"Daddy," sigaw nito at patakbong yumakap dito.
Nakita ko namang niyakap ng mahigpit ni sir ang anak ko. Kung pagmamasdan mo talaga ang dalawa para silang mag-amang tunay.
"Ehem!" tikhim ni sir Draeden. Bigla naman kumalas ng yakap si sir Stevenson at nagkamot ng ulo.
"Hi pretty Ninang Tanya ," bati naman ni Axel dito sabay kiss sa cheeks nito. (Mwah).
"Hello pogi kong inaanak," sagot naman ni Tanya.
"Please excuse me, may gagawin lang ako sa kitchen," wika ko para naman may pumansin sa'kin. Pero tila dedma ang mga ito, bahala na nga sila sa buhay nila. Naglakad ako patungong kitchen at napapansin ko na lamang may mga yabag ng paa ang sumusunod sa'kin. Napalingo ako sa likuran ko at hindi na rin ako nagtaka kung sino ba siya. No other than that Mr. Stevenson. Ang lalaking nag tapat ng kaniyang nararamdam sa'kin.
"Hi! sorry if I didn't text you last night. Medyo pagod na rin kasi ako," pag hinging pasensya nito.
"A-ayos lang naman, wala 'yon sir ay este Steve," wika ko.
"Can I help you, please," pagsusumamo nito. Hindi ko alam kong gusto ba niyang magpa impressed sa'kin.
"Sure, ikaw bahala," dagdag ko pa.
Magbe bake kasi ako at magluluto na rin. Nakaka hiya naman kasi sainyo ni Draeden. Hindi ko alam kong narinig ba niya ang sinabi ko. Habang ako ay abala saaking ginagawa siya naman ay panay tingin lang sa'kin. Hindi tuloy ako maka kilos lalo na may mga matang naka masid sa'kin.
"By the way sir, magpapa alam sana ako kong puwede sana akong mag leave for 1 week? Uuwi lang kaming province ni Axel," wika ko at dalangin ko na sana ay pumayag ito.
"Puwede naman kaso--" wika nito at sinadyang putulin ang sinasabi.
Napa isip tuloy ako bigla, baka hindi ito papayag. Nawala ang agam-agam ko nang muli itong nag salita.
"Puwede ba akong sumama?" wika nito.
Laglag ang panga ko sa gusto nitong mangyari.
"Hmmm hindi ako alam sir. Baka hindi ka sanay sa buhay probinsya," wika ko.
Hindi ko na siya inantay sumagot dahil tumunog na ang oven at kailangan ko ng hanguin ang na baked kong cake.
"Sandali lamang po," wika ko. Sabay salansan nang mga gagamitin sa hapag kainan. Nang matapos ko na ang aking ginagawa. Lumapit ako kanila Axel na ngayon ay abala sa panunuod ng movie. Pinandilatan ko si Tanya nang makitang naka yapos lang naman ito kay sir Draeden.
Hindi ko alam kung selos ba ang nararamdaman ko nang sandaling iyon.
"Tara na, handa na ang pagkain." paanyaya ko sakanila. Narinig naman ni Axel ang tawag ko kaya tumayo na ito ang tumigil sa paglalaro ng online games. Sumunod na lamang ang dalawang lovers. Nang nasa harapan na kami ng hapag kainan, muling na open ni sir Stevenson ang sinabi ko. But this time si Draeden ang tinanong nito.
"Buddy siya nga pala, nag paalam ba si Andrea sa'yo?" tanong nito. At tila nag-aantay sa sagot nito na punong abala sa pagiging gentleman nang sandaling 'yon.
"Oo naman. In fact kasama kami ni hon," wika nito. "Ikaw ba kasama ka?" tanong nito.
Halos mabilaukan ako sa usapan nila. Kaya napa kuha ako ng baso, pero mas naging maagap ang kilos ni sir Stevenson at nahawakan niya agad ang pitchel, kaya ang kamay niya na lang ang nahawakan ko. Bigla rin akong napa bitaw dahil pakiramdam ko nakuryente ako.
"Here's the water and next time be careful," wika nito. At pina paalalahanan ako na parang bata.
"Thank you," sagot ko.
Nagpatuloy lang kami sa pagku kuwentuhan nang biglang nag salita muli si sir.
"Bakit ako hindi na invite?" parang batang tanong nito.
"Hindi ka daw kasi tao buddy," pang-aasar ni sir Draeden rito. Tumawa lang ito at balik na naman sa pag lalambing kay Tanya. Hindi ko maiwasang makaramdam nang inggit.
Napadako naman ang tingin ko kay sir.
Nakita ko naman ang pagkunot ng noo nito. Medyo pikunin siguro ito o sadyang sanaynna siya sa pagbibiro ni sir Draeden.
Nawala ang pag i-iisip ko nang marinig ko ang boses ng anak ko. At halos manlaki ang dalawang mata ko sa pagkakarinig ng sinabi nito.
"Daddy bakit hindi ka pala kasama. Gusto mo bang kulitin ko si mommy hanggang sa pumayag siya?" bulong ni Axel, pero rinig naman ng lahat.
"Sige," tipid na sagot ni Sir kay Axel.
Nagkatinginan lang kami. Hindi ako makatagal sa mga tingin niya masiyadong nangungusap ang kaniyang mga mata at hindi ko rin kayang tumagal makipag titigan dito, dahil para itong nang tutunaw sa kaniyang tingin.
Binulungan ko si Axel na hindi puwede. Nakita ko naman ang pag simangot ng anak ko. Biglang ina ayaw na ayaw kong nalulungkot ang aking anak pero hindi ko naman kasi puwede ang gusto nila.
Paano ko siya iiwasan kung pinaglalapit naman kami palagi ng tadhana.
Tahimik na ang lahat at isa-isa nang nag alisan. Kami na lang ang naiwan ni sir Stevenson.
"Bakit sir may kailangan ka pa ba?" tanong ko kasi naiilang na talaga ako sa ginagawa niya.
"Ahm! wala naman, nagtataka lang ako bakit si Draeden puwedeng sumama at bakit ako hindi?" curious na tanong nito.
Bigla akong natahimik dahil wala naman akong maisip na isagot rito. Hanggang sa nag dahilan ako na bawal kasi marami siyang work sa office at hindi kami puwedeng sabay-sabay mawala.
"Sir kasi ano, kapag sumama ka pa tatlo tayong wala sa hotel," seryosong wika ko. Sana naman makinig siya at huwag nang mag pumilit pa.
"I see. Ok enjoy na lang kayo," wika nito pero kitang kita sa mga mata ang lungkot.
Nirendahan ko ang sarili ko. Hindi ako puwedeng maging marupok, the last time na naging marupok ako five years ago nagkaroon ako ng Axel. Abala ako sa pag liligpit nang tumayo si sir at hindi man lang nagpaalam sa'kin. Dire diretso ito sa anak ko at tila mag pinag uusapan silang dalawa at maya maya naglalaro na ito ng online games.
Nakakatuwa silang pag masdan kong iisipin mo para silang mag-ama. Minsan napapaisip ako kung si sir Stevenson nga ba ang naka one night stand ko, malaki kasi ang pagkakahawig nilang dalawa ni Axel. Matagal tagal ko na rin itong napapansin, pero sinasarili ko na lang at ayokong mag assume, dahil baka mali ako.
Kaso malaki talaga ang pagkakahawig nila lalo kapag mag-kasama silang dalawa. Tinapos ko na ang lahat ng ginagawa ko sa kusina at bumalik na ako sakanila.
Medyo late na rin at nagpaalam na ang mga ito. Hindi ko man lang nakausap ang bestfriend ko, hindi pa siya abswelto sa ginawa niya. Kahihiyan ko 'yon malay ko bang iniiisip nito na nanunuod ako ng p*** site. Kainis talaga kapag naaalala ko.
"See you tomorrow beshy and si Draeden," wika ko.
Sabay beso ko kay Tanya at pasimple siyang kinurot sa singit.
"Aray!" hiyaw nito. Hindi ko alam kong nasaktan ba siyang talaga o nag iinarte na naman.
Kaagad naman siyang dinaluhan ni sir Draeden.
"Anong nangyari, may masakit ba sa'yo?" tanong ni sir Draeden.
"Nag iinarte lang 'yan," bigla kong sambit. Hindi ko alam bakit ayon ang lumabas sa bibig ko.
Bigla silang napatingin saakin.
"I mean kinagat lang yata ng langgam 'yan. Sa tamis niyong dalawa," pagbibirong wika ko. Na ikinatawa naman nilang lahat.
Naka alis na silang tatlo kami na lang ang naiwan ni Axel, pinag sabihan ko ito na iwas iwasan ang pag tawag nang daddy kay sir Steveson, dahil nakakahiya sa tao. Mamaya kong ano pang isipin noon, mahirap na iba pa naman mag isip ang mga lalaki.
Tango lang ang sinagot nito saakin kaya nag paalam muna ako sakaniya sandali dahil mag-aayos pa ako ng gamit para bukas wala na akong iisipin pa. Pumanhik ako sa itaas at kinuha ang luggage naming mag-ina, sinimulan ko nang ilagay ang mga gagamitin namin sa isang linggong bakasyon sa Palawan.
Matagal tagal na rin akong hindi nauwi sa bahay nila mommy at daddy dahil sa nangyari. Tanggap naman nila si Axel dahil sinabi ko na lang na namatay 'yong boyfriend ko sa aksidente. Para hindi na sila mag usisa pa. Ayokong malaman nila na nakipag ano ako sa hindi ko man lang kilala.
Kinagabihan maaga akong natulog pati na rin si Axel, excited ang anak ko dahim ngayon na lamang kami ulit magbabakasyon. Hindi na rin ako pumasok sa office at nag email na lang ako nang leaved form ko, hindi ako ready na makita siya ngayon. Ilang gabi na rin niyang ginugulo ang isipan ko.
Nakahanda na ang lahat nang dumating sila Tanya at sir Draeden. Napag pasiyahan naming sa Van na lang kami sasakay para sama-sama.
Sa byahe halos sumakit ang mata ko sa kaartehan ng bestfriend ko, parang ang sarap niya talagang kurutin. Bago pa masira ang araw ko, kinuha ko na lamang ang cellphone ko at nakinig nang music habang abala si Axel sa panunuod ng movie.
Dalawang oras ang tinagal ng byahe namin bago kami makarating ng Palawan. Bumaba na kami ng van at diretso sa bahay namin. Sinalubong naman ako nila mom at dad na tuwang tuwa pagka kita kay Axel, pinakilala ko rin sila Tanya at sir Draeden.
Walang tigil kaka kuwento si Mommy sa mga bisita namin. Kahit may edad na ito maliksi pa rin ang mga kilos nito. Nagpaalam muna ako sakanila sandali dahil mag -a-ayos muna ako ng gamit namin sa kuwarto. Pag pasok ko rito namangha ako saaking nakita, parang walang nabago dito at ganoon pa rin siya kalinis. Isinalansan ko ang gamit namin ng anak ko bago ako lumabas ng kuwarto.
Naabutan ko silang naku kuwentuhan pa rin. Sinenyasan ko na si Tanya na ilagay ang kanilang gamit sa guest room. Para bukas makakapag gala-gala na kami. Tumango naman ito at tumayo naka abrisyete pa kay sir. Ang sarap niya talagang kurutin sa inis.