"Para saan pala ito sir?" curious na tanong niya.
"Para sa simula nang panliligaw ko sa'yo," straight to the point kong sambit, ayaw ko na rin magpaligoy-ligoy pa.
Nakita ko naman ang pagkagulat niya dahil bigla itong nanahimik at napanganga na lang.
"Seryoso ako Andrea, gusto kitang ligawan at maging tunay na Daddy ni Axel," dagdag kung sambit na mas lalo pa yata niyang ikinagulat dahil bigla siyang napa inom ng tubig.
"S-sir sabihin niyo na nagbibiro lang kayo," tanong nito. Hindi talaga siya makapaniwalang nanliligaw ako sa'kaniya.
"No, seryoso ako Andrea. When I say it, I mean it. Sorry kong nabibilisan ka man sa mga nangyayari, pero sigurado na ako. Ayon ay kung papayag ka?" seryoso kong tanong rito, kasabay na pag tingin ko sa mga mata niya. Nakita ko naman ang pag-iwas niya ng tingin.
"H-hindi ko kasi alam ang isasagot ko sir sa tanong mo. Medyo nabibilisan lang ako sa mga nangyayari. Puwede bang bigyan mo muna ako ng isang linggo para makapag isip-isip. Okay lang ba sir?" tanong nito.
"Okay ikaw ang masusunod, basta nandito lang ako if you need me, just one call and I'll be there," sambit ko. Tara na kumain na tayo at lalamig na ang pagkain. Nginitian niya lang ako at nag simula na itong kumuha ng pagkain. Habang kumakain ito hindi pa rin mawala wala ang atensyon ko sa'kaniya.
"Bakit sir? may dumi ba ako sa mukha?" conscious na tanong nito.
"Ha? wala naman. Masaya lang ako kasi kasama kita," sagot ko rito.
"Sir hindi ko alam na may lahi kang palabiro pala" sambit niya sabay subo ng steak.
"Wala, sa lahat nang bagay seryoso ako," diretsahan kong sagot. Gusto kong maramdaman o makita niya na seryoso talaga ako sa'kaniya.
Bigla naman itong natahimik at hindi na nag salita. Para tuloy may lamay, lamay nang sawi kong puso.
"Sir may tanong lang ako, may kapatid ka pa ba?" curious na tanong niya.
"Wala at bakit mo natanong?" sagot ko sa'kaniya. Nahihiwagan din ako bakit bigla siyang nag tanong sa pamilya ko.
"Wala naman sir. Huwag niyo na nga isipin 'yon," reply niya at biglang bawi.
"Solong anak lang ako. Patay na ang mga magulang ko," wika ko. Baka sakaling itanong niya.
"Ganoon ba, eh! bakit mas pinili niyong mag stay sa Pinas?" usisa nito.
"May business kasi ako rito at may misyon pa ako," pagbibiro ko dito at sana bumenta sa'kaniya. Kaso nga lang hindi man lang ito natawa kaya nanahimik na lang ako.
Natapos ang gabi nang masaya ito kaya masaya na rin ako.
"Tara na medyo lumalalim na rin ang gabi. Baka hinahanap ka na rin ni Axel," paanyaya ko sa'kaniya.
"Sige mabuti pa nga," sagot nito. Hinawakan ko ang kamay niya para alalayan siya sa paglalakad. Sabay na kaming naglakad pabalik ng room nila.
Naabutan namin ang mag kasintahan na nasa labas. Mukhang malalim ang kanilang pinag-uusapan kaya hindi na namin ito inabala pa. Nag paalam na rin ako kay Andrea at hindi na ako pumasok pa dahil ayokong gabihin sa daan dahil medyo nakainom na rin ako.
ANDREA
Tinanaw ko na lang ang bulto ni sir na papalayo. Hindi pa rin ako makapaniwala na naka date ko si sir kanina. Ano kayang nakain noon at naisipan niya, pero hindi ko talaga kinaya ang paulit-ulit na pag papaalam niya sa'akin na manliligaw siya.
Sa dami nang single na babawi sa hotel ako pa talaga ang naisipan niyang ligawan. Nandyan rin naman si Ms. Alhea mas 'di hamak na bagay sila parehong galing sa buwena pamilya.
Hanggang sa nakatulugan ko na rin ang pag-iisip at pina paubaya ko sa tadhana ang lahat-lahat.
Kinabukasan maaga pa lang naririnig ko na ang boses ng anak ko na pinilipit ang kaniyang lola na pumunta nang dagat. Dahil sa nangyari pinagbawalan ko muna siya na pumunta sa dagat, malaking trauma sa'kin ang pagkalunod niya.
Bumangon na ako, dahil kilala ko ang anak ko walang ibang pakikinggan 'yan kundi ako.
"Axel anak, huwag matigas ang ulo. I told you to behave right?" wika ko. Tumango naman ito at biglang nag salita.
"But Mom. Can you call Daddy Stevenson please," pagsusumamo nito.
"Ha? for what? busy siya anak madami siyang work," sagot ko rito. Nakita ko naman ang pag tamlay nito.
"Okay," walang gana nitong sagot. Niyakap ko na lang siya para mawala ang lungkot niya hanggang sa biglang sumulpot ito nang walang pasabi. Kaya biglang kumalas si Axel sa pagkakayakap ko sa'kaniya at tumakbo sa bagong dating na bisita.
"Daddy yehey you're here again. Puwede mo ba akong samahan sa dagat please?" tanong nito at nagpapa cute pa.
"Ahmm! puwede naman kung papayag ang mo
Mommy mo," wika nito.
"No!" sagot ko. Hindi naman ako kontrabida sa lagay na 'to. Pero ako ang ina and this time ako dapat ang masusunod.
"No, daw paano ba 'yan. Attack," sabay ng dalawa. At naramdaman ko na lang na may kumikiliti na saakin. Kaya tawa na lang ako nang tawa sa kakulitan nilang dalawa.
"Tumigil na nga kayo," inis na wika ko pero natatawa pa din kasi ayaw nila kong tigilan hanggang hindi ako pumapayag.
"Fine sige pero kasama ako. Sandali lang magpapalit lang ako," wika ko.
Narinig ko naman ang bulungan nilang dalawa. "Mission accomplished," pa chorus nilang sambit at nag high five pa.
STEVENSON
Hindi ko mapaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. Kasama ko sina Axel at Andrea at kasalukuyang hinahabol ko sila. Hanggang sa naabutan ko si Andrea at imbes na kamay niya ang hawakan ko sinadya kong yapusin siya.
"Ang daya naman," maktol nito.
"You look good together mom and dad,"sigaw ni Axel.
Bakit ba pag si Axel ang nagsasalita pakiramdam ko para kaming isang pamilya.
Sa kaka isip ko nakawala na pala si Andrea siya naman ang taya. Naghabulan kami hanggang sa napa atras ako at nadapa sakto naman nahila ko ang isang kamay nito kaya sabay kaming bumagsak. Nasa ibabaw ko siya ngayon. At ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib nito, medyo nailang ako dahil nararamdaman ko ang malulusog na dibdib nito kaya biglang kumislot ang pagkalalak* ko. Bigla akong natauhan at naitulak ko siyang hindi sinasadya.
"Sorry, hindi ko sinasadya" wika ko. Nahiya talaga ako sa pagkakatulak ko sa'kaniya. Nakita kong inismiran niya ako at hinila si Axel. "Uuwi na tayo," wika nito.
"But Mom. I wanted to finish my sand castle," pagmamaktol ni Axel.
"Sorry na hindi ko talaga sinasadya please," pagsusumamo ko. Talaga naman kasing hindi ko sinasadya ang nangyari kasalanan naman kasi ito ng d-ck ko at kong bakit ko siya biglang naitulak.
"Fine mauupo na lang muna ako dito," wika nito.
"Thank you," sagot ko. Sabay balik namin ni Axel sa buhanginan para matapos na namin ang sand castle na ginawa namin. Hanggang sa naka isip na naman ako nang kakaiba. Habang abala si Axel sa pagtapos nang sand castle niya ako naman ay abala sa pag sulat ng I'am sorry. Please forgive me sa may buhanginan.
Naririnig ko ang bulangan nang ilang kababaihan na dumaan sa harapan ko. Kitang kita sa kanila ang kilig at sana naman ganiyan rin ang maging reaksyon ni Andrea kung sakaling makita niya ito.
Sinenyasan ko si Axel na lapitan ang mommy nito at kaagad naman niya akong sinunod. Ilang saglit lang nasa harapan ko na ang dalawa at itinuro na ni Axel ang ginawa kong sand letters. Hindi ko alam kung nagustuhan niya pero sa wakas ngumiti rin siya.
"Ok I forgive you. Huwag muna lang gagawin sa sunod at wala na palang kasunod," wika nito kasabay nang pag taas ng kilay nito.
"Yess madam," pagbibirong sambit ko.
Dahil medyo mainit na kaya sumilong na muna kami at kumain sa isang restaurant roon. Halos puro seafoods ang menu nila kaya hindi ako puwede.
"Do you have any vegetables here?" tanong ko. Siguro nagtataka si Andrea bakit ako nagtatanong sa waitress.
"Why sir. Hindi ka ba avid fans ng mga sugpo?" curious na tanong nito.
"Hindi, actually allergy ako sa mga seafoods. Sige lang enjoy your meal ayos lang ako," sambit ko para hindi na siya mag alala pa saakin.
"Are you sure sir. Puwede naman tayong lumipat kung saan ka mas comfortable," tanong niya at nagbabalak pang lumipat kami.
"Hindi na. Ayos lang talaga ako," wika ko at ipinakitang okay lang talaga ako.
Masaya akong masaya si Axel kaya okay na rin ako. Nang matapos silang kumain nag aya naman ang bata sa ice cream store, kaya doon naman ang sunod naming destinasyon.
"Baka napapagod ka na sir. Puwede ka nang umuwi," sambit nito. Akala niya yata eh napapagod na ako. Hindi niya alam mas malakas pa ako sa kalabaw.
"Hindi naman, sige lang wala rin akong gagawin tapos na rin ang meeting ko with Mr. Chua. Last day ko na rin dito, kayo ba?" wika ko sabay tanong rito.
"Ah I see. Three days pa po, kaso baka mag extend kami ni Axel ayaw pa kaming pauwiin ni mommy," sagot nito.
"How about Tanya? hindi pa ba sila uuwi?" tanong ko.
"Last day na rin siguro nila. Mukhang miss na nila ang Manila," sagot nito.
Natawa na lang ako sa sinabi niya, dahil wala na rin naman akong isasagot pa rito.