Episode 20. Catch

1278 Words
Natapos ang Side-by-side at ang pagco-call nila nang isang oras. Mas maluwag palang mag-trabaho kapag walang supervisor. Sana nga ay palaging wala si Tl Jaime. Ang nag-take over nang pagle-lead sa team ay si Veronica. Mababait ang mga kasamahan nila, lahat ng kanilang katanungan ay walang paga atubiling sinasagot ng mga iyon. Ang tanging napansin niya lang na hindi nagsasalita ay si Patricia, nakadukdok lamang ito at hindi man lamang nga yata niya narinig mag-call. Natapos rin ang shift na iyon, puros hikab lang ang ginawa niya sa training room. Panaka naka ring naiisip kung ano nang nangyari kay Tl Jaime. 2AM na. Hindi niya maiwasang mag-isip kung susunduin kaya siya ni Patrick? Dismayadong lumabas siya ng gate. Wala sa lobby si Patrick. Weird, simula ng nakatulog siya ng madaling araw ay hindi pa niya ito nakita. Ano naman kayang agenda nito buong araw? Tatawag na sana siya ng tricycle nang narinig niya ang pamilyar na boses ng lalaki, “Hi my lady, how’s work?” si Patrick iyon. Nakasuot ng hoody jacket at bonnet. Akala mo’y lamig na lamig. Oversize ang jacket na iyon. “Okay lang, kumusta ka? May sakit ka ba?” tanong niya. Hindi niya ito nakikitang naka-jacket. Baka nilalagnat. “Nope. Nilalamig lang. May inorder ako sa’yo diyan sa Joll*bee kaya hindi kita nahintay sa lobby” noon lang niya napansin ang labit labit nitong paper bag na may tatak ng paborito niyang bubuyog . Natuwa siya, napaka-sweet naman ni Patrick. Tinitigan niya ang mukha niyon. Parang walang tulog at pagod pero hindi nagbabago, napaka-guwapo parin. Tumabi ito sa kaniya at sabay silang naglakad. “Hinanap mo ba ako?” tanong nito saka tumingin sa kaniya. Umiling naman siya ng mabilis, “Hindi ah” saka tumingin sa ibang direksyon. “Namiss mo nga ako. Sorry na hindi na kita naabangan kanina, taeng tae na ‘nun e” wika nito habang tumatawa. “Gaguu” hinampas niya iyon. Nakarating na sila sa apartment, napansin niyang kulob na kulob ang amoy dito pagkabukas sa pinto. Patay rin ang ilaw sa loob at walang bakas na may tao kani-kanina lang. Ibig bang sabihin hindi doon natulog si Patrick? “Saan ka pumunta?” casual na tanong niya. “What do you mean? Dito lang” sagot nito. “I mean saan ka natulog?” nakita niyang tila natigilan ito. Kasalukuyang inaayos niyon ang pagkain sa lamesa. Nakita niya ang mga sugat sa kamay nito. Lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib. Napalunok siya. Don't tell me... “Sorry na, sa sasakyan ako sa parking nakatulog” buntong hiningang sagot nito. Natigil sa ginagawa at nakatingin nalang sa kaniya. “Bakit doon ka natulog, bakit hindi ka umuwi dito?” pagu-usisa pa niya. “Wala gusto lang kitang hintayin.” Sagot nito sa naguguluhang mukha. “Akala ko ba nac-cr ka na nu’n? Hindi ka ba dito umuwi?” tanong pa niya. Huli. “ Sa Jollibee ako nag-cr…” sagot nitong kakamot-kamot. “Patrick ang ayoko sa lahat pinagsisinungalingan ako.” Matigas niyang wika rito. Tila lumambot naman ang lalaki at lumapit sa kaniya. Akmang hahawakan nito ang balikat niya ngunit umiwas siya rito. Nakita pa niya sa malapitan ang mga kamay ng lalaki. Marami iyong sugat. “Anong nangyari diyan sa kamay mo?” tanong niya, naiinis parin siya ngunit naga-alala rin. “Nadisgrasya lang sa company, wala ito” iwas na sagot niyon. “Hindi ka magaling magsinungaling.” Dismayadong wika niya saka naupo sa sahig at sumandal sa dingding. “Sasabihin ko na ang totoo. Huwag ka na magalit” parang batang wika ni Patrick saka naupo sa tabi niya. May distansya parin sa pagitan nila. Hindi siya sumagot at tiningnan lang ito. Patrick’s POV. Wala na. Tapos na ang pagtatago ko. Hindi ko naman kasi siya kayang tiisin. Plano ko sanang hindi muna siya sunduin nang ilang araw, hindi magpakita. Kaso nang lumabas iyon sa gate at mukhang malungkot, nagpakita na rin ako. Ninais ko nalang sana siyang masdan sa malayo, sundan ang tricycle na sasakyan niya. Ang jollibee na inorder ko para sa aking sarili ay para na sa kaniya. Ngayon nga, kailangan ko nang umamin kaysa mawala pa siya nang tuluyan. Nonsense rin naman kung itatago ko pa. Mukhang magaling na detective ito. “I found out a lot of things about Jaime. He has kids and a live in partner” pagbabahagi niya. “Ang alam naming lahat single siya.” Gulat na turan ni Allyssa. “No, he has more than one mistresses at isa na duon ‘yung babaeng weird ang kulay ng buhok” “Si Patricia” tatango-tangong wika nito. “Kaya pala sila madikit sa isa’t isa” “Yeah, may dalawa siyang anak na babae.” Dagdag niya “Galit ka pa ba?” Hindi ito tumitingin sa kaniya at sumagot, “Yes, hindi mo naman ako kailangang ipagtanggol. Sabi ko nga sa’yo wala kang dapat gawin.” “Sorry na, I just… I don’t want what he did to you. Baka gawin rin niya sa iba.” “Paano kung namatay siya?” tanong nito. “Bakit malulungkot ka ba ‘pag namatay siya?” tumingin ito sa kaniyang parang hindi makapaniwala. “Susko Patrick, ‘wag mong sabihing papatayin mo nga” “Hindi, siyempre hindi. Tinuruan ko lang ng leksyon. Galing sila ng hotel noong isa niyang ahente. Huwag kang mag alala I won’t get caught” paga- assure niya rito.Tinampal naman nito ang kamay niya dahilan para mapa aray siya. Nataranta naman ito. “Ay sorry sorry” saka nito hinipan ang kaniyang kamay na may mga sugat. “Hindi iyan gagaling diyan” wika niya. “Teka kuha akong betadine. Baka mayroon pa ako” Sabi nito saka umakmang tatayo. Pinigilan naman niya. “Isang kiss lang okay na iyan” wika niya saka ngumisi. Inirapan naman siya nito ngunit kinuha parin ang kamay niya saka dinampian ng halik. “Ayan okay ka na” pabirong wika nito saka tumayo. “Hindi naman diyan ang kailangan ko e” nagtatampong sagot niya. Pinandilatan siya nito habang tatawa tawang sinabi, ” Malayo ang labi sa kamay ha” “Labi naman agad, pisngi nga lang ang naiisip ko e” nakangusong sagot niya. “Huh! Hindi pa kita sinasagot no. Jollibee lang ang mahahalikan ko ngayon. Tara kainin na natin ang dala mo” Agad naman siyang pumanaog, ang totoo ay gutom na rin siya. Mabuti at marami iyon. Masaya pa silang nagkuwentuhan habang kumakain, nagtanong ito. “Kailan pala matatapos ang training mo?” “Tatapusin lang ngayong week then okay na. Kayo ba?” sagot niya habang pinapanood itong kumain ng fries. Ang paborito niyang fries. Pero hayae na, kaniya na iyon. “Hanggang next week pa ang training ko” sagot nito. “Hindi ba mababago ang schedule mo? Panggabi ka pa rin?” may naiisip siyang gawin. “Yeah. Kung ano ang schedule ni Tl Jaime, yun din ang akin” sagot nito. Tumango tango lang siya. ** Natapos ang linggong iyon na lagi niyang sinusundo si Allyssa. Weekend na rin sa wakas. 2AM ng Saturday. Last shift ni Allyssa sa linggong iyon. Nakaabang na siya sa lobby ng company. Plano niyang yayain ito mamaya sa isang date. Nagsisilabasan na ang mga ka-team ni Allyssa. Nagagalak siya dahil maya maya lang ay masisilayan na niya ang cute na mukha nito. Napakunot ang kaniyang noo nang makita ang bumaba sa hagdan. Si Tl Jaime iyon, dahan dahan siyang tumalikod. Nauulinigan niya ang pagu-usap nito at ng Angels. “May pinaagdududahan ka bang gumawa noon sa'yo TL?” tanong ng baklang mataba. "Mayroon" sagot ni Tl Jaime.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD