Episode 10. Hintuturo

1341 Words
Hinanap niya ang pangalan ni Allyssa na kanina ay ibinigay ni Marah sa kaniyang contacts saka iyon dinial. Nagri-ring lang ito. Muli pa niyang dinial, sumagot naman iyon, “Hello?” “Hello Allyssa, si Patrick ‘to. Out mo na ba?” paninigurado niya. Baka kasi mali ang bilang niya ng oras. “Patrick napatawag ka. Oo out ko na nga” medyo nagulat pa ang boses ng dalaga. “Kasi delikadong umuwi ng ganitong oras, babae ka pa naman. Sunduin ba kita?” tanong niya rito. “Naku hindi na, magpapalipas muna ako dito hanggang 4:00 saka ako uuwi.” Sagot ng nasa kabilang linya. “Seryoso ka ba? Ano lang gagawin mo diyan?” dalawang oras din iyon. “Wala, hihintayin lang lumipas ang oras.” Tila wala nang gana ang kausap. May narinig siya sa background na boses Allyssa may gagawin ka pa ba? Out niyo na no? libre sana kita ng chocolate drink or something… Boses iyon ng isang lalaki. Napakunot ang noo niya. “Who’s that Allyssa?” tanong niya. Ah TL nakakahiya naman po ililibre niyo po ulit kami? Baka po maubos na pera niyo niyan. Rinig niyang tumawa pa ang dalaga. Napaupo na siya sa kama at nagsuot ng damit habang nakikinig Hindi, tayo lang sanang dalawa. Ano payag ka ba? Kukunin ko lang gamit ko sa locker tas magpapaalam ako sa team saglit, go na tayo? Halos sigawan niya ang cellphone “Allyssa sino yan? Baka masamang tao iyan ha! Pupuntahan kita diyan” ngunit hindi parin ito nasagot sa kaniya. Halos liparin niya ang palabas ng apartment at pagbaba sa parking lot. Walang traffic. Pinatay ni Allyssa ang tawag. Pinaharurot niya ang pagmamaneho at dali daling pumunta sa building ng company. Nakakawala ng cool pero mabuti nang okay si Allyssa. Masyado iyong inosente at baka madala lang ng kung sinoman. Nakilala siya ng guard. “Napaaga ka naman ata sir?” “Susunduin ko lang yung kasama ko sa bahay” sagot niya saka ibinigay dito ang ID at dali daling pumasok ng company. “Ah asawa niyo po?”, pagu usisa nito na hindi na niya inabala pang sagutin. Tiningnan niya ang lobby, wala doon. Sa mga CR ng babae ay sumilip din siya ngunit wala duon. Ah nagtre-training nga din pala siya. Alam niya ang mga training rooms. Pumunta siya doon sa second floor, may mga seats sa harap niyon at duon ay nakita niyang nakaupo si Allyssa. Wala nang iba pang taong nandoon. Nilapitan niya iyon at kitang kita ang pagkagulat nito nang makita siya. “Patrick? Anong ginagawa mo rito?”, nakakunot ang noong tanong nito. Parang hindi nito nagustuhan ang pagpunta niya. “Sinusundo ka.” Sagot niya saka umupo sa kaharap nitong silya. Ang kanina’y pagkagulat ay napalitan ng ngiti. “Bakit ka pangiti-ngiti diyan?” “Nagseselos ka yata e” makalokohang wika niyon. Fresh parin si Allyssa. Ang buhok nitong wavy ay nakalugay sa magkabilang parte ng mukha. So pretty at saka mabango parin. “Sino ba yung nagyaya sa’yo kanina? Baka kasi mapahamak ka e, alam mo naman ang mga tao ngayon— Hindi niya naituloy ang sasabihin nang lumapit si Allyssa at inilagay ang hintuturo sa kaniyang labi na dahilan para maitikom niya iyon. Malapit na rin ang mukha nito sa kaniya at nananatiling nakangiti ng makalokohan at nakatitig sa kaniyang mga mata. “Patrick, you cannot fool me.” Bumaba ang tingin nito sa kaniyang labi at iginalaw galaw ang hintuturo duon. Magaling siyang bumasa ng tao pero bakit parang hindi niya mabasa si Allyssa? one time innocent ito, one time mature. What game is she playing? He’s too stunned to speak. Hinawakan niya ang kamay nito. Okay lang naman sigurong makipag-laro, hinalikan iyon habang hindi inaalis ang titig sa mga mata ng dalaga. “That’s the last thing I’ll do to you my princess” “Ehem” tinig iyon mula sa hindi kalayuan sa gawing likuran ni Allyssa, sabay silang nagtaas ng tingin. Isang matangkad na lalaking malaki ang katawan ang lumapit sa kanila, tumayo naman silang dalawa ni Allyssa. Inayos niya ang tindig. Hindi siya masisindak nito sa puro tattoong katawan pero siguradong masisindak ito sa kaniyang malalaking peklat na gawa ng mga sugat sa pakikipag-laban. Baka naman, banat 'to! ‘’Allyssa, akala ko uuwi ka na? Sino siya? kasama niyo sa training?” tanong nito sa dalaga na hindi man lang pinansin ang kaniyang presensya. “Ah si Patrick, sa IT department siya.” Sagot nito. “Patrick, si TL Jaime—future supervisor ko.” “This is the first time I see you here” lumapit ito sa kaniya at nakipagkamay. “Because I don’t lurk around” Tiningnan niya iyon ng mata sa mata. Naramdaman niyang hinigpitan ng lalaki ang kapit nito ngunit mas hinigpitan niya ang kaniyang grip. Mukhang wala itong balak sumuko kaya gumanti parin ng mas mahigpit. Dahil doon ay itinodo niya ang higpit dito hanggang sa bumakas na sa mukha nito ang sakit na iniinda. Pilit nitong itinatago iyon. “Should I loosen up?” tanong niya. Hindi ito nagsalita at kusa nalang inalis ang kamay. Huh, anong lasa ng sarili mong medisina? “Medyo mahangin ka rin e no?” gigil nitong wika sa mahinang boses na mukhang manununtok. Nakatayo lamang siya at hindi natitinag. Siguradong maiinis na ito sa tingin pa lang niya. Normal na sa kaniyang mga mata ang tila nakangiti at nanunukso, bahala na lang ang ibang tao kung maiinis sila. “Only to the right person” sagot niya. “You shouldn’t bring that nasty attitude here. You’re a new face” “Why, what will you do if I go around being nasty to everybody?” panghahamon niya. Mukhang nag-panting ang tenga nito at lumapit pa lalo sa kaniya. “Then, makikita mo ang hinahanap mo” Pumagitna na si Allyssa. “Stop it Patrick, tl Jaime.” Wika nito saka siya hinatak. “Sorry po TL. Happy birthday po ulit” magalang nitong bati sa lalaki na lalo pa niyang ikinainis. Bakit ang bait nito sa lalaking iyon, wow ha? Gusto niya yata e. “Sabihin mo diyan sa kaibigan mo hindi pa kami tapos pero salamat Allyssa. Magi-ingat ka, see you tomorrow" nakangiti na wika nito sa dalaga. “I’m just here and you can’t say it to my face. Huh, what a coward” pangi inis pa niya. Akma pa siyang lalapitan niyon nang humarang na si Allyssa. “Get over it already!” ngayon ay ito na ang naiinis sa kanila. “Sorry Allyssa.” Sabay nilang wika. Nagkatinginan naman sila at parehong nagsamaan ng tingin. Hinila na siya ni Allyssa pababa, nilingon naman niya ang TL Jaime na iyon saka makalokohang nginitian. Samang samang lalaki naman. “Ah si Ms. Ganda pala ang sinundo niyo sir” nakangising sabi ng guard sabay abot ng kaniyang ID. “Opo sir, maraming salamat po” Alam niya ang iniisip nito at feeling proud siya siyempre dahil siya ang kasama ng dalaga. Nang lingunin niya si Allyssa ay seryoso ang mukha niyon. Hindi niya mabasa. “Sorry na Allyssa” paghingi niya ng paumanhin. Baka galit sa kaniya e. Kumunot naman ang noo niyon. “Bakit ka nagso-sorry, nagpapasalamat nga ako sa’yo eh” wika nito saka ngumiti ng matamis. “Nasaktan ko yata yung love mo, baka hindi na nu’n maigalaw ang kamay niya mamaya” pagyayabang niya. Baka nga durog na mga buto nun e. “Buti nga sa kaniya. Mapilit kasi e at saka ayokong sumama talaga mukha kasing manyakis” umiiling na wika nito. “Ganun ba? Kaya pala may pa-drama play ka pa kanina”, aminado siyang nawala ang cool niya dun. “Kaya sinabayan nalang kita, alam ko na nasa isip mo” kahit hindi naman. Baka kasi isipin nito nag-take advantage siya. Rinig niya ang mahina nitong pagtawa. “Gusto ko kasi ako ang nangmamanyak” “Ha?” “Ha?” pag-gaya nito sa kaniya. Tama ba ang narinig ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD