Chapter 16- Accident

1567 Words
STEVENSON Nandito ako sa office mag-isa. Ginugol ko ang oras ko sa pagre-review ng mga files. Kanina pa ako inis na inis dahil hindi ko maintindihan si Andrea bakit ayaw niyang pumayag na isama ako, gayong kasama naman si Draeden. Lalo pang nadagdagan ang inis ko nang i-send saakin ng g**** kong kaibigan ang picture ng mga ito na naliligo sa dagat. Kanina ko pa gustong sumunod pero nahihiya talaga ako dahil hindi naman ako invited, asar! Mag tatanghali na at wala akong kagana ganang kumain sa labas kaya nagpa deliver na lang muna ako sa secretary ko. Habang nag-aantay ako nang lunch ko, isang tawag ang aking natanggap, na labis kong ikina-ngiti. Hindi ko na nga tinapos ang mga nire-review kong files at nag bilin na lang ako kay Melody na kapag may tumawag sa'kin sabihin nasa meeting ako. Excited akong umuwi ng bahay at mag empake nang gamit na kakailanganin ko para sa ilang araw. Bumaba ako ng ground floor at diretso sa parking lot. Sumakay agad ako sa kotse at nag drive nang mabilis. Hindi ko namalayan nasa tapat na ako ng condo unit ko, lumabas ako ng kotse at sumakay ng elevator. Nang makalabas ako rito diretso ako sa unit ko at kinuha ang mga ilang gamit ko mga tatlong araw lang naman ako sa Palawan kaya puwede na siguro ang mga ito. Lumabas rin ako kaagad at naglakad hila-hila ang luggage ko. Sumakay ako ng elevator pababa ng parking lot area. Hindi ko tinawagan si Draeden para pati siya ay magulat kapag nagkita kita kami roon. Nasa byahe na ako at mga tatlong oras ang tantya ko bago ako makarating ng Palawan. Habang nagda drive napapangiti na lang ako bigla. Ilang araw ko na din naiisip kung paano ako susunod sa mga 'yon nang hindi nakakahiya. Answered prayer nang tumawag kanina si Mr. Chua na gusto niyang mag invest sa hotel ko at sa Palawan niya kami gustong magkita dahil naroon siya ngayon. Kita mo nga naman ang pagkakataon, kaya hindi ko na pinalagpas pa ang opportunity at sinunggaban ko agad ito. Atlis kahit makita nila ako hindi iisipin ni Andrea na sinundan ko sila, medyo nararamdaman ko kasi after ko mag confess rito iniiwasan niya na ako. Ang weird nga na hindi ko ma explain kong bakit ganoon na lang ang pakikitungo nga siya saakin, para siyang naging cold bigla. Habang nasa byahe ako pakanta kanta pa ako at sinasabayan ang music na paborito ko. Lingid sa kaalaman ng lahat magaling akong kumanta pero tinatago ko lamang ito. Na e-enjoy ko ang byahe ko kaya hindi ko namalayan na malapit na pala ako sa Palawan. Nag text ako sa secretary ni Mr. Cheng para ipaalam rito na malapit na ako sa meet up place. Bumaba ako ng sasakyan at sinalubong ng staff ng resort kong saan naroon si Mr. Cheng. Samantalang kasalukuyan namang nagawa ng sand castle si Axel kasama silang tatlo. Nagkakasayahan sila nang biglang may nahagip ang mga mata nito. "Sir pogi," biglang sambit ng bata. Medyo nagulat at nagtaka si Andrea kung bakit nasabi ni Axel 'yon. Napatingin siya sa bandang gawing tiningnan ng bata ngunit wala namang tao siyang nakita. Kaya naisip na lang niya na baka namalikmata lang ang anak niya kaya kung ano ano ang nakikita nito. At winaglit na lamang nito sa isipan ang sinabi ni Axel. Habang abala ang mag-ina sa pag gawa ng sand castle, sila Draeden at Tanya naman ay panay harutan at naghahabulan pa sa sikat ng araw. Nakakagigil talaga sa kaartehan 'tong best friend ko. "Selos ka lang kasi," hiyaw ng isipan nito. Nag paalam muna siya kay Axel dahil magko comfort room muna lang ito. Nag lakad siya patungong comfort room ng resort. Sa pagmamadali nito hindi niya napansin ang makakasalubong at mababangga. "So-- hindi na natapos nito ang sasabihin, dahil nagulat siya kung sino ang nakabangga niya. "Sir Stevenson? Ano pong ginagawa niyo dito?" gulat na gulat na tanong nito. "Yes, ako nga. May meeting kasi ako dito. Hindi ko naman alam na nandito rin pala kayo," sagot ko sa tanong niya. Akala yata niya sinusundan ko siya. "I see. Sige sir mauuna na po ako," wika nito sabay paalam. "Ok," sagot ko. Sabay talikod ko rito at naglakad palabas ng resort. Hinanap ko si Axel at natanaw ko ito sa bandang dulo na papuntang dagat. Halos takbuhin ko ang kinaroroonan nito sapagkat naka tampisaw na ito sa tubig at dire diretso lang sa paglakad. Palayo na ng palayo si Axel hanggang sa hanggang ulo na niya na ang tubig kaya mas binilisan ko pa ang pag takbo. "Axel," sigaw ko, dahil hindi ko na siya makita sa ibabaw ng tubig. Nagulantang naman sina Tanya at Draeden sa sigaw nito. Nagtataka man ngunit hindi na nila pinansin kung bakit nandito ito ang atensyon nila ay sa sinisigaw nito. "Axel where are you?" sigaw ko. Kasabay nang pag lusong sa tubig at pag sisid dito. Kitang kita ko si Axel na halos hindi na gumagalaw kaagad ko itong binuhat at dinala sa pang-pang para i- mouth to mouth resuscitation. Halo-halong kaba at takot ang nadarama ko ng sandaling 'yon. Matapos ang ilang minutong paulit-ulit ko sa pag revived dito bigla nitong niluwa ang mga tubig dagat na nainom. Ayan ang tagpong naabutan ni Andrea. "Anong nangyari?" tanong nito at nagtataka bakit pinapalibutan nang maraming tao ang anak niya at umiiyak si Tanya. "Muntik na siyang malunod," sagot ko. "Ano? paano? Tanya anong ibig sabihin nito?" sigaw nito at unti-unti nang napaluha dala ng bugso ng kaniyang damdamin. "Beshy sorry, hindi ko naman alam na pupunta si Axel sa malayo," wika nito sabay walang tigil na pag patak ng mga luha sa kaniyang mga mata. "Sorry lang? paano kung may nangyari pang masama ha, mababawi ba nyan ang buhay ng anak ko," naiiyak na wika nito. Niyakap niya si Axel at panay sorry ng sorry. Kasalanan rin naman niya hindi sana siya nag tiwalang iwan ang anak niya sa iba, hindi sana nangyari ito. Dumating na rin ang medic at pina upo ang bata sa wheelchair, naka sunod lamang sila ni Stevenson at sila Tanya naman ay naiwan dahil tulala pa rin ito sa nangyari. Sa loob ng ospital nilagyan agad ng suwero si Axel. Kitang kita ko kung paano mag alala si Andrea sa'kaniyang anak. "S-salamat sa pag ligtas mo sa anak ko sir Stevenson," wika nito. Hindi na ako sumagot pa sa sinabi nito, bagkus bigla ko na lang itong niyakap. Pinadama ko na hindi siya nag-iisa ng sandaling 'yon. Inaantay ko kong kakalas siya sa pagkaka yakap ko, subalit mas lalo pa itong sumiksik sa may dib-dib ko kaya mas kinulong ko pa siya sa mga bisig ko. Nang matapos na ang pagche- check up nang doctor kay Axel, sinenyasan na ako nitong puwede na kaming pumasok. Binulungan ko na si Andrea kaya kumalas na ito sa pagkakayakap. Medyo napahiya ito kaya yumuko. Dire-diretso itong pumasok sa loob at lumapit kay Axel. Binigyan ko muna sila ng time mag-ina nanatili lang ako sa labas. Maya maya lumabas si Andrea dahil hinahanap raw ako ni Axel, kaya pumasok na rin ako. "Daddy," tawag ni Axel nang makita ako. Lumapit naman ako rito at niyakap siya. "How are you?" tanong ko rito. "I'm ok now Dad, thank you for saving my life," wika nito. "No problem, magpagaling ka dahil gagawa pa tayo ng maraming sand castle," sambit ko at ginulo ang buhok nito. Hinayaan ko na lang rin siya kung anong gusto niyang itawag sa'kin. Maya maya may kumakatok sa labas. Pinuntahan ko para pag buksan, bumungad saakin sina sir Draeden at Tanya. May dala-dala silang pagkain at prutas. Medyo wala na rin ang inis ko rito, napag isip-isip ko na hindi naman talaga nito kasalanan ang lahat. Ako ang ina niya kaya dapat ako ang naging mas protektado rito. "Beshy sorry talaga," sambit nito sabay hagulgol. "Tahan na beshy, wala ka namang kasalanan saating dalawa ako dapat ang mag bantay sa anak ko lalo minor pa ito," sambit ni Andrea. "Sorry rin pala Andrea," segunda ni sir Draeden. "Wala kang kasalanan saa nangyari sir. Ok na po 'yon ang mahalaga ligtas na si Axel at salamat kay sir Stevenson," wika nito. Natahimik naman kaming lahat nang nagsalita si sir Draeden. "Buddy ano pa lang ginagawa mo rito?" usisa ng sira ulo kong bestfriend. "May ka meeting ako rito, business partner ko," wika ko hindi ko alam kung naniwala ba siya. "Talaga ba?" pang aasar nito. "Bahala ka kung ayaw mong maniwala," sagot ko rito. Natigil ang bangayan namin nang nakabalik na ang dalawa dala-dala ang pagkain. "Let's eat?" paanyaya ni Tanya. Sabay-sabay namin silang dalawa na pumunta sa table para kumain ng meryenda. Habang si Andrea naman ay sinusubuan ang kaniyang anak na ngayong nakaupo na. Marami-rami rin kaming napag usapan nang araw na iyon, ngunit hindi man lang sumali si Andrea. Abala kasi ito sa pag-aalaga sa anak niya na parang ayaw niyang mawalay rito kahit saglit lang sa nangyari kanina. Hinayaan na lang namin siya sa gusto niya at tinanaw ko na lamang siya mula sa malayo. Miski naman ako ay labis ang pag-a-alala ng makitang nalulunod ang anak ko. Mas lalo kong napatunayan na anak ko talaga siya, dahil iba ang kabog ng dibdib ko ng oras ma 'yon. Kabog nang dibdib na parang bahagi ng buhay ko ay natigil sa eksenang nasaksihan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD