CONTRACT #5: MISTER KENTA POV

1900 Words
NAKA-RECEIVE ako ng tawag mula kay Rainer. Pinapapunta niya ako sa isang fast-food restaurant ngayon dahil nasiraan ang kotse niya at hindi niya raw masusundo si Miss Isa kung hindi ako pupunta. Ang gago! Hindi lamang iyon dahil idadamay niya raw ako kay Master. Gagong Rainer! Kaya heto ako nagmamadaling nagmamaneho para puntahan ang gagong Rainer na iyon. Iniwan ko tuloy sa kambal na Alfonso sina Young Master Blade and Young Master Blaze, dapat ingatan nila ang tagapagmana ng mga Zenger. Napasandal na lamang ako nang makita ko ang pagmumukha ni Rainer sa phone ko. Tumatawag siya ngayon pero hindi ko pinansin ang call niya. Hinayaan ko na lamang iyon hanggang mawala ang pangalan ng Rainer na iyon. “f**k!” mura na sabi ko nang maipit ako sa traffic ngayon. Lalo akong napasandal tuloy at nilakasan ang volume ng sound kong nandito sa loob ng kotse. “Tsk!” I clicked my tounge because of my frustration. Hindi ko na napigilang bumusina nang dalawang beses. Lalo lamang uminit ang ulo ko nang makitang wala talagang usad, isama mo pang nakikita ko na naman ang pangalan ni Rainer sa phone screen ko. Wala na akong nagawa kung ʼdi kunin sagutin ang tawag ng gagong ito. “What?” tipid na sagot ko mula sa kanya. “Kenta, nasaan ka na? Maagang lalabas ngayon si Miss Isa!” bulyaw niya sa kabilang linya kaya napailing ako sa kanya. “f**k! Donʼt f*****g shout, Rainer!” malakas na sigaw ko at laking pasasalamat ko na gumalaw na ang mga kotse sa harapan ko. “Paano hindi kita sisigawan, Kenta! Mayayari ako kay bossing kapag hindi ko nasundo si Miss Isa!” Napapikit na lamang ako at habang sinasabi sa aking isipan na kontrolin ko ang aking sarili. “Iʼm on my way, Rainer!” madiin na sabi ko sa kanya. “Really? Nasaan ka na ba, Kenta?” tanong niya muli sa akin. “Gago ka, nasa kalsada pa rin ako! Traffic dito sa sinasabi mong daan! Kasalanan ko bang nasiraan ka ng kotse! Bakit hindi mo muna chineck niyang bulok mong kotse bago mo sunduin Miss Isa!” bulyaw ko sa kanya pabalik. Mainit ang ulo ko dahil sa kanya. “Hindi ko naman alam na sira ang gagong kotse na iyon, Kenta! Teka, tatawagan ko muna si Miss Isa na huwag muna lumabas sa campus nila! Tangina, baka bugahan ako ng apoy ni bossing! Kapag nangyari iyon ay idadamay kita Kenta!” Napanganga ako at napailing sa sinabi ng gagong Rainer na ito sa akin. “f**k you!” madiin na sabi ko sa kanya at pinatay ang tawag niya. Binuksan ko ang bintana rito sa side ko at kinuha ang isang piraso ng yosi. Sindihan ko iyon at sininghot na siyang paglabas ng usok na galing sa aking bibig. Ganito ako kapag kinakabahan. Gagong Rainer kasing iyon, pati ako dinamay. Pʼwede naman niyang utusan ang isa sa kambal ng mga Alfonso! Talagang ako ang tinawagan ng gago! Umusad na rin ang pag-andar kaya ang ginawa ko ay hinulog ko na lamang ang aking sigarilyo sa kalsada at tinaas muli ang bintana. Kumain ako ng menthol candy para mawala ang amoy ng sigarilyo sa akin. Laking pasasalamat ko ay naging tuloy-tuloy ang andar na nito hanggang makarating na ako sa fast food restaurant na tinutukoy ni Rainer. Hindi ko sa alam sa gagong ito bakit dito siya nagpapasundo sa akin. Sobrang layo pa nito sa campus ni Miss Isa. Pinarada ko ang aking kotse. Lumabas ako para hanapin ang gagong Rainer na iyon. Tinatawagan ko siya ngayon pero hindi sumasagot sa akin. Kung kailan ako ang tumatawag ay hindi ako sinasagot. “Mister!” Nagulat ako nang may malakas na sumigaw at nakita ko ang babaeng papalapit sa akin. “Kayo po ba ang tinutukoy ni Tiya Rosing? Heto po niyong bag na pinapasabi niya!” mabilis na sabi ng babaeng nasa harapan ko ngayon. Sa tansya ko ay nasa edad na 20ʼs pa ang isang ito. Inabot niya sa akin ang isang bag at ngumiti nang napakalaki. “Akala ko po ay hindi na kayo sisipot, Mister! Muntik na po akong umalis dahil may work pa po ako!” malakas niyang sabi sa akin ka akala mo ay naka-megaphone ang bibig dahil sa lakas nuʼn. Naguguluhan ako sa kanya habang nakatingin sa hawak kong bag na pinipilit niyang sa akin daw ito. Gago! Ni-hindi ko nga siya kilala! Saka hindi ko kilala iyong tiya Rosing na sinasabi niya. Sino ba ang isang ito? “Wa-wait, Miss!” awat ko sa kanya. Napahinto siya at napatingin sa akin muli. Nakita ko na naman ang ngiti niya sa kanyang labi. “Wala po akong kinuha d'yan, Mister! Basta po nasa inyo na iyan, ha?!” malakas niyang sabi sa akin at mabilis na lumakad. Oh f**k! Nakatingin lamang ko sa kanya habang papalayo ang bulto ng babaeng iyon. Nang mawala siya sa paningin ko ay tinignan ko itong bag na binigay niya sa akin. Para saan ito? “Kenta! Nandʼyan ka na pala! Bakit hindi ka nagsasabi, ha?” Nawala ang tingin ko sa bag na nasa kamay ko ngayon. Nakita ko si Rainer na naglalakad palapit sa akin. “Bakit parang gulat na gulat ka? Alam kong gwapo ako, Kenta, kaya please lang huwag kang ma-in love sa akin. Hindi tayo talo, ha? Babae rin ang hanap ko!” malakas na sabi ni Rainer sa akin. Napangiwi na lamang ako sa kanya at binatukan ko siya. “Gago!” malutong na mura ko sa kanya. Narinig ko ang malakas niyang pagtawa dahil sa sinabi ko at naglakad na kaming dalawa. “Kaninong bag iyan? Nagba-bag ka na ba ngayon?” tanong ng gagong ito sa akin. “Gago!” mura ko sa kanya at nauna na akong sumakay sa kanya. “Bakit dito ka nagpasundo, ha?” tanong ko sa kanya nang makasakay ako sa kotse. Tinago ko ang bag na binigay sa akin sa ilalim ng driver seat. Hindi ko pʼwede ilagay ito sa backseat dahil doon uupo si Miss Isa mamaya. “Dito ako nasiraan! Nagpatulong lang ako sa mga lalaki na nandito para dalhin sa talyer ang kotse pero negative ang pagpapaayos. Kaya binenta ko na lamang iyon sa kanila! Bibili na lang ako ng bago!” mayabang na sabi ni Rainer sa akin. Bibili? Isang himala kung bibili siya! Baka kukuha lang iyan sa family niya, lalo naʼt importer ng mga kotse ang pamilya ng gagong ito! “Dalian mo na mag-drive, Kenta! Tangina, baka hinihintay na tayo ni Miss Isa!” malakas na sabi ni Rainer sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at ini-start ko na ang kotse. Bago kami umalis sa fast food restaurant na ito ay may nahagip akong isang lalaki, naka-formal attire pero hindi ko na lamang iyon pinansin iyon dahil ang gagong katabi ko ay kanina pa ako kinukulit. Kaya magmaneho na ako papunta sa campus ni Miss Isa. Ayoko rin mapagalitan ni Master Kaiju. Nang makarating kami sa campus ni Miss Isa ay lumabas si Rainer para sunduin si Miss Isa. Kaya naghintay lamang ako rito hanggang makita ko muli silang dalawa. “Sorry, Mister Kenta kung nagpahatid kami sa iyo,” saad ni Miss Isa sa akin nang makapasok siya sa kotse. Ngumiti ako kay Miss Isa. “No worries po. Trabaho po namin ito, Miss Isa!” sabi ko sa kanya. “Aba, ang bait mo kapag kausap si Miss Isa, Kenta, ha? Pero, nuʼng ako ang kausap mo kanina ay pinagmumura mo ko!” natatawang sabi ni Rainer sa akin kaya sinipa ko siya. Tinitigan ko lamang siya at pina-andar na muli ang sasakyan pauwi sa mansion ng mga Zenger. “Kenta, buksan mo ang music ng car mo! Naiinip na si Miss Isa sa ginagawa mo!” malakas na sabi ng gagong Rainer na ito. Wala naman sinasabi si Miss Isa! Siya lang itong may gusto mag-music ngayon. “ʼDi ba po, Miss Isa, gusto niyo ng music?” malakas na tanong nito kay Miss Isa. Napatingin ako sa rear view mirror at nakita ko ang gulat sa mata niya. Sa isang iglap ay tumango na lamang si Miss Isa. Hindi rin makatanggi si Miss Isa sa Rainer na ito. “See, Kenta? Gusto rin ni Miss Isa ng tugtog! Ang boring mo naman kasi!” malakas na katyaw nito sa akin. Napabuga na lamang ako sa sinabi ng gagong Rainer na ito at tinignan ko siya kung paano galawin ang kotse ko. Napapikit ako dahil sa sobrang lakas ng ginawa ni Rainer. “Hoy, hinaan mong gago ka!” malakas na sigaw ko sa kanya. Hindi ko mabitawan ang manibela para takpan ang tenga ko dahil ma-a-aksidente kami. “Gago, naiingayan na rin si Miss Isa!” malakas na sabi ko sa kanya pero ang gago ay tuwang-tuwa sa nangyayari. Ipaparada ko na sana ang kotse sa gilid pero bigla ring hininaan ni Rainer ang sound. “Gago ka!” malakas na mura ko sa kanya. Pero, agad ko ring naalala na kasama namin sa iisang kotse si Miss Isa. “Sorry po, Miss Isa, hindi po kayo iyon. Sa gagong Rainer po iyon!” hingi kong paumanhin sa kanya. “Aba, may favoritism ka talaga, Kenta! Ako itong first love... First friend... And your first ki—” Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin ay pinagmumura ko muli siya. Sa susunod na hihingi na tulong ito, hindi ko tutulungan. Gagong Rainer! Nakabalik na kami sa mansion ng mga Zenger. Huminto ako sa harap mismo ng main door para pababain sina Miss Isa and si Rainer. Nagbigay pa nga ng nakakalokong ngiti bago bumaba ang gago! Pinakyuhan ko nga. Inikot ko na muli ang kotse ko papunta sa parking na mayroʼn dito sa mansion ng mga Zenger. Huminto ako roon at pinarada ito nang maayos. Bago ako bumaba sa kotse ay naalala ko ang bag na inabot ng babae sa akin kanina. Malaka ang kutob kong napagkamalan niya ako. Naalala ko iyong lalaking naka-formal attire rin na katulad ko, mukhang doon niya dapat ibibigay. “Tsk! Bakit ko pa ba iniisip ang babaeng iyon?” kausap ko sa aking sarili at bumaba na lamang, na dala ang bag na inabot niya. Lumakad ako papunta sa likod ng mansion at doon ay tinignan ko ang bag na binigay ng babaeng iyon sa akin. Ganoʼn na lamang ang gulat ko nang makita ang laman ng bag. “Oh f**k! Party drugs!” madiin na sabi ko. Tinitigan ko pa nang mabuti ito at hindi nga ako nagkakamali. Party drugs ang lahat ng nasa bag na ito. Bakit may party drugs na hawak ang babaeng iyon? Kasama ba siya sa mga sindikato ngayon na nababalitaan? Impossible! Sinabi niya kanina na pinapaabot lang sa kanya ito ng tinatawag niyang tiya Rosing. So, hindi niya alam kung anong laman ng bag na ito. Lalo naʼt nakatali ang zipper ng mga ito. Napailing na lamang ako at hindi na ako nag-aksaya ng oras na sunugin ang mga ito. Anong kinalaman ng babaeng iyon sa party drugs na ito? Pinabibigay lamang daw ito ng tiya Rosing niya. So, meaning... Wala siyang alam kung anong laman ng bag na ito. Kailangan ko siya muling makita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD