Chapter 9

2023 Words
Papasok na sila ni Seyla sa trabaho nang makita ni Jeni si Storm sa di kalayuan malapit sa kanilang apartment. Siniko ni Jeni ang kaibigan na may hinahanap sa bag nito. "Hindi ba si Sir Storm ang lalaking iyon na nasa parking lot nitong apartment?" nagtatakang tanong ni Jeni sa kaibigan. "Nasaan?" tanong ni Seyla na tumingin sa itinuro niyang direksyon. "Ay oo nga ano, si Sir Storm nga. Naku, baka naman sinusundan niya tayo este sinusundo ka." "Ha?" Paano naman iyon mangyayari ngayong hindi pa nga niya ito sinasagot. Tsk! Ano bang iniisip niya! Gising Jeni! "Baka naman may dinaanan na kakilala kaya nandito. Mabuti pa lapitan na lang natin para malaman natin ang dahilan," nakangiting ani Seyla. Sa pananalita ng kaniyang kaibigan mukhang hindi na naman maganda ang mangyayari. Nilapitan nila si Storm na nakasandal sa kotse nito. Mukhang malungkot ang binata at malalim ang iniisip. Kung hindi pa nagsalita si Seyla hindi titingin si Storm sa kanila. "Good morning, sir. Mukhang naliligaw po kayo?" mahinang tanong ni Seyla. "Ahm... may kaunting problema lang ako. Sa katabing unit nga pala ninyo ako natulog kagabi. Naghanap kasi ako ng rental apartment at eksakto naman na ito ang nakita ko, malapit lang sa company namin. Papasok na ba kayo at ihahatid ko kayo.?" "Ka-Kayo po iyong sumisigaw kagabi sa kabilang kuwarto?" maang na tanong ni Jeni sa binata. Mukha itong walang tulog at magulo pa ang buhok. "Pasensiya na... marami kasing ipis." Nagkamot ito ng ulo at nagtawanan naman silang magkaibigan. Mayaman nga pala ito at hindi sanay sa buhay na mahirap. Ngunit bakit ito nagdesisyon na tumira sa lumang apartment? E, kung tutuusin kaya naman nitong magpunta sa malapit na hotel. Bigla tuloy siyang na-curios kung tama ang kutob ni Seyla na sinusundan siya nito. "Day of namin ni Jeni bukas, sir. Kung may problema ka sa unit mo p'wede mo kaming lapitan ni Jeni. Expert kami sa paglilinis ng bahay," pagmamayabang naman ni Seyla. "Marami talagang ipis dito sir at naging kaibigan na namin sila ni Jeni." "Pero may---" May pupuntahan siya bukas kahit na day of niya. Nangako siya sa kaibigan at kababata niyang si Leo na magkikita sila bukas sa park para pag-usapan ang plano nilang magtrabaho sa ibang bansa. "Kung hindi ka p'wede okay lang naman," malungkot na sabi ni Storm. Hay, nangungonsensiya ba ito? "Ipagpaliban mo na lang ang lakad mo Jeni. Ang mabuti pa tulungan ma lang natin si Sir Storm. Tumatanggap naman ako ng side line este libre," prangkang ani Seyla. Hindi na nahiya ang kaniyang kaibigan. Gusto talaga yata nitong sabihin na matindi ang pangangailangan nila ng pera. "Ano ba iyong problema mo sir? Iniisip mo ba kung paano mo liligawan ang kaibigan ko?" Nanlaki ang kaniyang mga mata sa sinabi ni Seyla. Hindi niya inakalang sasabihin iyon ng kaibigan niya. Kung p'wede lang na mawala siya sa kinatatayuan niya sa sobrang kahihiyan. "A-Ano ka ba Seyla. Hindi naman ako... hindi ako nililigawan ni Sir Storm no." Kinurot niya sa tagiliran ang kaibigan. Nanginginig ang tuhod niya at ang puso niya sobrang bilis ang pagtibok. Ngumiti si Storm sa kaniya na lalong nagpabilis sa t***k ng kaniyang puso. "Ikaw talaga Seyla kay aga-aga mong iniinis si Jeni. Ang mabuti pa siguro ihatid ko na lang muna kayo." "Naku, huwag na po Sir Storm. Mas mabuti ho sigurong matulog na lang kayo mukhang wala pa kayong tulog," mahinang aniya para lamang makaiwas sa binata. "No... I insist. Pupunta rin naman ako sa Mall para bumili ng mga kailangan ko sa apartment. Tutulungan ninyo ako bukas hindi ba?" nakangiting tanong nito at lumabas pa ang mga mapuputing ngipin. "Sige na Jeni, makakatipid pa tayo sa pamasahe," sabi naman ni Seyla na feeling close na kaagad kay Storm. Kaya wala na siyang nagawa kun'di sumakay sa kotse ng binata. At sa front seat pa siya umupo, sa tabi ng minamahal niya. NANG maihatid sila ni Storm sa Mall ay sumunod din ito sa kanila sa loob. Nagtungo nga ito sa grocery store at dumaan pa sa kanilang boutique para ibigay ang kanilang merienda. Mukhang bibigay na ang kaniyang puso... naku... mukhang wala na siyang takas. Nakagat niya ang ibabang labi habang iniisip ang bagay na iyon. "Miss, kanina ko pa tinatanong kung may stock kayo ng kulay gray na sandals pero mukhang wala ka sa sarili!" naiinis na sabi sa kaniya ng isang babae na seksi at mukhang mataray. Hindi niya ito napansin dahil sa pag-iisip niya kay Storm. "So-Sorry po ma'am," mabilis siyang gumalaw para kunin ang stock na sinasabi nito. Ngunit bumalik siya para tanungin ang size. "Tsk, ano ba naman klasing sales associate ka kung napakahina ng utak mo. Sinabi ko na nga sa iyo kanina pa na size thirty six." Inihagis nito sa kaniya ang sandals. "Sino ba ang manager mo ha! Dapat hindi nagtratrabaho sa mga ganitong shop ang katulad mong boba!" galit na galit pang sabi ng babae sa kaniya. Maraming mga tao ang nakakarinig. Nakatingin ang mga ito sa kaniya at hiyang-hiya siya. Ngayon lamang siya napahiya ng ganito sa maraming tao. Pinilit niyang maging kalmado at pinulot ang sandals na ibinato nito sa kaniya. "Ma'am, pasensiya na po kayo. Hindi na po mauulit ang---" "Aba'y talagang hindi na mauulit dahil ire-report kita sa manager mo!" malakas na sabi pa nito na pinameywangan siya. "Excuse me Miss but you have no rights to do this. Lahat naman ng mga tao nagkakamali at hindi naman iyon sinasadya ni Miss Jeni. Hindi palaging customers are always right. Kailangan din natin silang intindihin kahit pa saleslady sila." Nanlaki ang mga mata ni Jeni nang makita si Storm na nakatayo sa kaniyang harapan. "Sino ka ba?" mataray nitong tanong. "Bakit ka ba nakikialam dito? Ikaw ba ang manager dito at kinukunsinti mo ang mga employado mo?" "I'm the co-owner of this mall. At isa rin akong investor dito. Anyway, ano bang malaking kasalanan sa iyo ni Miss Ramos? Kitang-kita ko naman kung paano mo ibato sa kaniya ang sandals na hawak mo. Kung may dapat na ireklamo dito ikaw iyon Miss at hindi ang employee ko." Hindi nakaimik ang babae sa sinabi ni Storm, maging siya ay nagulat. Ang buong mall, tama ba ang narinig niya? Pagmamay-ari nito ang kalahati ng mall? Umalis ang babae sa harapan nila ni Storm na namumula ang mukha. Lumapit si Seyla sa kanila ni Storm at pumalakpak pa ang kaniyang kaibigan. "Ibang klase! Para kang si superman, sir. Bigla kang sumusulpot kapag kailangan ni Jeni ng rescue. Kinikilig tuloy ako," humahagikhik na sabi ni Seyla. "Hindi lang kasi tama ang sinabi niya kay Jeni. Mabuti na lang pala bumalik ako rito. Itatanong ko sana kung ano ba ang brand ng insect repellent na mabisang pamatay sa mga ipis." Nagkamot ito ng ulo. Nangilid ang kaniyang luha sa kabaitang ipinakita ni Storm. Hindi naman pala totoo ang tsismis na masama ang ugali nito. May puso din ito at sobrang down to earth. "Salamat sa ginawa mo, sir." Hindi na niya napigil ang sariling mapaiyak. Niyakap siya ng binata sandali at saka nito pinahid ang kaniyang luha sa mga mata. "Nandito lang ako kapag kailangan mo ako, Jeni." "Salamat, sir." Inilayo niya ang sarili sa binata. "Tungkol sa sinabi mo kanina sir?" "Ah... iyong pagiging co-owner ko nitong mall? I'm not lying... pero atin-atin na lang." Muli itong ngumiti sa kaniya. "Iyong tinatanong ko nga pala?" "Lahat na lang siguro ng brand sir bilhin mo," sagot ni Seyla kay Storm. "Hindi kasi namin alam kung anong brand ba ang kinakatakutan ng mga ipis." Sa sinabi ni Seyla ay natawa sila pareho ni Storm. Marami na siyang pagkakautang sa binata. Kung totoo man ang sinabi nito kanina, ang importante ay nadepensahan siya nito sa babaeng iyon. Kinausap ni Storm ang kanilang manager at ipinaliwanag nito ang nangyari. At nagpaalam ito sa kanila ni Seyla bago sila nito iwan. "Ibang klase talaga si Sir Storm, kapag niligawan ka niya huwag ka nang magpapakipot pa Jeni. Sagutin mo na kaagad, huwag mo na siyang pahirapan. Alam mo ang mga katulad ni Sir Storm ang mga tipo ng lalaki na hindi dapat na pinapakawalan. Naku! Kung hindi lang kita kaibigan aagawin ko siya sa iyo." "Umiral na naman ang kalokohan mo Seyla. Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na hindi ako nililigawan ni Sir Storm. Talagang mabuti lang siyang tao." "Pero hindi iyan ang nakikita ko, Jeni. Okay sige na nga, hindi na ako magbabanggit pa ng kung ano-ano. Hintayin mo na lang na ligawan ka niya. Hindi siya katulad ng ibang mayayaman na puro yabang lang Jeni." "Kaibigan siya ni Sir Hatt." "Ibahin mo ang hambog na iyon, Jeni." Hindi lang naging maganda ang pagkikita nila noon ni Hatt, nang ikasal sina Juvy at Cold. Masungit kasi ito at hindi katulad ni Storm na palangiti ang mukhang friendly. Naalala niya ang kaibigan niya. Sana masulosyunan nito ang kinakaharap na problema. "Oo na. Magtrabaho na lang tayo baka may kakambal iyong masungit na babae kanina,' aniya kay Seyla na nagtungo na sa kaniyang posisyon. Bumuga siya nang malalim at hindi makalimutan ang mga katagang binitawan ni Storm kanina. "Nandito lang ako kapag kailangan mo ako, Jeni." Napakasarap na pakinggan. MAAGA silang gumising ni Seyla kinabukasan para puntahan si Storm sa unit nito. Wala kasi ito kagabi at nagtataka sila ni Seyla kung bakit. Nabanggit pa naman nito na may problema ito. "Nakabukas ang pinto ng kuwarto niya Jeni," ani Seyla sa kaniya. Nagluto sila ng almusal bago magtungo sa unit ni Storm. Adobong manok at fried rice ang dinala nila. "Kumatok ka na," utos nito sa kaniya. Nahihiya siya sa ginagawa nilang dalawa baka isipin ni Storm na nagpapansin sila. Hindi pa man siya sanay sa mga ganito kahit na super crush niya ang binata. "Sir Storm?" mahinang tawag niya. Tumingin siya kay Seyla at umiling. "Mukhang wala siya rito kahit na---" "Jeni?" anang boses sa kaniyang harapan. Napatingin siya kay Storm na walang damit pang-itaas at nakamaong shorts lang. Napalunok tuloy siya sa magandang katawan ng binata sa kaniyang harapan. Hindi niya mabilang kung ilang abs ang nakikita niya. "Good morning sir. Nagluto kami ni Jeni ng breakfast," ani Seyla na siniko siya para matauhan. Itinikom niya ang kaniyang bibig. Nakakahiya. "Sorry, hindi ko kayo kaagad na napansin. May ginagawa kasi ako sa may kitchen. Hindi kasi gumagana ang gas stove." Inilapag ni Seyla ang dala nito at ganoon din ang dala niyang tupperware. "Mag-asawa ang dating nangungupahan sa unit na ito, sir. Baka sa madalas nilang pag-aaway kaya nasisira ang mga gamit dito," paliwanag naman ni Seyla. Tahimik lamang siya habang nakikinig sa kaibigan na feeling close sa binata. "Ahm, Sir Storm, nasabi ko kahapon na tutulungan namin kayo ni Jeni dito sa unit ninyo e kaso..." Tumingin si Seyla sa kaniya. "Si Jeni na lang muna ang sasama sa inyo para tumulong na maglinis dito. Kailangan ko kasing umuwi sa amin, sir." Walang nababanggit sj Seyla na kailangan nitong umuwi. Hindi niya natatandaan na may sinabi ito sa kaniya. Puno ng pagtutol ang kaniyang mukha. "Pero---" pagtutol ni Jeni sa kaibigan. "Okay lang naman kung hindi kayo p'wede ni Jeni." Nakaramdam naman siya ng lungkot. Inirapan niya si Seyla bago siya nagsalita. "Libre naman ako maghapon sir kaya tutulungan kita," nakangiting aniya sa binata kahit na kinakabahan siya. Hindi niya kasi alam ang p'wedeng mangyari. Gusto niyang batukan ang sarili sa kaniyang naiisip. Naging masigla ang itsura ni Storm at binuksan nito ang kanilang dala. "Kumain ka na sir. Maiwan ka na rito, Jeni." Kinindatan siya ng kaniyang kaibigan. "Mag-iingat ka sa lakad mo Seyla. Maging masaya ka sana," naiinis na bulong niya rito nang ihatid niya ito sa pinto. "Enjoy ka lang Jeni. Sulitin mo na ang date ninyo ni Sir Storm," bulong din nito sa kaniya at bumingisngis pa. Pilit siyang ngumiti dito kahit na asar na asar siya dahil alam niyang sinadya nito ang lahat. Nilibot ng tingin ni Jeni ang paligid ng unit. Nagulat pa siya nang isara ni Storm ang pinto. Dalawa na lamang sila sa kuwarto nito at kakaibang kilig ang kaniyang nararamdaman. Isang panaginip na naman ito at para sa kaniya kakaibang panaginip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD