CHAPTER 8

3043 Words
Theo's POV "Tingnan mo 'tong anak mo! Lahat ng grade ay more than 97. May tatlo pang 100. Partida, kasama pa 'yan sa varsity," sabi ng mom namin habang ipinapakita ang card ng kapatid ko sa dadnamin. "Theo, bakit hindi mo tularan itong kapatid mo?" sabi pa ni dad. "'Yung lowest niya ay malayo pa sa highest mo," they joked. Nasa hapag-kainan kami ngayon at kabibigay lang ng report cards namin. Beside me is my unbothered brother who is approximately a year younger than me.  "Ah oo nga po," bumawi na lang ako sa joke nila. "Bakit ka nga pala may tatlong bagsak? Hindi ba't malapit ka nang magtapos?" tanong pa nila. "Hindi ko po kasi ma-gets," I said habang napahawak sa batok ko at ngumiti nang marahan.  "Wala ka namang ibang ginagawa. 'Yun na lang ang magagawa mo. Bakit hindi mo pa magawa?" My mother's tone was now intesifying, ramdam ko 'yon. Ipinapalabas lang nila ngayon in a concerned tone pero alam kong deep inside, disappointed  sila.  Hindi naman ako ganoon ka-mareklamong tao pati ako rin naman 'yung may mali, eh. Sinusunod ko na lang sila kapag sinasabi nilang ganoon.  "Uwi ako maaga," paalam ko sa mga kaibigan ko. "Bakit? May pa-house party ka?" tanong ni Calvin. "Hindi, mag-aaral ako," sabi ko in a flexing manner.  "Ha?!" tanong naman nila sa'kin dahil sa gulat. "Na-offend ako do'n, ah. Gano'n ba ako kawalang kwentang estudyante na nakakagulat na mag-aaral ako bigla?" sabi ko sabay aktong parang na-offend habang hinahawakan ang dibdib ko. "Bar kami mamaya, eh. Send ko 'yung bar in case tamarin ka mag-aral," sabi pa ni Thalia. "Tsk, mga B.I. kayo." Umiling iling pa ako. Inayos ko 'yung study table ko at nagsimulang mag-aral. Bubuksan ko na sana ang libro pero sa unang page pa lang, wala na akong maintindihan. Ayos lang 'to! Kaya ko 'to! Sinubukan ko ulit intindihin.  Mga ilang oras na ang lumipas nasa parehas na pahina pa rin ako. Ano ba mayroon sa utak ko at hindi ko ma-gets? Magritwal na ako't lahat, hindi ko pa rin ma-gets. Kailangan ko ng creative juices ko. It wouldn't hurt to attend a party. Pang-refreshen ng utak. Baka gumana utak ko pag may party. Mga pasadong alas diyes na ng gabi noon at inakyat ko ang bakuran namin para makatakas. Nag-commute ako at nang makarating ako sa bar, nakita ko naman kaagad ang mga kaibigan ko. "Theo, bro!" salubong nila. "Akala namin hindi ka na lilitaw," bati pa nila. "Hindi ako ghoster. Medyo lang. Tara, libre ko kayo," sabi ko sabay pakita ng credit card na dala ko.  "Hoy, adik. Alam ba 'yan ng magulang mo?" Umiling naman ako. Hindi naman nila alam, eh. "Edi mapapagalitan ka na naman?" tanong ni Cal sa'kin. "Why can't you be more like your brother?" I mocked my parents' everyday sermon. "Jusko, mag-bar man ako o hindi, 'yun at 'yun din naman dadatnan ko. At least ngayon, masaya ako, 'di ba?" sabi ko at napatango naman sila sa sinabi ko. Nakauwi ako nang maayos noong gabing 'yon at 'di ako nahirapan baka dahil sanay na ako tumakas. Nagising akong maaga dahil ang sakit ng ulo ko. Hindi naman ako uminom. Wine lang pero ang sakit ng ulo ko. Baka dahil kung ano anong ka-ewanan ang pinaggagagawa namin kagabi. Napa-away pa ang kaibigan ko tapos siyempre ako naman lagi taga-saway noon.  I held my head dahil nga ang sakit ng ulo ko mula kagabi. Dumaan ako sa kwarto  ng mga magulang namin at nakita ang kapatid ko roon. "Pinapapirmahan po. Pinatatakbo po ako sa student council." "Woah. Great! Anong posisyon?" tanong ni mom. "Treasurer po." "Lang? Mataas naman ang posisyon pero bakit hindi pa presidente?" sunod pang tanong. "Hindi ko po kaya. Marami na po ako masiyadong ginagawa," sabi ni Travis. We were never close baka dahil sobrang layo talaga ng interest namin. He's into academics and sports at ako naman, mema lang. Party party lang gano'n at puro tropa ang inaatupag. Hindi ko siya gano'n nakakausap dahil ano ba namang pag-uusapan namin at hindi ko siya madalas makita sa school. Pero ngayon, ramdam ko ang pressure na ipinapatong sa kaniya ng mga magulang namin. "Eh ano naman?" tanong pa ni mom sa kapatid ko. Wala naman akong magawa dahil sa sariling saway nga sa'kin, wala akong magawa.  After that, nagpunta na ako sa school after mag-reply ng kaibigan ko kung magdadala ba siya ng bag kasi may event sa school. Pupunta sana ako sa lugar kung saan nakatambay lagi ang mga kaibigan ko pero nakita kong wala pa sila doon kaya napaupo nalang ako. The hut was adjacent to a wide soccer field.  I've looked at a distance and saw my brother with his team playing soccer. Napahalumbaba na lang ako habang pinapakialaman ang phone ko sa tagal ng mga kaibigan ko. My brother is really good at everything. I am envious. Minsan nga napapatanong ako kung ampon ba ako. Looks lang ambag ko sa pamilya, sorry na. Maya maya ay natapos na ang naglalaro pero kagigising lang daw ng mga kaibigan ko dahil naparami ng inom. Nag-juice lang naman, feelingero at feelingera sila.  "Ang galing ni Travis kanina, noh?" a girl from the opposite hut said. Wow, may fangirls siya. Sana lahat? "Totoo! Top student pa 'yan," narinig ko pa sa isang babae. From the looks of it, mukha silang mga kaklase ng kapatid ko. "Uy, crush mo na?" pang-aasar ng classmate niya, as if elementary pa sila. She's Mika, the daughter of mom at dad's business partners sa pharmaceutical company nila. "No. Boring naman ata 'yan," sabi niya. "Perfect is boring. Hindi ka naman niyan gagawing first priority. Mas maganda pa sa kuya niya. Mabait na at may sense of humor pa." They haven't noticed na naandito ako or alam nila? I should be happy dahil I got complimented pero hindi, galit ang naramdaman ko. "Pinapakopya niyan mga kaibigan niya. Kaibiganin na nga rin natin?" "Ay weh?" The girl was suddenly interested. "Try natin." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Hoy." "Hi kuya Theo," bati ni Mika. Bigla naman napahampas ang kaibigan niya. Bumulong pa nga. "Narinig kaya tayo?" But before I say something, nakita ko ang kapatid ko sa likod at mukhang narinig lahat ng usapan. And I knew he likes Mika. It must've hurt a lot that the one you like only sees you as an item, just because of the shiny things your personality wears.  I never knew that talk could change my brother. Mas naging image-obssessed pa siya pero ngayon, hindi lang award. Gusto niyang maging perpekto. Gusto niyang maging masaya kasama kaya naman sumama siya sa kung sino sino. He was like that. He always depend his worth on things. He always did.  "Body shot! Body shot!" panghihikayat namin kay Kris.  "Mamaya, teka, bro. May girls sa other table. Nahihiya ako," sabi ni Kris. Napatingin naman ako sa kabilang table at nakita sina Mika pati... ang kapatid ko?!  "What the heck?!" Bigla akong napapunta sa pwesto nila. "Bakit ka naandito?! Minor ka hindi ba?!" Nagulantang ang mga nakaupo sa katabing table. Maingay ang music pero maingay ang pagkasigaw ko. "Tumatambay ka rin naman dito kahit noong 16 ka. Huwag kang mag-feeling anghel," sagot naman niya sa'kin. He even held my collar. "Bakit ka nainom? Hindi ba't finals bukas?" I asked. "Magaling naman ako. Ikaw ang mag-aral para hindi ka na pabigat!" And then, I snaped. Hindi ko napansing sinuntok ko na siya. Bumawi naman siya bigla. It was an endless exchange of punches. Hindi ko na napansing may mga security guard na sa gilid namin na hihilahin kami palabas ng bar.  "Anong ginagawa niyo rito?!" Our mom and dad came to the police station kung saan kami temporarily pinatambay. "Nahuli po silang nagbabasagan ng ulo sa bar," sabi ng guard sa gilid.  "Bar?! Nagpupunta kayong bar?!" gulat nilang tanong. Umuwi kami pagkatapos noon. Walang sermon na nangyari sa kotse. It was pure silence.  "What have I done to deserve children like this?!" sigaw ng tatay namin. "Nakakahiya kayo sa pangalan ng pamilya natin," dugtong pa ng nanay namin. "Sa summer pagkatapos nitong school year na 'to, ipapadala ko kayo sa Visayas," said dad. "Ha?!" sabay naming sambit.  "Isipin niyo ang mga nagawa niyo!" That is when I realized that he was not the only one who is obsessed. I am obsessed with things that help me escape reality - the reality that makes me feel I will never be good enough. I am obsessed with fun since that is the only thing I have that I can be proud of. We reached the camp and throughout our experience there, hindi kami nagpansinan. I never even mentioned him. Hindi ko lang ma-gets ang logic niya. Bakit siya ang galit? Eh siya nga ang laging kinukompara sa'kin kaya bakit? Bakit?  Hindi kami nagpansinan until the Sports Fest dahil magka-team kami. "Ginusto ko ba 'to, ha?!" sigaw ng kapatid kong nasa harapan ko. "Ako nga 'yung inggit na inggit sa'yo. T*ngina, people would just approach me if it's convenient to them." And maybe, it was until that time that I realized I have been invalidating him. "I just want someone! I just want a brother," sabi pa niya.  Inawat na kami ni Kyron at sumunod na rin ang iba pa naming kaibigan.  "Hey," tawag sa'kin ni Kyron. "Tara," aya niya sa'kin matapos ako mag-isa. Nakita ko namang dinala niya ako sa hut kung nasaan ang tropahan namin at ng kapatid ko. "I'm sorry, but you both have to fix this," sabi pa ni Ky. Suki's POV "Travis, sorry," naunang sabi ni Theo. Ikinwento nila in detail ang mga nangyari. Pagkatapos noon, nangibabaw ang katahimikan. It was only the sound of the crowd from a distance that was heard. "I know what you felt. You were pressured that you lost your sense of worth. The world made you feel like you're only loved when you're on top. They made you feel like you're only here to be used. You were then blinded to the idea of polishing your image because you felt like your worth only lies within it. You thought that once it's tarnished, you can be discarded. You're wrong. And I'm sorry if I made you feel that way too." I did not expect that from him, sa totoo lang. "I made escaping and going to parties my projection of pressure. Dapat sinamahan na lang kita." "I'm s-sorry," sabi naman ni Travis. "For being perfect?" biro ni Theo. "Medyo," bawi niya sa biro. "Joke lang na nagsisisi ako na tumatakas ako. Hindi. Masaya sa bar." "Weh? Masaya kaya." At ayon nga, pinagtalunan nila 'yon, but it was a light kind of argument. Walang bigat. Purong kainosentehan at kasiyahan.  "Sorry if ikaw ang isa sa mga pinagtuunan ko ng galit. I should've known better. You were the one approaching me, but I refused. I made you seem like the one at fault when in fact it was my own mentality that did it. Sorry din kasi imbes na tulungan kita. Mas pinalala ko pa." Their reconciliation was actually really fast. Maari kaya dahil matagal na nila itong kinikimkim?  "I'm sorry," sabi ni Theo. "I'm more sorry," bawi pa ni Travis. "Ah, shuta kayo, you're both sorry. Baka mag-away pa uli," saway ni Aye. Nauwi 'yon sa yakap. I never thought how things could change drastically in a span of moments. "Thanks for sharing that. That must've been hard to keep," sabi ni Kyron. Nagngitian naman sila. "Okay, ang corni. Stop na." There are two kinds of psychological abuse you can receive from your household elderly - the one that makes you feel that you are worthless and the one that makes you think that your worth depends on quantifiable achievements. May isang ipaparamdam sa'yong you are never enough. Antithetically, the other one will make you feel like you are more than enough, but once you are gone from that momentum, wala ka na. Both of that were portrayed in the same childhood. It must've been intoxicating. A day have passed and everything went better than expected. Hindi naman sila lagi nagpapansinan pero hindi sila galit sa isa't isa. It was a gradual progress. Hindi na namin sila pipiliting mag-usap lagi. Mabuti na 'yong nagka-ayos na sila. The world will not stop kung ano man ang mangyari sa'tin kaya tuloy pa rin ang event. Pinanood namin si Crystal mag-kayak. She was not bad, actually. Natapos na rin ang finals ng volleyball at basketball at Blue team ang parehas nanalo. Huling natapos ang laro namin ng volleyball. "Galing mo. Nakakatakot ka tuloy galitin baka bigla kang manampal," asar ni Vin. "Galing talaga mag-set nito. Idol. Napasigaw ako bente times. Nakalimutan ko na ngang Red ako," sabi ni Kyron. "Ano ba? Pinatataas niyo pride ko!" sabi ko naman. "Compliment pa. Charot." "Tara nga laro," aya ni Kyron. "Game," sabi ko dahil hindi pa naman ako pagod mula sa laro kanina. "Sali!" sabi nina Vin, Crystal at Theo. "Kami rin, ate!" habol ng tropahan nina Aye.  "Alam ko na. What if minor vs. major?" sabi ni Theo.  "Ha? Anong major?" tanong ni Crystal.  "Tayo. 'Yung mga more than 18, major," sagot niya. "Joke ba 'yon, bro?" asked Kyron in sarcasm.  "Hindi! Major ang kabaligtaran ng minor, hindi ba?" At ayon pinanindigan pa rin.  "Last mo na 'yan." "Itulog mo na lang 'yan." "Pero game!" "Aw. Gusto ko maka-team si ate Suki," said Aye. Aw, she loves me. "Weh? Papabuhat ka lang," sagot ni Travis sa kaniya. "Sh ka." Dumiretso kami sa court na hindi pa rin inaayos mula sa laro kanina.  "Naks, mag-seset siya para sa'kin," sabi ni Kyron. "Oo pero muka mo dapat mag-spike," sagot ko sabay ngiti ng sarkastiko.  "Edi wow." We poked each others' tongues at each other to tease.  At 'yon na nga, nagsimula na ang laro namin. It was Crystal, Vin, Kyron, Theo and I against Aienna, Travis, Riley, Gray and Zach, ang isa pa nilang kaibigan.  "Chance ball!" Ang unang palitan ng bola ay madali lang.  The ball went towards the direction of the setter, which is me. Hinanda ko na ang sarili ko upang mag-set at nakita kong handa na rin ang magspa-spike sa tabi ko. Tinansiya ko ang anggulo kung paano ko ito ibabato pati na rin kung gaano ito kabilis. Unexpectedly, Kyron had coordination with me kaya naman mabilis niya itong na-spike kaya mabilis itong bumagsak sa kabilang court. "What the? Ang bilis. Huminga lang ako," complimented the opposite team. Nagkatinginan kami ng katabi ko at nag-apir. Natawa na lang din kami sa galing namin.  Buong araw, 'yon lang ang ginagawa namin. Malayo ang gap at nanalo naman kaming matatanda.  The once blue sky turned lilac in an instant o maaring hindi lang talaga namin namalayan dahil naglalaro kami. The clouds were starting to disappear in the soon midnight sky. It was, overall, a relaxing view bagay sa aming pagpapahinga mula sa laro. Nagtungo kami sa hut kasama sina Travis. Umakyat kami ni Crystal sa taas ng hut dahil naakyatan ito. She leaned at me. I never knew she would be this comfortable with me. She started as someone matapobre. Ngayon, ganoon pa rin naman at maarte pa rin pero she's becoming closer and closer to us. Curious ako ngayon, bakit siya naandito?  "Kakapagod grabe," pagrereklamo niya, as the fading sunlight of the afternoon shine on her reddish cheeks. "Nakakapagod bang magpulot ng bolang napupunta sa dagat?" sabi ko naman sabay ngiti. "Tse," pagtataray niya. "Oo, bakit? Lagi ang lakas ng palo niyo, eh. May galit sa bola?" "Ang lakas ng palo mo. Umiyak na tuloy." "Deserved naman." Those thoughts again.... I immediately set them aside dahil ngayon, I need to focus on everything that is in front of me. "Curious lang ako ha pero bakit ka ipinadala sa camp na 'to?" I started the topic. "I accidentally spent 12k on a shopping spree," natatawa niyang sabi as she let out a peace sign gesture. "Promise! Hindi ko sinasadiya! Hindi ko lang talaga napansin." It was expected of her pero grabe, twelve thousand? "Are we your friends now?" I asked.  "Pwede na. Nakakaawa naman kayo, eh." "Crystal at Suki, gusto niyo ba ng buko juice? Tara, kukuha kami," sabi ni Vin.  "No thanks," sagot namin. Umakyat naman si Kyron dala dala ang buko juice sa kamay niya. Bigla namang bumaba si Crystal. "On second thought, uhaw ako. Bye!" Kumindat pa ang g*g*. "Hindi ka uhaw?" asked the guy beside me. "No," tipid kong sagot. "Ang galing natin." He was perhaps pertaining to earlier.  "Weh, binuhat lang kita, eh," pagbibiro ko kahit alam ko namang magaling talaga sila. It's weird for me saying that other people are great. I used to degrade people, specially her.  "Naglalaro ka since dati?" tanong ko. "Medyo lang. Hindi ko priority," sagot niya. He even shrugged. "Pati minsan lang din ako pumasok." "Hindi halata sa'yo," I uttered in a smile. "Ibang iba nga ako dati. Glow up gano'n," sabi niya. "Kwento ka pa," sabi ko. "Hindi ka rin naman nagkwekwento, eh. Enough about me. I want to hear about you," he said, piercing his eyes onto mine. "Uhm, narito ako kasi muntik na ako hindi maka-graduate dahil sa business ko," I honestly said. Wala pa ata ako nasasabihan noon. "Anong business?" "All you want business thing."  "Ano 'yan, buffet?" "No. Stupid. Basta they command me things in exchange of money. Kadalasan nagpapanakaw ng test papers or nagpapa-ungkat ng sikreto." Ang sama niya pakinggan. I never even thought of how it affects others. Naiisip ko lang talaga noon ay pera. Maybe, having alone time and having nature within your everyday line of sight could lead to realizations.  "Saan mo naman ginagamit ang pera galing doon? Hindi ka naman ma-shopping," sabi pa niya. "Some things." Nakita niya namang ayaw ko 'yon pag-usapan kaya hindi na siya nagtanong pa. "Siguro, kung nag-meet tayo before, magiging partners-in-crime tayo." "If we met before, you wouldn't like me," sabi niya. "Sobra kong g*go." "Pati rin naman ngayon," I joked.  "Why wouldn't I like you?" It was a question that I did not expect to come out of me. Napaiwas siya ng tingin at napainom na lang.  But, really, why wouldn't I? I'm the worst one here.  No one would befriend someone who did something like that.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD