Episode 9. Lunch out

1541 Words
Baka kung sino lang na nantritrip sa internet—marami siyang narereceive na ganoong chat mula sa mga kung sino sino at hindi naman niya pinapansin ang mga iyon. Kung wala silang magawa sa buhay nila, huwag ako ang bwisitin nila. Nagvibrate nanaman ang kaniyang cellphone. Chisako Sakuragi: Anong oras ka uuwi Allyssa? Sunduin ba kita? Nakaramdam siya ng takot. Stalker!? Gumapang ang lamig sa kaniyang katawan at tumaas ang mga balahibo—hindi kaya, may sumusunod sa akin at gusto akong kidnappin? Tapos ano? Ibenta ako sa black market at gawing s.x slave ng mga drug lord? No way! Over my dead body. Pasimple niya iyong nireplyan at saka binlock. Pinagpatuloy na lamang niya ang pakikinig sa trainer ** Hindi siya mapakali, bakit hindi ito nagrereply kahit Hi man lang pabalik sa kaniya. Nagpasya siyang i-chat ulit ito. Anong oras ka uuwi Allyssa? Sunduin ba kita? Naghintay pa siya ng mga ilang segundo bago isend iyon. Sigurado naman na alam na nitong siya iyong nagchachat kahit pa si Sakuragi ang nasa profile na. Mahirap na kasi, maraming nangi- scam ngayon sa fac..book at ayaw niyang ilantad ang buhay niya sa madla. Hindi naman siya celebrity kaya hindi niya ginagamit ang pangalan. Maya maya ay nag-notify ang kaniyang cellphone. Allyssa Grace: Puwede ba tigilan mo ako? Hindi ako nakikipaglokohan ha. Kung wala kang magawa, huwag mo akong idadamay. Kapag talaga nagtangka ka sa akin ng masama isusumbong kita sa asawa ko. Malaki ang katawan nun. Napanganga siya sa nabasa. Huh? Muli niyang chineck ang profile ng nag-reply. Positive, si Allyssa iyon. May asawa? Malaki ang katawan. Natatawa siyang ibinagsak ang katawan sa kama. Now he understands, hindi nito alam na siya iyon at siguro ay naweirduhan sa kaniya. Magrereply pa sana siya nang hindi na siya makapagsend ng messages duon. Wow, binlock siya agad agad. You can’t reply on this conversation anymore. Hindi na siya nagtataka kung bakit hindi nagkaka-boyfriend si Allyssa. Kung ibo-block nito ang lahat nang lalaking magtatangka siyang kausapin ay walang mangyayari pero mas mabuti iyon. Wala siyang magiging karibal. A las otso palang pero pinili na niyang matulog. Nag alarm siya ng 2:15AM. Plano niyang tawagan ito, delikadong umuwi ng ganitong oras lalo pa’t magco-commute lamang ito. ** Lunch time Nagkayayaan silang sa Joll*bee kumain. Malapit lamang iyon, kadugsong ng building at open 24 hours kaya kung nasusuya na sila sa mga malalamig na pagkain sa pantry, iyon ang go to place nila. Naghihintay sila ng order nang lumapit ang isang babae na nasa kabilang table. “Hi guys, inaanyayahan kayo ng supervisor namin na mag-join sa table” wika nito sa maarteng boses. Normal naman iyon sa mga call center agents. Natigilan sila sa pagchichikahan “Bakit po, anong occasion?” tanong ni Charlene. “Birthday ng supervisor, madaming inorder si TL (team leader) Jaime. Malapit naman na kayong maendorse sa prod no, baka sa amin pa kayo mapuntang team.” Nagtinginan sila. “Sige po, thank you po. Tara girls” si Mitch iyon. Tumayo na sila at sinundan ang babae. Naghihintay duon ang pitong ahente na hindi pa nagsisimulang kumain. Gumala ang kaniyang tingin sa mukha ng mga naroon. Nagkataong nakatitig sa kaniya ang isang lalaking maraming tattoo sa katawan. Nagtama ang kanilang mga tingin at siya na lamang ang unang umiwas. Nakaramdam siya ng pagkailang. “Ito nga pala si TL Jaime.” Pagpapakilala ng babae at itinuro ang lalaking maraming tattoo pero mukha namang malinis. “Happy birthday po” magalang na bati niya rito. Ngumiti naman iyon, “Happy na talaga ang birthday ko”. Hindi niya alam pero nakakaramdam siya ng kakaiba. Hindi naman siguro siya assuming or what pero… Nagsibatian rin sila Charlene. Nakahayang sa mesa ang maraming chickenjoy, burgers, fries at spaghetti. Tamang tama dahil ang inorder lamang niya ay burgersteak. “Guys salamat sa pagpapaunlak ha? Ang dami ko kasing inorder para sa dose kong agents kaso ay puros absent naman” tatawa tawang wika nito. “Naku TL ayos lang po, pwedeng pwede naman po kami basta libre”, wika ni Charlene na ang kapal din talaga ng hiya. “Next week nga pala sa production na kayo ano?” tanong nito. “Opo TL” “Si Allyssa Grace at Charlene mapupunta sa aming team” kaswal na wika nito na nagpaangat ng tingin niya. So, siya ang magiging supervisor nila. Siya yata ang tinutukoy ng trainer na gwapong TL sa production floor. “Sino iyon sa inyo?” tanong nito. Pakiramdam niya ay alam na talaga nito ang kaniyang pangalan. “Ako po TL at ito po si Allyssa” wika ni Charlene sabay turo sa kaniya. “Ay TL ako po hindi kasama sa inyong team?” malungkot na wika ni Mitch, nakanguso na rin ito. “Sa iba ka yatang team eh, pero kakausapin ko ang trainer niyo. Kulang kasi ako sa tao e pasulpot sulpot lang ang angels ko” nakatawang wika niyon, natatawa na rin ang mga kasama nila na napapailing. “Ang mga angels namin ay dalawang bakla at dalawang babaeng mukhang bakla”, wika nung babaeng sumundo sa kanila. “Baka may booking tonight.” Singit nung isa na ikinatawa niya. “Guys ipapakilala ko pala sa inyo ang magiging teammates ninyo.” Wika ni TL Jaime saka isa isang ipinakilala ang mga ahente. “Ito si Erol” turo nito sa babaeng sumundo sa kanila. Nginitian naman niya iyon. “Ito si Ephraim, ang tahimik naming ahente pero pag narinig niyo ang boses niyan maiinlab kayo” turo nito sa naka itim na hood na lalaking maliit at tahimik lamang. Sumagot ito sa nahihiyang boses, “Hindi naman po” “Wow totoo nga po TL, ang lagong ng boses” wika ni Charlene. Ang laki nga at buong buo ang boses niyon. Hindi halata sa payat na pangangatawan. “Siya naman si Jailyn ang aming bunso. Kakajoin lang niya ng team last month”, pinoint nito ang isang babaeng may kulay na pula ang buhok. Kumaway naman iyon sa kanila at saka muling kumain. “Itong katabi ko si Ronald, Ron for short. Isa sa mga magaling sa product knowledge. Naga- assist ‘yan ng mga bagong hire kaya siya ang matatanungan niyo pagpunta niyo sa team” Ngumiti si Ron, “Hi, guys. Huwag kayong mahihiya sa amin ha. Napakabait ng ating TL. Single nga pala siya Allyssa” banat nito at makalokohang tumingin sa kanya. Nagtawanan naman ang iba pang mga naroon at nangangantyaw. “Hala” nasambit niya. Saglit na napadako ang tingin sa TL na nakikipagtawanan rin sa mga ahente. Gwapo ito , malakas ang dating. Malaki rin ang— “Huwag naman baka ma-trauma si Allyssa mag AWOL yan bigla uy” wika ni Erol. “Ay wag kang maga AWOL Allyssa ha, ito ay biro lamang pero pwede rin seryosohin” pabiro pa ni TL Jaime. Lulubog na sa tiles ng Joll*bee si Allyssa. Aa naman, napapagdiskitahan pa. “May jowa na po ‘yan gwapo” singit ni Mitch. Nilakihan niya iyon ng mata. “Oy hindi ah” panunuway niya rito. “So single pa. Pwede pwede” panunukso pa ni Ron. “Pagpasensyahan mo na Allyssa, mga magugulo ‘yang mga ahente ko palpak naman ang mga scorecards” biro nito na inalmahan ng mga iyon. Napuno na ng boses ng grupo ang kainan. “Okay lang po” iyon na lang ang nawika niya na hindi ito tinitingnan sa mga mata. Para kasing nanunuot ang mga tingin niyon. Nakakailang! Hindi niya na mahintay na matapos silang kumain at umalis sa table of shame na iyon. “TL hindi mo na po kami ipinakilala” nakangusong sambit ng isang babaeng nakajacket na gray habang ngumangasab ng isang chicken leg. “Ayan star agent namin iyan, si Veronica” nagpalakpakan ang ibang ahente. “’yung katabi niya si Art at si Chinky na nagtrabaho kay Raffy, kung may kakasuhan kayo ayan lapitan niyo si Chinky” “Grabe ka sa akin TL pero totoo ‘yun, patulong kayo sa akin” wika ni Chinky na maikli ang buhok, bilugan ang mga mata at cute. “Last but not the least, si Maui. Muntik nang kamukha ni Maui Taylor anim na ligo na lang” umalma naman si Maui. Maputi ito at matangkad. Nakasuot ng hapit na damit na luluwa na ang cleavage. Mukha ring mabango iyon pero sa tingin niya ay nasa late-thirties na. Pink na pink ang mga labi, “TL hindi na kita mahal. Ipinagpalit mo na ako kay Allyssa” nakamangot iyon ngunit tumingin sa kaniya at kumaway. Nginitian naman niya ito. Ngumiti rin ito pero alam niyang hindi sincere. “Mahal ko naman kayong lahat, pantay pantay kayo pero siyempre iba yung kapag nasa relasyon ka” marahang payo ni tl Jaime habang nangungusap ang mga matang nakatingin sa kaniya. Ramdam niya ang pagsiko ng dalawang katabi, pinaggigitnaan kasi siya nila Charlene at Mitch. ** Tumunog ang alarm ni Patrick. Pupungas pungas na kinapa niya ang cellphone sa gilid. Ang pangit ng kaniyang panaginip. Mayroon na ngang boyfriend si Allyssa na malaki ang katawan. Masaya ang mga iyon na nagdedate habang siya ay nakatayo lamang at nakamasid. Nakakasama ng loob!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD