CONTRACT #7

1859 Words
MABILIS akong tumakbo papunta sa bahay namin. Mabilis na kumabog ang aking dibdib habang palapit ako nang palapit sa bahay namin. “Anna, ano bang mayroʼn ngayon sa bahay niyo, ha? Sino ang mga lalaki na iyon?” Napahinto ako at napalingon kina aling Marisol and aling Agnes na nakasunod pala sa akin ngayon. Adik ba sila, huh? “Sino ba ang mga lalaking pumasok sa bahay niyo, Anna?” tanong muli ni aling Marisol sa akin. Napailing ako sa sinabi ni aling Mirasol. “Hanggang dito po ba ay hahanap pa rin kayo ng tsismis, aling Marisol and aling Agnes?” galit na tanong ko sa kanya. “Kung gusto niyo pong makahanap ng tsismis dapat nagtanong na kayo sa tatlong lalaki kanina. Iyong lumabas sa bahay po namin. Baka po roon ay makasagap kayo ng exclusive news kung anong nangyari kanina!” bulyaw ko sa kanila at tinarayan silang dalawa. Iniwan ko sila roon at tumakbo na muli papunta sa bahay ni tiya Rosing. Napahinto ako at napahawak ako sa aking tuhod, naramdaman ko ang hingal pagkatapos kong tumakbo hanggang sa may eskinita namin. Pinakalma ko ang aking sarili bago ako muli lumakad papunta sa harap ng bahay nila tiya Rosing. Palihim akong lumingon sa paligid at nakita ko ang iilang kapit-bahay namin na nakatingin sa akin ngayon. Lahat sila ay mukhang makiki-tsismis sa akin. Tinarayan ko silang lahat at lumakad na ako papunta sa tapat ng bahay namin. Naririnig ko ang mga bulong-bulungan nila sa paligid ko, hinayaan ko na lamang sila. Iyon kasi ang role nila rito sa mundong ibabaw, ang maki-tsismis. Kinuha ko ang susi sa sa bag ko at nilagay iyon sa door knob namin, pinihit ko iyon at ganoʼn na lamang ang pagkahakbang ko pa-atras nang makita ko ang loob ng bahay namin ngayon. Nagulat ako nang makita ang itsura ng bahay ni tiya Rosing. Sa pinto pa lamang ay nakakalat na ang mga sapatos namin, ang basurahan sa gilid ng pinto at higit sa lahat ang walis tambo na naputol sa gitna. Ang tagal na sa amin ang walis tambo na ito! Tapos masisira lamang. Lumakad pa ako papasok ng bahay ni tiya Rosing hanggang may narinig akong boses na umiiyak. Nakita ko pa rin sa gilid namin ang mga mono blocks naming nakakalat, mabuti na lamang ay hindi sira ang mga iyon. “Ate Anna!” malakas na sabi ni Mark sa akin nang makita niya ako. Tumakbo siya palapit sa akin at niyakap niya ako nang mahigpit. “Ate Anna, m-may pumasok pong m-mga k-kalalakihan sa bahay k-kanina po... Ginulo nila ang bahay n-natin...” naiiyak na sabi ni Mark sa akin habang nakayakap pa rin siya sa akin. Nagulat ako sa kanyang sinabi. Totoo ang sinabi nina aling Marisol and aling Agnes kanina. Nakaawang ang aking bibig habang nakatingin sa kanilang lahat. “Ikaw! Ikaw ang may kasalanan nito, right? Dahil sa katangahan mo kaya kami pinasok ng mga lalaki na iyon!” malakas na sabi ni Alyssa sa akin. Nagulat ako nang duruin niya ako ng kanyang kanang hintuturo. Napapikit na lamang ako nang makitang palapit na si Alyssa sa akin pero biglang humarang sa harap ko si Mark. “Anong ginagawa mo, Mark? Umalis ka sa harap niya!” Napadilat ako nang marinig ang matinis na boses ni Alyssa. “A-ano ba ang pinagsasabi mo, ha? W-wala akong kinalaman sa nangyayari ngayon, Alyssa!” sigaw ko sa kanya pabalik. I heard her laughed at me. “Really? Putangina mo ka, Anna! ʼDi ba, matalino ka, ha? Bakit sa simpleng description ni Mama ay hindi mo na sunod, ha?” bulyaw niya sa akin. Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi. “Huh? A-anong pinagsasabi mo?” naguguluhan kong tanong sa kanya. “Hindi ko alam ang pinagsasabi mo, Alyssa!” dagdag na sabi ko sa kanya. Tumawa siya nang malakas dahil sa sinabi kong iyon. “Ah? Iyong bag na binigay ni Mama sa iyo! Kanino mo bini—” Hindi na naituloy ni Alyssa ang sasabihin niya sa akin nang awatin siya ni tiya Rosing. Nagulat ako nang makita ko si tiya Rosing nang malapitan ngayon. Nakita kong may pasa siya sa kanyang kanang labi, sa may sulok nuʼn. “T-tiya Rosing...” tawag ko sa kanyang pangalan. “Anna.” Seryosong ang mukha ni tiya Rosing nang tawagin niya ang pangalan ko. “Kanino mo binigay ang bag na pinaabot ko sa iyo, Anna?” tanong niya sa akin at ramdam ko ang kaba sa boses niya. Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa tanong niyang iyon. “Iyong bag po?” tanong ko sa kanya at tumango siya sa akin. “Sa binilin niyo po sa akin, tiya Rosing. Sa lalaking naka-formal attire po, ʼdi ba po? Sa lalaking naka-formal attire na lalapit po sa akin,” sabi ko sa kanya. Sinunod ko ang binilin niya sa akin nang araw na iyon. Kaya impossibleng nagkamali ako sa pinagbigyan ko ng bag na iyon. “Talaga bang inabot mo sa lalaki ang bag, Anna?” nanginginig na tanong ni tiya Rosing sa akin nang paupuin niya ako sa mono blocks na mayroʼn kami. Tumango muli ako sa kanya. “Opo, tiya Rosing! Hindi po ako nagkakamali sa lalaking pinagbigyan ko po nuʼn! Ganoʼn na ganoʼn po ang suot niya ng ibigay ko po ang bag sa kanya,” mahabang sabi ko sa kanya. Nakita ko ang paghinga niya nang malalim at hindi lamang iyon dahil kita ko sa mga mata niya ang lungkot sa mukha niya. “Ganoʼn ba, Anna? Pero, bakit sinabi nila na hindi nakuha ng lalaki ang bag?” Ramdam ko ang dismaya sa mukha ni tiya Rosing nang sabihin ko iyon. “A-ano po ba ang laman ng bag na iyon, tiya Rosing?” pagtatanong ko sa kanya. Napatingin ako kay Alyssa na galit pa ring nakatingin sa akin. Aba, sundutin ko ang mata niya! Si Mark naman ay nasa likod ko at nakadantay na ang kamay niya sa aking balikat. Napatingin sa akin si tiya Rosing. Nakita ko ang pag-alon ng kanyang lalamunan habang nakatingin sa akin. Kita ko sa mga mata niya na nag-aalinlangan siya kung sasagot siya sa aking tanong. “Hindi ko rin alam... Hindi ko alam kung anong laman ng bag na iyon, Anna!” madiin niyang sabi sa akin at lumihis ang tingin niya sa mga mata ko. “Eh, kung naibigay mo naman pala ang bag! Bakit sila pumunta rito, ha? Ano iyon? Trip lang nilang guluhin ang bahay? Hindi lamang iyon, Anna, pinagtsi-tsismisan na tayo rito sa kalye natin!” malakas na sabi niya sa akin at napapa-padyak pa siya dahil sa inis. Napanganga at napailing na lamang ako sa kanya. Iyon pa talaga ang pino-problema niya, ha? Hindi ba niya alam na may pasa si tiya Rosing ngayon? “Aba, malay ko, Alyssa! Basta naibigay ko ang bag sa lalaking iyon!” malakas na sabi ko sa kanya. Umiinit na ang ulo ko dahil nga mayroʼn ako ngayong araw. Napapikit ako at pinakalma ang aking sarili dahil nararamdaman kong umiinit na ulo ko ngayon. “Urgh! Ang bobita mo talaga, Anna!” sigaw niya sa akin. Napanganga ako sa kanya at hindi makapaniwala na tumingin kay Alyssa ngayon. Gusto ko siyang sabunutan pero pumasok na agad siya sa loob ng kʼwarto niya. Bwisit! “Ate Anna, huwag mo na lamang pansinin si ate Alyssa,” mahinang sabi ni Mark sa akin, na nasa likod ko pa rin siya hanggang ngayon. Napalingon ako sa kanya at tumango. “Okay,” tipid na sagot ko sa kanya. “Ligpitin na lang natin ang mga ito, Anna and Mark...” saad ni tiya Rosing sa amin kaya tumango kami sa kanya. Mabuti na lamang ay walang nasira sa gamit namin. Kaya laking pasasalamat ko dahil ang mga naipundar ni tiya Rosing at ng asawa niya ay hindi nasira. Ilang oras din kaming naglinis sa bahay namin at maging ang mga kurtina ay pinalitan na namin. Para kaming nag-general cleaning sa ginawa namin ngayon. Nang matapos na kami at pumasok na muna ako sa banyo namin. Nalalagkitan na kasi ako sa p********e ko, kaya nagpasya akong maghilamos na agad para mawala ang lagkit feels ko. Nakahinga rin nang malalim at guminhawa ang pakiramdam ko nang lumabas ako sa banyo. “Anna,” tawag ni tiya Rosing sa akin. Napahinto ako sa pagkuskos ng aking buhok dahil sa pagtawag niya sa akin. “Lumabas na muna kayo ni Mark ngayon. Wala pa tayong ulam para sa hapunan natin. Wala rin tayong bigas,” sabi ni tiya Rosing sa akin. Napatingin ako kay tiya Rosing at tumango ako sa kanya. Binigyan ako ni tiya Rosing ng limang daan pesos. Sinuksok ko iyon sa bulsa ng suot kong short, baka mawala pa kasi. Pumasok na ako sa loob ng kʼwarto ko habang kuskos pa rin ang aking buhok. Tumutulo pa kasi. Nang makapasok ako rito sa kʼwarto ko ay sinampay ko rin ang aking towel at nag-ayos na ako ng aking mukha. Naglagay rin ako ng polbo sa mukha mo para mawala gaano ang aking pimples mark. Nang makitang maayos na ang pagmumukha ko para lumabas ay lumabas na rin ako sa kʼwarto ko. Pagkalabas ko ay nakita ko na si Mark na naka-upo na sa mono blocks na mayroʼn kami. “Tara na, ate Anna?” tanong niya sa akin nang makita niya ako. Tumango ako sa kanya at kumuha na muna ako ng tatlong eco-bag, para sa bigas at ulam na bibilhin namin. Hindi na rin ako nagdala ng bag, sinuksok ko na lamang ang eco-bag sa short na suot ni Mark. Napatingin ako kay tiya Rosing pero may inaasikaso na siya sa kusina namin. Si Alyssa naman ay hindi na lumabas sa kʼwarto niya. Wala talagang silbi ang isang iyon! Lumabas kami ni Mark sa bahay namin. Pagkalabas pa lamang namin ay ramdam kong may mga mata nang nakatingin sa amin ni Mark. Aba, gusto niyo bang makarinig ng tsismis sa amin, ha? Asa kayo! Napatingin ako sa kanila at sinamaan ng tingin ang mga tsismosa sa paligid namin. Ngumisi ako kina aling Marisol, aling Agnes at iba pa nilang squad sa tsismosa club sa eskinita namin, sunod na ginawa ko ay ang pagtaas ko ng aking right middle finger sa kanila. “Tsismis? Die!” madiin na sabi ko sa kanila at hindi pa rin binababa ang aking middle finger sa kanilang lahat. “Ate Anna...” Nanginginig na boses ni Mark sa akin at hinawakan niya ang aking kanang braso pero umiling ako sa kanya. “Deserve nila iyon, Mark! Kaya huwag kang matatakot, okay? Ano bang pake nila sa buhay natin, right?” matapang na sabi ko sa kanya at lumakad na kami palabas sa eskinita habang nakataas pa rin ang aking kanang kilay sa kanila. Deserve nila iyon! Lalo naʼt mga tsismosa sila. May mga sariling buhay sila, buhay nila ang i-tsismis nila. Bwisit talaga sila!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD