NAKASAKAY na agad ako ng jeep papunta sa pinagpa-part time job ko sa may Mall, isang restaurant iyon at isa akong waitress doon.
Akala ko talaga ay hindi pa siya darating dahil kung nahuli siya ng ilang minuto pa ay aalis na ako at ibabalik na lamang kay tiya Rosing ang bag na binigay niya sa akin kanina. Pero, mabuti na lamang ay dumating na rin siya bago ako mawalan ng pag-asa.
“Kuya, bayad po! Sa Mall lang po iyang kinse pesos!” malakas na sabi ko at inemphasize ang kinse pesos na inabot ko sa kapwa ko pasahero.
Nagbayad na ako at baka makalimutan mo pa. Minsan nakakalimutan kong magbayad to the point na nagiging 123 na ako. Kung minsan naman ay pababa na ko nagbabayad kaya hindi ko nakukuha ang sukli kong three pesos.
“Saan itong kinse?” Napangiwi ako nang magtanong ang driver at tinaas pa ang tatlong limang piso.
Hindi ba niya ako narinig?
“Sa Mall po, kuya! Kasasakay lang din po!” malakas na sabi ko sa kanya pabalik.
Nakita ko ang pagtango niya kaya hinayaan ko na lamang iyon. Maya-maya lamang din ay nakarinig na ako ng boses niya muli.
“Sukli sa kinse!” sigaw ni kuya driver kaya napasilip ulit ako.
“Paabot na lamang po!” malakas na sabi ko rin at hinihintay ang sukli ko.
Mahirap na at baka kung saan pa mapunta. Sayang din ang three pesos. Sa hirap ng buhay ngayon, mahalaga pa rin ang piso!
“Salamat po!” nakangiting sabi ko sa huling nag-abot sa akin.
Sumandal na rin ako at hinihintay ko na lamang na makarating sa may Mall. Hindi ako sa mismong tapat ng Mall bababa, sa may gilid lang kaya maglalakad pa ako ng limang minuto.
Nangunot ang noo ko nang makita at maramdaman na hindi gumagalaw ang jeep na sinasakyan ko.
Napatingin ako sa bintana at nakita kong traffic. Pusanggala! Bakit ngayon pa nag-traffic kung kailan naghahabol ako sa oras.
Nakakagat ko na ang aking ibabang labi at hindi lamang iyon dahil hindi na ako mapakali sa aking kinauupuan ngayon. Alas-tres ng hapon ang shift ko pero sa relos na suot ko ay nasa 2:30PM naʼng hapon. May kalayuan pa ang Mall na bababaan ko kaya hindi ako pʼwedeng bumaba at lakarin iyon.
Lalo akong nataranta nang makitang fifteen minutes na lamang ay 3PM na, kaya no choice na ako kung ʼdi bumaba sa jeep kahit wala pa sa fly over ang jeep na sinasakyan ko. Iyon kasi ang palatandaan ko na malapit na ako sa Mall.
Pagkababa ko sa jeep ay kita ko ang traffic na dinudulot nuʼn ngayon. Kaya huminga akong malalim at mabilis na lumakad papunta sa Mall. Habang naglalakad ako ay may tumawag pa sa pangalan ko.
“Hoy, Anna!” malakas na sabi niya sa pangalan ko.
Hindi ko sana papansinin iyong tumatawag pero patuloy pa rin itong sinisigaw ang pangalan ko. Kaya napahinto na ako at lumingon sa aking likod, doon ay nakita ko si Red.
“Ikaw lang pala, Red!” bulyaw na sabi ko sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad ko. “Akala ko kung sino na! Kung makasigaw sa pangalan ko wagas!” dagdag na sabi ko habang mabilis na humahakbang papunta sa Mall.
Narinig ko ang pagtawa niya kaya nangunot ang noo ko sa kanya. “Pasensya na! Hindi ko lang maisip na late ka ngayong araw! Bakit? Inutusan ka na naman ba ng pinsan mo?” tanong niya sa akin habang mabilis ang aming paglalakad.
Tinignan ko siya at tumawid na kami sa kabilang side ng kalsada. Doon kasi sa right side ang Mall. “Hindi, noh! May dinaanan lang ako kaya na-late ako ngayon! Inutusan kasi ako ni tiya Rosing na may hintayin sa fast-food restaurant doon sa may kanto! Ang tagal dumating kaya heto late ako!” sabi ko sa kanya. “Pero, bakit ikaw late ka rin? First time mo rin ma-late, ʼdi ba?” tanong ko sa kanya.
Napangiti ako nang makita ko na ang Mall. Malapit na kami. Ilang minuto na lang ba bago ang 3PM? Hindi ko na kasi matignan ang relos ko dahil kakabahan lang ulit ako kapag malaman kong ilang minuto na lamang ang natitira sa amin bago ang shift namin.
“Late nagising,” natatawang sabi niya sa akin kaya napangiwi ako sa kanya.
Napailing na lamang ako sa kanya. “Online games?” tanong ko sa kanya.
Hindi niya ako sinagot sa tanong ko. Tumawa na lamang siya sa sinabi ko. Alam ko na ang ibig sabihin nuʼn. Tama ang sinabi ko.
Nakapasok na kami sa loob ng Mall kaya kami ni Red ay tumakbo na kami dahil napadaan kami sa isang store na may orasan, nakita naming malapit ng tumapat ang mahabang kamay ng orasan sa 12.
Kaya nataranta kaming dalawa ni Red.
Nararamdaman ko na ang hingal pero pinipilit ko pa ring tumakbo, hanggang makita ko na ang restaurant na pinagpa-part time job ko. Pumasok kami roon at dumiretso kami sa biometrics.
“Wooh!” napabuga ako ng hangin nang umabot ako sa biometrics ngayong araw.
Pagkatapos kong ibigay sa lalaki ang bag na iyon ay dumiretso na ako papunta rito sa restaurant. Ang aga kong pumasok pero muntik pa akong ma-late dahil na rin sobrang traffic ngayong araw.
“Wooh! Muntik ka ng ma-late today, Anna!” natatawang sabi ni Gegeng sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin habang nagpapalit ako ng aming uniform.
“Woooh! Sorry naman na, Anna! Pero, bakit ka nga late ngayon? Nagulat kaming lahat na wala ka pa rito!” dagdag na sabi ni Gegeng sa akin.
“May dinaanan pa kasi ako! Then, ang tagal sumipot ng hinihintay ko!” sabi ko sa kanila at nakapagpalit na rin agad ng uniform namin.
“Kaya naman pala!” Tumango ako sa sinabi ni Gegeng.
“At least, nakaabot kayo ni Red sa oras! By the way, paano kayo nagkasabay ni Red, huh?” tanong ni Alena sa akin.
Napatingin ako sa kanya. “Nakita ko lang siya ng bumaba ako sa jeep. May tumatawag sa name ko, siya lang pala! Kung makasigaw sa pangalan ko parang wala ng bukas! Hindi ko sana papansinin, e!” sabi ko sa kanya.
Bumalik na naman ang gigil ko kay Red kanina. Paano naman kasi lahat ng mga kasabayan namin na naglalakad ay kilala na ang name ko!
Napalingon ako sa aking likod at sinamaan ng tingin si Red. Nakita ko ang pagngiti niya sa akin. Tinarayan ko na lamang siya at hindi na siya pinansin pa.
Lumabas na kami sa restaurant at ang mga morning shift ay bumalik na sa locker room namin.
Need na natin mag-trabaho ngayong araw!
Hindi na naman kami magkadaugaga sa pag-asikaso ng mga customers namin. Dumadagsa talaga ang mga customers namin kapag pa-dinner na, hindi lamang iyon dahil mostly ang customer namin ay foreigners.
“Anna, table number four!” sabi sa akin ni Yannie at tumango ako sa kanya.
Ngumiti ako sa couple na nasa table number four at nilapag ang order nilang steak and salmon. Tinanong ko sila kung kanino ang steak and salmon. Nilapag ko rin ang side dish nilang vegetable and fruits salad.
“Enjoy your food!” nakangiting sabi ko sa kanila at lumakad na palayo roon sa kanilang table.
Nakakaramdam na ako ng pagod pero pinipilit ko pa ring ngumiti nang malaki sa mga customers namin. Hanggang closing na namin.
“Finally, weʼre done for this day!” malakas na sabi ni Gegeng sa aming lahat.
Nakakapagod!
Tumango ako sa sinabi ni Gegeng pero hindi pa kami tapos ngayon dahil maglilinis naman kami. Heto ang ayaw ko sa night shift ang maglilinis. Kami ni Gegeng ay nagpupunas ng mga table at mga boys ay nagma-mop naman.
Inabot kami ng 11:30PM nang matapos kaming lahat. Kahit pagod na ang katawan ko ay kailangan ko pa ring bumayahe pauwi sa bahay namin. Kaya sabay-sabay ulit kaming dalawa sumakay ng jeep pauwi sa amin. Si Red naman ay sinamahan ulit ako hanggang sa may eskinita namin.
Mabuti na lamang ay mabait itong si Red kaya hindi ako kinakabahan na umuwi ng ganitong oras.
Pagkapasok ko sa bahay ni tiya Rosing ay nakita ko siyang nakaupo sa may mono blocks naming upuan, nagkakape. Kaya nagulat ako nang makita siyang gising pa.
Ganitong oras kasi ay dapat tulog na siya, e.
“Magandang gabi po, tiya Rosing!” bati ko sa kanya nang makita ko siya.
Napataas ang tingin niya sa akin at nakita ko ang gulat sa mga mata niya. “Anna!” Napalakas ang tawag niya sa pangalan ko.
“Naibigay mo ba iyong bag na pinadala ko sa iyo kanina?” bungad niyang tanong sa akin.
Tumangong ngumiti ako sa kanya. “Opo, tiya Rosing. Late nga pong dumating pero naibigay ko naman po sa kanya iyong bag. Katulad po ng sinabi niyo sa akin ay hindi ko po kinausap niyong lalaki, basta ko na lang po binigay and umalis na rin agad,” sabi ko sa kanya.
Narinig ko ang paghinga niya nang maluwag dahil sa sinabi kong iyon.
“Mabuti naman kung ganoʼn, Anna! Matutulog na ako, ha? Ikaw na lamang maghugas nitong kapehan ko. Hinintay lamang talaga kita. At, iyong ulam mo ay nasa ibabaw ng kanina, Anna!” sabi ni tiya Rosing sa akin at tumango ako sa kanya.
“Sige po, tiya Rosing! Ako na po bahala rito!” nakangiting sabi ko sa kanya.
Tinignan ko si tiya Rosing na pumasok sa room niya. Ako naman ay pumasok na rin sa kʼwarto ko at nagbihis ako ng pantulog. Lumabas na rin ako at kumain na rin ako. Nakita ko ang pritong galunggong na nasa ibabaw nga ng kanin.
Kinuha ko iyon at nagsandok na rin ako. Kumain na rin ako dahil nakakaramdam na ako ng pagka-antok ngayon. Nang matapos akong kumain ay hinugasan ko na rin ang pinagkainan ko at maging ang kapehan ni tiya Rosing.
Nang makapaghugas ako, naghilamos naman ako ng aking mukha at saka natulog na rin.
Inaantok na talaga ako. Hindi ko na talaga kayang idilat ang mga mata ko ngayon.