CHAPTER 6

2994 Words
Nagkakagulo ang mga miyembro ng camp sa harapan ng bulletin board sa lobby ng camp. Nakapaskil kasi rito ang mga detalye sa isang event. Wala naman akong balak makigulo pero hinila ako ni Crystal patungo rito. "Hoy, here's your name, oh! Sa Blue," sabi sa'kin ni Crys habang itinuturo ang pangalan ko sa listahan. Bago ko 'yon tiningnan,  ibinaling ko muna ang atensyon ko sa mga letrang nakasulat sa gitna. Camp Blue Coral Sports Festival Do I really have to participate? Napansin ko namang dumating sina Vin, Theo at Kyron. Nag-wave sila ng marahan sa'min at tsaka sumali sa siksikan. "Anong color mo?" tanong ko sa babaeng katabi kong may kung ano pang binabasa sa board. "Yellow," sabi niya as she was still screening the board. Dahil doon, lumapit na rin ako at tiningnan ang color ko. "Woah. Nice. Kasama ko si Theo." "Aw. Wala akong kilala sa team ko. Now, I have to socialize," inis na sabi ni Crystal. Pagkatapos nito, pumunta kami sa isang table kung saan kukuha ng damit para sa Sports Event na 'to.  Nakahilera ang damit na may iba't ibang kulay at size. Nabasa ko mula sa board kanina na open event 'to na kahit ang mga taga labas ng camp ay imbitado para manood. Pagkagising nga namin, nagdidisenyo na ang ilang volunteer. They seem to be too invested with the event. Kumuha ako ng medium na Blue. I should be getting small despite my height, but it would be uncomfortable for my bust size. Dumiretso kami sa isang hut kung saan nakita namin ang mga kaibigan namin. "Ew. Kasama na naman kayong volunteers," sabi ni Gavin kay Kyron. "Siyempre, requirement namin umepal sa inyo," he confidently said. "Oy, kasama kita," salubong ko kay Theo habang tinuturo siya. He smiled at tsaka nag-apir kami. "Mang-iiwan kayo. Mag-isa ako sa color ko," Crys said habang nakahalukipkip na parang nagtatampo, a cringe expression but she's so cute so it's a pass. "Okay lang 'yan dahil ang mahalaga ay important," walang kwentang sagot ni Theo. "By the way, saan kayo sasali?" tanong ni Ky sa'min. "Sa basketball. Player ako sa school namin," pag-fleflex ni Theo with matching gesture. "Player o taga pulot ng bola?" pangkokontra ni Vin. "Pre, pre. Shut up in a good way," sabi naman ni Theo. After yesterday, Vin has been chill with things. It was nice that everything has returned to a normal setup. Maaring may sakit pa rin doon since healing is not an instantaneous process, but all I know is there's gradual progress. Pagkatapos ng araw na 'yon, gumising kami ng maaga ni Crys para manood ulit ng mga nag-dedesign at para makapamili siya. She said she doesn't look good in Yellow, so she should make the effort. Hindi ko ma-gets pero sige na lang. We then proceed to our respective colors to meet. "Sino po sasali sa beach volleyball?" tanong ni Aye. She's the same color as mine. She seems to be leading the registration. "Sali ako," I said. After a few things, bumalik na rin kami sa kaniya kaniyang buhay as Crystal meet me. "Sumali ako sa kayaking," sabi niya. "Woah! Nag-aaral 'yan mamangka dahil sa sinabi ko dati, yie," I teased. "No. Sinali nila ako suddenly kasi ayaw ng iba sumali. Napilitan ako dahil ako raw ang ate! Do I act my age? Honey, no," sabi niya, wearing her sarcatic smile. "And cheering. Ako pa nga ang pinagagawa dahil muka raw akong captain ng cheerleading team. Just say I'm beautiful. No need to put the responsibility on me," pagyayabang niya. "Ikaw ba, saan ka sumali?" "Volleyball," I plainly uttered. "Do you play?" she asked in curiosity. "Dati," tipid kong sambit. Nagtipon ang lahat sa main beach area. I even met unfamiliar faces. Maaring sila ang mga outsider na gustong manood ng event. Today's event is the lighting of the bonfire. Required ba talaga 'yon kada may Sports Event? A huge speaker was lying in each corner of a mini stage that was just placed a while ago. Nagpapatugtog ito ng loud country musics to match with the summer beach vibes of the camp. May bonfire kuno sa harapan at nakatayo rin doon ang mga opisyal sa islang ito. There were five of them, four guys and a girl who was dressed like a teacher. Nasa harapan din si Mr. Jaime, ang may-ari ng camp. Everyone around was cheering. Ipinaliwanag ang punto ng event at pagkatapos noon, nagpunta ang may-ari dala dala ang kahoy na nakasindi. Inilapit niya ito sa bonfire at sa puntong iyon sumigaw siya mula sa mikropono, "Let the Sports Fest begin!" The first game was basketball. May bleachers na inilagay sa court adjacent to the nurse's office. It was pretty spacious. Unang laro ay blue vs. yellow. Nasa unahan kami ng bleachers dahil mabilis na nakahanap ng pwesto si Crys. "Go Blue! Go Blue!" sigaw ko pa. I'm not the type of person who's enthusiastic in events, but I guess it won't hurt to cheer a bit. "Go Yellow! Go Yellow!" sigaw ni Crystal in a much higher register than mine. Kinokompetisyon ang sigaw ko, amp. "Tsk tsk. Ayaw i-cheer si Theo," pag-guiguit trip ko sa kaniya at tsaka umiling na parang lagot siya. "Yellow team ako. I'm loyal to my sworn oath," maarte niyang sambit. "I can always be your friend, but I am only yellow team once," sabi pa niya. Her logic really deserves appraisal. "Wow, friends," said me as I gave her a cheeky smile. "Meh, kind of forced," pambabawi niya sabay kibit balikat. Nagsisimula na ang event at nagpunta na sa harap ang first five ng bawat kulay after nilang mag-warm up. Lahat ng kaibigan naming lalaki ay kasama sa event na 'to. Nang maglabasan sila, biglang umingay ang mga katabi kong mukang taga labas ng camp. It's as if may artista. Nakasuot sila ng jersey na paggawa at may apelido nila sa likuran. "Ang gwapo nung isa sa blue!" "'Yung Molina, ang gwapo!" "Which one? Dalawa." "May isa pa?!" "Ang gwapo rin." Dalawa? "Magkapatid si Theo at Travis?!" I asked the girl beside me na nag-reretouch. "Huh? Ngayon mo lang nalaman?!" she exaggeratedly asked. "I thought you're observant. It's so obvious kaya. Magkamuka sila and parehas nag-start sa T ang pangalan. Nako, hindi nakikinig sa introductions." Ginaya niya ang pag-iling ko kanina. "'Te. Lahat ba ng nagsisimula sa S, kapatid ko?" I questioned her logic. "Shut up," she replied. The first two quarters of the game commenced. Wala akong masiyadong alam sa basketball, but all I know is the brothers are killing this game. Sa una, wala silang masiyadong coordination sa mga ka-team nila, but their shooting skills are just insane. Mabilis lang natapos ang mga unang laro dahil sa kanila. The screaming of their so-called fangirls intensified. Well, oo, gwapo naman talaga sila. Nang pormal na natapos ang pangalawang quarter, they went on a water break and they were circled for substitition. "Yes!" pagyayabang ko sa katabi ko. "Celebrate all you want," sabi naman niya. Alam kong she's happy for Theo too, pero siyempre mas matibay pride niyan. Suddenly, Kyron approached us in his jersey. "Hello, guys." He immediately sat beside us. Ang mga katabi naman naming babae ay agad inilatag ang mga tingin nila sa kaniya. "Cheer niyo ako next, ha." "Kaka-practice lang namin. Pagod ako," sabi niya. I was suprised when he leaned against me kaya naman bigla akong lumayo. Buti na lang ay hindi siya nahulog. "Ouch." "Blue ka ba?" pagtataray ko. "Pati ang clingy mo. Jowa ba kita?" naiinis kong sabi. "Oo nga," pag-aagree naman ni Crystal when her real agenda is to tease. "Pwede ba?" He looked at me. "N-no. Anong pinagsasabi mo?" "Joke lang naman." He then pouted. He is honestly so annoying. "Tsk tsk," pang-eepal ni Crystal sa gilid. "Kuya!" tawag ng isang bata kay Ky. "Sige, practice muna kami. Bye!" paalam niya sa'min. After a while, nagsimula na ang pangatlong quarter. It started just like the other quarters. Mas naipapasa ni Theo ang bola sa ibang miyembro, which is new. Medyo lumapit ang score dahil dito ngunit nahabol naman ni Travis dahil magaling din siya. So they're brothers? Bakit sila parehas naandito? Goals ba 'yon? Ever since the past events, I have been curious kung paano napunta sa "reform" camp na ito ang mga tao rito, gayo'y muka naman silang ayos. If they're brothers, why aren't Theo mentioning it? Madaldal siya. In fact, siya ang pinakamadaldal sa'ming magkakaibigan. Maybe, there's some sort of personal matters behind this? I don't know and I shouldn't meddle. "Ano 'to? Ano 'to? Nagkabanggaan ang magkapatid?!" sabi ng nag-brobroadcast ng game in his mic. Isa siya sa mga volunteer na piniling hindi sumama sa laro. Nang tumingin ako sa court, nakita kong  may pagsaging naganap. It seems like my questions will be answered immediately. Nagkatinginan kami ni Crystal na para bang parehas kaming gustong chumismis sa nangyayari. Natapos ang third quarter na first pa rin ang team namin ngunit mas naging kaunti ang gap mula sa yellow. It seems like Crystal has been tired of cheering at mukhang mapapaos na kaya tumigil muna siya. Nag-break ng kaunti at nagsimula na ang huling quarter. "I can sense a tension," sabi ni Crystal sa akin. "Yeah. Either can everyone," sagot ko naman. Madalas hindi pinapasahan ni Travis ang kapatid ng bola. I mean, noong simula naman, hindi rin pero when it's the most logical choice, he did not do it. Nagpipikunan ba sila? Dahil dito, nagkabanggaan muli sila at pumito naman ang referee na naging sapat na rason para tumigil ang laro pansamantala. Nagulat kami ng nagtulakan ang dalawa. Chatters intensified around the area due to the tension between the brothers. Matapos kausapin ng coach si Theo, tumango siya. Nagsimula na ang laro at nagpa-bench si Theo na mukang inis na inis. Gusto sana namin siyang lapitan pero nasa kabilang banda siya at baka madamay kami sa inis niya. I never saw him annoyed. 'Di ba ang mga taong hindi nagagalit, sila ang mas nakakatakot magalit? Naglaro na uli and despite the build-up of an unnecessary fight, they won. Nabuhat ng kapatid ni Theo. Akala ko pupunta si Theo sa side namin pero hindi ko na siya naabutan at pumunta sa ibang lugar. Nagsimula nang magpuntahan ang sunod na team kaya nagsimula na rin ang usapan sa paligid. "Hindi ba't ayan 'yung naandito kanina?" "Who's that guy?! Kagwapo man uy." "Dili ko kana makita sa labas." "Kuya! Batuhin mo ako ng bola kahit ring pa!" "Gwapo rin 'yung isa. 'Yung Fuentes oh." "Agree." They're so noisy. Gusto niyo ako mambato sa inyo? "Fighting, girl," asar ng katabi ko in which I ignored. The game ended, and of course, the red team won against the green. After that, nagpunta kami in a beach side kung saan kaunti ang tao. May mga surf board na nakabalandra sa gilid. And with the looks of it, it is readily available for use. I have never surfed before dahil hindi naman kami masiyadong nagpupunta sa beach dahil busy ang mga magulang ko. My friends and I used to go out before, but that's until I found out that they are talking behind my back. Anyway, that's enough drama.  As of now, tinuturuan ni Ky sina Crys mag-surf habang pinanonood ko sila sa gilid. Hindi sila ganoon kalayo sa'kin at maingay sila kaya rinig na rinig ko sila from a short distance. "Ayan ganiyan, paddle lang," instructed Kyron. Malapit pa sila sa buhanginan dahil nagsasanay palang sila. "Oh my gosh! I'm doing it!" sabi ni Crystal. "Wag kang feeling. Wala pa tayo sa alon," pangkokontra naman ni Vin. They're like cats and dogs. Natapos na sila mula sa ginagawa nila. Nilapitan nila ako at tumabi sa kinauupuan ko. Napagod ata sila. "Ang hirap!" reklamo ni Crys. "Turuan mo pa kami." "Sige, teka lang. Break lang, wait," sabi ni Kyron. They are all soaking wet from beach water at ngayo'y hinihingal sila sa tabi ko. Ganoon ba 'yon ka nakakapagod? "Ikaw, Suki?" Theo asked me. He appeared a while ago and acted as if things are alright. He was always like that. "Mamaya. Pagod ako," sabi ko. Hindi ko alam kung saan ako napagod pero ayon. "Saan ka napagod?!" Vin asked. "Hindi, actually, tamad lang 'yan," Crystal replied as if she know me. She really does, though. "Tama ka diyan." "Bye! Pakasaya! Layas na sa harap ko," pagtataboy ko sa kanila. "Enjoy sa sands mo." "Yeah, right," sabi ko pa. Nagulat naman ako nang may grupong tumabi sa'kin. "Ate Suki!" bati ni Aye. We're kind of close now dahil sa volleyball. "Suki na lang. Isang year lang naman ang agwat natin." "Anong ginagawa niyo? Nag-surfing?" she asked the obvious pero dahil mabait siya, sige sasagutin ko siya sa paraang hindi sarcastic. "Yeah. I think so." "Pre, ang shunga mo, slight," sabi ni Travis na nasa tabi niya. "Agree," sabi pa ni Gray. "Galing mo mag-basketball. Ang dami mong fangirl," I said, starting a topic. "Kayo ng kuya mo." Or gusto ko lang talaga chumismis? "Ah. Cool." His full of life tone has now shifted. "Anong nangyari sa inyo kanina?" "Wala," sabi niya. He, then, began to play with the sands to avoid my eye contact. Ang mga kaibigan naman niya ay nagkwekwentuhan tungkol sa surfing. "Bakit siya na-bench?" tanong ko. "Bano siya," he said in laid back manner. "I guess," sabi ko at ngumiti sa kaniya to redeem the awkward tension I started upon bringing up the topic. I looked at him. I was so stupid to not spot na magkapatid sila because the resemblance is in every corner. May pagkakatulad ang face features niya at at hubog ng muka kay Theo. Theo's just taller baka dahil na rin siya ang mas matanda. The latter is paler with softer face features in spite of the similarity. "Suki." Wow, may epal. Kyron sat beside me in the sands at umakbay pa. "Yo," sabi ko sabay tanggal sa akbay niya. "Tara, turuan kita," sabi niya pa, not minding the guy beside me. "Tinatamad nga ako," I said in a sarcastic smile. "Sige. Dito na lang ako," sabi niya at tsaka ginamit ang dalawang kamay to support his leaning body as he faced the sky. "Ayaw ko nga," I joked. "Hi po, kuya!" salubong ni Aye na natapos na sa pagtingin sa nag-susurf. "Hello," Kyron welcomed in a friendly tone. "Kuya, kayo ba?" What the ef? This girl is so confident with her words. "Kakagulat naman 'yan, pero unfortunately, hindi," sabi niya. "Unfortunately?!" pag-uusosyo ni Aye. "Unfortunately sa side niya," joked Kyron. "Ang kapal mo, wow," pambabawi ko. "Oh, goods pala. Pwede kayo," sabi ni Aye at tsaka hinila si Travis. Mukang nagulat naman si Travis dahil para siyang binebenta ng kaibigan. "Friendly advice, wag kayo dito," pang-eepal ni Kyron. "Oo. Promise." "Bakit naman hindi?" sabi ko. I need to defend my honor, of course! "First of all, pikon siya," pag-eenumerate niya. The audacity? "Anong pikon?!" I blurted. "Point taken." I stuck out my tongue and rolled my eyes. "Second--" He was about to talk more nonsense when Theo approached us. "Ky, tulungan mo pa nga kami--" "Wag na pala," sabi niya in the most bitter tone we ever heard him. Nagkatinginan silang magkapatid. Maya maya ay umalis na kami doon. Parang sasabog na ang dalawang magkapatid, eh. Pumunta kami sa isang hut at nagsimulang kumain. May mga stall na itinayo kung saan may mga nagbebenta ng variety of sea food. "Sana laging Sports Fes! Ang sarap ng crab! Gusto ko tuloy manghuli. Pwede ba?" sabi ni Crystal. She's suprisingly good with sea foods. Akala ko ay aarte siya roon. "Hindi ka ba naaawa sa pamilya niyan?" Vin commented dahil kailangan lagi siyang may comment sa babaeng 'yan. "Shut up, kumakain ng dugo ng squid," sagot ni Crys. "Ooooh!" Umepal si Theo sa kanilang dalawa. "Nga pala guys, CR lang ako," sabi niya sa paraang parang may important siyang announcement. "Bakit nagpapaalam? Muka ba kaming bowl?" sabi ko. "Hindi niyo ako love," Theo pouted like a kid. "Ako tol, love kita," sabi ni Kyron na dapat nandoon sa mga volunteer. Ewan ko nga, eh, parang taga camp din siya. Lagi sa'min sumasama. "Mwah. Pa-kiss," sagot ni Theo at umaktong mag-kikiss. "Umihi ka na," sabi ni Vin. Weird, enough, but we watched him walk at nang malayo layo na siya, nagkatinginan kami sa isa't isa. "Something is wrong." "May mali." "Wala siya sa sarili niya." "Badtrip siya." Sabay sabay namin iyong sinabi. It looks like we can sense the same tension. "Agree. Hindi siya nag-iingay nung nahulog sa surfing board," sabi ni Crystal. "Nag-ingay kaya." Crystal, then, raised a finger to prove her point. "Hindi sapat." "Totoo," sabi ni Vin sabay tango. "Sa tingin ko, related 'yan sa kapatid niya," I stated the obvious. "Oo nga, kasi diba lagi siya nagkwekwento pero kahit kailan hindi niya nabanggit ang kapatid niya," sabi pa ni Vin, in which we all nodded to. Bigla namang parang may pumasok na ideya kay Kyron. "Guys! Guys! Listen." "Paano kung paglapitin natin silang magkapatid para magkabati sila?" "Wouldn't that make matters worse? The friction between them earlier nearly ruined the game." I was being logical. "Malay mo, they just lack understanding," sabi naman ni Vin. Wow, now, they're agreeing to that stupid mission. "Ano 'to? Operation: Paglapitin ang Molina Brothers?" said Crystal. "Game." "Gusto kong malaman bakit gano'n siya, game." "Seryoso ba kayo? Kapag sila lalong nag-away--" sabi ko. I swear, without me in this group, they'll be in chaos. They're impulsive. Tiningnan naman nila ako in deep persuasion. Kaunti na lang magpa-pout na sila. But you know, I want to know the reasons. I am only observant to notice things others can't notice. However, there are events that can't be solved by just observing. Sometimes, you need to do some effort para may malaman. "Fine, I'm in too." With that, nginitian nila ako. Ano nang mangyayari nito? Tama bang pinatulan ko ang planong ito out of my own curiosity? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD