Episode 6: Ang Sinaunang Bayan

1335 Words
THIRD PERSON POV "Sa ikalawang pagkakataon ay nagtago ang landas ng binata binata sa alamat at ang misteryosong lalaking may tatak ng halimaw sa kanyang kamao," ang patuloy na pagbabasa ni Koji, pati ito ay kinabahan dahil alam niyang tumatakbo ang kwento batay sa desisyon at kilos ni Sora. Samantala, matapos iligtas ay muling nagharap ang lalaking may marka sa kamao at ang binata. "Bakit nandito ka? Hindi mo ba alam na delikado para sa mga katulad mong tatanga tanga ang lugar na ito? Dito sa bayan ay punong puno ng mga taong manloloko at doon sa labas ng tarangkahan ay punong punong ng mga Anggalot." "Anggalot, ano yun?" tanong ni Sora sa kanya. "Iyon ang halimaw na nakatira sa labas ng bayan. Lahat sila ay mga gutom at nangangain ng tao. Bakit ba wala kang alam? Alam mo ba kung gaano ka wirdo ang itsura mo?" tanong ng lalaki. "Kung alam ko edi umiwas ako," ang sagot ni Sora at dito ay hindi na niya naiwasang mapaiyak na lang dahil sa pinaghalo halong emosyon. "Haist, pwede bang huwag kang umiyak. Parang di ka lalaki niyan e. Nakita ko naman kung paano ka makipaglaban doon sa mga masasamang loob kaya't naramdam ko na gusto mo talagang mabuhay. Pasalamat ka napadaan ako dito na kahit wala kang pera ay tinulungan pa rin kita," ang sagot niya. "Sobrang punong puno na ako kaya naawa ako sa sarili ko. Iyon ang dahilan kung bakit ako umiyak. Saka bakit ganyan ka? Kung magsalita ka ay parang wala kang kasalanan. Kunwari ay iniligtas mo ako pero ang totoo ay gusto mo lang akong dakipin at ibenta katulad ng ginawa mo kay Koji! Nasaan ang kaibigan ko! Gago ka dudurugin din kita!!" ang singhal ni Sora sabay sugod sa lalaki. Sinalo ng lalaki ang ulo ni Sora at saka pinigilan ito na parang isang bata. Apura naman ang suntok ni Sora pero hindi talaga ito tumama sa lalaki. "Ey ano bang ginagawa mo? Mukha kang tanga." "Saan mo dinala ang kaibigan ko?!! Masama kang tao! Kidnaper ka!! Mandurukot!" ang singhal ng binata. "Sa gwapo kong to? Tinulungan na nga kita tapos pinagbinbintangan mo pa ako?" "Hindi ka gwapo! Saan mo dinala yung kaibigan ko? Ikaw lang naman ang nagsabi na ibebenta mo kami diba? Sigurado akong dinukot mo siya!" "Tsk! Kulit! Wala nga akong alam sa sinasabi mo! Dyan ka na nga! Baliw na to!" ang wika ng lalaki sabay takbo palayo kay Sora. Pero hinabol siya ng binata at nilundag siya sa likuran. "Arekupp! Bitiwan mo nga ako unggoy ka!" "Hindi ako bibitiw! Sabihin mo sa akin kung nasaan ang kaibigan ko!" "Wala nga akong alam, bitiwan mo nga ako, ganito na lang, tutulungan kitang hanapin ang kaibigan mo." "Talaga?" "Oo naman, basta bayaran mo ako," ang sagot ng lalaki. "Mukha ka namang pera! Pera lang ba talaga ang mahalaga sa iyo?" tanong ni Sora. "Sabi na nga ba, wala kang pera! Hindi bale kung wala kang pambayad sa akin ay pwede naman ito," ang hirit niya sabay patong kay Sora. Napahiga ang binata sa lupa at lumakas ang kapag ng kanyang dibdib lalo na noong kuhanin ng lalaki ang kamay niya ay ipatong ito sa kanyang matipunong dibdib. "Bastos! Malibog!" ang sigaw ni Sora. Natawa ang lalaki at umalis ito mula sa pagkakapatong sa kanya. "Hindi pa ako nababaliw para patulan ka. Maraming magagandang babae ang nagkakandarap sa akin doon sa bayan. Diyan ka na nga , talunan!" ang pang aasar nito sabay lakad palayo kay Sora. Nainis ang binata at hinabol siya hanggang sa sentro ng bayan. Paikot ikot silang dalawa pero ayaw siyang tantanan ni Sora, para itong makulit na aninong nakasunod sa kanya. "Napapagod na ako, ano ba? Sabi mo tutulungan mo ko? Bakit mo ba ako niloloko? Siguro totoong ibinenta mo yung kaibigan ko hano? Sabi na nga ba!! Nagbebenta ka ng inosente at kawawang tao! Masama ka talaga!!" ang sigaw ni Sora sa kanya. "Anong tinutukoy mo? Huwag mo nga akong pagbintangan!" "Ahhhh! Arghhh! Wag ka sa akin lalapit baka ibenta mo rin ako katulad ng ginawa mo sa kawawa kong kaibigan!" ang sigaw pa ni Sora dahilan para mahiya ang lalaki at nagtinginan ang mga tao sa paligid nilang dalawa. "Hala, nangangalakal daw ng tao ang isang iyon. Napakasama naman iyan! Parang isang halimaw!" ang wika ng isang mama. "Ang bata pa kriminal na, iwasan niyo yung tao na iyan," ang salita rin nung isang matandang babae. Muling nagsalita si Sora, "tama mga kababayan! Ang lalaking ito ay..." hindi siya nakatapos ng sasabihin dalhin tinakpan ng lalaki ang kanyang bibig at hinila siya nito palayo. "Gago ka, kung ano anong pinagsasasabi mo dyan." "Bitiwan mo nga ako, kapag hindi ko ako tinulungan ay ipagkakalat ko sa mga taong bayan nag bebenta ka ng tao," ang hirit ni Sora. "Walang katotohanan yung pinaparatang mo sa akin. Saka bakit naman kita tutulungan e hindi naman kita kilala?" ang tanong nito. "Edi magpapakilala ako. Ako si Sora. Ikaw anong pangalan mo?" "Bakit ko sasabihin? Baka magkagusto ka pa sa akin," ang hirit nito. "Huwag ka ngang feelingero. Sabihin mo na, kundi ay sisigaw ulit ako. "Mga kababayan yung lalaki..." tinakpan niya ang bibig ni Sora. "Shhh huwag ka ngang sigaw ng sigaw. O siya magpapakilala ako, ang pangalan ko ay "Jiao Long." Pero Jiao lang ang tawag nila sa akin. Pero kahit sinabi ko ang pangalan ko ay hindi pa rin kita tutulungan," ang wika niya sabay lakad palayo kay Sora. "Teka, pambihira ka naman kung kailan nagpakilala tayo sa isa't isa saka mo ako iiwanan. Tulungan mo na ako!" ang paghabol ni Sora sa kanya. Habang nasa ganoong posisyon sila ay kapwa sila napahinto sa paglalakad noong makitang nakapalibot sa kanila ang mga kawal na nakasuot ng berdeng kalasag. Ang lahat ng ito ay armado ng mga espada at sibat. Lumapit si Sora sa binata at napakapit ito sa kanyang braso, "sino naman ang mga iyan?" "Mga kawal ng emperyo," ang sagot ni Jiao. "Eh bakit?" tanong ni Sora. "Ewan ko, ikaw kasi ang ingay mo, tapos sigaw ka pa ng sigaw," ang sagot nito sa kanya sabay harap sa mga kawal. "Anong kailangan niyo?" "Ipinag uutos ng emperador na hulihin ang lalaking iyan upang dalhin sa emperyo," ang wika ng pinuno ng kawal. Natakot si Sora at napakapit lalo ng mahigpit kay Jiao. Bakas na bakas sa kanyang mukha ang pangamba. "Paano kung ayaw ko siyang ibigay?" tanong nito. "Kamatayan ang naghihintay sa sinumang susuway sa utos ng emperador! Hulihin sila!" ang sigaw nito. "Kung ganoon ay humanda na kayo para mamatay," ang wika ni Jiao sabay tayo ng combat stand. Lalong lumapit si Sora sa kanya, "Lalabanan mo silang lahat?" "Syempre hindi, kaya makinig kang mabuti sasabihin ko," ang bulong nito. Maya maya ay sumugod ang mga kawal at dito ay sumugod rin si Jiao. Buong lakas niyang binangga ang mga ito kaya nagkaroon sila ng daan. "Takbo!!" ang sigaw niya sabay hila sa braso ni Sora. "Ang yabang mo, tatakbo ka rin pala," ang pang aasar nito. "Alam mo ba na malaking sala ang pumatay ng kawal ng emperyo ng walang dahilan. Ayokong masira ang buhay ko sa ganitong paraan," ang sagot ni Jiao. "Ipinag utos ng emperador ng emperyo na arestuhin ang binata at dalhin sa palasyo. Samantala, hindi naman pumayag ang lalaking may tatak ng halimaw sa kanyang kamao kaya gumawa siya paraan upang makatakas at muling maisalba ang buhay nito sa tiyak na peligro. Sa pagdating ng binatang itinakda ay magkakagulo sa buong emperyo at ang katotohanan ay mabibigyan ng kaliwanagan," ang pagbabasa ni Koji, napakunot noo ang binata dahil tila nagiging komplikado ang takbo ng kwento. "Sorraaa! Mapapahamak ka! Bumalik na dito?!" ang wika ni Koji habang pinagmamasdan ang pahina ng aklat. Nagbabaka sakali ito na marinig siya ng kaibigan na gumagalaw sa loob ng aklat. ***** The entire story can be read as PDF PREMIUM. Please support the writer by purchasing for only 350ph full episodes Payment via G-CASH Please contact: 0995 078 9932/ 0967 237 0945
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD