CONTACT #6

2250 Words
NAGISING ako bandang alas-tres ng umaga. Hindi ko alam pero first time kong magising dahil sa panaginip ko kanina. May naghahanap daw sa amin at balak kaming patayin kaya sa sobrang takot ko ay nagising ako, dama ko nga ang pawis kong malamig. Ang isa pang inaalala ko ay hindi ko kilala ang mga taong naghahanap sa amin. Mga naka-maskara sila at ang mga kapit-bahay namin ay walang pake sa nangyayari sa bahay ni tiya Rosing. Parang wala silang naririnig sa panaginip ko dahil mga nakatingin lamang sila sa amin, kung paano kami paputukan sa aming katawan nang paulit-ulit hanggang mawalan kami ng hininga. Ang kinababahala ko ang mga panaginip ko ay minsan nagkakatotoo kaya kinabahan talaga ko nang mapanaginipan iyon. Kumatok ako sa dingding namin at nanalangin na hindi magkatotoo iyon. Ilang minuto akong nakalutang sa ere. Nakatingin sa kawalan dahil hindi pa rin umaalis sa isipan ko ang napanaginip ko kanina. 3:30AM naʼng mapatingin ako sa orasan ko na nandito. Humiga na muli ako sa kama at pinilit kong matulog, may pasok pa ako mamaya kaya kailangan ko ng makatulog ngayon. Kailangan ko na. Kaya nagbilang na lamang ako ng mga tupa hanggang hindi ko namalayang nakatulog na rin ako. Bandang alas-nuwebe ng umaga nang magising ako. Naririnig ko na naman agad ang bibig ni Alyssa na pumuputak-putak. Tulala akong napatingin sa dingding ng aking kʼwarto at iniisip kung bakit nag-iingay na naman si Alyssa? Kulang na kulang ako sa tulog ngayon dahil na rin sa nangyari kaninang madaling araw. Ramdam ko ang eyebags kong malaki ngayon kaya kailangan kong takpan iyon mamaya. Nangunot ang noo ko at nagsalubong ang aking magkabilang kilay ng marinig ko na naman ang sigaw ni Alyssa. Hindi ba siya naririndi sa boses niya? Ako kasi ay rinding-rindi na! “Mark, sabi ko naman sa iyo ay ingatan mo iyang dress ko! Susuotin ko pa iyan mamaya sa party ni Gretchen! Bwisit ka talaga!” Huminga akong malalim para hindi bulyawan si Alyssa. Si Mark pala ang sinisigawan niya ngayon. Minsan si tiya Rosing ay sinisigawan din ng isang iyon, mabuti na lamang ay mabait talaga si tiya Rosing kaya hindi siya nasampala ng Mama niya. Kung hindi mabait si tiya Rosing, nakatikim na si Alyssa nang mag-asawang sampal. Ginulo ko na lamang ang buhok ko nang marinig ko pa rin ang boses ni Alyssa na pumuputak-putak pa rin hanggang ngayon. Kaya bumangon na ako kahit alas-nuwebe pa lamang ng umaga. Pinusod ko ang aking buhok, kinuha ko ang aking brassiere at muling sinuot iyon bago ako lumabas sa kʼwarto ko. “Ano na naman ba ang ingay ʼyan?” malakas kong tanong nang lumabas ako sa kʼwarto ko. Nakita ko sina Alyssa and Mark na nasa harap ng lababo namin. Napalingon silang dalawa sa akin dahil sa sinabi ko. Nakita ko ang mga mata ni Alyssa na matalim na tumingin sa akin. “Hetong bobong kapatid ko hindi marunong maglaba! Anong susuotin ko mamayang gabi sa party ni Gretchen? Pinahiram lang din ni Gretchen sa akin ang black dress na ito! Pero, ngayon may mantsa na!” malakas na sabi ni Alyssa sa akin at dinuro-duro si Mark habang nakasandal ang kapatid niya sa lababo. “Bobo ka kasi! Sino ba kasing nagsabi na gumamit ka ng zonrox na para sa mga puting damit kung ganoʼng black dress ito, ha?” malakas niyang sabi sa kapatid niya. Nasaan ba si tiya Rosing? Hinahayaan niyang mag-away ang dalawang ito. Napabuga na lamang ako ng hangin at napatingin kay Alyssa. “Kung alam mo naman pa lang hindi marunong maglaba si Mark bakit pinalaba mo pa sa kanya, Alyssa? Alam mo namang sa academics matalino si Mark kaysa sa iyo na bobo na nga sa academics, wala pa silbi sa bahay,” saad ko at napangising tumingin sa kanya. Nakita ko ang gulat na tumingin siya sa aking mga mata, kita ko roon ang galit niya. “Anong sinasabi mo, ha?” malakas niyang sabi sa akin at susugurin na sana niya ako pero pinigilan ko siya. Hinawakan ko ang kanyang kanang braso at hinila ko iyon. “Talaga naman, ʼdi ba, Alyssa? Saan ka ba nag-e-excel, ha? Wala naman, ʼdi ba?” madiin na sabi ko sa kanya. “Kung nag-aalala ka pala sa dress na iyon dapat ikaw na mismo ang naglaba! Hindi mo pinalaba sa kapatid mo!” sigaw ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Nakita ko ang pagngitngit ng kanyang ngipin dahil sa sinabi ko kaya siya na ang kumalas sa pagkakahawak ko sa kanyang braso. “Mga bwisit!” sigaw niya sa amin. “Kaya ka siguro hindi hinahanap ng tatay mo dahil malas ka, Anna!” malakas niyang sabi sa akin. Napanganga ako sa kanyang sinabi. “Malas? Ako malas? Ano ka pa? Tandaan mo, palamunin ka rito sa bahay kahit anak ka ni tiya Rosing!” madiin na sabi ko sa kanya at dinuro ang noo niya. “Argh! Mga bwisit!” sigaw niya sa amin ni Mark at dire-diretso lumabas ng bahay. Napailing na lamang ako sa kanyang ginawa. Nilapitan ko si Mark at tinignan ang ginawa niya sa dress ni Alyssa na iyon. Nakita ko nga ang laylayan ng black dress na sinasabi ni Alyssa, nagkaroon iyon ng white spot doon. “Ate Anna, paano na po ito?” tanong ni Mark sa akin at dama ko sa boses niya ang takot. Ngumiti ako sa kanya. “Ako na bahala rito, Mark. Huwag mong intindihin ang kapatid mong may sira sa utak!” saad ko sa kanya. Tumango siya sa akin at umalis sa may lababo. Napakamot ako sa aking buhok at ang ginawa ko na lamang sa black dress na ito ay gawan ng white spot sa laylayan para maging design. Mabuti na lamang ay maganda naging kinalabasan. Tinawag ko muli si Mark para sabihing banlawan na niya ang dress ni Alyssa. “Thank you po, ate Anna! Ako na po bahala rito!” saad niya sa akin. Tumango na lamang ako sa kanya. Lumakad na ako papasok sa loob ng kʼwarto ko para maligo na rin. Alas-diyes na ng umaga. Ang bilis ng oras. Kinuha ko na ang towel, underwear and cycling shorts ko. Lumabas na rin agad ako at pumasok sa banyo namin. Naging mabilis ang pagliligo ko dahil baka ma-late na ako this time. Nang makaligo na ako ay lumabas na rin ako agad at nakita ko si Mark na nagluluto naman na ng hotdog and itlog. Hinayaan ko na lamang siya at nagmadali pumunta sa kʼwarto ko. Mabilis akong nagbihis at nag-asikaso, naglagay lamang ako ng kaunting make-up sa mukha ko at lumabas na rin. Nang makalabas ako ay nakita ko ng nakahanda na ang pagkain na niluluto ni Mark kanina. “Ate Anna, kain na po tayo!” sabi niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at nagsandok na ng kanin. Pagkatapos kong kumain ay aalis na ako. “Mark, nasaan si tiya Rosing?” tanong ko sa kanya habang kumakain na ako. “Nagtinda po ng kakainin sa simbahan. Hindi na po ako pinasama ni Mama dahil kaya na raw po niya ngayon,” sabi niya sa akin. Napatango na lamang ako sa kanya at nagpatuloy sa pagkain ko. Nang matapos akong kumain ay umalis na rin ako. Nagpaalam na rin ako kay Mark Nang makalabas sa kanto namin ay nakasabay ko pa si Red na papunta sa terminal ng jeep kaya nagsabay na kaming dalawa. Nag-kʼwentuhan na lamang kaming dalawa sa jeep habang papunta sa Mall ngayon. Hindi nga namin napansin na malapit na pala kami sa Mall ngayon, kaya bumaba na kaming dalawa sa gilid ng Mall. Mabuti na lamang ay hindi kami na-traffix ngayong araw kumpara kahapon talaga. Nakapasok na kami sa loob sa locker room namin pero ganoʼn na lamang ang pagkahinto ko nang sumakit ang tiyan ko. Napahinto ako sa harap ng locker room ko at tinignan ang calendar sa phone ko. Binilang ko iyon at nakita kong ngayong week akong magkakaroon. Hinanap ko iyong lalagyan ko, nakita kong may dalawang sanitary napkins pa ko, laking pasasalamat ko. Kinuha ko ang isang sanitary napkin ko at pumunta sa restroom namin. Naglagay na agad ako ng napkin sa panty ko. Ayokong hintayin na tagusan ako. Kahit sabihin mong black slacks itong suot namin. Nag-umpisa na ang shift namin ngayong araw pero iyong pananakit ng aking tiyan ay lalong lumalala. Nagka-cramps iyong tiyan ko. Kaya ang ginawa ko ay kinausap ko ang manager namin. Hindi ko kaya ang sakit ng tiyan ko kapag may dalaw na talaga ako. “Maʼam, pʼwede po bang mag-half day today? Hindi ko po kaya ang sakit ng tiyan ko today. Menstruation cramps po,” sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pagtingin ng manager ko sa akin. Babae rin siya katulad ko kaya alam kong alam niya ang nararamdaman ko ngayon. “Okay, Miss Santos! Paki-fill up na lamang ito, okay? Then, pʼwede ka ng umuwi,” sabi ni Manager sa akin. Tumango ako sa kanya. “Thank you po,” saad ko at kinuha ko ang inabot niya sa akin. Yumuko ako sa kanya at finill-up-an na iyon para maibalik na rin agad. Nang mafill-up-an ko iyon ay binalik ko na rin agad kay Manager at lumakad na ako papunta sa locker room namin. Kinuha ko na ang gamit ko at lumabas na sa locker room namin. Pagkalabas ko ay nakasalubong ko si Alena “Half day ka, Anna?” tanong ni Alena sa akin. Tumango ako sa kanya. “Yah, Alena! Masakit ang puson ko! Hindi ko kaya,” sabi ko sa kanya. Tinignan niya ako at saka dahan-dahan tumango sa akin. “Ganoʼn ba? Ingat sa pag-uwi, Anna!” malakas niyang sabi sa akin at tumango ako sa kanya. “Thanks! Good luck sa work today!” saad ko naman sa kanya pabalik at lumakad na ako palabas ng restaurant. Sa likod na ako dumaan. Bago ako umuwi sa amin ay dumaan muna ako sa supermarket store. Need ko munang bumili ng sanitary napkin ko and cravings ko today na chocolate. Ganito ako kapag nagkakaroon. Napagawi na ako sa supermarket na nasa ground floor ng mall na ʼto. Kumuha lang ako ng blue basket ko at naglibot na agad ako rito. Hindi na ako magtatagal dahil sumasakit na talaga itong puson ko, ramdam ko ring may bumubulwak sa aking p********e. Kumuha ako ng tatlong sanitary napkin ko at dalawang pang-night na napkin, para walang tagos na mangyayari. Nang matapos kong makakuha nuʼn ay sinunod ko ang chocolates na kanina pa ako natatakam. Isang box ang kinuha komg chocolate, iyong nabibili lang din sa tindahan. Nang wala na akong nakalimutan ay pumunta na rin ako sa cashier at nagbayad na rin ako. Nilagay ko sa bag ko ang pinamili ko, inayos ko lamang iyon para wala akong bitbit. Lumabas na rin ako sa Mall at nakasakay rin naman agad ng jeep, mabuti na lamang ay eksaktong may dumaan agad. Nakapagbayad na rin ako ng pamasahe ko, baka makalimutan ko pa. Habang nandito ako sa jeep ay hindi ako mapakali. May nararamdaman akong hindi maganda habang palapit na palapit na ako sa kanto namin. Napapalunok na ako rito sa nerbyos sa hindi ko malamang dahilan. “Para po, Manong!” malakas na sabi ko at kinatok nang malakas ang bubong ng jeep niya. Mabuti na lamang ay narinig niya rin. “Saglit lang po, ha?” saad ko at bumaba na ako sa jeep. Iyong jeep kasi rito sa terminal ay dumadaan sa may kanto namin kapag pabalik. Malapit na rin kasi kami sa terminal nila, kaya hindi ako nahihirapan sumakay kapag papasok, except sa pag-uwi galing mall. Nangunot ang noo ko nang makita ang mga mata nilang nakatingin sa akin. Nakapasok na ako sa eskinita namin at ang mga mata ng tsismosa sa amin ay parang may pinahihiwatig sa akin ngayon. “Hoy Anna! Maaga ka ngayon, ha? Kaya ka ba umuwi dahil nalaman mo ang nangyari sa mga pinsan at tiya Rosing mo?” tanong sa akin ni aling Marisol — nanay nuʼng Dylan na playboy. Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. “Po?” takang tanong ko sa kanya. “Kaninang tanghali, bago mag-alas dose ay may pumuntang tatlong kalalakihan sa bahay niyo at sunod naming narinig ay may mga umiiyak na, Anna! Sa takot namin ay umalis kami sa harapan ng bahay niyo. Sa nakalipas ng labing lima minuto... Tama, ʼdi ba? Saglit lang din iyon Agnes?” Napangiwi ako nang kinumpira pa niya sa kapwa niya tsismosa ang oras. Nakita ko ang pagtango ni aling Agnes kay aling Marisol. Hindi lamang iyon dahil bakit nasa tapat sila ng bahay namin? Ganoʼng nasa kabilang side sila ng eskinita, ha? Grabe talaga ang mga tsismosa, ano? Kailangan talaga nilang sumagap ng tsismis. Hindi yata mabubuo ang araw nila ng walang tsismis. Napapailing na lamang ako sa aking sarili. “Basta ganoʼng oras, Anna! Lumabas ang tatlong kalalakihan, ang lalaki ng mga pangangatawan. Nakakatakot silang titigan. Nang makaalis ay sumilip kami sa bahay niyo, ang gulo! Hindi lamang iyon dahil may pasa ang tiya Rosing mo! Sino ba ang mga iyon, Anna?” Napaawang ang aking labi sa sinabi niya kaya tumakbo ako nang mabilis papunta sa bahay namin. May pasa si tiya Rosing?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD