Chapter 14- Daddy! Daddy!

1515 Words
ANDREA Nagising ako na niyuyogyog ni sir ang balikat ko. Hindi ko namalayan na naka tulog pala ako. "Andrea gising nandito na tayo," wika nito. Napabalikwas naman ako ng bangon dahil buong akala ko ay nanaginip lang ako. Inayos ko muna ang sarili ko, para kasi akong nahiya bigla. Hindi ko na ginising si Axel dahil bubuhatin naman niya. Papasok na kami sa loob ng bahay, sinabihan ko siyang ibaba na lamang ito sa sofa kasi medyo mabigat pero gusto niya ipanhik sa itaas, kaya hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Nang mailapag niya sa kama si Axel nag pasalamat ako sa'kaniya. Iniwan ko muna ito at sinamahan ko siya pababa ng hagdan, dahil ihahatid ko na siya sa labas. "Salamat sir," wika ko. "Wala anuman," tipid na sagot nito. "Uuwi ka na ba sir?" tanong ko. "H-hindi pa naman, bakit pinapalayas muna ba ako?" nagbibirong tanong niya. "Ay! hindi naman sa ganoon sir. Baka lang may naghahanap sa'yo. Asawa mo o girlfriend," tanong ko sa'kaniya. "Wala akong girlfriend at mas lalong wala akong asawa," diretsahang sagot nito, sabay titig sa'kin. Bigla tuloy akong na consious, kong makatingin kasi ito akala mo nang-aakit. "Sir saglit lang kuha muna kita ng maiinom," wika ko. Tumango lang ito at umupo na nang sofa at diretso naman ako sa kusina para kumuha ng fresh juice sa loob ng refrigerator. Dala-dala ko na sa tray ang bread at juice lumapit ako sa'kaniya at inilapag ang tray sa lamesa. "Salamat," bulong niya. Imbes na sumagot pa ako umupo na ako sa kabilang sofa at binuksan ang t.v. Halos malaglag ako sa inuupuan ko nang makarinig ako ng u**** ng isang babae. Bigla kaming nagkatinginan ni sir at kitang kita ko rito ang butil butil na pawis nito. Bigla kong pinatay ang t.v at humingi ng sorry rito at baka kung ano pang isipin niya sa'kin. Humanda talaga sa'kin ang bruha na 'yon. "A-ayos ka lang ba Andrea?" nauutal na tanong nito. "Opo sir," sagot ko. "Great! Puwede ba kapag nasa labas naman tayo, call me Steve or Stevenson wala naman tayo sa office pa," wika nito at nag request pa. "P-pero sir, I mean Steve. Boss kita at hindi rin ako sanay sorry talaga," wika ko at humingi ng pasensya. Sa naiilang talaga ako sa gusto niya. "Masiyado kasing formal, puwede naman kasing Steve lang. 'Di rin naman tayo naglalayo ng edad kaya ok na 'yon," anya. "Sige ikaw ang bahala. Ubusin muna 'yan, medyo late na at baka ma traffic ka pa," wika ko. Gusto ko na kasi siyang pauwiin dahil sa nangyari kanina. Hiyang hiya ako sa kaga***** ni Tanya. Makukurot ko talaga 'yon sa singit mamaya. "Saan nga pala 'yon?" bulong ko. "May sinasabi ka ba Andrea?" tanong nito. "Ha? ah! wala po," sagot ko. Hindi ko alam kung bakit ang lakas nag radar nito at narinig pa ang sinabi ko. "I see. Maiba tayo, may itatanong lang ako sa'yo. Huwag kang magagalit ha," tanong nito. "Ok lang! ano po ba 'yon?" tanong ko. "Nanliligaw ba sa'yo ang bestfriend ko?" prangkang tanong nito. "Ha? hindi naman po. Bakit mo naitanong? Magkaibigan lang naman kami, mabait siya aaminin ko medyo humanga ako sa'kaniya," sagot ko at biglang gumalaw ang adams apple nito. "Ganoon ba? Hindi ka ba nasasaktan kasi mukhang sila na ng bestfriend mo?" tanong nito. "Hindi naman. In fact if sila nga magiging masaya ako para sakanila," wika ko. At napabaling ang tingin ko sa kabilang dako. "Andrea kung sakaling manligaw ba ako sa'yo, papayag ka ba?" prangkang tanong nito at hindi ko napag handaan ang sunod niyang tanong. "Ah! eh! hindi ko pa alam. Pasensya na si Axel kasi ang focus ko sa ngayon," sagot ko. Nakita ko naman ang pag lungkot ng mga mata nito. "I'll understand, nagtatanong pa lang naman ako. Pero if si Axel ang iniisip mo walang problema gusto ko at tanggap ko ang anak mo," walang paligoy ligoy na wika nito. "Sigurado ka ba? Baka naman naguguluhan ka lang. Pag isipan mo muna kass hindi biro ang ma link sa isang single Mom," tanong ko sa sagot niya. "Never pa ako nag desisyon nang hindi buo. Kaya Andrea let me court you?" pagsusumamo nito. "Ahmm! sorry talaga sir hindi ko pa masasagot 'yan sa ngayon, masiyadong maaga pa at ayaw ko na naman magkamali sa muling pagkakataon," wika ko. "Ikaw ang bahala. Salamat sa meryenda, mag gagabi na rin kasi. Mauuna na ako sa'yo." nakangiting wika nito at hinatid ko na siya palabas ng bahay. Bago ako pumasok sa loob sinigurado kong naka alis na siya. Pagpasok ko sa loob halos kumabog ang dib-dib ko. Hindi ko alam na ganoom ka vocal si sir kapag nagsasalita. Halos pag pawisan ako sa mga tanong niya. Masaya ako na nalaman na tanggap niya ang anak ko, 'yan naman ang isang wish ko if ever na bubuksan ko ang puso ko ayon iyong kayang matanggap ang anak ko. Si Axel na ngayon ang buhay ko kaya hindi puwedeng hindi siya tanggapin nang mamahalin ko. Kung hindi nila kayang tanggapin si Axel ko hindi ko rin sila hahayaan na makapasok sa buhay naming mag-ina. Pumanhik na ako sa itaas para i-check si Axel kong nagising ba ito, pero mahimbing ang tulog niya. Kaya lumabas na rin ako kaagad at baka maistorbo ko pa ang tulog nito. Diretso ako sa loob ng kuwarto at nahiga na. Papikit na sana ako nang mag vibrate ang cellphone ko, kinuha ko ito sa ibabaw ng table at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nakita ko ang pangalan ni sir Stevenson. "Ano kayang kailangan niya?" usal ko. "Hello sir." bati ko sa'kaniya. "Hi Andrea tumawag ako para sabihing nasa condo na ako. Hindi na ako umuwi nang bahay dahil late na rin. Thank you ulit, mag-iingat ka palagi," wika nito bago patayin ang tawag. Ako naman ay biglang natahimik. Hindi ko alam kong kikiligin ba ako sa mga effort na pinapakita nito. Ayoko naman umasa kaagad dahil nakatatak na sa'kin na single mom ako at binata siya. Hanggang sa dalawin na ako nang antok at hindi ko na namalayan na naka tulog na pala ako. Kinabukasan nagising ako sa ingay na nagmumula sa ibaba. Ang aga-aga nagsa soundtrip ang bruha. Akala ba niya nakalimutan ko na na ang mga pinag gagawa niya sa pamamahay ko. Makikita niya humanda siya. Hindi na ako nag atubiling mag suot ng roba dahil buong akala ko na siya lang ang tao sa ibaba. Pababa na ako ng hagdan at nag salita . "Ikaw Tanya, kung ano ano pinag gagawa ko sa bahay ko habang wala ako," pasigaw na wika ko. Dahil hindi spiral ang hagdan sa bahay ko kaya hindi ko napansin na may mga bisita siyang kasama hanggang sa bigla akong napatakip sa dib-dib ko at gusto kong umatras pero huli na nakita na ako nilang tatlo. Natulala na lang ako bigla at hindi makapaniwala sa aking nakikita. Nagising lang ang diwa ko ng sumigawa si Tanya at bumalik sa realidad ang isipan ko. "Beshy ano ba 'yang suot mo?" sigaw na tanong nito. "Hi sir Draeden and Steve," bati ko rito sabay talikod at takbo paakyat ng hagdan dahil hiyang hiya ako nang makita nila ang ayos ko. Kakagising ko lang naman kasi. Narinig ko naman ang tawanan nilang tatlo. "B-weset ka talaga Tanya, ang sarap mo talagang kalbuhin,"gigil na wika ko. Papasok na sana ako ng kuwarto nang lumabas si Axel. "Where are you going Mommy?" tanong nito na papungas pungas pa at halatang kakagising lang. "At my room son. I need to get something. Just fixed yourself Ninong Draeden and sir pogi is already here." wika ko. Nakita ko naman nagulat ito sandali at biglang nagtatalon sa tuwa. "Really Mom?" excited na muling tanong nito. "Yes son," tipid na sagot ko. At nagpaalam na rin ako sa'kaniya para pumasok ng room ko. Sa loob ng room ko impit na nag sisigaw ako sa inis. Hindi man lang nag sabi si Tanya na naririto ang dalawa kong boss. Ano pa kayang mukhang ihaharap ko sa mga 'yon. At nakakapagtaka naman anong ginagawa nila dito gayong kay aga-aga pa naman. Dahil wala akong maapuhap na sagot sa tanong ko, kaya naisipan ko na lang maligo para kung sakaling maisipan ko pang bumaba ay maayos na ako. Diretso ako nang comfort room at nagbabad sa shower. Mga ilang oras lang ang tinagal ko sa paliligo bago lumabas ng room. Kinuha ko ang towel niya at nagpatuyo ng buhok. Tumungo ako ng dressing room at kumuha ng dress na isusuot. Nag apply din ako nang kunting light make-up para naman magka kulay ang aking mukha. Pababa na ako ng hagdan ng lumabas si Axel and this time ang guwapo, guwapo na nito. "Shall we go Mommy?" anyaya nito sa'akin. Ngiti na lang ang sinagot ko sa tanong niya. At sabay na kaming naglakad pababa ng hagdan. Pagkababa namin nagulat ako nang tawagin niyang Daddy si sir Stevenson. (Pati ba ang anak ko ay nakakaramdam na). Nagkatinginan naman silang tatlo sa bata. At ako naman ay nanatiling gulat sa sinabi ng aking anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD