CONTRACT #3

2037 Words
NAKAUWI na rin kami ulit ni Mark sa bahay. Ala-una na ng tanghali nang makauwi kaming dalawa. Kumain na kami sa labas at ni-libre ko siya. Inikot ko lang naman siya sa soon to school niya. Namangha nga siya sa mga nakikita niya, kaya lalo siyang naging excited at sinabing pagbubutihin niya ang pagre-review para sure na makapasok siya sa Carter's University. Kaya nag-cheer na lamang ako sa kanya. Pagkauwi pala namin ni Mark ay nakita ko ang lababo namin na maraming hugasin. Napailing na lamang ako kasi hindi na naman naghugas ang Alyssa na iyon, kahit kailan talaga ang mahaderang Alyssa na iyon akala ko may katulong dito sa bahay. Wala naman na kong choice kung ʼdi gawin ito dahil wala sa bahay ngayon ang Alyssa na iyon. Hindi ko na naman alam kung saan nagsuot ang babaeng iyon. Minsan kasi ay nakatambay siya sa computer shop sa may kanto, minsan nasa basketball court, o, minsan nakatambay roon sa kaibigan niyang katulad niya — sa kanto rin nakatira ang isang iyon. Kaya kaysa hanapin siya ay hugasan ko na lamang ito, mapapagod lamang ako at hindi rin susunod ang isang iyon, kaya bakit ako mag-a-aksaya ng oras sa kanya. Nang matapos kong hugasan ang pinagkainan niya ay nagpasya na akong pumasok sa k'warto ko. Nagpalit lamang ako ng damit at saka natulog na rin. Magpapahinga na muna ako dahil bukas ay back to reality na ako, need ko na naman pumasok sa restaurant na pinagta-trabauhan ko. Hindi ako pwedeng ma-late, o, umabsent dahil aalis na rin ako roon. Bandang alas-siyete nang magising ako, napapahikab pa ako nang lumabas ako sa aking k'warto. Nakita ko sina Mark and Alyssa na nakatingin sa akin. “Kanina pa kita kinakatok, hindi mo ba narinig? Wala pa tayong sinaing kanina at ngayon ay wala pa tayong ulam!” malakas na sabi ni Alyssa sa akin. Napailing ako sa kanya. “Kung walang sinaing, sana ikaw ang nagsaing, Alyssa! Anong silbi mo? Puro kain lang?” pagtataray na sabi ko sa kanya. “Um, ate Anna, nakapagsaing na po ako. Pero, about sa ulam po, hindi ko po alam kung ano pong lulutuin. Galunggong lamang po ang nasa ref and tumatalsik po iyon kaya hindi ko po niluto,” sabat ni Mark sa amin. Tumango ako sa kanya. “Bibili na lamang ako ng lutong ulam sa labas, Mark. Samahan mo ko para makakain na rin tayo,” sabi ko sa kanya at tinignan si Alyssa. “Iyang ate mo kasi ay napakapabigat dito sa bahay. Panigurado kung wala tayo gugutomin ito hanggang mamatay na lamang siya,” dagdag na sabi ko at nakita ko ang pag-ikot ng mata ni Alyssa sa akin. Wala akong pake sa mata niya, dukutin ko iyon. Lumabas na kami ni Mark at hinayaan ang kapatid niya roon sa loob sa bahay. Lumakad kami sa may kanto dahil doon lamang may mga tindang ulam. “Mark, si tiya Rosing hindi pa ba nakakabalik?” tanong ko sa kanya. Tumango siya sa akin. “Sabi po ni Mama sa text kanina ay mamaya pa raw po siya makakauwi,” sagot niya sa akin. Tumango ako sa kanya. “Gano'n ba?” Iyon na lamang ang nasabi ko sa kanya. Kanina pang umaga wala si tiya Rosing tapos hindi naman niya sinabi sa amin kung saan siya pupunta. Basta may raket daw sila. Sana naman walang mangyaring masama sa kanila, ano? Alas-siyete na kaya ng gabi, ʼdi ba? Hindi ko nga alam kung anong oras siya umalis kaninang umaga, basta pagkagising ko wala na siya. “Ate, isang dinuguan nga po at isa po rito sa laing, pakisamahan na rin po ng sabaw! Salamat po!” sabi ko sa isang staff ng karinderya rito. Nakita ko ang pagkuha niya roon sa mga tinuro kong pagkain. Nagugutom na rin ako, nararamdaman ko na rin ang pagkulo ng aking tiyan. “Kath, 85 pesos lahat ng ito! Libre iyong sabaw!” sigaw nu'ng staff sa babaeng maganda na nasa kaha ngayon. Alam ko Kathleen ang pangalan nito at sa kabilang barangay siya nakatira. Nakilala ko lang dahil tropa ko iyong may-ari ng karinderya na ito, si Jerome. Madaldal ang isang iyon. Kinuha ko na ang binili kong pagkain. “Salamat po,” saad ko sa kanya at lumakad na kami pabalik sa bahay namin. Binilisan ko na nga ang paglalakad namin dahil gutom na ako. Nang makarating na kami ay nilapag ko ang binili naming ulam sa lamesa, pero si Alyssa ay hindi man lang nagkusa na ilagay sa mga mangkok ang mga pinamili namin. Pambihira na mahadera na ito! Sarap sungalngalin ang gaga! Napailing na lamang ako at ako na rin ang naglagay sa mga mangkok, si Mark kasi ay nagsasandok ng kanin. Senyorita talaga ang isang ito. “Mark, ba—so nga...” naiwan sa ere ang aking sasabihin nang makita ko si Alyssa na nagsasandok na ng pagkain. Napailing na lamang talaga ako sa kanya. Kapag siya hindi naghugas, makakatikim talaga siya sa akin. Kumain na rin kami ni Mark at baka ubusan pa kami ng ulam nitong si Alyssa. Nang makakain ay bigla na lamang umalis ang gaga sa table at dire-diretso pumasok sa k'warto niya. “Alam mo niyang ate mo, Mark, sobrang tamad. Boba na nga, tamad pa! Anong magiging pakinabang niya sa mundong ibabaw, puro ganda?” sabi ko kay Mark at napailing. Napakamot na lamang si Mark sa sinabi ko. “Gano'n na po talaga si ate Alyssa, ate Anna, kaya maging si Mama ay hinahayaan na lamang siya,” sagot niya sa akin. “Ako na lamang po maghuhugas dito, ate Anna. Alam ko pong may work ka pa po ba bukas,” dagdag niyang sabi sa akin at tumango ako sa kanya. May pasok pa nga ako. Kaya ako na lamang ang nagpunas sa table at pumasok na rin ako sa k'warto ko. Inaantok na rin ako pero biglang nawala ang antok ko nang mahiga ako sa kama. Kaya ginawa ko ay nag-facetagram muna ako. Ilang oras din ang lumipas nang lumabas ako sa k'warto ko, katatapos ko lamang mag-scroll down and up sa aking facetagram account, katatapos ko lang din manood ng mga reels nila. Kaya kailangan ko naman uminom ng tubig at matutulog na ako dahil bukas ay may pasok pa ako. Pagkalabas ko ay nakita ko si tiya Rosing na kapapasok lamang sa loob ng bahay niya. Napatingin ako sa orasan nang makitang alas-diyes na ng gabi nang makauwi si tiya Rosing. Saan siya galing? “Anna?” gulat niyang tawag sa aking pangalan. “G-gising ka pa?” nauutal niyang tanong sa akin. Tumango ako sa kanya. “Ah, opo, tiya Rosing. Pero, matutulog na rin po ako. Iihi at iinom lang po ako ng tubig kaya lumabas ako,” sabi ko sa kanya. Tinignan ko ang itsura ni tiya Rosing, wala naman dumi roon pero ang pinagtataka ko lang, bakit may dala siyang bodybag? May dala ba siya kaninang umaga na ganyan? Wala naman akong matandaan na may ganyan kaming klaseng bag? Kanino kaya iyon? “Gano'n ba? Oh siya, matutulog na ako, ha? Ikaw na bahala mag-off ng ilaw rito. Inaantok na rin ako,” natataranta pa rin ang boses niya. “P-pero, t-tiya Rosing, s-saan po kayo galing? Kanina pa po kayong umaga wala, ʼdi ba po?” tanong ko sa kanya. Tinignan lamang niya ako at pumasok na ulit sa k'warto niya. Hindi niya ako sinagot. Ano kayang nangyayari sa kanya? Kinabukasan, nakarinig ako nang sunod-sunod na katok sa pinto ko. Mabuti na lamang ay hindi ako bad mood ngayong araw. Bumangon ako at lumakad palapit sa pinto ko, pustahan si Alyssa na naman it—o. “Tiya Rosing?” Si tiya pala ang kumakatok sa pinto ko. Napakamot tuloy ako sa aking buhok. “Ano pong kailangan niyo, tiya Rosing?” tanong ko sa kanya. “Inaantok ka pa ba, Anna? M-may ipapasuyo sana ako sa iyo...” natatarantang sabi niya sa akin. Napakunot ang aking noo nang dahil doon. “Ang alin po, tiya Rosing? Maaga naman po ako natulog kahapon kaya hindi ako inaantok,” sagot ko sa kanya. “Baka naman pwede mong hintayin iyong lalaking kukuha nitong bag? Magkikita kasi kami sa isang fast-food restaurant malapit sa Maravilla University, ʼdi ba, nadadaanan mo iyon kapag papunta ka sa work mo, Anna?” tanong niya sa akin, na siyang pagtango ko. “Ibigay mo naman ito roon sa lalaking lalapit sa iyo, siya ang lalapit sa iyo at nakasuot siya ng formal attire. Kapag nakita mo na siya ay ibigay mo na ito at umalis ka na. Hindi kasi ako pwede ngayon dahil sinumpong ako ng rayuma ko. Hindi ko rin mautusan si Alyssa. Pwede ba, Anna?” sabi niya sa akin. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Tumango ako sa kanya. “Okay po, tiya Rosing. Ngayon na po ba?” tanong ko sa kanya. Sunod-sunod ang pagtango niya sa akin. Kaya wala akong nagawa kung ʼdi lumabas sa k'warto at maligo na. Ala-nuwebe na rin ng umaga. Naging mabilis ang aking pagligo at nagsuot na rin ako ng uniform ko. Diretso na kasi akong pasok sa trabaho ko. “Tiya Rosing, susundin ko po ang sinabi niyo, ha? Lalaking naka-formal wear ang lalapit sa akin at ibigay ko po ito agad sa kanya, then alis na po agad ako? Gano'n po ba?” paniniguradong sabi ko sa kanya. Tumango siya sa akin. “Oo, Anna. Gano'n ang gawin mo. Kapag nagtanong siya ay huwag mong kakausapin,” saad pa niya sa akin. “Okay po,” sagot ko at binitbit na ang bag na ito. Hindi naman mabigat ang bag na ito kaya hinayaan ko na lamang. Ano kaya laman nito, ano? Gusto kong buksan pero may tali sa kanyang zipper kaya no choice akong huwag buksan talaga ako. Baka sabihin pa ng pagbibigyan ko nito ay kumuha ako ng laman nito. Kaya huwag na lamang. Naka-upo at nakatunghod na ako rito sa may gutter ng kalsada habang hinihintay ang sinasabi ni Tiya Rosing, may lalapit daw na na naka-formal suit na lalaki sa akin at ibigay ko raw itong bag sa kanya. Hindi ko nga alam kung anong laman nito. “Hay!” napahikab ako at tumingin sa relos na suot ko. Kalahating oras na akong naghihintay, darating pa ba iyong tinutukoy si Tiya Rosing? Gusto ko tuloy pumasok sa fast-food na ito para magpalamig, sobrang init na kasi. Alas-onse na tanghali na kaya, sobrang init na'ng sinag ng araw. Masakit na sa balat. Maghihintay pa ako ng limang minuto kapag hindi pa rin siya dumating, aalis na ako. Pinagtitinginan na ako ng mga tao rito baka akalain nila namamalimos ako. May pasok pa rin ako. Baka ma-late ako, kapag na-late ako ay sisisihin ko siya. Pagkatapos ng ilang minuto kong paghihintay ay tumango na ako. Thirty minutes na akong naghihintay, from fiver minutes lang dapat ay naging trenta minuto na. “Hindi na siguro darating iyon!” Napatayo ako at inunat ang aking binti, nangawit na kakahintay sa lalaking iyon. Aalis na sana ako at ibabalik na itong bag kay Tiya Rosing nang may lumapit sa aking gwapong lalaki. Siya ba iyong kukuha ng bag? Ang gwapo niya para siyang anghel na hinulog sa langit dahil hindi na kaya ang kanyang ka-gwapuhang taglay. Napabalik ako sa aking wisyo, “kayo po ba ang tinutukoy ni Tiya Rosing? Heto po niyong bag na pinapasabi niya!” Binigay ko sa kanya ang bag at saka ako umalis. Iyon kasi ang bilin ni Tiya Rosing, e. “Wa-wait, Miss!” sigaw niya sa akin. “Wala po akong kinuha d'yan, Mister! Basta po nasa inyo na iyan, ha?!” malakas na sabi ko sa kanya pabalik at pumara na ako ng jeep papunta sa trabaho ko. Hindi ko na siya pwedeng kausapin dahil may pasok pa ako. Panigurado namang siya iyong lalaking hinihintay ko kanina pa, siya lamang ang lalapit sa akin at naka-formal attire rin ang suot niya, so, sure akong siya iyon. Siya ang tinutukoy ni tiya Rosing sa akin. Lahat ng clue na binigay ni tiya Rosing ay nasa kanya. Kaya hindi ako magkakamali man lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD