Chapter 17- Feeling Relieved

1548 Words
Nang matapos kaming kumain nag paalam na rin ang mag boyfriend, ako naman ay nag paiwan muna sandali. At himalang hindi man lang nag protesta si Andrea, kaya labis ang saya ko nang sandaling 'yon. Nang kami na lang ang naiwan bigla itong nag tanong kung hindi pa ba ako aalis. "Sir bakit hindi ka pa sumabay sakanila?" curious na tanong nito. "Ahmm! Kasi ano, gusto ko pang makasama si Axel. Ok lang ba?" tanong ko rito. "Ok lang naman sir. Baka lang kasi mainip ka bukas pa ang dis-charged ni Axel rito. Sabi ng doctor mabutin mag 24 hours muna siya sa hospital," anya. "Ganoon ba! Sige bukas na lang rin ako uuwi," sagot ko at kita ko ang pag kunot ng noo nito. "Hala hindi ba nakakahiya sa'yo sir, masiyado ka nang naabala namin," wika nito sabay yuko. Alam kong nahihiya na naman 'to sa'kin. Kaya hinawakan ko ang kamay nito at pinisil pisil ko. Wala naman akong nakitang pagtutol rito. Hanggang sa nagkatitigan kami at hindi ko namalayan na bigla ko na lang siyang hinalikan. Inaantay kong sasampalin niya ako sa nagawa ko pero tumalikod lamang ito. "Magpapaalam na rin ako," wika ko para lingunin man lang niya ako, kaso hindi nangyari nanatili itong nakatalikod saakin. Iniwan ko na siya at lumabas ng pintuan. Babalik pa sana ako kaso bigla akong nahiya sa pag nakaw ko ng halik rito kaya nag dire-diretso ako ng lakad palabas ng ospital. ANDREA Gusto kong mainis sa sarili ko bakit hinayaan ko na lamang halikan niya ako. Nakaka ilan na siya sa kaka nakaw ng halik sa'kin. Akala ba niya nakalimutan ko na 'yong sa elevator. "Pero aminin mo ginusto mo ang nangyari," hiyaw nang utak ko. Miski ang utak ko kinakalaban na rin ako. Sumilip muna ako kay Axel bago ako maidlip sa kabilang bed, hanggang sa dalawin na rin ako ng antok. Kinabukasan hindi pa nga ako nakakapag hilamos nakakarinig na ako agad ng katok mula sa pintuan. Bumangong na ako at tumungo sa wash room area para mag hilamos. Nakita kong gising na rin ang anak ko. "Good morning son," bati ko rito. "Good morning mom," ganting bati nito. Naglakad na ako papunta nang pintuan para pag buksan ang panauhin. Sina Tanya, sir Draeden at si mommy pala. "Tuloy kayo," paanyaya ko sakanila. Sabay lapit naman saakin ni Mommy at nag mano ako sa'kaniya. "Kamusta ang apo ko?" tanong ni Mommy. "Maayos na po siya Mommy. Mamaya rin puwede na siyang madischarge sabi ng doctor," wika ko. Binalingan naman nito ang apo niya at kinamusta ang kalagayan. "Apo kamusta ka na? may masakit ba sa'yo ngayon?" tanong ni Mommy. "Wala po lola," sagot ng anak ko. "Sandali lang po Mommy, ise-setteled ko lang muna ang hospital bills ni Axel para mamaya ok na po," pagpapaalam ko muna kay Mommy. Lumabas na ako nang room ni Axel at naglalakad sa hallway nang makasalubong ko si sir Stevenson. Ang aga niya yata dumalaw. "Hi Andrea, saan ka pupunta?" usisa nito saakin. "S-sa cashier po sir magbabayad lang ako ng bills namin," wika ko. Kung gusto niyo po puntahan si Axel puwede naman po, naroon din sina sir Draeden at Tanya," dagdag kong sambit. "Samahan na muna kita," anya. "Ok sir, ikaw po ang bahala," wika ko. At kasabay ko na siyang naglalakad papuntang cashier. "Hi puwede ko bang malaman kung magkano ang running bills namin," tanong ko rito. "Anong pangalan po ma'am?" tanong nito. "Axel VillaRuiz," sagot ko rito. "Wait for a minute ma'am. Hold on!" sambit nito. "Sixty-thousands pesos po ma'am," wika ng cashier. "W-what? are you sure?" nagtatakang tanong ni Andrea. "Sandali lang ha," sambit pa nito. Nakita ko siyang tumalikod at nag bukas ng wallet mukhang kulang ang dala niyang pera kaya ako na ang lumapit sa cashier at binigay ko ang card ko. "Here's your card sir," nakangiting wika ng babae. Medyo problemado si Andrea nang lapitan ko. "Shall we go?" tanong ko rito. "Wait lang po sir mauna ka na," wika nito. At nagmamadaling lumapit sa cashier. "Miss puwede bang mag promisorry note muna ako nag kulang kasi ng twenty- thousands ang dala-dala ko. Okay lang ba?" tanong nito. "Ma'am settled na po ang bills niyo. Binayaran na po ng asawa niyo," nakangiting wika nito. Nginitian ko na lang ang babaeng cashier. At napatingin ako kay sir Stevenson na nakangiti rin. Naglakad ako palapit sa'kaniya at nag tanong. "Sir ikaw ang nag bayad?" usisa ko rito. "Yes," mabilis kong sagot. "Hala sir, bakit mo 'yon ginawa? Nakakahiya naman, paki awas na lang sa sunod na suweldo ko," sambit nito. "Huwag mo nang isipin 'yon. Parang anak ko na kasi si Axel. Huwag muna akong bayaran ok na 'yon. Tara na nag-aantay na sila," sambit ko para hindi na siya mangulit pa. "Salamat talaga sir," wika nito sabay yakap sa'kin. Dinama ko naman ang pag yakap niya. Mukhang natauhan siya sa pag hagod ko nang kaniyang likod. "Sorry," usal niya. Nginitian ko na lamang siya at sabay na kaming nag lakad. Pag pasok namin sa loob kitang kita ko ang tinginan nila saamin. Mas lalo pa akong nahiya nang tawagin na naman ni Axel na Daddy si sir. "Daddy your back," masayang bungad na sambit ng bata. "Daddy? Siya ba ang ama ng apo ko?" nagtatakang tanong naman ng Mommy ko. "Hindi po , 'di ko din malaman sa apo niyo kung bakit Daddy ang tawag niya kay sir," bulong ko kasi baka marinig pa niya. "Hmm mukha naman silang mag-ama. Magkawangis silang pareho anak. Hindi ba sabi mo patay na ang nobyo mo?" usisa ni Mommy. Nginitian ko na lamang siya, dahil ayaw ko nang makipag usap at baka madulas pa ako sapagkat magaling mag interrogate ang mommy ko. Nakita ko namang masayang masaya ang anak ko kausap si sir Stevenson. Unti-unti ko nang nakikita kong gaano kabait at kabusilak ang puso nito. Siguro nga this time puso ko naman ang pakinggan ko at huwag ang utak ko. Nawala ako sa pag-iisip nang kalabitin ako ni Tanya. "Beshy, beshy umamin ka nga kayo na ni sir mo?" bulong nito. "Hindi no, saan mo ba napulot 'yang tsismis mo na yan. Ikaw ang may dapat ipaliwanag sa'kin huh," sagot ko rito. "Ha! ang alin beshy?" nagtatakang tanong nito. "G*** ka nakalimutan muna ba 'yong p** site na pinapanuod mo!" sambit ko. "Ah! ayon ba, wala 'yon," patay malisya na wika nito sabay tumawa lang. "Anong wala 'yon, nakakahiya kay sir Stevenson ako pa ang napag bintangan nanunuod ng ganoon. Kadiri ka talaga beshy," wika ko sabay hampas ko sa'kaniya pero hindi naman malakas. "Ok lang 'yon," mabilis na sagot nito sabay tawa lang nang hinampas ko. "Sandali lang besh, asikasuhin ko muna ang mga gamit ni Axel kasi mamaya puwede na siyang i-discharge wait ko na lang mga reseta ng doctor," sambit ko. Habang nag aayos ako ng gamit kitang kita ko naman nag-uusap sina Axel at sir. Napapansin ko rin na magaan ang loob nila sa isa't-isa. Minsan napapaisip ako na baka may kapatid si sir at ayon ang naka one night stand ko. Kasi kong si sir mismo bakit hindi niya ako matandaan? Hmmm sabagay kahit ako hindi ko rin masiyadong matandaan dahil lasing lasing ako, pero isa lang naman ang palatandaan ko sa lalaking 'yon. Isang balat sa likod nito na hugis puso. Hinding hindi ko malilimutan ang araw na 'yon. Nang matapos akong mag ligpit siya namang pasok ni doctor Meneses. Sinabi niyang maayos at okay naman ang mga laboratory test ni Axel kaya wala na dapat ikabahala pa. Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ito, nag bigay siya ng reseta ng gamot na iinumin nito, bago nag paalam saamin. Itinago ko na sa bulsa ng bag ko ang reseta at nakipag kulitan na rin ako kay Axel. Kaming tatlo na lang ang naiwan dito dahil nagpaalam na sina sir Draeden at Tanya, pinasama ko na rin si mommy kahit ayaw pa niya. "Sir hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko rito. "Pinapalayas muna ba ako?" pagbibirong sambit nito. "Ay hindi naman sa ganoon sir, baka lang may gagawin ka pa," sagot ko sabay yuko. "Wala naman akong gagawin. Kaya ok lang, and besides I just wanted to stay here with you," wika nito sabay wink. "Si Daddy ang cheesy," singit ni Axel. Ginulo ko naman ang buhok nito. "Ang cheesy ba? "sorry hindi marunong mag pick up line ang daddy mo,"pabulong na wika nito, bagamat rinig na rinig ko nag patay malisya na lang ako. "Don't worry Dad. Kapag magaling na ako, I will teach you," sagot ni Axel. "All right, malay mo mapa sagot ko na ang Mommy mo," dagdag na sambit nito. Hindi ko alam kong matatawa ako sa pinag uusapan nila. Kung makapag usap kasi sila parang wala ako at hindi ko naririnig ang lahat. "Sasagutin ka rin ni mommy dad, ikaw pa ba ang guwapo niyo at kamukha ko pa kayo," pagbi build up ni Axel kay sir. At bago pa mapunta kung saan-saan ang kanilang usapan lumapit na ako. "Ano ba 'yang pinag-uusapan niyo?" usisa ko at patay malisya lang ako. "Wala naman po mommy," sagot ni Axel. "Wala 'yon Andrea," sagot naman ni sir. Mukhang nag-usap 'yong dalawa. At ang bilis nilang mag change ng topic. Wala na akong nasabi kundi okay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD