Episode 21. Sa lomian

1497 Words
Natigilan siya sa narinig na iyon kay TL Jaime. Aba ang bilis din ng healing process nito ah, ilang araw lang nakapasok na.Hindi niya napuruhan pero satisfied naman siya, look at him. Ang mayabang na lalaki, ngayon ay mabagal na naglalakad at maraming naghihilom na sugat sa mukha. Sana nga mag-peklat. Sino kaya ang pinagdududahan nito? Siya ba? Inigihan pa niya ang pakikinig. Eavesdropping. “Sino TL?” sabik na tanong ng bakla. “Sino pa, siguradong may inutusan si Dorin. Ipinalabas laang na hold-up.” “Hindi mo ba namukhaan TL?” “Hindi, madilim e” "Napa review na ba ang mga CCTV?" tanong ng isang maliit na babae. "Wala ngang makunan ng time na iyon. Iniimbestigahan pa ng mga pulis" “Paano iyan wala na munang happy happy with Buninay” wika ng bading na humahagikgik. Tumawa lang rin si Jaime. Tuloy tuloy na na naglakad ang mga iyon. Nakaalalay iyong babaeng weird ang buhok. Hindi parin siya nadadala. Sige, ipagpatuloy mo iyan. Pupuwede namang every week kitang hold-upin. ** Maya maya pa ay bumaba na sila Allyssa. Nakita niyang hinanap agad siya nito sa mga upuan. Gumala ang tingin niyon. Nakakatuwa naman. Mukhang attached na siya sa akin. Ibig sabihin hindi ko na kailangan pang umupa sa ibang apartment? hmm Nakakatamad din namang maghanap. Pwede namang diretso na. Live in na kami. Napangisi siya sa naisip, Oh bro Anthony. Magiging kapatid na talaga kita. Iniabot niya kay Allyssa ang isang puting rosas. Sumilay ang cute na cute na ngiti nito na tinangkang pigilan ngunit gumuhit parin sa maganda nitong mukha. Girl, you’re driving me crazy. I could stare at you the whole day and I know it’s all worth it. Dumaan siya kagabi sa flower shop.Pinili niya iyong medyo matanda na ang tangkay. Kahit isang rosas lang ay alam niyang maaappreciate ito ni Allyssa. Ang bouquet nga na ibinigay niya ay inilagay pa sa vase na may tubig. Nakatanggap siya ng parcel ni Allyssa sa Lazada noong nakaraan. Magga-gabi na noong naihatid. Potting mix iyon, paso, at iba pang mga kagamitan sa pag-garden. Mukhang binabalak nitong magtanim. Kahapon nga ay nakita niya ang mga itinanim nitong tangkay ng rosas. Well girl, plant this too. Plano pa niyang bigyan ito ng iba’t ibang kulay kada araw. “Saan mo gustong kumain?” tanong niya habang naglalakad papuntang sasakyan. Napakunot ang noo ng dalaga. “Sa ganitong oras? May bukas pa ba bukod sa Jollibee at 7/11?” tanong niyon. “Mayroon akong nadaanan kanina, lomian. May pares, goto at mami. Gusto mo bang puntahan natin?” mukhang na-excite naman ito. “Sige, gusto ko ng chami kung mayroon” “Tamang tama sa malamig na panahon.” Wika niya saka ito pinagbuksan ng pinto. Nag soundtrip sila habang nasa daan at binuksan ang bintana. Malamig naman kahit hindi na mag aircon. Wala ring polusyon sa hangin ng ganitong oras. Simply Jesse And I don’t know how I knew it But I knew it somehow You’re the answer to the question No one’s answered till now And I don’t know what you see What you see in me Girl it’s nothing to what I see in you Napatitig siya sa dalagang nakatingin sa labas ng bintana. Ang mahabang buhok niyon ay dinadala ng hangin. Hawak hawak nito ang puting rosas. What a nice view. Naramdaman yata nito ang kaniyang pag-titig kaya tumingin rin ito sa kaniya saka ngumiti. “Bakit?” tanong nito. “You look so beautiful.” Tumawa lang ito at hinampas siya. Nakuha naman niya ang kamay ni Allyssa at dinampian ng halik. Hindi na niya iyon binitawan pa hanggang makarating sila sa kainan. ** Allyssa’s POV Sa buong training ay laging sumasagi sa isip niya si Patrick. Ganun ba ito kaimpluwensya sa kaniya at napapangiti siya ng wala sa oras. “Nakow, tinamaan na talaga ng magaling itong kaibigan natin” biro ni Mitch. “Kaya nga e, tamo hindi man lang kinakabahan o naga alala” sagot ni Ate Charlene. Ngayon ia-announce kung pumasa ba sila sa training o hindi. “Iba ang tama be. Malala” tinawanan lang niya ang mga iyon Hindi niya kasi napapansin na natutulala na siya at nakangiti. Sinisiko na lamang siya ng mga kaibigan. Gusto man niyang alisin sa isipan ngunit naiisip niya ang mga posibilidad na mangyari sa kanila ni Patrick. Hindi SPG ha. Pero kasama na rin yun. Mas advance ang naiisip niya though, ano kaya ang magiging itsura ng kanilang baby? Anong kulay ang ipipintura nila sa kanilang bahay? Powder blue? Sky blue? Gray kaya? Baka kasi ayaw ni Patrick niyon… Sinusuway niya ang sarili. Masyado ka nang maraming naiisip Allyssa. Tama na! Hindi mawaksi waksi ang maliliit at makukulit na isiping iyon. Isang maaraw na hapon- nakaupo sila sa terasa ng sariling bahay, napapaligiran iyon ng mga bulaklak at malapit sa lawa. Nagu-usap. Ahh! Masyado na ba siyang excited sa future e hindi pa nga niya sinasagot. Ayan nanaman ang rosas nito. Maitatanim nanaman niya iyon. Parang scene sa mga pelikula at drama ang ganap nila sa sasakyan. Isa ito sa mga pagkakataon na hindi niya nanaising kalimutan. Refreshing… with someone you love. Napatigil siya sa naisip. Love? Mahal na ba niya ang lalaki na isang linggo pa nga lang niya nakakasama. May isang bahagi naman ng kaniyang utak ang nagtanggol. Kilala mo na siya mula highschool. Yes, pero kilalang kilala? Hindi pa siguro. Naramdaman niyang nakatingin ito sa kaniya. Pagkatitig niya sa mga mata niyon ay hindi niya mabasa ang kung anong emosyon na mayroon dito. Beyond words could ever describe maybe. Dim ang liwanag at panaka nakang naiilawan ang mukha nito ng street lights. What a great sight to look at. Nasa malapitan ngayon si Patrick at hindi niya mapigilang ma-amaze sa makipot na labi nito at matangos na ilong. Bahagyang mapula ang pisngi niyon. Nahiya naman siya sa sarili na kailangan pang mag blush on. Ang ganda ng genes. Nakakapang-liit. Ang malalim at singkit na mga mata niyon na pinaresan ng makapal at itim na itim na kilay ay tila humuhukay sa kaniyang kaluluwa. Napasinghap siya ng halikan nito ang kaniyang mga kamay saka nagbago ng tingin dahil hindi niya mapigilan ang pag-ngiti. Hindi na nito binitawan ang kamay niya at hindi naman na niya iyon kinabig pa pabalik. Wala siyang lakas. Ang swerte niya. Patrick is his dream guy. Ilang beses na ba noong high school na pinangarap niyang maging kasintahan ito?Hanggang sa imahinasyon lamang naman niya iyon nangyari. Bakit kasi siya hindi noon nanligaw? Dahil ba payat na payat ako noon at hindi kagandahan? Napangiti siya. Siguro ay itinakda ng panginoon na ngayon sila magtagpo. Ngayon ang panahon para sa kanila. Nakarating sila sa kainan. Kakaunti lamang ang tao. Mayroong lalaking sa tingin niya ay nasa cincuenta anyos na ang edad ang nasa counter. Bumati sila, nagsalita naman iyon, “Dinadayo na pala kami ng mga artista” “Naku hindi po kami artista manong ah bolero ka” nahtatawang biro niya dito. “Mga modelo laang ganoon ba? Picturan ko kayo mamaya ha para ipapaskil namin doon” sabay turo nito sa isang wall na puro pictures. “Sige po kuya wala namang problema, hindi na kayo dadayuhin dito ng mga daga at peste pag nandiyan ang picture ko." biro naman ni Patrick. "Ay tutoy baka naman mga chiks ang dumayo dito niyan" nakatawang balik ng matanda. "Sige po magpi-picture na lang kami ng naka kiss" tumatawa pang sabi ni Patrick na ikina init ng mukha niya saka ito siniko. "Yung chami ko please paorder na po. Gutom na ako" bulong niya rito. Natawa lang naman ito at pinisil ang pisngi niya. May chami po ba kayo?” tanong ni Patrick. “Mayroon para sa inyo siyempre” sagot nitong wala nang mata sa pagkakangiti. “Isa pong order ng chami with chicken saka isa ng lomi overload” Sumigaw iyon sa loob. Mukhang abala na ang kitchen nila. “24 hours po ba kayong bukas?” tanong niya. “Oo, maraming motorista nadayo dito e at a las cinco may mga nakapila na diyan.” “Ganun po ba, swerte pala namin maaga kami” Nagbayad na si Patrick. Iginiit pa niya ang sariling pera pero hindi nito iyon kinuha. Makakaipon talaga ako kapag laging ganito. “Kailan nga pala ang bayaran ng upa?” tanong nito habang naghihintay sila ng order. “Sa katapusan.” Sagot niya. “Siya nga pala, ang paalam ni Marah 3 weeks lang ako magi-stay dun…” hindi na niya tinapos ang sasabihin nito. “Gusto mo bang du’n ka nalang manatili?” tanong niya. Napatitig lang ito sa kaniya, ngumiti. “Bakit? Ayaw mo ba?” “Ayos lang ba sa’yo? Baka naiilang ka” Natatawa na rin siya sa usapan nila. “Bakit naman? E boyfriend ko naman ang kasama ko sa apartment” Nakita niya ang pag-awang ng bibig niyon. Tila nagpa-process pa sa isip ang sinabi niya. Maging siya ay nagulat sa tinuran..

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD