CONTRACT #2

2342 Words
NAKARATING ako sa part-time job ko. Bandang alas-tres pa ng hapon ang aking shift pero inaagahan ko ang pasok, madalas kasi traffic sa dinadaanan ko. Mas okay nang maagang pumasok kaysa naman ma-late, kaltas iyon sa sahod ko. Nangangailangan pa naman ako ng pera dahil graduating ngayon next semester. Hindi naman ako pwede makahingi ng pera kay tiya Rosing, marami siyang pinanggagastusan kaya nga todo raket ang isang iyon. Isama mo pa na maluho ang anak niyang si Alyssa — grabe makaluho akala mo sobrang talino at mayaman kami. Mabuti na lamang sobrang bait ni tiya Rosing, kung ʼdi ilang beses na nasampal ni tiya Rosing si Alyssa. “Ang aga mo today, Anna!” Napataas ang tingin ko nang may magsalita at nakita ko si Gegeng na palapit sa akin — isa rin siyang waitress sa pinagta-trabahuan ko rito. “Gago! Always naman ako maaga pumapasok! Mas okay nang maaga kaysa late, ʼno? Sayang kwarta dahil kaltas sa pagiging late!” sigaw ko sa kanya. “Ikaw ang maaga ngayon? Anong nakain mo, ha? Bakit ang aga mo today?” tanong ko sa kanya. Lumakad siya palapit sa kanyang locker. Pinagmasdan ko lamang siyang nilagay ang kanyang gamit sa loob nu'n. “Gaga, sinabon ako ni Manager nu'ng isang araw, kaya inagahan ko ngayon. Baka sa susunod kasi ay ma-award na ako sa kanya. Alam mo na, baka ma-elbow ako!” natatawa niyang sabi sa akin. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Nag-uumpisa na siyang mag-ayos ng kanyang sarili. “Ikaw ba iyong na pagalitan nu'ng isang araw?” tanong ko sa kanya at sunod-sunod na tumango siya sa akin. “Oo, gaga ako iyon!” natatawa pa rin niyang sabi sa akin. “Award ka nga! Ang lakas ng boses ni Manager nu'n, rinig ang sermon niya rito sa locker room natin. Ilang beses ka na ba ang na-late, ha?” sabi ko sa kanya. Napatingin siya sa akin at ngumisi. “Everyday,” simpleng sabi niya sa akin. Napanganga ako sa kanyang sinabi at napailing. “Ma-a-award ka nga!” ani ko sa kanya at tumango siya sa akin. “Kaya magbabagong buhay na muna ako. Pasamantala lamang, pauupahin ko muna ang init ng ulo niya sa akin,” mahinang sabi niya sa akin, nang siyang pag-iling ko. “Good afternoon, Anna... Gegeng! Isang himala at naunahan mo kong pumasok ngayon, ha?” gulat na sabi ni Alena kay Gegeng. “Need ba namin mag-nobena? Isang hinala at maaga kang pumasok!” dagdag na sabi ni Alena at tinapik pa ang balikat ni Gegeng. “Mga gaga kayo! Ilang araw lang itong pagiging maaga ko, kaya matuwa kayo!” sigaw Gegeng kay Alena. Narinig na lamang namin ang pagtawa ni Alena. “Sure, sure, Gegeng! Oh, by the way, Anna, day off mo bukas, ʼdi ba?” Sa akin na nakatingin si Alena at tinanong niya iyon sa akin. Tumango ako sa kanya. “Um, oo, day off ko bukas,” nakangiting sabi ko sa kanya. “Wow, sana all day off bukas!” sarcastic na pahayag ni Gegeng. Napailing na lamang ako sa kanya. “Kaka-day off mo nu'ng Monday, ʼdi ba? So, bakit sana all?” nakataas ang sulok ng labi ko nang sabihin ko iyon. “Wala lang, gusto kong magpahinga bukas, e!” natatawa niyang sabi, kaya napailing na lamang kami ni Alena sa kanya. Habang dumadagdag ang minuto sa orasan ay dumating na rin ang mga kasabayan namin sa night shift, sina Ian, Winnie, Yannie and Red. Kami ang mga pang-night shift na waitress and waiter sa restaurant na ito. Naghintay lamang kami na dumating ang mahabang kamay ng orasan sa number 12 at ang maliit naman ay sa three, shift na namin. Lumabas na kaming lahat sa aming locker room at nag-biometrics na, nasa tapat lang naman iyon ng locker room kaya walang seconds na mauubos. “Okay, shift na natin!” sigaw ni Red na siyang pagtango naming lahat. Nakaantok ang night shift na 3PM hanggang 11PM kaya nila labanan namin iyon at hindi lamang iyon dahil kami ang closing kaya tinutulungan din namin ang mga janitor and janitress na maglinis, kaya inaabot ako ng madaling araw sa pag-uwi. Ang maganda lang doon ay konti na lamang ang customer sa night shift compare sa morning shift, lalo na sa tanghali, dagsa ang mga tao para kumain. Nag-umpisa na ang aming shift, medyo may karamihan ang aming customer dahil na rin hapon at paniguradong mamayang gabi ay dadami pa iyan dahil dinner naman ang pupuntahan nila sa amin. Hindi nga ako nagkamali dahil pagkarating ng alas-sais ay dumami ang pasok ng mga customer namin. Sobrang dami, as in! Ni-hindi na nga kami magkadaugaga sa kaka-serve sa mga customer namin. Kuha ng tray at bigay sa mga table na pagmamay-ari ng order na iyon. Gano'n kami ka-busy ngayong gabi, pero binalewala namin iyon dahil mamaya lamang ay huhupa na iyon. Tutunganga na naman kami mamaya, mas nakakapagod iyon dahil walang magawa. “Good morning, guys! Paano ba iyan, mauuna na akong umuwi sa inyo! Iba ang way ko!” malalas na sabi ni Gegeng sa amin at tumango kami sa kanya. Natapos na rin ang shift namin ngayong araw, actually day-off ko na dahil alas-dose ʼy dyis naʼng umaga. Meaning day-off ko na talaga. “Tara na, Anna, sabay na tayo at hatid kita sa may kanto niyo!” sigaw sa akin ni Red na siyang pagtango ko sa kanya. Sobrang drain ako ngayon, siguro dahil day-off ko today kaya ganito ang nararamdaman ko. Need ko talaga magpahinga today. Nag-abang na kaming anim ng jeep papunta sa aming lugar. Magka-barangay sina Alena, Winnie, Yannie and Ian. Kami naman ni Red ang magka-barangay na dalawa, iyon nga lang mas mauuna ako ng isang kanto kaysa sa kanya. Nang makasakay kami ng jeep papunta sa lugar namin ay roon lamang ako nakahinga nang maluwag, makakauwi na rin ako. Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana at para akong nagsho-shoot ng music video ngayon dahil feel na feel ko ang hangin na tumatama sa aking mukha at maging ang paglipad ng aking buhok. Oh, sino ka d'yan? Heto maganda kapag night shift kasi walang traffic na madadaanan. Iyon nga lang ang mga ibang driver ay mabilis magpatakbo, katulad lamang nitong sinakyan naming jeep, akala mo sports car sa tulin ng pagpapa-andar niya ngayon. Mukhang may lakad si kuya driver. Wala pang kalahating oras nang makarating kami ni Red sa amin. Sobrang dali lang ng byahe namin pero kapag papunta sa trabaho ay inaabot ako ng isaʼt kalahating oras dahil sa usad-pagong na traffic. Pinara namin ang jeep at saka kami bumaba ni Red. “See you mamaya, guys, except kay Anna! Day-off niya bukas,” saad ni Ian sa akin. Dinilaan ko na lamang siya. “Mainggit ka,” sigaw ko sa kanya, bago umandar ang jeep. Nang makaalis ang jeep sa harap namin ay lumakad na ulit kami ni Red. Sobrang tahimik ng paligid namin, isama mo pa na medyo may kadiliman ang dinadaanan namin, mabuti na lamang ay may mga tambay na nakatambay sa mga tindahan na until now ay nakabukas pa rin. “Thank you sa paghatid sa akin, Red! Akala ko ba ay hanggang kanto lang, ha?” pang-aasar ko sa kanya. Paano ba naman kasi ay nasa tapat na kami ng eskinita namin mismo. Kaya inaasar ko siya ngayon. “Naawa ako sa iyo, babae ka pa man din kaya ihatid na kita hanggang sa eskinita niyo!” sabi niya sa akin, ayaw niyang magpatalo. Ngumiti na lamang ako sa kanya. “Thanks, see you tomorrow!” sabi ko sa kanya at kumaway na. Lumakad na ako papasok sa eskinita namin. Kinuha ko pa ang phone ko para mag-flashlight, sobrang dilim dito at walang kailaw-ilaw. Baka kasi maka-jackpot pa ako sa dumi ng aso. Pinatay ko na rin ang flashlight ng aking cellphone nang nasa tapat na ako ng bahay ni tiya Rosing. Hindi na ako kumakatok doon dahil may duplicate key ako ng pinto namin. Nang makapasok ay sobrang dilim, hindi ko inabala ang sarili ko na buksan ang ilaw. Kabisado ko na ang placement ng gamit dito kaya hindi na ako mababangga. Lumakad lamang ako nang lumakad ako hanggang makapa ko ang dingding ng k'warto ko. Actually, share talaga kami ni Mark sa iisang room at si Alyssa ay may solong k'warto talaga, kaya nga lumiit ang sala na mayro'n kami, doon siya kumuha ng space. ʼTas ang k'warto namin ni Mark ay pinahati ko, hindi na kasi maganda ang nasa iisang room kaming dalawa lalo na need na niya ang personal space na hinahanap niya. Kaya kahit nag-iipon ako ay pinahati ko ang room naming dalawa, pinalagyan ko ng dingding sa pagitan namin. Kaya dinig na dinig ang isa't-isa ni Mark. Nakapasok na ako sa k'warto ko, binuksan ko ang maliit na lampshade na nahuli ko sa online shop, iyon ang ginagamit kong ilaw rito dahil mas tipid iyon at de-battery lamang para gumana, may tig-twenty pesos kayang battery lamang. Nagpalit na lamang ako ng damit at saka humiga na sa kama. Inaantok na talaga ako, hindi na kaya ng powers ko ang maghilamos pa. Pagkahiga ko pa lamang ay agad na akong nilamon ng kadiliman. Nagising na lamang ako dahil sa isang katok na naman. Napadilat ang aking mata at tinignan ang pinto ng aking k'warto. Iniisip ko na baka si Alyssa naman ang nambubulabog sa akin ngayon, siya naman talaga palagi. “Ate Anna, gising na po ba kayo?” Narinig kong boses na galing sa labas sa k'warto ko. Nang marinig ko iyon ay napatayo ako, tinignan ko ang phone kong nasa tabi ko lamang at tinignan ang oras, alas-nuwebe ʼy trenta na. Oh, gaga ka talaga, Anna! May usapan pala kami ni Mark today! Dali-dali akong tumayo at pinagbuksan siya ng pinto. “Mark!” tawag ko sa kanyang pangalan. Nakita ko kasing paalis na siya. Napalingon siya sa akin. “Ate Anna, ngayon po ang punta natin sa Carter's University po, ʼdi ba po? Sasamahan niyo po akong mag-inquire?” sabi niya sa akin. Bumalik ulit siya palapit sa akin. “Ngayon na ba?” tanong ko sa kanya. Tumango siya sa akin nang paulit-ulit. “Opo, ate Anna!” sabi niya sa akin. Napabuga ako nang malalim dahil sa sinabi niya. “Okay, maliligo lang ako, ha?” sabi ko sa kanya. “Okay po, ate Anna! Pero, bago po tayo pumunta roon ay need po nating ibigay ito kay aling Marisol po,” sabi niya sa akin at tinaas ang perang hawak niya. Shocks! Muntik ko pang makalimutan ang bilin ni tiyang Rosing sa akin kahapon. Need pala namin dumaan sa bahay ng Dylan na iyon. Kapag nga naman minamalas ka! Tumango na lamang ako sa kanya at pumasok na sa k'warto ko. Kailangan ko nang maligo para makabalik na rin kami agad ni Mark at makabalik din ako sa pagkakatulog ko. Susulitin ko ang day-off ko, once a week na nga lang iyon, e. Nang makaligo at nakapagpalit na ako ng damit ay umalis na rin kami ni Mark. Hinayaan namin si Alyssa sa bahay, nanonood nga ang gaga sa television. Ay, bahala siya! Hindi ko alam kung nakinig siya sa aking sinabi kanina, na wala siyang ulam. Lumakad na muna kami papunta sa bahay ng babaerong Dylan na iyon. Pinagkakalat ng hayop na iyon na binusted niya ako. Baka ako nambusted sa kanya, mabuti na lamang ay hindi naniniwala ang mga barkada niya. “Aling Marisol, heto na po iyong bayad na utang ni tiya Rosing! Quits na raw po kayo!” sabi ko sa kanya at binigay ang pera sa kamay niya. Paano kasi si aling Marisol may kinukutuhan habang nakikipag-tsismisan sa kapwajg tsismosa! Hindi ko lang alam kung na-tsismis na ako ng isang ito, pero kebers ko sa kanya. “Sabihin mo si tiya Rosing mo, sa susunod ulit ay umutang siya. Iyong malaki-laki naman!” sigaw niya pabalik sa akin, tumango na lamang ako sa kanya. “Tara na, Mark! Alis na tayo, kailangan natin maagang umuwi para makapagpahinga pa ako,” sabi ko sa kanya at inakbayan siya. Nakarating kami sa tapat ng Carter's University. Mukhang maraming tao ang nag-i-inquire ngayon, ha? Sa Carter's University ay taon-taon ay marami silang scholar na kinukuha at isa ako sa kanilang scholar, hindi lamang basta-basta scholar iyon dahil libre ang tuition fee mo, maging ang books ay free and may allowance ka pa ever month, pero hindi kalakihan iyon nasa two thousands pesos lamang. Pero, ayos na ayos na iyon para sa aming mga scholar nila. “Mukhang marami ang gustong mag-aral din dito, ate Anna! Kinakabahan tuloy ako,” sabi ni Mark sa akin. Tinapik ang ulo niya nang mahina. “Sira, kaya mo iyon, Mark! Matalino ka, ano? Kaya yakang-yaka mo iyon,” pagpapanatag ko ng loob niya. Next year ay umpisa na ang entrance examination dito. Sasalain nila ang bawat mag-e-enrol lalo na sa mga gustong maging scholar nila. Sala kung sala iyon, gano'n ang ginawa sa amin. Mabuti na lamang ay nakapasok ang average ng exam ko sa kanila. Ngayon daw ay maiiba, after ng entrance examination para sa panghalatan, magkakaroon muli ng entrance examination para sa mga gustong mag-scholar. Ang tsismis sa akin ng mga lower year ay mas mahirap daw iyon. Oh, ʼdi ba, salang-salang sila this year. Hindi ko sasabihin kay Mark baka lalong kabahan, e. Patawid na sana kami nang may bumisina sa amin na kotse, tatlong beses iyon nang siyang pagkainis ko. Tinitigan ko ang kotse na iyo at saka pinakyuhan. Alam niyang green tapos bubusinahan niya ako? Color blind pa siya? Wala akong pake kung magbababa siya ng pasahero niya rito sa tapat ng Carter's University, dapat pumasok siya roon sa parking lot at doon niya binaba iyon. Ineye to eye ko iyong driver ng kotse na iyon para makita niyang hindi ako nagpapatinag sa kanya. Sana hindi masarap pagkain niya mamaya! Bwisit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD