STEVENSON
Sa sobrang pagka taranta ko bigla kong binuhat na lang si Andrea nang walang pasabi, hindi ko rin naman siya nakitaan ng pagtutol pa.
Dahil sa nangyari hindi ko magawang iwan ito. Itinawag ko na lamang saaking secretary na hindi muna ako makakabalik ng opisina. Nag bilin na lang rin ako ng kanilang gagawin habang wala pa ako. Nang matapos ko ang lahat lahat ng bilin ko binalikan ko na si Andrea na sakasalukuyang ginagamot ang kaniyang sugat sa paa.
"Kumusta na 'yang sugat mo. Dalhin na kaya kita sa ospital," tanong ko rito kasi mukhang malalim ang sugat nito.
"Eto ba, na'ko malayo sa atay at balunbalunan," sagot nito.
"Ha? ano?" tanong ko rito. Dahil hindi ko alam kung ano ba ang pinag sasabi niya.
"Wala ho, sabi ko baka kailangan munang bumalik ng Manila." sambit nito.
"Halatang pinapalayas muna ako," bulong ko, sabay lihis ng aking katawan kunwari nagtatampo ako.
"Hala siya para ka namang bata sir kong mag tampo," saad nito. "Ganiyan na ganiyan si Axel kong mag tampo saakin," dagdag pa nitong sambit.
Napaharap naman ako ng marinig ko ang sinabi niya. "What if Andrea anak ko talaga si Axel," prangkang tanong ko rito.
Hindi naman ito naka sagot agad at naka ilang lunok ng laway ito.
"Joke lang, paano naman mangyayari 'yon," natatawang saad ko. Nakita ko naman ang pag-iba ng facial expression niya mukha siyang na tense sa tanong ko.
"Malabo sir, hindi kita kilala noon," pahabol na saad nito.
Ako naman ang biglang natahimik. At tumayo, iniwan ko muna siya sandali dahil hindi ko kinakaya ang mga sinasabi niya. Sana nga mali ang sapantaha ko, dahil hindi ako makakabalik kaagad may mga ilang files muna akong ire-review na naalala ko. Hindi na ako nag abala na magpaalam pa sa'kaniya, para isipin niyang nag tampo talaga ako.
Naglakad ako pabalik ng room ko at ginugol ko mag hapon ang oras ko rito. At nandito ang asshole kong kaibigan na kanina pa ako binu- b-weset.
"Ano bang kailangan mo?" tanong ko, kasabay nang pag kunot ng noo ko.
"Wala makiki tolits lang," anya. Sabay agaw saakin ng mga hawak kong papers.
"Huh anong klaseng lenggwahe ba 'yan? Pang alien yata yan, at akina 'yang papers ko," tanong ko rito sabay kuha ng papers na inagaw niya.
"Ano ba yan buddy, lagi ka na lang ganiyan kaya hindi ka nagkaka love life," natatawang saad nito.
"B-weset ka asshole kung wala kang magandang sasabihi lumayas ka na lang," saad ko na lalong kumunot ang noo sa pang-aasar nito. Minsan nga nagtataka ako sa sarili ko bakit naging bestfriend ko 'to.
"Hoy chill lang, kaya ka hindi sinasagot ni Andrea," natatawang saad nito kasabay nang panunuya niya.
Talagang inuubos nito ang pasensya ko.
Bigla akong nag seryoso na ikanatahimik nito, kilala niya talaga ako ng lubos.
"Buddy paano kong anak ko talaga si Axel?" tanong ko rito at umaasang sasagot siya ng matino.
"Hoy Stevenson Forrester tinawag ka lang ng bata na Daddy nag assume ka naman," tawang tawang saad nito. Natahimik lang siya ng bigwasan ko.
"Seryoso ko g***, happy ka?" saad ko. Palibhasa masaya ang loko loko dahil may naloko na naman siya.
"Hoy masakit 'yon. Sadista mo talaga kaya wala kang girlfriend," anya. Bigla ko siyang sinamaan ng tingin.
"Correction I have ex-girlfriend hindi lang talaga nag work," saad ko. Baka sakaling matigil na siya sa kaka asar saakin. Pero mukhang mas ginanahan pa ito.
"Ex? saan? in your dreams," pang aalaska na wika nito sabay hagalpak ng tawa.
"Ewan ko sa'yo asshole, lumayas ka na nga nang makapag concentrate na ako sa ginagawa ko,"saad ko dahil malapit ko na siyang ipunching bag kapag tuluyan akong napikon sa'kaniya.
"Fine! pero nakita ko pala si Andrea may kasamang iba," seryosong saad nito. Bigla kong nabitawan ang hawak kong papel at nag tanong rito.
"Saan?" seryoso kong tanong. Tapos nagmamadali akong tumayo ng bigla na lang itong tumawa ng nakakaloko.
"Joke lang buddy," sabay tawa nito.
"Asshole b-weset ka talaga," sa inis ko hinagis ko lahat nang gamit at ibinato rito.
"Hoy sandali masiyado kang seryoso, itigil mo yan," habang umiilag sa pang babato ko sa'kaniya.
"Baliw ka, nanahimik ako dito kung ano ano pinagsasabi mo. Puwede ba lumayas ka na nga," saad ko. Napapagod na ako makipag bangayan sa'kaniya, useless naman 'to kausap.
"Ikaw yata ang baliw buddy, tinamaan ka na kay Andeng," saad nito.
"Huh! Sino na naman 'yong aning?" tanong ko.
"Bingi ang sabi ko Andeng, si Andrea nick name niya 'yon," sagot nito.
"Andeng! Andeng!" bigla kong napa isip at nag flashback lahat sa'akin ang nakaraan five years ago.
*Hi ako nga pala si Andeng, ikaw?
Bigla akong natahimik nang bumalik sa ala-ala ko ang lahat. Sobrang saya ko nang malaman na iisa silang dalawa. Napansin yata nito ang pag ngiti ko.
"Hoy! baliw, anong ngini ngiti mo diyan?" tanong nito.
"Wala ka na doon, pero salamat buddy maasahan ka talaga," saad ko. Alam kong nagtataka siya sa mga sinabi ko, dahil kitang kita sa mukha niya.
Dahil sa nalaman ko parang ayaw ko munang iwan ang mag-ina ko. Kailangan ko lang makuha ang result ng private investigator ko para sabihin ang lahat lahat kay Andeng. Buong mag hapon akong masayang masaya at excited na makita ang anak ko. Pinatay ko muna ang laptop ko at lumabas para bumili ng pasalubong kay Axel.
Marami-rami akong nakitang toys at binili ko 'yon kaagad at maging ang fresh flowers na nakita ko sa store kanina ay binili ko rin kasama nang ilang chocolates para may maibigay ako kay Andrea.
Masaya akong naglalakad at pakanta-kanta pa papunta sa kanilang bahay. Nakasalubong ko ang mommy nito na may bitbit na balde ng mga isda.
"Saan ang punta mo hijo?" tanong nito saakin nang mapansin niyang may dala-dala akong rosas.
"Ahmm! aakyat po nang ligaw sa anak niyo," nahihiyang saad ko sabay kamot ng ulo ko. Nakita ko naman ang pag silay ng ngiti nito.
"Ganoon ba, approved ka na agad sa'kin," saad nito at ngumiti ulit.
Magkasabay na kaming naglalakad patungo sakanilang bahay.
"Andeng! Andeng may bisita ka," tawag nito.
"S-sino po Mommy," tanong nito sabay labas ng kuwarto. Ako naman ay napatulala dahil first time ko siyang makitang naka shorts at crop top.
Sinipat ko ang katawan niya lalo na sa may bandang tiyan, parang walang bakas na nanganak ito. Hindi ko tuloy namalayan na nakalapit na pala siya sa'kin at bigla niya akong pinitik sa may punong tainga ko.
"Sir, ang mata niyo, kung saan-saan nakatingin," saad nito. Hindi ko alam kung galit ba ito pero bigla kasi siyang tumawa kaya naki tawa na rin ako. Inabot ko sa'kaniya ang flowers at chocolates na dala-dala ko. Bagamat nagtataka ito kinuha rin niya ang ini abot ako.
"Para saan po ba 'to sir?" patay malisyang tanong nito.
"Para sa sunod na hakbang nang panliligawa ko sa'yo," saad ko at seryosong tumingin sa'kaniya. Napansin kong umiwas siya ng tingin saakin.
"Hala sir seryoso talaga kayo?" saad nito na halos hindi pa rin makapaniwala. "At bakit ako?" dagdag na sambit nito.
"Bakit naman hindi, napaka busilak ng puso mo. Lahat ng lalaki mahuhumaling sa'yo," saad ko. Totoo naman kasi marami kaya akong staff na naka usap, dahil nahuhuli ko silang pinagpapantsyahan si Andrea.
"Single Mom ako sir, madami diyan mga dalaga. Magaganda at galing sa mga alta-social na pamilya. Hindi tulad ko probinsyana," wika nito sabay tingin sa malayo.
Naka kuha ako ng tiyempo para hawakan ang kamay nito. At nag salita na "Hindi na mahalaga 'yon, para saakin ikaw ang dinidikta nito," saad ko sabay turo sa'kaniya ng puso ko. Minsan talaga hindi ko mapaliwanag ang sarili ko nagigimg corny na rin ako tulad ni Draeden.
"Salamat sir," wika nito. Sabay ngiti niya.
Ganiyan ang tagpong nakita saamin ni Axel, kaya ang anak ko ay ngumiti ng ubod ng tamis. Sabay lapit saaming dalawa at nag yaya mag swimming. Pinag bigyan naman namin siya ng Mommy niya.
Karga ko si Axel nang lumabas kami ng bahay at makikita rito ang saya sa kaniyang mukha. Dahil sa masayang bonding namin hindi ko namalayan ang oras at mag dadapit hapon na pala. kanina pa rin ako badtrip sa katabi nami, dahil kanina ko pa ito nakikitang panakaw nakaw ng tingin kay Andrea. Nakakainis naman kasi bakit ba hindi ito nagpalit mg suot niya. Kanina ko pa talaga gustong manapak ng wala sa oras.
Hindi ko namalayan ang pag lapit nila sa'kin. Dahil sa mga tumatakbo sa isipan ko.
"Tara na, gumagabi na pala," saad nito at niyaya niya na akong bumalik kami ng kanilang bahay.
"Sige tara," saad ko. Sabay buhat ko sa'kaniya habang hawak ko ang isang kamay ni Axel, at wala naman akong nakitang pag tutol rito. Para tuloy kaming isang masayang pamilya kung pagmamasdan.
Matapos ko silang maihatid bumalik na rin ako ng kuwarto ko. Napaaga ang tulog ko dahil sa pagod na masaya.
Kinabukasan naka recieved ako ng calls galing sa secretary ko. At urgent kailangan ko nang bumalik talaga ng Manila, sapagkat nag patawag ng board meeting si Mr. Go. "Ano na naman kayang trip ng matandang 'yon, asar panira ng love life," usal ko.
Habang paalis ako ng Palawan medyo nakaramdam ako ng lungkot nang magpaalam ako sakanila. Kasabay kong umuwi ang dalawang mag kasintahan. Hindi ko alam kung anong trip nang bestfriend ko at gusto niya sa'akin sumabay. Balak pa yata akong gawing driver ng mga ito.
Habang nasa byahe parang gusto kung ibangga iyong sasakyan, dahil kanina pa ako nasusuka sa kaharutan nilang dalawa. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at nagplay ng music para malibang naman ako at 'di kor marinig ang ginagawa nila sa likod. Hanggang sa nalibang ako at hindi ko namalayan na nasa Manila na kami.
Bumaba na rin ang dalawa kaya naiwan na lang ako rito na mag-isa. Paalis na sana ako para unuwing bahay nang bigkang mag ring ang cellphone ko at halos sumikdo ang puso ko nang makita kong sino ang tumatawag saakin. It's Andre, kaya kaagad ko naman sinagot ito.
"Hello Andrea," bati ko rito.
"Hi Daddy," wika ni Axel.
"Hello anak, kamusta kayo diyan?" tanong ko rito. Medyo nakakasanayan ko na rin ang pag tawag sa bata nang anak.
"Ok lang po kami dito," sagot nito.
"Mabuti naman, see you in Manila, mag-i- ingat kayo diyan," wika ko. Bago patayin ang tawag.
Nang matapos kaming makapag usap nag start na ulit akong mag drive diretso ng bahay. Ngayon pa lang nami-miss ko na ang anak ko. Haixt!! Bakit ba hindi magawang ipag tapat sa akin ni Andrea ang lahat. Ano ba ang pumipigili sa kaniya. Mga tanong na gumugulo ng isipan ko.