Niyaya ko na silang bumalik nang resort mag dadapit hapon na rin kasi at pagod na rin ang bata kaka langoy. Binuhat ko na ito at sabay na kaming nag lakad patungong sasakyan dahil ihahatid ko na sila sa bahay ng mga magulang nito.
Pinasakay ko muna silang mag-ina bago ko pinasibat ang kotse. Sa byahe pareho lang kaming tahimik ni Andrea, walang nag sasalita saamin lalo na ako. Hanggang sa nag lakas loob na akong mag tanong tungkol sa Daddy ni Axel.
"Andrea may I ask you something, if you don't mind," wika ko. At umaasa na sasagutin niya ang mga ita tanong ko.
"Sure, ano pala ang gusto niyong itanong sir?" reply nito.
"Ahmm nasaan pala ang Daddy ni Axel," diretsahan kung tanong rito.
Bigla naman itong natahimik at naka ilang buntong hininga bago makapag salita.
"Hindi ko rin alam kung nasaan na ba siya," sagot nito kasabay nang pag lungkot ng kaniyang mukha.
Hindi na ako muling nag tanong pa kasi naramdam kong ayaw niya na itong pag-usapan pa. Nirerespeto ko ang gusto niya, at hindi naman siguro ako kailangan ma bother since mukhang wala naman nang paki alam pa si Andrea sa Daddy. (Ouch parang tinamaan ako ng palaso sa sinabi ko, paano nga kong ako talaga ang Daddy ni Axel.)
"Sorry kung naitanong ko pa sa'yo," wika ko.
"Ayos lang 'yon sir. Hindi ko na rin naman siya hahanapin pa, well in fact masaya na kami ni Axel, at kung darating na magku krus muli ang landas namin hindi ko alam paano ko ipapaliwanag sa'kaniya na may anak kami.
Magsasalita pa sana ako kaso lang nasa tapat na pala kami ng bahay nila. Lumabas na ako ng kotse at pinag buksan ang mag-ina, binuhat ko na rin si Axel na nahihimbing pa ring natutulog.
Pag pasok ko sa bahay nila bumungad saakin ang Mommy ni Andrea.
"Halika pasok ho kayo," magalang na pagkakasambit nito.
"Salamat po," sagot ko. Sabay diretso sa kuwarto nang mag-ina para ibaba na si Axel nang makatulog na siya nang mahimbing. Iniwan ko muna silang dalawa at lumabas ako.
"Hijo salamat pala sa pag ligtas niyo ho sa apo ko," wika ng Mommy nito.
"Wala po 'yon, maliit na bagay lang po ang aking nagawa," wika ko.
"Hindi 'yon maliit na bagay, buhay nang apo ko ang iniligtas mo. Siya nga pala may itatanong ako sa'yo kung okay lang ba?" wika muli nito.
"Sure po, ano po ba 'yon?" sagot ko.
"Hindi ba ikaw ang daddy ni Axel?" tanong nito.
"Po? hindi po. Magkaibigan lang po kami ni Andrea, pero kung mamarapatin niya po ang panliligaw ko baka maging totoo po," sagot ko rito kasabay nang pagbibiro ko.
Mag sasalita pa sana ang Mommy nito nang lumabas si Andrea mula sa kuwarto at nag tataka kung bakit narito pa rin ako.
"Sir hindi pa kayo uuwi? Medyo late na rin kasi baka gabihin kayo," sambit nito.
"Bakit pinapalayas mo na naman ba ako?" pagbibiro ko rito.
"Hala hindi naman sa ganoon sir, baka lang madami ka pag gagawin," sagot nito.
"Wala naman, pero maaari ba kitang maanyayahan sa labas?" lakas loob na tanong ko rito at sana pumayag siya dahil last day ko naman na ngayong araw bukas babalik na ako ng Manila.
"Ahmm! sige sir, pero sandali lang tayo at baka magising si Axel at hanapin ako," sagot nito.
"Oo saglit lang tayo may ipapakita lang ako sa'yo. Tara na baka hindi na natin maabutan," wika ko.
Nagpaalam muna kami sa Mommy nito at nag bilin rin si Andrea kung sakaling magising si Axel at hanapin siya. Matapos naming mag paalam lumabas na kami at naglakad lakad hanggang sa dinala ko siya malapit sa dagat. Inaya ko siyang maupo at malayang tingnan ang pag lubog ng araw.
"Andrea nakikita mo ba 'yon?" tanong ko sa'kaniya.
"Ang alin po ba sir? ang dagat o ang sunset?" tanong nito.
"Sunset! Alam mo ba ang meaning niyan para sa'kin?" tanong ko sa'kaniya.
"Hala may meaning pala 'yan sir," inosenteng tanong nito.
"Yes nasa dictionary pero para sa'kin iba siya. Sunset for me is Hope. Pag-asa na sa bawat pag lubog nito kinabukasan may bagong liwanag," madamdaming wika ko.
Bigla naman itong natahimik at malaya ko siyang pagmasdan habang nakatingin sa malayo. Hindi ko alam kung nakikita niya ang bawat pag titig ko sa'kaniya.
"Sir ang ganda niya," biglang sambit nito.
"Oo nga sobrang ganda," wika ko pero sa'kaniya pa rin ako nakatingin. Maya maya nakaramdam ako ng hampas.
"Puro ka naman biro sir, hindi ka naman sa langit nakatingin," sambit nito na natatawa.
"Hindi ah! sa langit kaya ako nakatingin," pagsisinungaling ko kasi mukhang nahuli niya ako na nakatunghay sa'kaniya.
Bigla naman akong sumeryoso at tiningnan ko siya sa mata niya kasabay nang pag hawak ko sa dalawang kamay niya. Nakita ko ang pag tahimik nito at halata kong nahihiya siya dahil hindi siya makatingin ng diretso sa'kin.
"S-sir gumagabi na," wika nito pero malayo ang tingin.
"Hindi pa naman ah! wika ko. Kasabay nang pag hawak ko sa mukha niya at pinaharap ko siya.
" S-sir ano kasi---" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya, dahil bigla ko siyang ninakawan ng halik. Sa una ayaw niyang sumabay pero kinalaunan nararamdaman ko na lang sumasabay na siya sa halik ko. Malaya ko na ring hinahagod ang likuran niya habang mas pinapalalim ko pa ang naging halikan namin. Wala naman akong nakikitang pag tutol sa'kaniya. Kaya ginalugad na nang dila ko ang loob ng bibig nito. At sa isang iglap lang malaya ko nang nahahalikan ang punong tainga niya pababa ng kaniyang leeg. Nang ililihis ko na ang kaniyang damit bigla akong natauhan.
"Sorry," wika ko.
"Huwag niyo na lang po uulitin. Mauuna na ako," walang ganang wika nito. Sabay takbo papalayo saakin.
Wala na akong nagawa kundi pag masdan siya sa malayo.
"Ang l**** mo kasi Stevenson," hiyaw ng utak ko.. Pati utak ko nagagalit sa pinag gagawa ko. Ano pa kayang mukhang ihaharap ko kay Andrea kinabukasan.
Nag lakad na ako pabalik ng kuwarto ko. Sumalampak ako sa kama at nagbabakasakaling makatulog na ako. Pero ginugulo pa rin ni Andrea ng isipan ko and that kiss, hinding hindi ko malilimutan ang halik na 'yon. Kung paano siya inosenteng humalik. I still remember her, the girl that I met five years ago. Hindi kaya, bigla kong natutop ang bibig ko. Pero posible kung siya 'yon bakit hindi niya ako maalala. I need to do something, pag uwi kong Manila aalamin ko ang lahat-lahat. Kailangan malaman ko kung iisa nga sila. At kung siya nga 'yon, isa lang ang ibig sabihin non anak ko talaga si Axel. Anak ko si Axel. Ang saya pakinggan. Hindi na ako makatulog at excited akong malaman ang lahat-lahat.
Alam kong gabi na pero hindi ako mapakali kaya tinawagan ko ang private investigator na na hired ko before. I dialed his number and luckily he answered my call quickly.
"Hello sir, ano pong saatin?" tanong nito.
"Ahm! sorry to disturb you but I need your help. May papa imbestiga lang ako sa'yo. Alamin mo ang lahat lahat ng information about them," wika ko.
"Okay sir, sino ba ang hahanapin ko?" tanong nito.
"Hindi mo siya hahanapin aalamin mo lang ang full details at kung ano pang information na connected to her. She is Andrea VillaRuiz and Axel VillaRuiz. I need a result a soon as possible," dagdag ko pa rito.
"Okay sir copy," wika nito.
Sabay off ko nang call. Bigla na lang akong napangiti at dalangin na sana tama ang sapantaha ko. Hanggang sa iginupo na ako ng antok at hindi ko namamalayan na nakatulog na rin pala ako.
ANDREA
Ang lakas ng kabog ng dib-dib ko. Bakit ba sa tuwing hahalikan niya ako nadadarang ako, muntik na naman maulit ang nakaraan ko.
"Ang t**** t**** mo talaga Andrea," paninisi ko sa sarili habang sinasampal ang kaliwa't kanan ang pisngi ng mukha ko. Ano pa kayang mukhang ihaharap ko bukas kay sir. Sobrang nakakahiya! asar.
Matapos kong mag hilamos ng mukha tumabi na ako kay Axel. Pero hindi pa rin ako makatulog gawa ng nangyari kanina. Pabaling baling ako at hindi ko mahanap ang antok ko. Siya pa rin ang nakikita ko sa balintataw ko lalo na ang halikan naming naganap kani kanina lang.
"G*** ka kasi ano lang mukhang ihaharap mo sa'kaniya," usal ko.
Lumabas muna ako sandali at nag muni-muni. Nag-iisip ako kung magpapakita pa ba ako sa'kaniya o hindi na. Aakto ba akong normal kapag kaharap siya o mahihiya. Gulong gulo ang isipan ko ng sandaling 'yon.
Ano na lang kasi ang iisipin niya sa'akin. Ni ayaw kong mag paligaw pa, pero isang halik niya lang bumibigay na ako.
Arrgh! ang sakit sa ulo. Parang gusto kong iumpog na lang ang ulo ko hanggang sa wala na akong maalala. Kaya nga ayaw ko ng love life dahil para saakin sakit lang ng ulo ang dala nito sa buhay ko.
Wala pa akong love life pero sumasakit pa rin ang ulo ko.
Dahil hindi pa rin naman ako dinadalaw ng antok naisipan kong mag-inom ng alak. Ngayon lang naman mag chi cheat ako. Dahil kasi sa nangyari five years ago sinumpa kong 'di na talaga ako iinom pa ng alak ang sama ng tama sa'kin.
Sinimulan ko nang uminom ng uminom hanggang sa maubos ko ang isang bote. At dahil ayaw pa rin ako dalawin ng antok, kumuha pa ako ng isa pang bote ng alak at ininom rin ito. Hanggang sa makakalahati ako at dalawin na ng antok.
Kinabukasan sobrang sakit ng ulo ko at parang binibiyak ito. Pinilit kong bumangon dahil naalala ko hindi pala ako nakapag ligpit dahil inantok na ako. Pag labas ko malinis na ang lahat, shocks bigla akong napasabunot. Alam kaya ni mommy na nag inom ako?
Gosh! nakakahiya talaga! badtrip. Hindi pa nga ako nakakapag hilamos nang bumungad sa harapan ko si sir Stevenson kaya napatakbo ako sa comfort room nang mabilis. Ano na naman kayang ginagawa niya dito. Paano ko ba siya haharapin ng maayos. Para akong timang na kinakausap amg sarili sa salamin. Bahala na nga!
Lumabas na ako nang comfort room at binati ito na parang wala lang. Ngumiti naman ito.
"Anong saatin sir?" walang gana kung tanong dahil ang gusto ko umalis na siya.
"Wala naman magpapaalam lang sana ako kay Axel bago ako umalis. Gising na ba siya?" tanong nito.
"Ahmm hindi pa eh! Balik ka na lang siguro mamaya," wika ko.
"Hindi na siguro antayin ko na lang," wika nito sabay kuha ng magazine at nag basa..
Haixt! talaga bang nanadya siya, bulong ko.
"May sinasabi ka ba Andrea?" tanong nito.
"Ay! wala po sir. Anong gusto niyo coffeee or chocolate," tanong ko.
"Ikaw," sagot nito.
"Ha?" nagtatakang sambit ko. Tama ba ang narinig ko.
"Sabi ko ikaw bahala," sagot niya.
"Okay sir. Saglit lang ikukuha kita ng maiinom," wika ko. At lumayas ka na, bulong ko.
Hindi ko alam na sumunod siya saakin sa kitchen.
"Sinong lalayas?" tanong nito.
Sa gulat ko nabagsak ko ang tasa na hawak ko.
"Ay tipaklong," bigla kong nasabi.
At hindi ko namalayan na may sugat na pala ako sa paa.
"Andrea iyong paa mo dumudugo," wika nito sabay lapit saakin at bigla na lang akong binuhat.