Chapter 18- Magical Moment

1505 Words
Binihisan ko na si Axel dahil lalabas na kami mamaya at prenteng naka upo naman si sir habang nag-aaatay saamin. "Daddy," tawag ni Axel. Sinaway ko siya dahil napapadalas na ang pag tawag niya kay sir ng daddy baka kapag iba ang makarinig kung ano pang isipin saakin. Nang marinig ni sir kaagad naman siyang lumapit. "Yes may gusto ka ba?" tanong nito, animo'y parang ama na talang may care sa anak. "Wala naman po dad, gusto ko lang nasa tabi kita palagi para safe ako," wika ni Axel, sabay yakap rito. Ako naman ay natahimik na lang sa ina akto ng aking anak. Pinutol ko na ang kanilang usapan, dahil kailangan na naming lumabas. Inaya ko na rin sila at ang aking anak naman ay nagpa baby biglang nag request na magpakarga kay sir. Ako naman ang nahihiya sa pinag gagawa ng aking anak pero wala akong magawa dahil gusto rin naman ni sir. "Tara na baka gabihin pa tayo," paanyaya ko sakanila. Ngumiti naman ang dalawa at naglakad na rin kasunod ko. Para tuloy kaming mag-anak kung titingnan. Sumakay kami ng elevator at walang nag sasalita saaming ni sir, hanggang sa bumukas ito at pina una ko na siya lumabas ako naman ang nakasunod sakanila. Nang makalabas kami ng ospital hinanap ni sir ang kotse niya at binuksan ang back seat pinasok niya sa loob si Axel, gusto nang anak ko na sa kotse ni sir sumakay. At ako naman ay sa kotse ko, pinauna ko lang sila na maka alis at sumunod na rin ako. Sa byahe hindi ako mapakali na parang may mangyayari 'di maganda. Pero nagsa walang kibo na lamang ako at nanahimik baka mali lang ang agam-agam ko. Maka lipas ang isang oras nakarating na kami ng bahay. Ibinaba na ni sir si Axel at nagpaalam na rin ito dahil may kailangan pa raw itong gawin. Medyo nalungkot ang anak ko kaya nag promise na lang si sir na babalik siya. Talagang babalik pa siya, sobrang naiilang na nga ako sa'kaniya sa mga nangyayari dagdag pa 'tong anak ko na inaangking daddy na niya si sir. STEVENSON Sa isip ko hindi ako mapakali na 'di ko mawari kaya imbes na makapag concentrate ako sa mga project na nire-review ko walang pumapasok sa isipan ko kundi si Andrea. Kaya pinatay ko na lang ang laptop ko at lumabas naglakad lakad ako sa dalampasigan at nag isip-isip. Hanggang sa naka isip ako ng isang plano. Bakit hindi ko kaya ayain ng dinner date ito. Hmmm! ang tanong papayag ka siya? madaming bumabagabag sa aking isipan nang sandaling 'yon. Buti pa ang best friend ko may Tanya na, ang bilis lang rin niya napa sagot ito. Ganoon nga siguro kapag gusto ka talaga ng babae kahit hindi ka mag todo effort papansinin ka. Matapos kong makapag isip-isip bumalik na ako nang resort kinausap ang staff nila roon para sa surprise dinner date ko kay Andrea mamayang gabi at bahala na kung papayag ito ang mahalaga ma set-up muna ang lahat. Excited ako sa mangyayari mamaya, pakiramdam ko para akong bumalik sa pagka teenager na natotorpe sa nililigawang crush. Habang nasa loob ako ng room ko hindi pa rin ako mapakali dahil ilang oras na lang mag gagabi na. Hindi ko pa din napapayag si Andrea. Lumabas ako sandali at naglakad papunta sa kabilang resort kung saan naka stay sila. Magpapatulong na lang ako kanila Tanya, ayon na lang talaga ang pag-asa ko. Pag dating ko sa resort nakita ko ang dalawang magkasintahan na todo kong mag harutan, ang sakit nila sa mata. Suguro nga dahil bitter ako kung minsan. "Buddy, psssst!" tawag ko rito ngunit parang wala itong naririnig kaya binato ko ito nang shell. "Aray!", hiyaw nito. Ako naman ay tawang tawa sa reaksyon nito. Naglakad ako malapit sa kinaroroonan nila tinanong ko na rin kung nasaan si Andrea pero hindi nila ako pinansin, kaya dumiretso na lang ako sa loob. Naabutan kong nag lalaro si Axel nang mga toys na binigay ko sa'kaniya, natutuwa ako na pinapahalagahan ng bata ang regalo ko rito. "Axel halika," tawag ko rito. "Daddy, your back," wika nito sabay takbo at yakap sa'kin. "Yes I'm back. Namiss mo ba ako? Nga pala nasaan ang Mommy mo?" tanong ko rito. Bago pa ito nag salita nagulantang na lang ako sa pag labas nito sa comfort room. Nakatapis lang kasi ito ng tuwalya at maging siya ay gulat na gulat nang makita ako. "A-anong ginagawa niyo dito sir?" nauutal na tanong nito. "Wala naman dumadalaw lang kay Axel," wika ko. Pero sa iba ako nakatingin, dahil hindi ko matagalan ang istura nito, medyo napansin niya yata na naiilang ako sa itsura niya kaya bigla na lang itong nagtatakbo sa kuwarto. Halos pagpawisan ako sa nakikita ko. Mas lalao yatang gumanda si Andrea sa paningin ko. Bago pa ako makalimot sa sadya ko kinausap ko si Axel na tulungan ako para sa dinner date namin ng mommy niya mamaya. Tuwang tuwa naman ito nang malaman. Magkaka lahating oras na ay hindi pa rin nalabas si Andrea kaya lumapit na ako sa kuwarto nito at rinig na rinig ko ang pagkakausap nito sa'kaniyang sarili. Medyo may siwang kasi ang pintuan nakalimutan niya yatang isara nang maayos. Halos kiligin ako sa mga narinig ko, ibig sabihin may pag-asa ako. Abot langit ang ngiti ko at bago pa niya ako makita umalis na ako at bumalik kay Axel na siyang labas naman nito. "Andrea mauuna na ako," pagpapaalam ko sa'kaniya. "Sige," tipid na sagot nito. Tumayo na ako at naglakad palabas nakita kong sinundan niya lang ako nang tingin. Pag labas ko nakita ko na naman ang dalawa talagang nang iinis ang bestfriend ko. Hindi ko alam kung ano na naman umaandar sa isipan ko at napasigaw ako na "Baka makabuo kayo kaaagad," pagbibiro ko na ikinatingin naman nila. He shouted to me asshole. At ako naman ay tawang tawa habang naglalakad. Nakabalik na ako sa loob ng room at sinuot ko na ang polo at short na susuotin ko para mamaya. Panay sulyap ako sa salamin para makita ang repleksyon ko rito. Siguro mga sampung balik na yata ako sa salamin. Ganito ako ka tense sa first date namin ni Andrea. Pag sipat ko sa pambisig kong orasan napa count ako nang 10 to 1 bago lumabas nang kuwarto. Naka ilang buntong hininga rin ako bago pumunta sa venue. All set na ang lahat maging ang musikero pati ang mga disenyo na pinag set-up ko. Kuhang kuha nila ang gusto ko, umupo na ako habang inaantay si Andrea. Ang usapan namin ni Axel dadalhin niya ang mommy niya at lalagyan ng piring, sana lang nagawa niya kundi masisira ang lahat ng plano ko. Mga ilang minuto lang na pag aantay ko nasa tapat ko na si Andrea, Axel, Tanya at Draeden. Nagtataka man kung anong ginagawa ng asshole kong bestfriend, hindi ko na inalintana iyong bagkus naka sentro ang atensyon ko sa ganda ng ka date ko. Naririnig ko na rin ang pagmamaktol ni Andrea. "Axel anak, ano bang kalokohan ito," tanong nito na malapit nang mainis. Sinensyasan ko na ang musikero na magplay na nang instrument maging si Tanya para alisin na ang naka piring dito. Nang malaglag ang piring nito, sumabay naman ang pag putok ng fireworks kaya napatingin ito sa kalangitan at kitang kita ko ang pang ning-ning ng kaniyang mga mata. Pasimpleng lumapit ako rito at bumulong kung nagustuhan ba niya, ngiti lang ang sinagot niya sa'akin. Kitang kita ko naman ang lokong ngiti ng aking bestfriend na alam kong masaya siya para sa'akin. "Andrea," tawag ko sa pangalan nito para makuha ko man lang ang atensyon niya. Salamat naman at tinapunan niya ako ng tingin. Nakatingin lamang siya saakin at halos hindi makapag salita sa mga nangyayari. "Ok ka lang ba?" tanong ko rito dahil hindi ako mapakali sa pananahimik niya. "Oo ayos lang ako," sagot nito. At sa wakas nag salita rin siya. Sinensyasan ki na rin sina Draeden na iuwi na si Axel at nakuha naman kaagad nito ang gusto kong mangyari, nag thumbs up pa ito sa'akin bago umalis.. Naiwan naman kami ni Andrea at nanatiling tahimik pa rin ito. Kaya ako na ang bumasag ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Niyaya ko na siya na maupo at tumango naman ito, pinag hila ko siya ng upuan bago ako umupo sa katapat niya. Lumapit naman saaking ang isang staff at inabot ang bulaklak na inabot ko naman kay Andrea. As usual ngiti lang rin ang sinagot niya sa'kin. Unti unti na ring sini served ang pagkain namin nang magsalita ito. "Para saan pala ito sir?" curious na tanong niya. "Para sa simula nang panliligaw ko sa'yo," straight to the point kong sambit, ayaw ko na rin magpaligoy-ligoy pa. Nakita ko naman ang pagkagulat niya dahil bigla itong nanahimik at napanganga na lang. "Seryoso ako Andrea, gusto kitang ligawan at maging tunay na Daddy ni Axel," dagdag kung sambit na mas lalo pa yata niyang ikinagulat dahil bigla siyang napa inom ng tubig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD