Chapter 13- Our Bonding

1503 Words
Pasakay na kami ng elevator at pinauna ko muna siya. Pinindot ko ang parking lot area para diretso na kami sa ibaba. Sa loob ng elevator halos walang nag sasalita saaming dalawa. Ayoko rin naman mauna kaya hinayaan ko na lang. Maya maya tumunog na ang elevator at nauna siyang lumabas, sumunod na lamang ako. Pasakay na sana siya ng kotse niya nang pinigilan ko siya. "Bakit po sir?" nagtatakang tanong nito. Habang nakatunghay sa'kin. "Wala naman, baka gusto mo lang sa kotse ko na sumakay. Alam kong napagod ka kasi, ayos lang naman sa'king maging driver mo." wika ko. Habang inaantay ang sagot niya. "Hindi ho ba nakakahiya sir? at baka anong isipin ng ibang tao saatin kapag nakita nila akong naka sakay sa loob ng kotse mo." pagpapaliwang nito. Pasakay na kami ng elevator at pinauna ko siya. Pinindot ko ang parking lot area para diretso na kami sa ibaba. Sa loob ng elevator halos walang nag sasalita saaming dalawa. Ayoko rin naman mauna kaya hinayaan ko na lang. Maya maya tumunog na ang elevator at nauna siyang lumabas, sumunod na lamang ako. Pasakay na sana siya ng kotse niya nang pinigilan ko siya. "Bakit po sir?" nagtatakang tanong nito. Habang nakatunghay sa'kin. "Wala naman, baka gusto mo lang sa kotse ko na sumakay. Alam kong napagod ka kasi, ayos lang naman sa'king maging driver mo." wika ko. Habang inaantay ang sagot niya. "Hindi ho ba nakakahiya sir? at baka anong isipin ng ibang tao saatin kapag nakita nila akong naka sakay sa loob mg kotse mo." pagpapaliwang nito. Medyo may point naman siya kaya hinayaan ko na lang siya sumakay sa kotse niya at ako naman ay nag lakad papunta sa kotse ko. Mabilis akong sumakay at pinaandar ito. Kanina pa siya naka alis kaya sumusunod na lamang ako rito. Pasalamat na lang na walang traffic kahit rush hour pa. Kaya mabilis kaming nakarating sa Mall. Sabay kaming pumasok dito at nag lakad papuntang play house. Pag pasok namin sa loob sobrang ingay ng mga bata na naglalaro ng kung ano anong token games. Naalala ko tukoy noong bata pa lang ako madalas rin akong dalhin ni mommy sa mga ganitong play house. Nawala ang pag-iisip ko nang tawagin ako ni Axel na palapit sa direksyon ko. "Sir pogi. What are you doing here?" tanong nito sabay bulong sa'kin. "I knew it, you like my mom." prangkang wika nito. Buti na lang bulong lang at hindi narinig ni Andrea, dahil kung nagkataon baka umuwi na lang ako sa hiya. "Ikaw talaga ang pilyo pilyo mo," wika ko sabay gulo ng buhok nito. Na ikinatawa naman niya. Hinila naman niya ako sa tapat ng basketball. "Let's play?" tanong nito. "Oh! sure," wika ko. Ayoko namang tumanggi sa bata. Naglalaro kami ng basketball habang nakatingin saamin si Andrea. Medyo malayo silang dalawa ng kaibigan niya pero tanaw pa rin naman niya kami. Nang mapagod si Axel sa paglalaro dinala naman niya ako sa crane machine at binulungan na kuhaan ko daw ang mommy niya ng teddy bear para sweet. Napangiti na lang ako sa mga iniisip niya. Niyaya ko na siya na pumunta sa cashier para bumili ng maraming token, dahil mapapasabak yata ako ngayong araw. Katabi ko si Axel habang nagchi cheer sa'akin. Habang abala ako sa pag kuha ng teddy bear sa crane machine, hindi ko namalayang lumapit pala sila Andrea sa tabi namin. Narinig ko na lamang ang kadaldalan ni Axel at kulang na lang ay kunin ako ng lupa sa kahihiyan. "Son ano ba 'yang pinag gagawa mo kay sir?" tanong niya. "Look mommy kinukuha niya ang teddy bear para ibigay sa'yo. Liligawan ka daw niya kasi," prangkang wika ng bata. Bigla naman natahimik ang lahat sa kadaldalan ng bata. "Beshy liligawan ka daw," pang aasar ni Tanya sabay tawa. Sinundot naman ni Andrea ang tagiliran nito kaya napahagik-hik lalo ito. Napa sigaw naman ako nang makuha ko ang teddy bear mula sa ilalim ng crane machine. "For you," nahihiya kong wika sabay abot dito. Boss ako sa hotel pero kapag si Andrea ang kaharap ko nawawala ako sa konsentrasyon. "Thank you," anya. Sabay kuha ng teddy bear sa kamay ko. Medyo natahimik ang lahat kaya pasalamat na lang nag salita si Axel at nag-aya nang kumain. Pina una ko na silang tatlo at sumunod na lamang ako kong saan sila pupunta. Habang naglalakad ang mga ito bigla na lang tumigil ang bata at napalingon sa'kin. Tinakbo niya ang pagitan namin at walang pasabi na hinila ang kamay ko at pinagsalikop ang kamay namin ng kaniyang m Mommy. "You look good together," wika ng pilyong bata. Bigla naman napabitaw si Andrea at humingi ng sorry sa pinag gagawa ng kaniyang anak. Nginitian ko na lamang siya, dahil sa loob loob ko ginusto ko din naman ang nangyari. Dahil sa awkward moment na nangyari kanina halos hindi ako tapunan ng pansin ni Andrea habang kami ay kumakain. Kaya ako na ang gumawa ng moves para kausapin niya ako. "Andrea, kamusta na pala ang inventory few months ago," wala sa sariling tanong ko. Nakuha ko naman ang atensyon niya at tumingin saakin. "Ano pong inventories sir? About guest ba?" tanong nito. "Oo," mabilis kong sagot. "Na submit ko na po 'yon sa'yo last month sir. Nakalimutan niyo po ba?" nagtatakang tanong nito. "Ha! sorry memory gap," wika ko sabay tawa para maiba na ang usapan. Bigla kasi akong nahiya sa mga tanong ko na wala sa hulog. "Stevenson right?" tanong ni Tanya. "Yes, why?" tanong ko rito. "Do you know Draeden? Puwede ka bang mag kuwento anything about him. I just want to know him better," prangkang wika nito. Naramdaman ko naman na napatigil si Andrea sa pag a-asikaso sa bata at biglang sinamaan ng tingin ito. "Ano bang gusto mong malaman sa'kaniya?" curious na tanong ko at medyo nagtataka at paano at saan niya na meet ito. Wala naman akong natatandaang nag kuwento ito about her. "Ahmmm! like kong anong status niya. Single ba o married kasi alam mo na. Ayoko naman kasi makasakit ng feelings ng iba," prangkang sambit nito. "He is single and ready to mingle," sagot ko rito. Nakita ko naman ang pang ningning ng mga mata ni Andrea. Bigla akong napaisip kung may feelings ba siya sa best friend ko? Medyo nawalan ako ng gana sa nakita kong reaksyon niya. "Talaga ba?" tipid na sagot nito at ayaw pa yatang maniwala sa sinasabi ko. "Yes! ayon ang pagkakaalam ko. Wala pa naman akong nabalitaan na may new girl friend siya. "Talaga ba? so wala naman sigurong magagalit kong liniligawan niya ako," nakangiting saad nito. "Oo naman," tipid kong sagot. Dahil abala ako sa mga kilos ni Andrea lalo na nang biglang bumagsak ang kutrasa nito. Lalo tuloy akong napa isip na baka may feelings talaga siya kay Draeden. "Ayos ka lang ba beshy?" tanong ni Tanya rito. Ngumiti lang ito sa kaibigan pero halata sa mukha nito ang pagkalungkot. Hindi ko na masiyadong ini-intindi ang mga pinagsasabi ni Tanya dahil nakatingin ako sa reaksyon ni Andrea. Napansin yata nito na hindi naman ako interesado sa pinagsasabi niya. "Nakikinig ka ba Stevenson?" tanong nito. "Ha! Ano ngang sabi mo?" tanong ko rito pero ang mga mata ko ay naka tuon kay Andrea. "Sabi ko nga nakikinig ka," sagot nito sabay tingin din kay Andrea. Ay! sus type mo best friend ko ano?" tanong nito at sa lakas ng boses niya napa inom ako ng tubig nang wala sa oras kasi nakita kong tumingin si Andrea sa gawi namin, nakakahiya kong marinig niya. "Hindi," tipid kong sagot. "Talaga lang ha! Kung makatinging ka sa'kaniya tagos tagosan. Kung nakakatunaw lang 'yang tingin mo kanina pa nalusaw ang best friend ko," pang aasar nito. Bagay talaga sila ni Draeden. Kaya naka isip ako nang plano na i-build up pa lalo ang dalawa para masolo ko na talaga si Andrea. Wala na akong paki kong may feelings siya sa best friend ko, ang mahalaga sa ngayon ay makagawa ako ng moves para mahulog siya sa'kin. At sisimulan ko ito sa anak niya. Ipapakita ko ang pagmamahal ko sa bata nang makita niyang tanggap ko ito. Medyo mag da-dapit hapon na at halatang pagod na rin si Axel na naka tulog na sa lap ng Mommy niya. Mabilis kong tinawag ang atensyon ng crew para mag bayad nang bills namin. Siyempre treat ko na sakanila 'to. Nang ma settled ko na ang lahat inaya ko na silang lumabas. Nilapitan ko si Andrea at binuhat si Axel, tatanggi pa sana ito pero hindi ako pumayag. Nag paalam na din si Tanya dahil magkikita pa daw sila ni Draeden. Ang alam ko iniwan ko itong lasing na lasing sa condo ko. Sana naman makipag kita siya kay Tanya. Sabay na kaming lumakad palabas ng restaurant at pinasakay ko na sila sa loob bago ko paandarin ito. Sa byahe sobrang tahimik namin at walang naimik hanggang sa napansin kong tulog na rin pala si Andrea at malaya kong mapag mamasdan ang kaniyang maamong mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD