki pants. At aminado naman siyang mas malaki pa yata ang umbok ng dibdib nito kaysa sa kaniya na gaga-pigsa lang yata ang laki. “At bakit, wala naman akong gagawing hindi maganda sa’yo ah, bakit kagabi mo pa pakiramdam na gagawan kita ng masama?” may lungkot at tampo sa tono nito. Hindi niya rin matitigan ang mga mata ni Patrick na animo’y sumisisid sa kailalim-ilaliman ng kaniyang kaluluwa. Ngayon pa nga at nag-walk out ito. Akmang aakyat nalang siya sa training room pero ng lingunin niya iyon at mukhang seryoso nga sa pagtatampo ay tinakbo na rin niya palabas. “Patrick sandali” dire-diretso parin ito. Ay wow! Pabebe. Nang maabutan niya si Patrick ay hinawakan niya ang matipuno nitong braso na kinailangan pang dalawang kamay ang ihawak niya sa laki niyon. Natigilan naman si Patrick at yumuko sa kaniya. “Oh, bakit mo ako kinakausap hindi ba manyak ako?” “May sinabi ba ako?”, tanong niya sabay irap. “Bakit mo pa ako hinabol galit ka parin pala, sige uuwi na ako at hahanapin ko muna ang halaga ko” wika nitong tumingala sa langit. Ay sadyang madrama ano? "Hahanapin talaga? ang OA mo naman" pagpapagaan niya ng usapan. "Sige magbiro ka pa, ok bye! Enjoy your work" Tatalikod nanaman ito nang pigilan na niya, ginamit niya ang buong lakas para higitin ito. “Sorry na Patrick. Naappreciate kita. Salamat rin sa pagkain at paga-alaga mo pero--” iniharap siya nito at itinaas nanaman ang baba niya. “Miss, kung magso-sorry ka, wala nang pero pero. Pero ka nanaman e adi kasalanan ko parin ang bagsak natin nito” wika nitong malapit na malapit sa kaniya. Kakaunti na ang nagdaraan pero napapalingon parin ang mga iyon sa kanila. Narinig pa niya ang isa “Luh hindi pa kumuha ng kuwarto” “Oo na po, sorry na” “Hindi naman sapat iyon” bulong nito sa tenga niya, umatras siya ngunit ang likod niya ay plant box na kaya wala na siyang aatrasan. “Eh anong gusto mo?” tanong niya ritong kinakabahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD