"Hello, sir," sabi ng babaeng kasama ni Jeni sa kaniya. "Talagang dito tayo kakain sa unli rice," tumatawag sabi nito na nakatingin kay Jeni.
"Seyla..."
"Bakit ba Jeni? Natutuwa lang ako kay Sir Storm dahil siya pa lamang ang kauna-unahang nagdala sa atin sa unli rice restaurant no," pabulong namang sabi ni Seyla na narinig din niya.
Namumula ang magkabilang pisngi ni Jeni na hindi magawang tumingin sa kaniya.
"Nag-order na ako ng pagkain, doon tayo sa naka-reserve na table sa may dulo," nakangiting aniya sa dalawa at naunang maglakad. "Ako pa lamang ba ang nanlibre sa inyo sa lugar na ito?"
"Ah, sir. Wala pa kasing nagtangka," nakalabing ani Seyla. Mukhang prangka itong kausap at hindi mahiyain.
Inalalayan niyang makaupo si Jeni at ang kaibigan nito bago siya umupo sa harapan ng dalawa. Inilapag naman ng waitress ang ini-order niyang pagkain. Kulay green ang kanilang plato at senyales iyon na naka-uli rice sila. Tatlong roasted chicken wings na spicy at original, tatlong palabok, tatlong lecheplan halo-halo at softfrinks, halos mapuno ang kanilang lamesa sa mga pagkain na ibinaba.
"Sir, mauubos ba natin lahat ito?" nanlalaki ang mga mata ni Jeni.
Ngumiti siya rito at saka tumango. "Mabuti pa kumain na lang tayo," aniya sa dalawa.
Tumayo naman ang mga ito at nagtungo sa hand washing area. Hindi na bago kay Storm ang pagkain sa public place at sa mga ganitong restaurant.
Nanatiling nakaupo si Storm at hinihintay ang dalawa.
"Hindi ka ba marunong magkamay, sir?" mahinang tanong ni Jeni.
"I can't eat without spoon and fork. Sige na maging komportable lang kayo sa pagkain. Huwag ninyo akong pansinin."
Nagkatinginan ang dalawa at maganang kumain. Makailang ulit na nagtawag ng waiter si Jeni para sa dagdag ba extra rice. Lihim siyang napapangiti sa nakakatawang ikinikilos ni Jeni.
"Sir, nililigawan mo ba si Jeni?" tanong ni Seyla sa kaniya.
Napaubo siya sa biglang tanong ng kaibigan ni Jeni.
"Seyla, magkaibigan lang kami ni Sir Storm."
"Darating tayo riyan, Seyla." Tumingin siya kay Jeni. "Sa ngayon mas mabuting makilala namin ni Jeni ang isa't isa."
Nagyuko ng ulo si Jeni sa kaniyang sinabi. Hindi na nito magawang tumingin pa sa kaniyang mga mata. Nahihiya marahil ito dahil sa mga sinasabi niya. Ngunit si Seyla hindi mapigil ang nararamdamang kilig para sa kaibigan nito.
Kilos pa lamang alam na niya na hindi magtatagal ang pagpapanggap niyang ito sa kaniyang sarili.
Naubos nilang lahat ang orders nila hindi pa namalayan ng dalawa ang oras kaya naman ang halo-halo nila ay iti-nake out na lamang ng mga ito. Nag-take out na rin siya ng extrang pagkain para sa merienda ng dalawa mamaya. Dalawang order ng large shawarma at fries.
Nagiging galante siya sa babae kapag may kapalit. Iyon ang kaniyang puhunan sa gusto niyang makuha mula rito.
"Bye, sir. Thank you," sabi ni Seyla na tuwang-tuwa.
"Salamat, sir," mahinang sabi naman ni Jeni na tumingin sa kaniyang mga mata.
***
"TODO ang ngiti natin ngayon, bro. May masaya bang nangyari?" tanong sa kaniya ni Dark. Nasa loob sila ng kanilang tambayan at nag-iinuman.
"Sabihin na lang natin na malapit ko nang makuha ang gusto ko," nakangising aniya sa kaibigan bago inumin ang kaniyang baso na may lamang alak.
"Tungkol ba iyan kay Cally?" tukoy nito sa kaniyang karelasyon.
Umiling si Storm dito. "One week na akong walang ugnayan kay Cally. Kilala naman ninyo ako bro, hindi nagtatagal sa isang linggo ang mga karelasyon ko."
"So, kung hindi tungkol kay Cally baka tungkol sa anak ni Manong Duarding," ani Hatt na nagsalin ng brandy sa round glass na hawak nito.
Umiling-iling si Dark habang nakatingin sa kaniya. "Get yourself bro. Hindi magandang paglaruan ang mga babaeng inosente, lalo na't mabait pa sa atin si Manong Duarding."
Sumama ang kaniyang mukha sa sinabi ni Dark. "Hindi ko naman siya pinaglalaruan kun'di kinakaibigan. Masama bang magkaroon ako ng interest sa anak ng magsasaka. Gusto ko lang na maging kaibigan ang katulad ni Jeni para naman mapayuhan ko sila sa pagnenegosyo. Kalahating hektarya lang ang lupa nila na nakatabi sa hacienda natin kaya gusto ko lang na bilhin iyon para hindi na sila mahirapan pa."
"Concern ka ba sa lupa o kay Jeni?"
Concern siya sa lupa hindi siya interesado kay Jeni. Ngunit para hindi magtaka ang kaniyang mga kaibigan kailangan niyang magkunwari.
"Pareho..." Tumingin siya nang seryoso kay Dark. "Nagkakagusto rin naman ang mga guwapo sa mahihirap na babae."
Nagtawanan silang magkakaibigan dahil pagdating sa pag-ibig wala naman silang pinipili... wala silang batas na sinusunod kun'di ang kanilang mga puso lamang.
UMALIS sina Storm at Dark na magkasama dala ang kotse niya. Patungo siya ng Dagupan at doon din naman ang punta ng kaniyang kaibigan.
"Speaking of Jeni, totoo ba na may gusto ka sa kaniya o sinasabi mo lang iyon dahil may gusto kang makuha? Kilala kita, Storm, mula pa noong kabataan natin alam ko ang tipo sa mga babae at kung ano talaga ang gusto mo. You want to expand... iyon ang dati mong sinabi."
Ngumisi si Storm sa kaibigan. "Yes. Iyon naman talaga ang gusto ko bro. E, kaso, nawiwili ako sa pagiging friendly ni Jeni. Alam mo masiyahin siya kahit na marami siyang mga problema sa buhay niya. Magkabaliktad kaming dalawa at iyon ang dahilan kung bakit gusto ko siyang maging kaibigan."
"Lokohin mo na ang sarili mo huwag lang ako, Storm. I know you... hindi ganiyan kababa ang taste mo pagdating sa mga babae. Kung binabalak mong gantihan ang pinsan mo, I'm warning you to stop. Okay na sila Cold at Rita, tumawag sa akin si Cold at nasa Nueva Ecija sila ngayon na mag-asawa."
"Ganoon ba niya kabilis tanggapin si Rita? Pagkatapos ng mga ginawa ng babaeng iyon sa kaibigan natin."
"Because of love... hindi ako lasing kaya ako ganito magsalita. I'm just telling the truth. Hindi mo ako paniniwalaan dahil collector ka ng mga babae. Maniniwala ka lang sa tunay na pag-ibig kapag naramdaman mo na... kapag may minamahal ka na."
Mabagal lamang ang pagpapatakbo niya ng sasakyan. Hindi niya masakyan si Dark at taliwas din ang paniniwala niya pagdating sa pag-ibig. Hindi siya lumaki na may kumpletong pamilya, ang alam lamang niya ay lumaki siyang mayaman na nasa kaniya ang lahat at mas gusto niyang higitan ang mga narating ng ama niya.
"Ang corny mo..."
"Totoo lang ang pag-ibig."
"Shut up. Nahawa na kayo kay Cold," iretableng aniya sa kaibigan.
Tinawanan lamang siya nito at saka tumingin sa bintana. "I want to bet. Darating ang panahon na magugustuhan mo si Jeni. Sa pagiging playboy bachelor mo tingin ko si Jeni na ang babaeng magpapahirap sa iyo." Nilingon siya nito at saka muling tinawanan.
Napalunok si Storm na hindi kaagad nakapagsalita. Nakakatakot pa man din mag-bet si Dark dahil kung minsan nagiging totoo ang sinasabi nito.
"Call," matapang niyang sagot. Makikita ni Dark na hindi tatalab sa kaniya ang magic words nito.
Dumaan sila sa drive thru ng sikat na fast food chain dahil iyon ang paborito ng anak ni Dark.
Pagkatapos ay inihatid niya ito sa tinitirahang condominium.
"Thank you sa libreng ride bro," nakangiting ani Dark bago kunin ang bag sa likod ng kaniyang kotse.
"Anything... alam ko naman kasing kuripot ka. Pa-hello na lang ako sa minime mo."
"Sure. Ingat ka bro." Kinawayan siya nito bago pumasok sa building.
Umalis na rin siya para magtungo sa boarding house na nirentahan niya. Katabing boarding house lamang nina Jeni. Sisimulan na niya ang plano niyang pakikipagkaibigan sa dalagang alam niyang mabilis niyang mapapaibig.