CONTRACT #8

1951 Words
KINABUKASAN, nagulat ako nang may biglang kumalabog sa labas ng kʼwarto ko. Napabangon agad ako dahil sa kaguluhan na naririnig ko ngayon sa labas. Kinuha ko ang brassiere na nakasabit sa kama ko at sinuot ko muna muli iyon bago ako lumabas sa kʼwarto ko. Pagkalabas ko ay napahinto ako nang may makitang isang lalaki na nasa loob ng bahay namin. Nasa harap ni tiya Rosing ang lalaking iyon. May malaking pangangatawan at may taas na higit kumulang na 5'6. Kaya kahit antok na antok pa ako at masakit ang puson ko dahil may buwanang dalaw ako, gising na gising na ako ngayon. Nawala ang antok ko. “Ano, Rosalie? Nasaan ang bag na binigay namin sa iyo!” baritonong sabi nuʼng lalaki kay tiya Rosing. Nagulat ako nang lumapit si Mark sa akin. “Ate Anna, i-isa siya sa mga pumasok kahapon,” mahinang sabi ni Mark sa akin. Humawak siya sa aking braso at nanginginig ang kamay niya nang humawak siya sa akin. Hinawakan ko rin ang kamay niyang nakapatong sa aking braso. “Just relax, Mark, okay?” mahinang sabi ko sa kanya. Tinignan niya ako at tumango sa akin. “Okay po, ate Anna...” nanginginig na sabi niya sa akin. “Hoy, huwag mong sasaktan ang Mama ko! Hindi namin alam ang sinasabi mong bag!” malakas na sabi ni Alyssa at inaawat ang lalaki sa harap ni tiya Rosing. Humiwalay ako kay Mark at lalapit na sana ako kina Alyssa and tiya Rosing nang mapatingin sa akin si Alyssa. Nakita ko na naman ang glit niyang mukha. “Siya! Siya iyong nagbigay ng bag! Kaya siya ang tanungin niyo!” malakas na sabi ni Alyssa at nakaturo pa ang kanyang kanang hintuturo sa akin. “Tanungin mo siya!” malakas niyang sabi sa akin. “ʼDi ba? Ikaw! Ikaw iyong nagbigay ng bag na tinutukoy niya! So, nasaan ang bag na iyon, Anna!” hiyaw niya sa akin at naiinis na tumingin sa harap ko. Napa-atras ako nang dahil sa ginawa ni Alyssa. Nakita ko ang lalaking napatingin sa akin, nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga na tumingin sa akin. Napalunok ako nang humakbang na siya palapit sa akin, kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. “H-huwag siya! Huwag ang pamangkin ko!” malakas na sabi ni tiya Rosing at humarang siya sa lalaking papalapit na sana sa akin. “Tarantado!” malakas na sabi ng lalaki kay tiya Rosing at hinawi niya ang tiya ko. Lalo akong umatras nang dahil doon nang makitang palapit na siya sa akin. “A-ate A-Anna...” tawag ni Mark sa akin at nakita kong nasa tabi ko na siya. Pinalakihan ko ng mga mata ko si Mark para umalis sa aking tabi. Baka kasi mapahamak pa siya kapag katabi ko siya. Hindi namin kaya ang lalaki na ito lalo naʼt sobrang laki at nakakatakot ang pagmumukha niya, may peklat pa siya na pababa sa kanyang kanang mata. Napalunok ako ng nasa harapan ko na ang lalaki. Para akong nanliit ngayon sa kanyang harapan. Nakakatakot ang mga mata niyang nakatingin sa akin ngayon. “Nasaan ang bag?” tatlong salita lamang iyon pero abot-abot na ang kabang nararamdaman ko ngayon. Paulit-ulit akong napalunok dahil sa tanong niyang iyon. “N-n-naibigay ko na iyon,” nauutal kong sabi sa kanya. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya. “Kanino?” madiin niyang sabi sa akin at hinawakan ang aking kanang braso. Sobrang higpit iyon na siyang pagpikit ko ng madiin. “S-sa l-lalaking n-naka-formal attire rin po!” natatakot kong sabi sa kanya kaya napalakas ang aking boses. “Wala sa mga kasamahan ko ang bag na binigay mo! Naghintay nang matagal ang lalaking kukuha ng bag pero hindi ka dumating!” madiin niyang sabi sa akin. Gulat ang mga mata kong napatingin sa kanya. “Ha? P-pero s-sa kanya ko binigay ang bag! Sa kanya ko binigay!” malakas na sabi ko sa kanya at tinitigan siya. Binitawan niya ang aking braso, napapikit ako dahil akala ko ay sasampalin niya ako. Nakahiga ako nang maluwag ng hindi. Nakita kong may kinuha siya sa kanyang bulsa, ang phone niya. Nakita ako ang mabilis niyang pagkalikot doon hanggang pinakita niya sa akin ang phone niya. “Heto ba? Heto ba ang pinagbigyan mo ng bag?” matapang na tanong niya sa akin. Nakita ko ang isang picture na nasa phone niya. Nakita ko ang isang lalaki na kalbo. Nakangiti iyong lalaki sa picture na pinakita sa akin, kita pa nga ang gilagid. “Heto ba ang lalaking pinagbigyan mo ng bag?” tanong niya muli sa akin. Napalunok ako dahil hindi ito ang lalaking iyon. Napalunok ako nang palihim at hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya, na hindi ito ang lalaking napabigyan ko. Napatingin ako sa kanya at nanginginig ang aking buong katawan dahil sa sasabihin ko. “H-Hindi siya...” mahinang sagot ko. “Ano ang sinabi mo?” tanong niya sa akin. “Hindi ko marinig!” malakas niyang sabi sa akin. Hinawakan niya muli ang aking kanang braso, muli akong napapikit dahil sa sakit. Doon kasi siya humawak kanina. “H-hindi siya iyong lalaking napagbigyan ko!” ulit na sabi ko sa kanya. Hindi ko alam pero naramdaman kong may tumutulo na sa aking magkabilang pisngi. “H-h-hindi siya ang pinagbigyan ko ng bag...” saad ko muli sa kanya at hindi ko na napigilang mapaiyak. “A-Anna...” Narinig ko ang boses ni tiya Rosing ng tawagin niya ang pangalan ko. Napatingin ako sa kanya habang lumuluha pa rin ako. “Sorry po, t-tiya R-Rosing... H-hindi po sa lalaking iyon... Hindi po sa kanya... Hindi ko sa kanya naibigay ang bag...” nauutal kong sabi sa kanya. Narinig ko ang mura ng lalaking nasa harapan ko ngayon. “Hindi mo ba alam kung magkano ang laman ng bag na iyon, ha?!” malakas na sabi ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Nakakatakot siya. Kaya napahawak na lamang ako sa aking magkabilang kamay sa isaʼt-isa. Napapikit na naman ako nang makita ang kamay niyang pa-angat sa akin. Hinihintay kong lumapat ang kamay niya sa mukha ko pero nakaka-ilang minuto na ang nakakalipas pero wala akong naramdaman. “Ako ang saktan mo! Walang alam ang pamangkin ko tungkol dito! Kasalanan ko kung bakit hindi nakarating ang bag sa lalaking iyon! Ako ang saktan niyo! Huwag ang mga anak at pamangkin ko!” Narinig ko ang sigaw ni tiya Rosing kaya napadilat ako. Nakita ko si tiya Rosing na nasa harapan ko ngayon. “T-tiya Rosing...” tawag ko sa kanyang pangalan. Tinignan lamang niya ako at umiling sa akin. Pinahihiwatig niyang huwag na akong sumabat. Nakita ko ang pagngisi ng lalaki kay tiya Rosing at ganoʼn na lamang ang pagkalaki ng aking mga mata nang makita ang nilabas niya sa suot niyang pants. Baril. “H-huwag po!” malakas kong sabi sa lalaking nasa harapan namin. “Huwag po! M-maawa na po kayo! I-ibabalik ko po ang bag sa inyo! H-huwag niyo lang pong sasaktan ang tiya Rosing ko!” madiin at seryoso kong sabi sa kanya. Nakita ko ang pagtingin at pagngisi ng lalaki sa aking harapan. “Kaya mong ibalik?” nakakalokong tanong niya sa akin. “Alam mo ba kung magkano iyon?” tanong niya sa akin. Umiling ako sa kanya. Hindi ko naman kasi alam. Hindi ko nga rin nakita kung ano ang laman ng bag na iyon dahil nakatali ang zipper ng mga iyon, kaya paano ko mabubuksan para masilip ang laman, ʼdi ba? “Six million,” tipid na sagot niya sa akin. Hindi ako makapaniwala na tumingin sa kanya. “6M?” I murmured sa sinabi niyang iyon. “Kung hindi mo maibabalik? O, mababayaran? Buhay niyong apat ang kapalit!” nakangising sabi niya sa akin. Natakot ako sa klase ng kanyang pananalita sa akin. Pakiramdam ko ay totoohanin niya iyon. Hindi ko alam pero tumango ako sa kanya. “Maibabalik ko iyon, pangako! Bigyan mo ko ng isang linggo para mahanap ko ang lalaking napagbigyan ko ng bag!” seryosong sabi ko sa kanya. Ngumisi siya sa akin. “Isang linggo! Kapag wala pa rin ng isang linggo...” Sumenyas siya sa akin na parang giniliitan ang kanyang leeg. “Papatayin namin kayo!” nakangising sabi niya sa akin. Napalunok ako nang dahil doon. Pero, tinatagan ko ang aking loob at tumango sa kanya. “Pangako!” seryosong sabi ko sa kanya. Dinaanan niya si tiya Rosing at nilapitan niya ako. Nang nasa harapan ko na siya ay tinapik niya ang aking kanang pisngi. “Isang linggo, bata? Hindi ako nagbibiro sa sinabi ko kanina!” madiin niyang sabi sa akin at tumalikod na sa akin. “Mayroʼn kayong isang linggo para maibalik ang bag? O, magbayad ng six million pesos!” huling sabi niya sa amin, bago siya lumabas sa bahay ni tiya Rosing. Nang mawala na siya sa paningin ko ay roon na lamang ako nakahinga nang maluwag. Para akong nabunutan ng tinik ng dahil doon. Napaupo na lamang ako sa sahig namin na nanginginig pa rin ang aking magkabilang kamay. Sobra talaga akong natakot. “Anna!” sigaw ni tiya Rosing sa akin. “K-kaya mo ba maibalik ang bag sa loob ng isang linggo?” pagtatanong niya sa akin. Napatingin ako sa kanya na nanginginig pa rin. “H-hindi ko po alam, tiya... P-pero, h-hahanapin ko po iyong lalaking napagbigyan ko po... G-gagawin ko ang lahat para mahanap iyong lalaking na iyon...” sabi ko sa kanya na nanginginig pa rin ang aking boses. Hinawakan ni tiya Rosing ang aking magkabilang braso. “K-kapag hindi mo kaya, Anna. A-aalis na lang tayo rito,” natatakot na sabi ni tiya Rosing sa akin. “No, Mama! Bakit tayo aalis? Eh, itong si Anna ang may kasalanan ng lahat! Kaya dapat siya ang gumawa ng paraan kung paano maibabalik iyon!” sigaw ni Alyssa sa akin at dinuro-duro pa niya ako. “Tama na, Alyssa!” malakas na sigaw ni tiya Rosing sa anak niya. “Ma! Dahil sa kanya kaya tayo hina-harass ng mga kalalakihan na iyon! Dahil sa gagang Anna na iyan!” malakas na sabi ni Alyssa sa akin at tinuro muli ako. “Alyssa! Ako ang may kasalanan! Kung hindi ko binigay kay Anna ang bag na iyon, hindi magkakadaletse-letse ang buhay natin! Ako ng may kasalanan!” malakas na sabi ni tiya Rosing kay Alyssa. “Bwisit na buhay na ito! Puro ka kasi raket, Mama! Kaya heto ang buhay natin ngayon!” sigaw ni Alyssa kay tiya Rosing, kaya nakatanggap ng sampal si Alyssa sa kanya. Nakita ko ang masamang pagtingin ni Alyssa sa amin ni tiya Rosing. “Mga bwisit!” malakas niyang sabi sa amin at tumakbo palabas ng bahay. Nilapitan ko si tiya Rosing at niyakap siya sa kanyang likod. “Sorry po, tiya! Sorry po, tiya Rosing! P-pangako po, i-ibabalik ko po ang bag... Ibabalik ko ang bag na iyon...” sabi ko sa kanya. Tinignan niya ako at ngumiti siya sa akin. “Kapag hindi mo na kaya, Anna... Aalis tayo rito, ha? Aalis tayo...” sabi niya sa akin at niyakap niya kami ni Mark. Pagkatapos ng yakapan naming lahat ay humiwalay na rin kami sa kanya ni Mark. Pumasok ako muli sa kʼwarto ko. Napaupo ako sa kama at doon ay iniisip ang mga nangyari kanina. Nakatulala ako rito habang iniisip kung saan ko hahanapin ang lalaking napagbigyan ko ng bag. May isang linggo lang ako para hanapin ang lalaking iyon. Urgh, saan ko ba mahahanap ang lalaking iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD