Chapter 12- Ordinary Day

1631 Words
STEVENSON Abala ako sa pag-aayos nang pananghalian namin nila Andrea. Nang mapansin kong pumanhik ito sa taas. Pakiramdam ko naiilang pa rin siya sa'kin. Nawala ang mga tumatakbo sa isipan ko ng kalabitin ako ni Axel. "Tito pogi, what are you thinking?" tanong niya sa'kin. "Nothing." tipid na sagot ko at para hindi na rin siya mag tanong pa. Nakakahiya magkuwento sa bata na iniisip ko ang Mommy niya, baka makuwento pa niya ito at nakakahiya. Maya mata bumaba na si Andrea, hindi ko alam bakit bigla akong napatigil sa ginagawa ko. Para siyang anghel na bumaba sa kalangitan naka suot siya ng dress na humahakab sa katawan niya, napaka simple ng ng suot niya kung titingnan pero para sa'kin napaka elegante niyang tingnan. Nawala ang pagpapantasya ko ng sikuhin ako ni Axel. "Tito pogi, why are you staring at my Mom?" tanong nito, siguro nagtataka na rin siya sa ikinikilos ko. "Nothing. Don't mind it." wika ko sabay gulo ng buhok nito. "I knew it, nagagandahan ka sa Mommy ko," wika nito at bago pa siya mag-ingay mabilis kong tinakpan ang mga bibig niya. Hindi ko namalayan nakalapit na pala sa'amin si Andrea. "Hi!" bati nito. "Mukhang nagkakasayahan kayong dalawa ha." dagdag pa na wika nito. "Ahmm! medyo nakakatuwa pala itong anak mo." wika ko. Sabay kiliti ko kay Axel. "Buweno kumain na tayo, mamaya na iyang kulitan niyo." pag-aaya nito. Sabay sabay na kaming kumain at masayang nag kuwentuhan hanggang sa napunta ang topic sa'kin. Muntik ko ng maibuga ang pagkain ko nang mag tanong si Axel kong may gusto ba ako sa Mommy niya. "Tito. I won't bother you but do you like my Mom? are you courting her?" prangkang tanong ng bata. "Axel, stop it." saway ni Andrea sa anak niya. "But Mom. I would like to ask, isn't it bad? Nakita ko kasing tinitingnan ka niya kanina." patay malisyang wika nito. Habang ako naman ay gusto nang lumubog sa kinauupuan ko ng mga oras na 'yon, habang nakikinig sa pag-uusap ng mag-ina. "Son, baka mali lang ang nakita mo. Kumain ka na nga lang at kong ano ano sinasabi mo hindi na tuloy malunok ni sir ang steak na kinakain niya." natatawang wika nito. Kinuha ko ang baso ng may lamang tubig na isinalin ni Andrea kanina at nilagok ito. Halos simsimin ko iyong huling butil ng tubig mawala lang ang kaba ko sa mga pinag sasabi ni Axel. Kalalaki kong tao dinadaga ako kapag nasa harapan ko ang Mommy nito. Minsan napapa tanong na rin ako sa sarili ko, may gusto na nga ba talaga ako sa'kaniya? At bakit sila nakikita ito samantalang ako hindi. Aaminin ko nababaitan ako sa'kaniya at humahanga dahil bihira lang talaga ang kaya mag-alaga ng bata na mag-isa. Nalulungkot tuloy ako para kay Axel sana mahanap niya na ang ama niya. "Ang tanong magiging masaya ka kaya talaga?" hiyaw ng traydor kong isip. "Bahala na nga," usal ko. Tinapos ko na ang pagkain dahil naalala ko may mag documents pa pala akong ire-review at pipirmahan para sa launch meeting ng opening nang bago kong branch. Masaya akong nagpaalam sa mag-ina at nakita ko naman ang pag lungkot ng mukha ng bata kaya ipinangako kong babalik ako sa bahay nila. Mabilis kong pinasibat ang latest model na ferrari na binili ko pa sa ibang bansa. Medyo binilisan ko pa ang pagmamaneho dahil nag hahabol ako ng oras. Kanina pa rin tawag ng tawag ang secretary ko dahil kanina pa daw nag aantay si Alhea sa office ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin sa babaeng 'yon, ang sakit niya sa ulo. Makalipas ang isang oras nasa tapat na ako ng building ng hotel. Mabilis akong sumakay ng elevator at kanina pa ako naiinis sa pinag gagawa ni Alhea. Nang makapasok ako sa office bigla itong yumapos sa'kin. Amoy na amoy ko ang alak na nagmumula sa hininga nito. "Steve please ako na lang kashe ang mahalin mo." wika nito na hindi ko na maintindihan ang pinagsasabi sa labis na kalasingan. "Alhea lasing ka lang. Ang maganda mong gawin matulog ka na, ipapahatid na kita sa driver ko." wika ko, dahil unting-untin na lang mauubusan na ako ng pasensiya. "No, nakipag agawan siya ng intercom sa'kin. Hanggang sa nabuwal kami sa lapag. Binalak niya akong halikan pero umiwas ako, hanggang sa naririnig ko na lang ang pag hikbi nito at puro bakit, bakit ang pinagsasabi. Maya maya hindi ko na lang namalayan na nakatulog na rin ito sa ibabaw ko. Dahan dahan akong bumangon at binuhat ito sa sofa, tinawag ko ang secretary ko para bihisan ito. Bumalik na ako sa trabaho. Isa isa ko nang binuksan ang files at binasa. Medyo sumasakit ang ulo ko, dahil may mga account na nawawala at hindi ko mawari kong saan napunta. Dahil hindi ko alam ang gagawin, wala akong choice kung hindi tawagan ang manager ng hotel. I dial Andrea's number at mga ilang minuto lang sumagot rin ito kaagad. "Hi sir," bungad na bati nito. "May kailangan po ba kayo?" tanong nito. "Ahmm! Oo, eh. Hindi ko kasi makita iyong nawawalang account. Kung hindi ka busy puwede ka bang pumunta sa office. Alam kong day off mo ngayon, pero puwede ka bang maabala kahit saglit lang? Puwede mo rin naman isama si Axel." wika ko. Sa wakas nasabi ko rin. "Okey sir. Iwan ko na lang siguro darating naman ang tita Tanya niya at may makakasama siya rito. " I have to go sir, see you later." wika nito. Sabay paalam na sa'kin. Katatapos lang naming mag usap at heto para na naman akong teenager na hindi mapakali at panay tingin sa orasan na nakasabit sa dingding. Panay tanong ko rin sa secretary ko kong dumating na ba si Ms. Andrea. Samantalang naipit naman si Andrea ng traffic, halos hindi man lang umuusad ang mga sasakyan. Gustuhin man niyang tawagan si Stevenson kaso sa kamalasan ay hindi niya naipasok ang cellphone sa'kaniyang bag. Napatingin siya sa wristwatch na suot niya pasado ala dose na pala ng tanghali. Medyo gutom na rin siya kaya humanap siya ng short cut agad naman siyang lumiko pagka kita sa maliit na daanan. Pasalamat na lang talaga siya na maliit lang ang kotse na dala dala niya ngayong araw. Panay panay na ang tingin ko sa wristwatch ko pasado alas dose na nang tanghali, bakit kaya wala pa siya. Sinubukan niyang tawagan ang number nito pero hindi sinasagot ang mga tawag niya, kahit na ang mga text messages niya. Tinawag na lang niya ang secretary at nag pabili ng lunch, wala na siyang ganang lumabas pa. Maya maya kumikilos na si Alhea, dahil sa pag-aalala niya kay Andrea nakalimutan niya na ang babae na natutulog sa opisina niya. "Hi Steve. I mean kuya Steve." bati nito at mukhang good mood na. "Are you ok now? If yes, papahatid na kita sa driver ko, paniguradong kanina ka pa hinahanap nila tita. "Hmmm! Pinapalayas muna ba ako?" nagtatampong tanong nito. "Hindi naman sa ganoon. Kaso kasi darating--" hindi ko na natapos ang sasabihin ng bumukas ang pintuan at pumasok si Andrea. "Hi! Sorry na late ako, medyo traffic kasi." pagpapaliwanag na wika nito. At natigil nang makita si Alhea. "May bisita ka pala Steve, mukhang may gagawin pa kayo." panunuyang wika nito. Sabay lakad at bukan ng pinto at lumabas. Natigilan naman ang dalawa sa inakto ni Alhea. Wala ni isang nag sasalita sakanila, hanggang sa hindi na rin nakatiis si Stevenson kay siya na ang unang nag salita. "Have a seat, pasensiya ka na pala kanina. Nalasing kasi si Alhea at nakatulog siya dito." pagpapaliwanag ko. At ewan ko ba bakit todo paliwanag ako sakaniya, pakiramdam ko para akong nahuli sa akto ng asawa. "Thank you." wika nito sabay upo at tapat sa laptop. Panay panay naman ang sulyap ko sa'kaniya habang abala ito sa pag click ng keyboard ng laptop at seryosong nag babasa. Kapag titingin siya sa'kin patay malisya naman akong lilingon sa ibang lugar para hindi niya mapansin na kanina ko pa siya pinag mamasadan. Para tuloy akong teenager na palihim kung tumingin sa nagugustuhang babae. Bigla naman akong natigil sa pag-iisip dahil sa huling naisip ko. "Gusto ko na nga ba talaga siya?" tanong ko sa'king sarili. "Sir okey na po ito." tawag nito sa'kin at ipinakita ang files na ginawa niya. "All right, thank you. B-by the way nag lunch ka na ba?" nauutal kong tanong. Heto na naman ako parang teenager na hindi man lang makapag salita ng maayos kapag kaharap ang crush. "Hindi pa sir, pero nangako ako kasi kay Axel na magla lunch kami Actually kanina pa sila nag aantay sa'kin sa Mall kasama niya ang tita Tanya niya." wika nito. "Ah! ganoon ba. Sige, maybe some other time na lang." wika ko. "Ok sir." anya. Patalikod na ito nang bigla ko na lamang hawakan ang kamay niya. Bigla naman itong nagulat sa ginawa ko. "Yes, sir! May nakalimutan ka bang sabihin o ipagawa?" tanong nito. Siguro nagtataka siya bakit ko 'yon nagawa. "Ahmm! P-puwede ba akong sumama sainyo? Okey lang naman kung hindi." wika ko sabay lungkot ng mukha. Hindi ko alam kong nagpapa awa ba ako. "Okey lang naman sir, kaso kumakain ka ba sa mga fastfood na pang bata?" tanong nito. "Oo naman. Hindi naman ako maselan at gusto ko din makita si Axel." wika ko. "Si Axel nga ba? o baka 'yong Mommy," hiyaw ng isipan ko. "Great!" wika niya. "Shall we go?" tanong ko rito at baka mag bago pa ang isip niya. Tango lang ang sinagot niya sa'akin at naglakad na kaming sabay palabas ng office. Madaming bumabati saamin at ngiti lang ang sinagot ko sa mga ito at ang tanging nakikita lang ng mga mata ko ay siya at wala ng iba pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD