CHAPTER 7

3241 Words
"So, what's the plan?" Crystal asked. Naandito pa rin kami sa hut. Buti na lang ay malayo ang C.R. kaya't matagal si Theo roon. "Dahil isa akong magaling na volunteer, sinilip ko kung anong events sila magkakasama. Maliban sa basketball, nakita kong sa relay din," pag-nanarate ni Kyron.  "Then?" Dugtong ko naman. Sinasakyan ko na lang sila, but I have a bad feeling about this. "We're going to make sure na lagi silang magiging magkasama," sagot niya sa'kin. "Sa tingin mo, anong mangyayari?" sabi ko naman dahil hindi pa rin ako sigurado sa takbo nito. "Baka mapilitan silang mag-communicate?" sagot naman ni Crystal. My friends are unsure of what can happen kaya naman napa-face palm ako. Ako lang ba ang logical dito? "Do you take into account na they could lash out and ruin the event?" pangongontra ko naman.  "Hmm," sabay sabay nilang sabi at napa-isip. Oh, 'di ba?  But guess what, in the end, I went in their plan dahil majority wins daw. I am a risky type of person, but I am logical, at least. The following days were spent watching sports events. At tuwing free naman kami ay nagpupunta kami sa open beach area kung saan matatagpuan ang mga outsider. We haven't really talked to them dahil madalasa nandoon kami sa bahaging wala masiyadong tao. We also practiced surfing. Actually, sila lang.  The day has come where I'll compete. I joined volleyball dahil noong high school ako, bahagi ako ng team. I am not the captain, yet I'm always in the first six, specifically the setter. Bagay daw 'to sa tindig at tangkad ko kaya sa'kin 'to lagi ibinibigay. Hindi ako lagi uma-attend ng training pero wala silang magawa dahil I'm naturally good at it.  Maaga akong gumising dahil tutulungan kong mag-practice ang mga kasama ko. I am not blessed with leadership skills, but being setter is enough to help them dahil ang mga setter ang nagkokontrol ng galaw ng bola. Sumama naman si Crystal sa'kin. Gusto niya raw manood sa'kin. Kasama niya ngayon sina Theo at Gavin sa gilid ng sementadong daan kung saan kami nag-prapractice.  It's quite a wide path since this place is located at the end of the main trail beside the seaside shops. Plenty of sands are scattered within the track, a few of them was put into a clutter even more due to the morning breeze. We kind of expected a scenario like this, so we wore our given top attire underneath a jacket and a fit women's sports shorts.  "Good morning, ate!" Aye welcomed me with her warm smile habang yapos niya ang bola. Pinapila ko sila dahil halinhinan silang mag-rereceive. Ganoon ang klase ng warm-up sa'min dati. Mayroong dalawang pila and they will receive the ball from each other. After the front man's turn, pupunta siya sa likod para ang sunod naman ang sumalo. Habang bumubwelo ako sa pagsalo, nag-ingay naman ang mga kaibigan ko. "Go, Sunset." "Go, Kialynn." "Go, Araw." "Nako, hindi alam apelido ni Suki." "Kung ako sa'yo, Suki. I-unfriend ko na 'yan. Now na." Napa-iling naman ako sa kanila. Hindi ko po sila kilala.  It was my turn to receive at nasalo ko 'yon. "Aienna, 'yung braso mo ang gamitin mo pang-receice at hindi ang kamay mo. Use the momentum of your whole body," payo ko.  "Sige, ate. You lost me at momentum. Wala akong maintindihan," sabi ni Aye, scrating her head.  I, then, saw Kyron approaching us in simple shorts and jersey, befitting for a sports event. "Oh, naglalaro kayo? Tara sama kayo sa'min." Napatigil ang practice namin sa sinabi niya.  "Saan?" I asked. "Doon sa may net. Ini-setup ko," pag-aaya niya at tsaka itinuro ang lugar na tinutukoy niya. Pumayag naman ang mga kasama ko kaya naman sumama na kami. At siyempre, sumama rin sila Crystal, ang mga fans ko na handang manggulo. "Nag-vovolleyball ka pala," tanong niya habang naglalakad kami papunta roon. "Hindi ba, obvious?" "Hula ko, setter ka dati?" he said proudly. "Malamang nakita mo ako kanina," sabi ko sabay irap. "How about you?" tanong ko naman.  "Hulaan mo," he replied. Pa-mysterious 'yan? "Uhm.." sambit ko na kunwaring nag-iisip. "Ayaw ko." "Kj. Opposite Hitter," sabi niya. "Bagay pala tayo," pangunguna niya at idinugtong ang "Bagay maglaro kasi mag-set ka tapos ako spike ganoon." "No kasi ayaw ko makipaglaro sa'yo," I joked. "Anyway, tuloy ba ang plano?" I brought the topic up. "Yes. Ready na kayo?" tanong pa niya na parang nang-eengganyo. "Ready na magulo ang relay? Yes," I said in pure sarcasm.  "For the meantime, laro muna tayo," he said, tolerating my sarcastic response.  "Ano 'yun?!" tanong naman ni Theo na hindi ko namalayan ay malapit na sa'min. Chismosa 'yan, eh. "Wala 'yon. Sa volleyball lang gano'n," pagdadahilan ng katabi ko. "Grabe, ayaw niyo talaga sa'kin. Sorry ito lang ako. Sana pinutok na lang ako sa kumot," pag-dradrama niya. Binatukan ko naman siya. "Aray," sabi niya sabay hawak sa ulo niya, giving an exaggerated expression. Nakarating na kami sa may actual volleyball beach court. It's like the typical. Mayroong net sa gitna ay may mga harang sa gilid ng court, indicating its overall vicinity. "Bakit kayo naandito? Maglalaro kayo?" tanong ng isa sa mga kasama ni Ky sa team nila sa volleyball. "Why not?" sagot ko naman. "Tara girls vs. boys? One set lang, ha?" pang-unang bungad ni Kyron nang makarating kami roon. Mukhang sang-ayon naman ang mga kagrupo niya.  "Okay lang kayo?" tanong ko sa mga mas nakababatang ka-team ko. Para akong ate kapag kasama sila. I feel old. "Game!" sagot naman nila sa'kin, in which I responded with a simple smile.  Para malaman kung sino ang court at service, nag-toss coin kami. Nanalo ako at pinili kong mag-service dahil ako ang unang mag-seserve. Parang confident na makaka-service ace ako.  Nagsimula na ang informal game namin. Sinimulan ko nang mag underhand serve. Bumwelo ako at tinansiya ito. But something disturbed my line of focus.... An image of me deliberately setting the ball lower than expected flashed in my head. The girl, who I immediately recognized, hit it, but because I set it too low, the ball ended up hitting the net. Sunod namang senaryo ay ang pangyayari pagkatapos ng laro kung saan may mga babae at lalaki sa likuran ko at isa isa naming binabato ang babae kanina. I brushed off the idea before it worsen. Iniling ko ang ulo ko at naisip na mag-focus na lang sa bola. I don't want that night to repeat. Mas maraming tao ang nakakakita sa'kin. Ayaw kong may mangyaring ganoon.  Pagka-serve ko nito, hindi ko ine-expect na masasalo ito. It was even a chance ball. Maaring nagulo ng alaalang sumagi ang focus ko. Pumunta kaagad ito sa side namin. I was still out of focus pero buti na lang ay hindi sa'kin pumunta ang bola. Pumunta ito kay Aye at nasalo naman niya 'yon. "Oh my goodness! Ang galing ko na, ate! See?" But it was an early celebration dahil bumalik ulit 'yon sa amin at bumagsak. "Okay, na-jinx ko ata. Sorry," Aye said at nag-peace sign pa nga. "Okay lang 'yan, girls team! May maganda naman kayong cheerer dito! Bawi," said Crystal na katabi nina Vin at Theo. I looked at him and he seems to be entertained with the game. Ewan ko na lang mamaya kung entertained pa rin siya sa pinaplano namin pero sige na lang.  Hindi ganoon kagaling ang mga kasama ko sa pag-seserve dahil lagi siyang tumatama sa net. Buti na lang ay ganoon din sa kabila. It was boring compared to interschool competitions pero given naman 'yon dahil amateur pa lang ang mga naandito, but it was alright. Mood lifter ang mga kasama kong babae kaya naman ay buhay pa rin ang atmosphere ng laro. It was a cycle of passing the ball.  Umabot 'yon sa 23 to 20, in favor of the other team, pero mukang mababawi 'to dahil ako naman ang mag-seserve. I put my full focus on it. Hindi 'to pormal na laro pero mataas ang pride ko.  "Woah!" cheered the crowd dahil dumadami na ang nanonood sa'min. "Ano tawag diyan?! Ang galing," rinig ko pa. "Pinch serve ata." The score is now 23 to 24, in favor of our side. Ayaw kong umabot sa deuce dahil papagurin ko lang ang sarili ko. It's impressive how they gave us a pretty good fight. To my another serve, inaasahan kong ma-service ace na naman ako until I heard my own voice from yesterday. "You don't deserve to be here." Dahil doon, hindi naayos ang serve ko. Nakarating ito sa kabila at nasalo 'to. Nasalo rin ni Alea, isa naming kasama, ang bola. At nang nasa kabilang side na 'to, their setter, Lee, was now trying to set at umatras naman si Kyron upang mag-spike. I anticipated it kaya naman mabilis akong nakakilos.  Ky was about to spike when I blocked it. Parang slow mo nga ang mga nangyari dahil nagawa ko pa siyang bigyan ng nakakainis na ngiti.  "Yay!" celebrated my teammates.  "Maayos ka pala mag-volleyball kaya pala ang sakit mo mamalo pag natawa ka sa kwarto," sabi ni Crystal nang lumapit sa'kin.  "Ang galing mo, ate! All rounder! Shems, blocker. Never kitang aawayin baka sampalin mo ako," sabi pa ni Aye. "Thanks for feeding my ego," I replied shyly.  "Good game," bati naman ni Ky at tsaka nag-shake hands kami. "Good game. Galing ko ba mamblock?" sabi ko habang hinihingal. "Strategy mo ba 'to. Pagurin ako para manalo kayo?" I scoffed.  "Medyo," he joked. "Rematch mamaya!" dagdag niya. "'Di ba, guys?" aya niya pa sa mga kasama niya. "Oo nga! Swerte lang. Swerte." "Yeah, I'm lucky that I'm given these athletic skills," I joked, which is partially true.  Pagkatapos noon ay bumalik na kami. Tumambay kami ng saglit at nang magsisimula na ang game, hindi ko inaasahang sa court na 'yon din maglalaro. Medyo gamay ko na 'to dahil sa practice kanina. Pansing may nilagay na bleachers sa paligid at may mga tao na rito.  Nakakuha ulit ng pwesto sa harap ang mga kaibigan ko. "Nako, sino i-cheecheer niyo ngayon?" sabi ni Theo dahil ang laro ay red at blue, at may kaibigan sila sa blue, who is none other than me.    "Siyempre," umakbay sa'kin si Vin "Hindi si Suki." "Thanks, stranger. Pagbutihin mo 'yan," sabi ko sa kaniya. Nakita ko naman ang mga tingin ng taga labas sa'kin. "I bet she's from the city." "Ang ganda niya." "Sayang saya. Sayang saya sa fans," lumapit sa'kin si Kyron at ginulo ang buhok ko. Hinawakan ko kaagad ang kamay niya para tanggalin sa pagkakapatong sa ulo ko.  "Ano ba? May fans ka rin naman. Doon ka sumama," sabi ko sa kaniya. "Fans?" Weh, mamaang-maangan. "Ewan ko, sa'yo," sabi ko na lang. "Ate, tara," aya ni Aye nang lumapit siya sa'kin.  "Hi 'te! Goodluck sa inyo!" pang-cheecheer ni Gray at Travis.  "Sa'kin, wala?" tanong ni Aye. "Wala." They, then, poked their tongue to mock each other. They're so cute. One year apart lang kami pero para namin silang little version, except that the guys are taller than me and Crystal. I saw the brothers exchange glances, and immediately, I felt the tension. "Good luck!" bati ng mga kaibigan ko. "Thanks!" We positioned ourselves based on the roles I assign to them. Ako ang pinag-assign nila dahil wala raw silang alam doon. Nang nakaposisyon na kami, I immediately heard the cheering of the crowd, which I recognized as my friends'.  "Oh yes, Arciaga, spike-an mo ako sa muka! Mag-thank you pa ako," rinig kong sigaw ni Crystal. Akala ko ba loyal 'yan sa yellow? Setter ako, beh, pero dahil mahal kita, pwede na rin.  "Go Violet!" sigaw ni Gavin. Red daw kasi sila tapos ako, Blue. Nagtanong pa nga 'yan kanina ano combination ng dalawa. "Pre, ang corni mo." "Go Suki! Ang galing mo! Jojowain!" Theo jokingly cheered. "Go Ate Suki at Aye!" cheer naman ng mga kaibigan ni Aye. "Go Suki!" rinig ko naman ang mas malakas na sigaw ni Kyron na parang kinokompetisyon ang mga nasigaw. "Agang pagtataksil naman niyan. Sali ako," sabi naman ni Vin. Kalaban namin ang red at walang ka-edad ko ang naging kalaban. Wala ring volunteer na naglaro para sa girls volleyball nila. Marunong silang mag-serve at mag-receive. Nahirapan ang ilan sa amin sa pag-seserve ngunit kumpara kanina, mas gamay na nila ito ngayon. At tuwing successful sila, sumisigaw pa sila. It's too cute. It was a three-set match. Two to one, in favor of our side. Pagkatapos ng winning serve ko, pinalibutan ako ng mga ka-team ko at nagyakapan kami. "Ang galing natin! Congrats!" Pagkatapos noon, nakipagkamayan kami sa mga kalaban na tinanggap ang pagkatalo nila. May ilang hindi pero nakausap naman ng mga volunteer sa gilid. Bawat laro ay may nakaabang sa gilid namin dahil nga "problem kids" kami at baka biglang magkagulo.  Speaking of magkagulo... Bumalik na rin kami maya maya sa mga hut at nang makaupo kami. On the way there, kasabay kong maglakad si Theo na siyang ka-team ko. I grabbed the opportunity to asked tons of questions to a guy I found silent. "Kapatid mo si Travis, hindi ba?" I asked out of nowhere. I easily sensed a shocked face baka dahil hindi niya in-expect ang tanong na ito mula sa'kin. Dapat pala, nag-transition muna ako. It was a wrong move. "Yeah, my prodigy brother. He's the sports captain, the academic achiever, and the one on top." Ako naman ang nagulat sa sinabi niya. It was the longest thing he said about someone from their family. "Galit ba kayo sa isa't isa?" I asked again. "More like galit siya sa'kin. Ewan ko nga doon," sabi niya na parang walang pake sa nangyayari. "I just want to ask, if he's an ideal child, bakit siya narito?" I shouldn't judge, so I must ask.  "He's an award-obsessed problem child," pagkwekwento niya na hindi naman nakasagot sa tanong ko. "Ako naman bar obssessed," dugtong niya. "GG sa mga magulang namin." Naisip kong hindi na lang magtanong. Nakarating kami sa hut at nakitang nakahiga si Crys sa shoulder ni Vin. Bigla naman siyang bumangon nang nakita kami. "Ang landi!" pambabawi ko.  "Humiga lang kasi bored. Shut up," sabi naman ni Crystal.  "Oh, relay na sunod. Bihis na tayo." Lahat kami ay kasama sa relay dahil majority ang kasama sa larong 'to dahil mahaba itong Sports event.  "Girl, tara, let's try 'yung na-buy ko for you," sabi ni Crystal sa'kin at hinila ako. I don't really go to beaches, like I said, kaya naman hindi ako nagsusuot noon. I wear revealing clothes, kaya siguro parang ganoon na rin 'yon. Nagpatulong ako kay Crystal mamili. Sabay kaming pumunta sa C.R. at nagpalit. Lumabas ako ng C.R. at nakita si Crystal in her two piece pastel blue Underwire Top swimsuit. It highlights her petite and curvy body. Sa ibabaw nito ang isang see-through white floral dress katulad ng akin pero iba lang ang disenyo. "Ah!" tili ni Crystal nang makita ako in the black Triangle Top swimsuit underneath my see-through floral dress. "Are you comfortable?" she asked.  "Pwede na," tipid kong sagot. "Told you!" Pumunta na kaming hut dahil magsisimula na ang event. "Look at my masterpiece!" Itinuro pa ako ni Crystal. "Ang ganda!"  "Ayos lang," sabi ni Kyron. "Sus, napanganga ka nga," sagot ko pa.  "Oh siya, tara na, Suki," sabi ni Theo. In which I replied, "Mauna ka na."  "Sure?" Tumango naman ako. "Eh kayo?"  "Punta na kaming colors namin," they lied. "Sige!" "Okay, guys, sasabihin ko na paano natin guguluhin ang mundo ng magkapatid na 'yon." "Saan ka galing? Magsisimula na," sabi sa'kin ni Theo nang makarating ako sa team namin. "Sorry, nag-rest room," pagsisinungaling ko. We lined up for the first game. Ang relay ay mangyayari sa beach proper. It will be composed of beach games at i-tatally sa dulo kung ano ang final score kada kulay. May mga harang sa gilid upang malaman kung anong bahagi lang kami dapat nandoon dahil palalim na ito ng palalim.  The first game was like an underwater tug of war. Kalaban namin ang green at nanalo sila. "Okay lang 'yan, guys," cheered Theo. I saw in the corner of my eyes how his brother sneered. The next game was an underwater ball-passing. Nakalinya ulit kami at pagpapasapasahan namin ang bola mula sa umpisa hanggang dulo nang 'di ito umaakyat sa itaas ng tubig. Travis with Gray acted as our team leader sa game na 'yon dahil may sinabi silang strategy. Sinunod namin 'yon and fortunately, we won. Marami pa kaming game na ginawa tulad ng padamihan ng tubig na maisasalin sa isang lalagyanan. We won most of it thanks to the brothers who took turns leading us. They are really good. Hindi ko lang alam bakit hindi sila nag-lelead sabay. The last game was riding an inflatable boat at dadaan sa isang obstacle course pero dapat dalawa ang nakasakay kada boat. We anticipated this at dito na raw ako eepal ayon sa napagplanuhan.  "Okay so ang strategy natin dito ay ang pang dulo at pang una natin ay ang mga pinakamabilis," suggest ni Theo. "Kami ni Aye ang second to the last," sabi ko. "Kayo, LJ at Len, sa una," pag-aassign ni Theo. "Kayo, Theo at Travis, sa dulo," sabi ko. Mula sa suggestion ko, everyone agreed since they showed most competence within the course of the game.  "Huh? Bakit ko 'yan kasama?" bulong sa'kin ng kaibigan ko. "Kayo ang pinakamabilis. Hindi ba?" I said in a as-a-matter-of-fact way.  Tinawag na kami ng mga volunteer na nangangasiwa at sinabing magsisimula na. "Talk with your partner para ma-establish lalo ang coordination. Mwah!" sabi ng katabi kong si Aye.  Sa umpisa, nauuna kami. We were ahead sa yellow by tons pero nang umabot sa pagitna ay bumagal na dahil hindi ganoon kaganda ang coordination ng mga partners.  Kitang kita ko ang pagka-tense ng mga kasama ko kaya sinabihan ko silang, "Chill. Habol kami ni Aye." Buti na lang din ay una pa rin kami kahit bumagal ang pace namin. Kami na ni Aye ang mamamangka. Ang sabi niya, she used to live in a coastal line as well before she transferred to the city kaya maalam siyang mamangka. Nakasunod naman ako sa kaniya kaya mabilis naming naikot at napagalaw ang inflatable.  Sunod na ang inaasahan namin. I saw from a distance that my friends are watching thoroughly dahil ine-expect nilang may mangyayari. Mabilis silang magsagwan pero napansin kong mas mabilis ang kay Travis kumpara sa kuya. Dahil dito, nahirapan silang umikot. Hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila, but by their deadly glares to each other, I can feel the tension.  Mabuti na lang ay may gap pa rin kaya despite the nearly-fueled tension, nanalo kami. "Yay!" celebrated my teammates, when we reached an empty side na wala masiyadong nanonood. "Ano bang problema mo?!" We were shocked by Theo's outburst. "Gusto ko lang naman maglaro. Ano bang problema mo doon? Ano bang problema mo sa'kin? Hindi ba't dapat ako ang mainggit sa'yo? Gusto mo na naman bang ipamuka na dapat naiinggit ako sa'yo?" Nagsimula na silang tingnan ng mga kakulay namin. "Tutal na sa'yo naman ang atensyon. Ikaw ang perpekto, hindi ba?" Nakita ko namang papalapit ang mga kaibigan ko upang pigilin ang nangyayari.  "Ginusto ko ba 'to, ha?!" bawi naman ni Travis. "Ako nga 'yung inggit na inggit sa'yo. T*ngina, people would just approach me if it's convenient to them." Kyron approached them upang awatin sila. "I just want someone! I just want a brother."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD