Chapter 22- The Past

1278 Words
Nang makarating ako ng bahay, isinalampak ko kaagad ang aking sarili at dahil sa pagod nakalimutan ko nang mag text man lang kay Andrea. Kinabukasan nagising ako sa tunog nang alarm clock ko. Gusto ko pa sanang matulog kaso hindi na ako dinalaw ng atok kaya bumangon na rin ako at nag streching. Nag lakad ako patungong comfort room para maligo, hindi rin ako nag tagal roon at lumabas rin ako kaagad para mag bihis. Nang matapos ako saaking ginagawa sinukbit ko na ang bag ko at lumabas ng kuwarto. Sakto namang nag ring ang cellphone ko at tumatawag ang secretary ko. Pinaalam niya saakin na kanina pa nag hihintay si Mr. Chua. Napatingin ako sa wristwach ko wala pa namang 10:00 a.m bakit ang aga nito. Nagmamadali akong lumabas ng bahay patungong garahe at sumakay ng aking sasakyan. Pinasibat ko ito nang matulin para makarating agad ako. Pag dating ko sa hotel sinalubong ako nang guard at nakangiting nag greet ito nang good morning, gumanti naman ako at na pag greet rito at nag tuloy-tuloy akong pumasok sa loob papuntang elevator, sapagkat nasa fifth floor ang office ko. May mga staff akong naka sabay sa loob ng elevator at nag bubulungan sila ngunit hindi ko naman maintindihan, kaya hindi ko na lang rin ito pinansin pa. Pag bukas nang elevator kaagad naman akong lumabas at nauna sa mga ito. Nagulat naman sila na ako pala ang nakasabay nila sa loob kaya na huli ang kanilang pag bati. Nginitian ko lamang sila, hindi naman kasi big-deal saakin ang mga ganiyang bagay. Mabilis ang mga naging yabag ko patungong opisina, nang nasa tapat na ako ng pintuan. Naka ilang bunting hininga ako para mawala ang kaba ko. Pinihit ko nang dahan-dahan ang seradura bago pumasok sa loob kung saan nakita kong prenteng naka upo ito habang umiinom nang kape. Natigil naman ito sa pag-inom nang mapansin pag dating ko. "Have a seat," saad nito. "Thank you sir,", wika ko sabay upo kaharap ito. "I'am not staying here for longer. I just want you to know that I need to pull out my shares on your company," saad nito nang diretso. Hindi man lang busina parang nang sagasa lang ng tao sa mga binitawang salita nito. Tahimik lang akong nakikinig sa'kaniya. Isa sa nakaka inis na investors na kumpanya ito. Sakit siya ng ulo nang lahat ng board members dahil sa mga taliwas nitong desisyon. Kung gusto niyang mag pull out, go ahead atlis nawalan ako nang isang demanding at sakit sa ulo. "Ok Mr. Chua. Do you have something to tell me? If not, you may leave now, the door is already open for you," saad ko. Mabilis naman itong tumayo at nag lakad palabas ng pinto at pabagsak nitong isinara. Akala niya siguro hahabulin ko siya, no way. In fact I'm very happy. Nang makapag-isa ako, bigla kong naalalang i-text si Andrea para kamustahin silang dalawa. Mag da dial na sana ako nang number nito nang biglang tumawag ang private investigator ko, kaagad ko namang sinagot ang tawag nito. "Hello sir, may maganda akong balita sainyo," wika nito. At tiyak kong matutuwa kayo sa ibabalita ko sainyo," dagdag pang sambit nito. "Okay may mga tatapusin lang akong importanteng bagay, after mag meet tayo sa JNY coffee shop at 3:00 p.m and don't be late," pagpapa ala-ala ko rito. "Yes sir, see you," wika nito. At pinatay ko na rin ang tawag nito. Bigla tuloy sumikdo ang puso ko, hindi ko mawari kung anong ibig sabihin nito. Pero mas interesado ako sa malalaman ko mamaya at hindi na ako makapag hintay pa. Dahil sa excitement nakalimutan ko nang tawagan si Andrea at Axel. Ginugol ko ang limang oras ko sa pagre-review at signed nang mga documents na natambak nang ilang araw. Kaya hate na hate kung mag bakasyo dahil imbes na nakapag relax ako pag balik kong office tambak ang trabaho na gagawin. Dahil sa ka busy-han ko hindi ko namalayan na nasa harapan ko na si Alhea. Inakala kong bumalik si Mr. Chua. "Yes Mr--" hindi ko na natapos ang sasabihi dahil nagulat ako sa pag dating nito. "Hi Steve," bati nito. Biglang kumunot ang noo ko, ayan na naman kasi ang tawag niya saakin. "W-what are you doing here?" nakasimangot kung tanong rito. At pinapahalata ko talagang badtrip ako kapag nasa harapan ko siya. "I'm just visiting you, because I miss you Steve," saad nito sabay lakad palapit saakin. At pilit akong gustong halikan pero umiwas ako. "How many times I tell you, don't call me Steve. We're not the same age for pete sake," pagalit kong wika. Hindi pa rin kasi siya nag tatanda. "But I love you. You know it right. What am I supposed to do? Tell me," tanong nito na malapit nang umiyak dahil nakikita ko na ang pamumula ng kaniyang mukha. "But I won't love you Alhea. Find a man that love you and care for you," pag kukumbinsing saad ko rito at baka sakaling makinig na siya. "No! Don't do this to me," wika nito na bigla na lang napahagulgol. Kahit kasi anong pilit kong mahalin ito pero wala lang. I love her like a sister nothing more. "I care and love you like my sister," sambit ko. At sinubukang punasan ng tissue ang luha nito, ngunit tinabig nito ang kamay ko. "I don't need you as my brother. Please love to me," saad nito sabay luhod saaking harapan. Yumuko ako at pilit siyang pinapatayo sapagkat baka may maka kita saamin sa loob at kung ano pa ang isipin saakin. "Huwag kang makulit Alhea, though na 'to. Kung ipipilit mo pa rin yang gusto mo huwag na huwag ka nang magpapakita saakin," saad ko na naka kunot ang noon, sapagkata kanina pa ako nababadtrip sa mga pinag gagawa nito. "Fine. But I won't give up. Mapapa saakin ka rin Steve," saad nito sabay walk-out at labas ng opisina ko. Dahil sa pang babadtrip nito naalala ko ang nakaraan kong saan obsessed ito saakin, matagal ko naman na siyang kinausap na hanggang kaibihan lang talaga ang kaya kong ma-i- offer sa'kaniya. Buong akala ko titigilan niya na ako, ngunit hindi pala. Masiyado nang hibang ang aking kababata, hindi na maganda ang kaniyang ginagawa. Kung noon pinapalampas ko ang mga pang-aaway niya sa mga babaeng na link saakin noong College pa lang kami. Napaka immature niya, lahat ng atensyon ko gusto niya sa'kaniya lang. Nag break kami ni Louise, dahil sinabi niya na may nangyari saamin kahit wala naman. Hindi ko ba alam sa ex-girlfriend kong 'yon at bakit ang dali niyang maniwala ang husgahan ako. Hindi man lang niya ako pinapaliwanag basta-basta na lang siyang nakipag- break saaking nang walang dahilan. Huli na nang malaman ko na may kagagawan pala si Alhea sa lahat-lahat. Napakasakit na mawalan ng girlfriend na minahal ko nang tapat at totoo. Kaya hindi niya talaga puwedeng malaman na nanliligaw ako kay Andrea, dahil kilala ko si Alhea gagawin niya lahat mabura lang sa landas ko ang mga babaeng nagugustuhan ko. Maging si Axel ay idadamay nito kapag nalaman niya ang totoo. Tinigil ko na ang pagrereminisce ng aking nakaraan dahil naalala ko magkikita pa pala kami ni Gaston. Pinatay ko na ang computer bago lumabas ng office at diretso ako sa parking lot area. Mabilis kong pinaandar ang aking sasakyan sapagkat ayokong ma late sa usapan namin. Tumawag rin kasi ito at nasa meeting place na siya. Nang makarating ako sa coffee shop abot abot ang kaba ko at naka ilang buntong hininga ako bago pumasok sa loob ng coffee shop, dahil ngayon ko na malalaman ang totoo, kung talagang anak ko ba si Axel o hindi?

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD