Episode 8. Sakuragi

1494 Words
Allyssa’s POV Malayo palang nakilala na niya ang malaking bulto ni Patrick. Pinagtitinginan ito ng mga tao. Bagong mukha e. Pinilit niyang umiwas ng lane dito at humalo sa mga empleyadong papasok. Akala niya’y malalagpasan siya nito na hindi pinapansin nang bigla siya nitong hinarang at kinausap. Hapon na pero bakit mukha parin itong mabango? She realized just now how good looking Patrick is. Iba ang dating nito sa labas. Ang mga mata niyon na tila nakangiti at nanunuot ang tingin ay hindi niya makuhang titigan. Pinagmamasdan siya nito mula ulo hanggang paa kaya wala nalang siyang nagawa kung hindi tumungo at sumagot sa mga tanong niyon. Nakakailang. Nanghina ang tuhod niya nang hawakan nito ang kaniyang baba. How to act normal with this spontaneous person? Sobrang lakas ng t***k ng puso niyang luluwa na yata sa kaniyang dibdib. Ramdam niya ang pag init ng kaniyang mukha, siguradong pulang pula na ito ngayon. Napakalapit ni Patrick at ang bango bango. Musky, hindi tuloy niya naiwasang makaramdam ng kakaibang sensasyon dahil dito. Nakasimpleng fitted gray shirt si Patrick at V-neck iyon. Bakat sa damit ang maumbok nitong mga muscles at may lumilitaw nang mga buhok sa dibdib nito Ugh!. Ang laki ng balikat niya, parang ang sarap magpa yapos! Ay Allyssa tigilan mo! Panunuway niya sa sarili. Bakat rin ang malalaking muscles sa binti ng lalaki dahil sa fitted jeans na suot. Napaka- musculine ng itsura niyon dahilan para kahit sinong makasalubong nito ay mapapa-lingon talaga. Ngunit kahit na ganoon ipinakita na lamang niyang naiirita siya. Naloka siya lalo nang sabihin nitong “You look pretty today, you know what?” Pinandilatan na lang niya iyon ng mata, "Patrick, bukas na tayo sa bahay mag usap, dito mo pa ako binobola bola. Pinagtitinginan na tayo oh" mahinang wika niya rito. "Ikinakahiya mo yata ako e sige na uuwi na ako." Ay talaga naman, may pagtatampo effect pa. Nakonsensya naman siya ng kauntian. Tumitig siya sa mga mata nitong nagpa- puppy eyes na. Wala na, hindi na siya cool. Nakakainis na hindi niya mapanindigan ang inis sa lalaki. Nag isip siya ng idadahilan "Hindi ganoon Patrick, baka kasi isipin nila.." hindi niya itinuloy ang sasabihin. "Ano?" panghahamon nito sa makalokohang tingin at gumuhit pa ang nanunusong ngiti. Baka isipin nila, mag boyfriend tayo. Ngunit hindi na niya iyon itinuloy. Bahala na iyang Patrick na iyan, inirapan na lang niya ito at umalis. Maha- highblood talaga ako dito e! Matulin siyang naglakad at baka tumititig pa ‘yung gunggong na iyon sa kaniya. A las cinco pa naman ang simula ng training pero gusto niyang mapaaga para mag aral muna ng mga notes. Naupo siya sa lounge area sa labas ng training rooms. Naandun na rin ang ilan niyang mga kasama. May sari-sariling mundo. Maya maya ay dumating ang nakaclose niyang si Charlene. “Ate Charlene! Good morning!” bati niya rito saka kinawayan. Lumapit naman ito sa kaniya na nakangiti. Good morning ang batian sa company kahit pa hapon palang, kahit din gabi, morning pa din ang bati sa lahat ng nakakasalubong. “Aww I missed you Bb Ally” bati nito saka yakap sa kaniya. “I miss youuu” natutuwang wika niya. Ito ang nagsisilbing ate niya sa company. Maliit lang ang babae, payat at naka-salamin. Marami itong tanong lagi sa dini-discuss ng trainer at siya ang lagi nitong inaapproach na kaniya namang pinagbibigyan. Lumapit sa kanila ang isang kasamahan na nakakausap at nakakasama rin nila tuwing lunch time. Si Mitch—ang maputing chubby nilang friend. Matalino iyon at kapag pareho silang hindi nakakasabay ni Charlene ay ito ang hinihingan nila ng tulong. Hinampas siya nito na ikinapitlag niya “Bakla ka! Sino yung macho kanina sa labas?” malakas nitong sabi. Nilakihan niya iyon ng mata saka pinalapit ang dalawa. Ikinuwento niya sa mga ito nang mahina ang nangyari nitong weekends. “Ay be”, tila napapaisip si Charlene “Seryoso ka ba diyan? Lalaki ang kasama mo sa apartment?” Walang kagatol gatol siyang sumagot “Oo ate” Nagtinginan ang dalawa.”Ally alam mo ba iyang ginagawa mo ha?” si Mitch ang nagtanong. “Opo, makakatipid ako dito. Bakit?” pagtatanggol niya sa kaniyang desisyon. “Paladesisyon ka agad e no, lalaki yan be. Baka mabuntis ka” parang pinapagalitan na siya ni Charlene. “Ate kapatid naman iyan ng friend ko e at saka nakasama ko na rin siya dati sa bahay nung highschool. Katabi ko siyang matulog” Halos lumuwa ang mata at malaglag ang mga panga ng kaniyang mga kaharap. Sabay pa ang mga itong bumulalas at sumigaw ng “Huh?” **** Patrick’s POV Bago tuluyang umuwi ay dumaan siya sa simbahan. Pagkababa niya ay may nag-alok agad sa kaniya ng kandila, “Pogi, bili ka na ng kandila.” Napangiti naman siya kaya bumili na rin. Siyempre pogi tayo Isang daan ang inabot niya dito. “Wala akong barya e, kinse pesos lang hijo.” Nag-check siya ng barya, wala talaga. Tumingin tingin siya sa iba pang ibinebenta ng matanda at napansin naman siya nitong mukhang interesado. “Oh pogi, menthol oil. Mabisa itong panghilot. Bente lamang ito” alok sa kaniya ng matandang babae. “Sige po, sa inyo na po ang sukli” “Talaga hijo? Nako maraming salamat! Kaawaan ka ng Diyos” masayang wika nito. “Salamat po lola” paalam niya saka umalis at nag-tirik ng kandila. Panginoon, wala po akong karapatang humiling ng kahit ano sa’yo pero sana po ay tanggapin ninyo sa langit ang namayapa kong kaibigang si Anthony. Sana po ay panatag ang kaniyang kaluluwa. Hinding hindi ko papabayaan ang kapatid niya. Hindi na siya humiling pa ng kahit anumang pang-sarili dahil kalabisan na iyon sa kaniyang pananaw. Narinig niya sa homiliya ng pari dati na ang tanging magagawa na lamang natin sa mga namayapang minamahal ay ang ipanalangin ang kaluluwa ng mga ito. Hindi naman niya bibigyan pa ng duty ang kaluluwa ni Anthony na bantayan pa siya. Kawawa naman iyong namayapa. Biglang lumakas ang ihip ng hangin, palubog na ang araw ngunit may sikat parin na hindi naman masakit sa balat. Napakaganda ng sunset na kulay kahel na may halong lila-- ngunit may hatid iyong lungkot na nagpabigat ng kaniyang damdamin. Part, hindi kita bibiguin wika niya saka sumaludo sa langit kahit wala naman siyang nakikita. Dumaan siya ng grocery store at bumili nang manok, avocado, lettuce at bacon. Madilim na nang siya ay makauwi. Malinis ang bahay, amoy fabric conditioner din dito. Naglaba yata si Allyssa. Sumilip siya sa laundry area. Napalunok siya nang makita ang mga nakasipit duong underwear. Bakit iyon agad ang nakabalandra? Pwede namang takluban ng damit. Sinasadya ba ito ni Allyssa o talagang wala siyang pakialam ? Iiling iling na umalis siya duon. Baka hindi pa niya mapigilan ang sarili at singhutin ang mga ito. Sandali muna siyang nagpahinga saka naligo. Napansin niyang may bagong saing na kanin doon at ramdam pa niya ang kaunting init. Ang sweet naman ng bebegirl ko napangiti siya sa naisip. Pinirito niya ang isang hita ng manok at kinain iyon kasama ang avocado at lettuce. Bukas ay lulutuan niya si Allyssa ng bacon para sa agahan nito. Kung 4:30 o 5:00PM ang pasok ng dalaga… napa-compute siya—ade 1:30 or 2:00AM ang out niya... hindi ba delikado umuwi ng ganoong oras? Agad niyang kinontact ang kapatid na si Marah. Hinanap niya ang number nito kaya tinawagan na niya. “Hello” boses iyon ng kapatid niyang halatang walang kagana gana. “Marenggay pasend naman sakin ng number o pangalan sa messenger ni Ally” “Magkasama kayo hindi mo pa kinuha, natutulog ako e”, may bahid na inis ang boses nito. “Aba e hindi nga ako pinapansin ng kaibigan mo, tsaka nasa work siya” “Panget ka kasi. Ge send ko nalang, ingat kayo. Chat mo nalang ako. May pagtawag pa eh” hindi pa siya nakakasagot nang bigla na nitong pinatay ang call. Bastos talagang bata iyon. Hindi siya sanay sa text at chat. Halos tawag ang ginagawa niya para mabilis. Ang pangalan niya sa f******k ay fake din. Hindi naman niya ginagamit ang application na ito, napilitan lang siyang gumawa niyon para sa messenger dahil hindi nagloload ang kaniyang pamilya. Free ito na makaka-chat sa iba. Binuksan niya ang application at nakita ang sinend ni Marah na link at ang number. Agad niyang isinave iyon at pinindot ang link. Lumabas ang f******k profile ni Allyssa. Allyssa Grace ang pangalan doon, hindi nakalagay ang apelyidong Borbol. Alam na niya kung bakit—natawa siya sa naisip. Binrowse niya ang mga picture doon, naningkit lalo ang mga mata sa mga nakita. Hindi ba ako makakasuhan kung ise-save ko ang mga ito? *** Biglang nag-vibrate ang cellphone ni Allyssa. Nagdi- discuss ang trainer pero sinilip pa rin niya iyon sa pagtataka kung sino ang kumontact sa kaniya, Chisako Sakuragi: Hello? Sino naman tong Sakuragi na ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD