Bakas sa mukha ni Jeni ang pagkagulat nang makita siya nitong nakatayo sa harapan nito mismo. Gumagawa na siya ng paraan para maging kaibigan ang dalaga at maging malapit ang loob nito sa kaniya. Wala rin naman siyang ibang gagawin sa free time niya.
"Ihahatid na kita sa Dagupan, doon din naman ako pupunta."
"Pero kasi, sir," nahihiyang sabi nito sa kaniya. Hindi ito makatingin ng diretso sa kaniyang mga mata. Yes he know. Ganito ang reaksiyon ng mga babaeng may gusto sa kaniya.
"I insist tutal naman doon ako pupunta. Malapit lang ang vacation house namin ni Dark doon kung hindi mo naitatanong."
Iyon na lamang ang naidahilan niya dahil hindi pa yata tumatalab ang charm niya rito.
"Sige na nga, sir. Nagtitipid din ako ng pamasahe." Nagkamot ito ng ulo.
Mahina siyang tumawa. Malakas ang sense of humor ng dalaga. Mukha itong masayahin at palatawa.
"Sure." Tinulungan ni Storm na buhatin ang dala nitong bag. Inilagay niya iyon sa back seat at saka niya ibinukas ang pinto ng kotse sa tabi niya. "Dito ka na sa front seat sumakay para hindi naman ako magmukhang driver mo."
Namula muli ang magkabilang pisngi nito. Ngumiti si Storm at sa kaniyang isipan, kaunti na lamang at magiging close na sila ni Jeni.
Habang nagmamaneho siya hindi niya maiwasang tumingin sa mga labi ng dalaga. Hindi niya alam pero parang may something ang mga labing iyon.
"Kumusta na nga pala si Rita?" tanong niya rito habang inaabala ang tingin sa kalsada.
"Ha?"
Sinulyapan niya ito sandali. "May masama bang nangyari kay Rita?" muli niyang tanong dito. Asawa ng kaniyang kaibigan si Rita at nang maikasal ito sa kaibigan niya ay bigla na lamang itong naglaho.
"Ang... ang alam ko nasa Dagupan siya."
"Dagupan?"
"Ah, nasabi niya iyon sa akin noong nagkita kami. Pasensiya na ha sa nagawa ng kaibigan ko sa kaibigan mo."
Iyon ang ikalawang dahilan kung bakit niya gustong mapalapit kay Jeni para na rin ipaghiganti ang kasawian ng kaniyang kaibigan.
"Problema na nila iyon," malamig niyang tugon. Inside him he was mad.
"Kunsabagay, alam mo babalik din ang kaibigan ko sa kaibigan mo. Siguro may pinagdadaanan lang sila." Bumuga ito nang malalim habang sinasabi iyon. Tumingin ito sa bintana ng kaniyang kotse. "Maraming problema ang isang tao sir kaya sila umaali, kaya sila tumatakas. Hindi natin alam ang dahilan nila... at kahit na alamin natin hindi rin naman tayo makakatulong," dagdag pa nito na tila may malalim na pinaghuhugutan.
"I can't agree with you, Jeni. Hindi kasi matatapos ang problema kung hindi ito inaayos. At hindi ito maaayos kapag kinukunsinti natin sila."
"Sir, hindi ako kunsontidor na kaibigan." Mabilis na reaksyon ni Jeni sa kaniyang sinabi.
"Wait. Hindi naman ikaw ang tinutukoy ko... sinasabi ko lang ang mga scenario na p'wedeng mangyari dahil sinabi mo."
Hindi ito umimik at nagbaba ng ulo. Hindi muna siya nagsalita hanggang sa ihinto niya ang sasakyan sa tabi ng isang café.
"Sir?"
"Mag-breakfast na muna tayo, maaga pa naman at saka gusto ko ring makipagkuwentuhan sa iyo."
"Sorry, sir kung iniisip mo na---"
"Kung tungkol iyan sa nasabi ko kanina, pasensiya ka na rin. I didn't mean anything." Ngumiti siya rito at saka binuksan ang pinto ng kaniyang sasakyan. Nagtungo siya sa kabiilang side ng kaniyang sasakyan para pagbuksan si Jeni ng pinto. Inalalayan niya ang ulo ng dalaga baka mauntog ito at saka matipid na ngumiti rito.
"Salamat, sir."
"Let's go..." pag-aaya niya sa dalaga papasok sa coffee shop na pagmamay-ari ni Rui, ang kaniyang matalik na kaibigan. "Upo ka na at ako na ang bahalang mag-order ng foods," aniya bago magtungo sa counter.
"So? Who is she?" maarteng tanong ni Rui habang nakatingin kay Jeni.
"She is my friend, Rui."
"Friend?" Ngumisi ito sa kaniya at saka tumawa kinalaunan. "Lahat ng mga nakikitang dinadala mo rito sa coffee shop ko ay friend mo. Nagseselos na ako niyan ha," anito saka ngumuso.
College friends sila ni Rui at alam na alam nito ang kaniyang kalokohan.
"Hindi siya ang type ng babaeng gusto ko Rui. Anyway... nandito lang kami para mag-almusal."
"Kunsabagay, siya yata ang pinakasimple at... hindi kagandahan na nakita kong kasama mo." Matabil din ang dila nito at prangka.
Napailing na lamang si Storm dahil sa mga sinasabi ni Rui kay Jeni. Nang bumalik siya sa kinaroroonan ng dalaga ay ibinaba niya ang platter na may lamang dalawang mainit na kape at dalawang cinnamon roll bread.
Nahihiya pa si Jeni na kunin ang kapeng nasa harapan nito.
"Libre ko ito kaya huwag kang mahiya," nakangiting aniya sa dalaga.
Habang kumakain siya ng tinapay ay naisip niya ang tungkol sa lupa.
"Nabalitaan ko na nag-asawa na si Gina..." Mabilis itong nagtaas ng tingin dahil sa sinabi niya. "Sorry... kalat na kalat na kasi ang balita pati sa hacienda iyon ang pinag-uusapan ng mga trabahador. Kumusta si Gina ngayon?"
May nabakas siyang lungkot sa mga mata ng dalaga. Bumuga ito nang malalim at tumingin sa malayo.
"Nagdesisyon ang kapatid ko sa gusto niyang gawin sa buhay at kahit na tutol ako sir, wala naman na akong magagawa. Buhay na niya iyon kaya papanindidan niya."
"You mean... hahayaan mo na lang ang kapatid mo? I'm sorry... hindi sa nakikialam ako pero... hindi dapat ninyo siya hayaan na mapariwara."
Muli itong bumuga ng hangin. "Kahit na tumutol ako sir... hindi niya ako pinapakinggan. Desisyon niya iyon kaya kung magkamali man siya dapat siyang matuto sa pagkakamaling iyon. Pinalaki kami ng mga magulang namin na manindigan sir. Kung ano ang mga nagiging desisyon namin kailangan naming mapanindigan."
Kunsabagay tama ito. Ganoon din naman ang kaniyang paninindigan sa buhay. Maaga siyang naging independent kahit pa mayaman sila. Pinatunayan niya sa kaniyang mga magulang na kaya niyang mamuhay mag-isa. At dahil doon mas minahal niya ang kaniyang sarili. At hindi niya kailangan ang pagmamahal ng ibang tao.
Bumaling si Jeni sa kaniya dahil sa pagiging tahimik niya.
"Pasensiya ka na sir."
"No... wala kang dapat na ihingi ng pasensiya Jeni. Ako ang dapat na humingi ng pasensiya dahil nag-invade ako ng private life mo. Anyway, ubusin mo ang pagkain mo at ihahatid na kita sa boarding house ninyo ni Rita."
"Ngunit sir... ahm wala roon si... Ri-Rita."
Alam niyang pinagtatakpan lang ni Jeni ang kaibigan nito.
"Huwag kang mag-alala hindi naman ako si Cold... hindi ako kasing sungit niya para matakot ka." Ngumiti siya rito kahit na ang totoo ay naiinis siya sa isang kunsintidor na kaibigan na katulad ni Jeni.